Chapter 37
Chapter 37
Habang naglalakad ay hindi na talaga mawala-wala ang ngiti sa labi ko. I can feel how my heart beat incredibly, how my mind stuck with contentment, and how my body reacted positively. Lahat ng nangyayare sa bawat parte ng katawan, isipan at puso ko ay nagkakaisa sa isang pakiramdam; Happiness.
Hawak ang mga gamit ko ay magaan kong inihakbang ang mga paa ko. Ito na yata ang araw kung saan kahit may sandamakmak na trabaho ay masaya ako hanggang pauwi. Even Sheena is confused as hell by my sudden behaviour, pinagtimpla ko ba naman siya ng kape maghapon—Hindi naman sa 'di ko siya binibigyan ng sarili kong gawang kape, pero kadalasan kase kaylangan pa niya akong pilitin para mapapayag.
Bukod kay Miguel ay mukhang gustong-gusto rin ni Sheena ang kape ko. She even watched how I made the coffee at nang subukan niya ay hindi niya pa rin makuha ang sarap nung timpla ko. Kaya ang resulta? Ako ang palaging iniistorbo niya. Although, it's not that hassle to make one cup of coffee for her. But I stil let her insists; being so stubborn to me and acting as if she can die if I won't made her a coffee.
I like Sheena's accompany for some reason. I can't explain why but I think it because of how bubby she is with me all the time; that's why even though she's a bit annoying, I never get irritated.
Napailing na lamang ako at napadako muli sa kung ano nga ba ang nangyayare sa amin ni Miguel sa punto ng buhay kong ito.
Hindi ako sigurado kung possessiveness over a woman lang o romantic feelings na ba 'yung nararamdaman niya sa akin dahil wala pang umaamin ni isa. Pero ramdam ko naman na parang ganun na rin ang pagkagusto niya sa akin dahil sa mga pinapakita niya.
Kahit nga ang mga salita ay tila wala ng halaga dahil napaka-obvious na.
Pero kahit ganun, may part pa rin sa akin; na gustong marinig 'yung sincerity ng nararamdaman niya at hindi lang sa paraan kung paano niya ito inihayag kanina na parang pagmamarka lamang ng teritoryo.
I'm the possession of my own life, I held it and no man can claim me just like that. Kinilig man ako nang marinig ko iyon sa kanya, pero kung hindi iyon ang love language niya at talagang naging outrageous lang; pwede kaagad iyong maging toxic.
"Mukhang good mood talaga kayo ma'am." Natigil ako sa pag-iisip dahil sa isang tinig. Nilingon ko si manong guard. "Ang ganda po ng pagkakangiti niyo, ibang-iba kumpara nung nakaraan." he added.
Palihim na napatikom ang bibig ko. Siguro kanina pa ako ngiti nang ngiti kaya naging ganito ang reaksyon niya. Nakakahiya! Mamaya nagmumukha na pala akong baliw.
I cleared my throat as I slowly, composed myself. Inikot ko ang mga mata ko at masasabi kong nandito na pala ako sa loob ng building. Halos hindi ko na napansin. I think Miguel completely occupied my thought earlier that I just become so embarrassing while phasing my steps. Minsan nais ko siyang sisihin dahil tila lagi na lang nililipad ang utak ko kakaisip sa kanya.
I'm so whipped and smitten like a pussy when it comes to him.
Ikinurba ko ang labi ko para pormal na lamang siyang ngitian. Manong guard nodded with a smile on his lips too. Sinakop ng asul at puti niyang uniporme ang malaki niyang katawan. Nakapalibot ang tila armor belt sa bewang niya. Sa pagkakaalam ko, halong isang dekada ng nagtatrabaho si manong dito. At masasabi kong nararapat lamang na mabigyan sila ng may kataasang sahod dahil ni minsan ay walang nangyareng kung ano rito sa amin.
Lalagpasan ko na sana siya nang habulin niya pa ako.
"Ma'am! May bisita nga po pala kayo, kanina pa po siya pabalik-balik."
I don't know why but my heart kind of stopped a bit. Nagsalubong ang magkabilang kilay ko saka nilingon siya, at mula rito sa kinatatayuan ko ay bumaling ng tingin sa akin si manong guard.
"Sino raw po?" I asked him.
"Hindi nagbigay ng pangalan sa amin, pero mukhang kilalang-kilala ka naman ma'am. Lalaki siya.." aniya at napatango na lang ako.
"Sige manong, salamat po."
Huminga ako nang malalalim at pinagsawalang bahala na lang ang sinabi niya at sumakay na ng elevator. Habang naghihintay ay pabukas-bukas ang elevator. Maraming taong pumapasok kaya medyo natagalan pa ako. Ilang bese pa nga akong napagilid sa sulok dahil mukhang magkakasiksikan pa sa loob.
Sino naman kaya 'yung bisita ko?
Nang muling bumukas ang elevator ay napagdesisyonan ko ng lumabas. Nandito na ako sa floor ko. Inayos ko ang buhok kong nagulo at deretsong naglakad sa tahimik na hallway. Bukas man ang mga ilaw na nagbibigay liwanag sa dinadaanan ko ay hindi ko mapigilang kabahan. Bakit ba kase mukhang walang katao-tao sa floor ko? Feeling ko tuloy may mangyayareng masama sa akin sa kung saan.
Maya-maya pa ay nangunot ang noo ko nang makitang may bulto ng lalaki sa tapat ng condo ko. Natuod ako sa kinatatayuan ko. Kilalang-kilala ko kung sino iyon. Kahit nakatalikod siya at nakaharap sa pintuan ko ay tila alam ko na kung sino siya. Naramdaman niya yata ang presensya ko kaya humarap siya. And when our eyes finally met, napatiim bagang ako.
Siya nga talaga.
Ikaw na nga talaga 'yan, papa.
Naramdaman ko kaagad ang tila pangingnig ng tuhod ko sa panghihina. Ang pagsibol ng matinding emosyon sa puso ko, at ang init na umuusbong na naman sa mga mata ko. Ipinirmi ko ang labi ko at akmang tatalikuran ko na siya when he suddenly called me by my name.
"Bianca.."
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa anxiety na nararamdaman ko. Ikinuyom ko ang mga kamao ko, pinatabay ang loob at matapang siyang hinarap. Nilakad ko ang ilang hakbang na layo namin kahit gustong-gusto kong tumakbo paalis na lamang sa kanya. Hindi ko pa siya kayang harapin. Pero bakit ba lagi niya na lang akong sinusurpresa?
"Bakit ka nandito?" malamig na tanong ko sa kanya habang gamit ang matigas na ekspresyon. Matalim ang mga mata ko kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
Pero sa totoo lang, sa loob-loob ko. Gusto ko na lamang siyang yakapin at umiyak sa harapan niya; magsumbong na parang bata. Pero may pader na pumipigil sa akin para gawin 'yon. O baka kase gusto ko ng tanggapin na kahit ano man ang mangyare, hindi na mababalik pa 'yung dati. Konektado man ang mundong ginagalawan namin, pero ibang-iba naman na ang bawat takbo nito.
Nakakalungkot man at unfair sa part ko pero kaylangan kong hagkan ang reyalidad. Hindi ko alam kung paano.. Pero sa lahat ng nangyayare, isa lang ang alam ko, hindi pa ako handang makita at makausap siya dahil baka may masabi lamang akong hindi maganda. Masyado pa ring sariwa ang alaala ko kahit ang tagal-tagal na. Ganun siguro kapag masyadong masakit 'yung pinanggalingan, parang patuloy lang sa pagbukas 'yung sugat.
"A-Anak.." Hindi ko 'yon pinansin at pinindot na ang code ng unit ko.
Hinarap ko siya saka nagtanong ulit. "Anong kaylangan mo?"
Nakita ko kung papaano manlumo ang asul niyang mga mata dahil sa panlalamig ko, sa masamang asta ko. Gusto ko mang hampasin ang sarili ko dahil alam kong naapektuhan siya ngunit sadyang ayon ang gustong sabihin ng bibig ko. Ganun siguro talaga kapag matagal mo ng kinikimkim 'yung sakit, ano? Kahit hindi mo sinasadyang maging rude ay kusang nangyayare.
"C-Can I come?" he asked, still stuttering. Tinignan ko siya nang matagal bago ako walang ganang napatango sa kanya.
Binuksan ko ang pinto at sinenyasan ko siyang pumasok. Kung maaari ay ayaw ko siyang titigan sa mata dahil sa tuwing nakikita ko ito ay naaalala ko ang mga alaala namin nung bata pa ako. Kung paano ako matuwa tuwing nakikita ko ang mga mata niya at kung gaano ko hiniling na magkaroon ng kulay na matang gaya niya.
Bahagya kong isinara ang pinto, hindi ko ito ni-lock dahilan para magkaroon pa rin ito ng siwang. Alam ko namang paaalisin ko rin siya agad. Kung maaari kase ay ayokong magtagal siya rito kasama ako. Hindi ko kakayanin iyon.
Habang palihim na pinapanood kung paano niya tignan ang condo ko ay nakita ko ang munting tuwa sa mga mata niya na unti-unti ay nahahaluan din ng pigil na kalungkutan. Sumibol ang sakit sa dibdib ko na walang awang dumeretso sa puso ko. Bakit ba sa kaunti niyang aksyon ay nasasaktan na kaagad ako?
"Can we talk..?" Narinig kong tanong niya. Palihim akong napalunok at tinuro ang isang sofa kaya naupo naman siya.
Mula sa gilid ng mga mata ko ay tahimik kong pinagmasdan ang kasuotan niya. Ganun pa rin ang ayos niya. Palaging nakapormal na polo na nagbibigay linaw sa kakisigan ng katawan niya. Kapansin-pansin na kahit may katandaan na si papa ay hindi pa rin kumukupas ang gandang lalaki niya. Parang wala pa rin namang pagbabago.. Pero sino nga ba ang lolokohin ko? Alam kong meron, marami ng nagbago.
Nang makitang komportable na siya ay sa kabilang sofa naman ako naupo kaya magkaharap kami ngayon.
"Anong pag-uusapan natin?" Walang emosyong tanong ko.
"Bianca.." Tinitigan niya ako. "K-kumusta ka?"
My heart started to ache. Naramdaman ko ang lalong pagkuyom ng kamao ko nang magpaulit-ulit ang tanong niya sa isip ko. Kumusta ako? Sa loob ng higit na anim na taon, kumusta nga ba ako?
"Ayos naman," nangingising bulong ko sa malamig na tono at sarkastiko pa rin ang dating.
"A-anak.." Pagak akong natawa sa muling tinawag niya. "Anak mo pa pala ako? Akala ko nakalimutan mo na."
"Bianca.. H-hindi 'yan totoo." Napailing siya.
"Talaga..? Then explain why papa. Bakit mo ako iniwan at inabandona?" Ipinirmi ko ang labi ko. "B-bakit mo ako pinabayaan kay mama?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit hindi mo ako binalikan papa!" piilit pinapahinahong giit ko sa kanya.
"A-Anak babalikan naman talaga kita—" he tried to reason out but I snapped him immediately.
"Babalikan?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo papa?" Nagtama ang mata naming dalawa. I'm so mad at him. How could he say that thing easily?
"Naghintay ako nung mga panahon na 'yon pa.." I laughed without any humor. "S-sabi mo kase babalik ka.. Ang sabi mo aalis ka lang at babalik ka. Naniwala ako noon.. N-Naniwala akong babalikan mo ako. Ang sabi mo kase, saglit ka lang 'di ba?" I ask every words painfully.
"I-I'm sorry.." Napayuko siya at napuno bigla ng pagsisisi.
Inilingan ko lamang siya at dismayadong tinignan.
"Sa loob ng anim na taon, sorry lang ang sasabihin mo? Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko! Hindi mo alam.. Wala kang alam!" Dumagsa muli ang sakit sa puso ko sa mga alaalang pumasok sa isip ko. "Wala ka nung mga panahong kaylangan na kaylangan kita.. W-Wala ka nung mga panahong nangangailangan ako ng isang ama.. Wala ka nung mga panahong w-walang wala na ako! Nung mga panahong halos patayin na ako ni mama sa gulpi at bugbog.. W-Wala ka para ipagtanggol ako!" nasasaktang sabi ko sa kanya matapos bumuntong hininga. "Pero naniwala ako sa'yo! Nagkaroon ako ng pag-asa dahil naaalala ko 'yung mga sinabi mo.. S-Sabi mo babalikan mo ako.. Ang sabi mo s-saglit ka lang.. Saglit ka lang, papa!"
Hindi ko mapigilang mapahikbi sa sakit, pinipigilan ko ang pag-iyak ngunit tila pinapangunahan na ako ng boses ko, pinapangunahan na ako ng damdamin ko. Sobrang hirap, sobrang nasasaktan na kase talaga ako.
"Naghintay ako." halos bulong ng sabi ko sa kanya. "Hinintay kita papa.. K-Kahit sinasabi ni mama na hindi mo na ako babalikan! Naniwala ako sa'yo.. Naniwala ako sa mga pinangako mo.. Sa mga sinabi mo!" Puno ng hinanakit ang boses ko habang nagsasalita. "Naniwala ako sa'yo pa, kahit k-kamuntikan na akong magahasa ng mga lalaking kasama ni mama! Nangako ka kase na babalik ka at ikaw 'yung magiging tagapagtanggol ko pero walang papa'ng dumating nung araw na 'yon.."
Napatingala siya sa akin sa gulat. Umuwang ang bibig niya habang tila pinoproseso ang mga sinasabi ko. Nang manlumo ang mukha niya ay sakto ko namang naramdaman ang pagdaloy ng mainit na luha mula sa mga mata ko.
"Takot na takot ako nung araw na 'yon.. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo para matakasan sila.. Kung saan ako pupunta para maging ligtas ako at hindi na nila ako magalaw pa." Nagtagis ang bagang ko at naramdaman ko kung paano maging tensyonado ang dibdib ko.
Galit ko siyang nilingon. "Wala kang alam kung ano ang naging buhay ko sa kamay ni mama sa ginawa mong pag-abandona, papa." Kumuyom ang kamao ko saka puno ng pang-aakusa siyang tinignan sa mga mata. "Iniwan mo ako, at naging makasarili ka!"
"A-Anak.." ang nasabi na lamang niya, tila hindi na niya alam kung ano ang dapat sabihin sa akin. Gulat na gulat siya at malaya iyong mababakas sa ekspresyon niya.
"Tapos.." Nangingiting bulong ko saka inalala kung gaano kalawak ang ngiti niya nung nakaraan. "T-tapos makikita na lang kitang masaya sa sarili mong pamilya? Habang ako mag-isa.. Habang ako nahihirapang sumurvive sa mundong iniwan mo.. Habang ako nasasaktan sa nalaman ko.. Sa mga k-kasinungalingang binuo niyo.." Napayuko ako sa panghihina. "A-Anak mo lang pala ako sa labas, pa. Anak mo lang pala ako sa pagkakamali!"
"A-Anak.. I dont know what to say," nahihirapang bulong niya saka tumingin sa akin.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi.
"Pinalayas ako ni mama, nasagasaan ako at alam mo ba.. Nagulat ako nang malamang buntis ako.."
"W-what?!" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"Ang galing 'di ba? My 19 years old young self back then is already carrying a child.. B-But you know what happened hm? Nadamay siya papa sa kamiserablehan ng buhay ko. Nawala 'yung anak ko nang hindi ko manlang alam na nandito na pala siya sa sinapupunan ko." Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko. "Na-depressed ako, depress na depress ako to the point na ilang buwan ako sa rehab! Sinisisi ko ang sarili ko dahil naging pabaya ako. A-Anak ko na 'yon papa, pero nawala pa.. Wala na siya."
My lips trembled and next I knew; my voice broke already. I fee like.. My heart is being crushed harshly as it literally broke apart again. Nagsilaglagan ang walang katapusang luha sa mga mata ko. Nanginig ang mga kamay ko at kumawala ang pinipigilang hikbi mula sa bibig ko.
"Nasasaktan ako nang sobra kapag iniisip ko ang lahat ng 'yon papa. K-kayo 'yung magulang ko e.. Kayo 'yung bumuhay sa akin sa mundo. Kayo 'yung dahilan kung bakit nandito ako ngayon.. Pero kasama rin ba do'n 'yung saktan ako nang ganito?" Walang kabuhay-buhay na tanong ko sa kanya pero umuwang lamang ang bibig niya. He looks so speechless.
Napasinghot ako. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Nanghihina ang katawan ko dahilan para mapasandal ako sa sofa na kinauupuan ko. Ramdam ko na rin ang tila hilong tumatama ngayon sa ulo ko. Pero pinilit kong magsalita pa, sinubukan kong titigan ang asul niyang mga mata sa abot ng aking makakaya.
"Sa anim na taon na sinubukan kong tumayo sa sarili kong paa. Pilit kalimutan ang purong hirap at sakit na pinaranas niyong dalawa. Siguro bukod sa nawalan ako ng anak.." Mapait akong napangiti matapos kong lumunok. "Yung makitang masaya ka sa pamilya mo na para bang wala kang pakealam sa nararamdaman ng inabandona mong anak.. A-ang pinakamasakit."
Nagdaan ang sakit, kalungkutan at pagsisisi sa mga mata niya na napalitan ng pagtutol. Tila ba hindi sang-ayon sa sinasabi kong—kawalang pake niya sa akin. Ngunit hindi nagbago ang ekspresyon ko at nagawa pang maging sarkastiko.
"Natanong ko nga ang sarili ko e." Umayos ako ng upo saka tinignan nang matiim ang namumula niyang mga mata. "Paano ka nagiging masaya papa, kung may anak kang iniwan na lang nang basta-basta?"
"Bianca.. A-Anak.. "
"Ngayong nasabi ko na lahat ng gusto ko, siguro naman malinaw na. Bukas ang pinto, you may now leave me alone papa." Walang emosyon akong tumayo sa sofa.
Owtomatikong napatayo rin siya. Hindi ko pinansin ang mga mata ni papa na namamasa-masa na, tila nagbabadya na roon ang luhang pinipigilan niya mula kanina. Nagmamakaawa niya akong tinignan matapos subukang abutin ang kamay ko pero lumayo ako.
"A-Anak.. Mahal na mahal kita.." Mas lalong naging malamig ang mga mata ko. "P-Patawarin mo ako.. Patawad prinsesa ko—" Napaiwas ako ng tingin sa narinig kong tawag niya.
"Alis!" mariing salita ko at nauna ng pumunta sa pinto.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Sinubukan niya muling abutin ang kamay ko ngunit iniwas ko lamang ito. Malungkot niya akong tinignan pero sadyang sarado pa ang isip at puso ko na malaman ang side niya. Bumagsak ang mga balikat niya at naging dismayado dahilan para buksan ko na ang pintuan ng condo ko.
Sabay kaming napatingin sa dalawang taong gulat na gulat ang ekspresyon ngayon. Si Auntie at.. Boss? Oo nga pala pupunta sila rito ngayon. Bakit nga ba nawala sa isip ko? Napabuntong hininga ako at hindi na lamang silang pinansing dalawa.
Pagkalabas na pagkalabas ni papa ay agad ko namang isinarado ang pinto. Narinig ko pa ang marahas na kalabog no'n ngunit hindi ko na 'yon pinagtuunang pansinin at nanghihinang napasandal na lamang sa likod nito.
"T-tama, umalis ka na papa." mahinang bulong ko saka pinunasan ang luhang sumampal sa pisnge ko. "Iwan mo ulit ako.. Tutal doon ka naman magaling mula umpisa."
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top