Chapter 34
Chapter 34
Mahina akong napadaing nang maramdaman ang pananakit ng ulo ko. I can feel how my brain crumpled frantically within its veins and I can say that it's so damn painful. Nangunot ang noo ko at iretableng minulat ang mga mata. At first, I can't really see where I am.
Nanlalabo ang mga mata ko at hindi ko ito masyadong maimulat. Inangat ko ang kamay ko at tinanggal ang kung ano mang nasa mata ko. Ang dami ko yatang muta. Nang maging malinaw na ang paningin ko ay nilibot ko ng tingin ang buong paligid.
Nanliit ang mga mata ko. Pamilyar ang kwartong ito. Nasa condo ba ako ni boss? Sa isiping 'yon ay kaagad akong napabangon at naglakad palabas. Hawak ang balikat ay ginalaw-galaw ko ang ulo ko. Parang patang-pata ang katawan ko sa kung saan. Pumipintig din sa sakit ang ulo ko and I'm thankful dahil kahit papaano ay nagagawa ko namang mag-isip.
"What.. happened?" Namamanat ang boses ko habang nagtatanong. Natagpuan ko si Miguel sa kitchen.
Malaki ang kitchen niya, may malapad na counter sa pinakagitna na para na ring dining area sa lawak. Mukhang dito na rin siya mismo kumakain.
Napalingon si boss sa akin kaya alam kong tagumpay kong nakuha ang atensyon niya sa kung ano mang ginagawa niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mukha siyang bad mood nang magtama ang mga mata namin. He actually glared at me. Tama bang ayon ang ibungad kapag may taong kagigising lang?
"Sit woman.." utos ni Miguel sa akin.
Although I'm confused as hell, I still obeyed him. Naupo ako sa silver round tool na pinalibutan ng itim na shade gaya nung pattern ng kusina niya. Sa totoo lang ay nanakit pa rin ang ulo ko at mas lumalala yata iyon dahil ang suplado niya na naman sa akin.
Wala sa sariling hinilot ko ang sintido ko. What is happening to me..? My head hurts so much.
"Humigop ka muna ng sabaw.." Miguel snapped my thoughts when he started to stare at me intently.
Hindi na ako nakaangal pa dahil inilapag niya na ang mangkok sa harapan ko. Nasa kabilang panig siya nung counter, nasa tapat ko at naka-cross arms sa akin. Huminga na lamang ako nang malalim at humigop ng limang sandok. Mukhang wala naman na rin akong choice dahil napaka-bossy ng aura niya ngayon.
"Take this.." Nang makitang nagkalaman na kahit papaano ang sikmura ko ay inabot niya naman sa akin ang isang gamot. Mukhang pain killer.
Naguguluhan man dahil mukhang handang-handa at tila inaasahan niya na ang ganito kong sitwasyon ngayon ay walang imik ko itong tinanggap.
Maya-maya pa ay katahimikan na ang namayani sa pagitan namin. Hindi na siya kumibo pa kaya pinilit kong manahimik na lamang kahit wala talaga akong maintindihan sa nangyayare. Napayuko ako at mabilis na napangiwi nang hindi pa umepekto ang gamot.
"A-ang sakit.." Annoyed, I hit my forehead multiple times—thinking that it can help a bit.
Akmang pupokpukin ko muli ang ulo ko nang mapahinto ako. Pinigilan ni Miguel ang braso ko, nahawakan niya ang kamay ko. Kunot ang noong napatingala ako sa kanya.
"Stop it." May halong pagbabanta ang boses niya habang napakapanganib naman ng tsokolate niyang mga mata.
Ngumuso ako at walang nagawa kung hindi ang sumunod. Naibaba ko ang tingin ko at bahagyang napalunok. Nalalasahan ko pa ang sabaw na hinigop ko kanina kaya uminom muli ako ng tubig na nasa gilid ko. I distracted my self to the water I was swallowing—But in just a snapped as I glanced at the man in front of me; looking so mad and furious at this moment, I tried to be collective.
"Ano bang nangyare?" mahinang bulong ko, pilit kong pinapalambing ang boses para kumalma siya. "P-paano ako napunta rito?"
Umangat ang mukha niya matapos maupo sa harapan ko. Inikot niya ang stool na kinauupuan niya at humalukipkip sa akin. Suplado niya akong tinaasan ng kilay.
"You didn't remember?"
"Remember what?" I trailed his last word, but I ended sighting.
His expression hardened even more as he tsked in frustration. I groaned silently while looking at him. Sinubukan kong maghanap ng impormasyon sa kung ano ba ang nangyare at bakit nagkaganito ako ngayon pero wala akong napala.
Akmang tatanungin ko na lang muli siya nang magtama ang mata naming dalawa. Slowly, while searching an answer through his brown eyes; I suddenly recalled everything—Dinner celebration ni Auntie, ang pagkikita namin ni papa at ang kusa kong pagpunta sa club.
Napaawang ang bibig ko at tila nanlumo muli. Totoo palang nangyare ang lahat ng 'yon..? Akala ko masamang panaginip lang. Walang buhay akong napahilamos sa mukha ko at ramdam ko ang pagbagsak ng mga balikat ko sa sobrang kadismayahan.
"Do you have any problem, Bi?" Nang mapansin ang pagbabago sa ekspresyon ko ay kaagad na nagtanong si boss.
"It's nothing.." Napabuntong hininga ako.
Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko para lang maiwasan ang tingin niya. I can feel it.. He want to asks me more. And God knows how much I wanted to tell it to him dahil ang bigat na ng dibdib ko, sobra na. Pero may kung ano sa'king pumipigil sabihin sa kanya ang totoo. After all, he's related to him, they are so connected as well.
Nanghihinang napayuko ako. At sa pagbaba ng mukha ko ay naramdaman ko kaagad ang paglandas ng luha sa pisnge ko. Nagtubig ang mga mata ko. My heart throb in pain and disbelief. Akala ko noon lang ako mahina, but I guess; I'm wrong. Maski hanggang ngayon pa rin pala.
Tahimik akong napahikbi habang nagsisilabasan ang mga luhang punong-puno ng pighati at hinanakit.
"B-Bianca.. Are you okay?" Inangat ko ang tingin kay Miguel when he became worried. Pilit akong ngumiti sa kanya bago ko pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"I'm okay—"
"No.." Tinitigan niya ako. "You're not fucking okay!"
"P-paano mo naman nasabi hm?" Mapakla akong natawa. Walang kabuhay-buhay ko siyang nilingon.
"Bianca.." he called me. His chocolate, brown eyes soften as he looked at me with confusion displayed on his face.
Mapait akong ngumiti sa kanya. Hinayaan kong tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko. Ramdam ko kung gaano kainit ang luha ko, tila kinimkim nang napakatagal sa loob at ngayon lang tuluyang lumabas.
"Y-you're right.. I'm not okay.." I slowly shook my head. "Never been okay.. Are you now happy?"
Nang makitang napatulala siya ay tumayo ako at tinalikuran na siya. Ayokong mabuhos sa kanya 'yung nararamdaman ko. Hangga't maari, I want him—out of this issue, sila ni Auntie. Although alam kong 'di mapipigilan 'yon but as long as I can.. I want myself to handle it on my own. It's between me and his stepfather, they're out of it. Hindi ko sila kaylangang idamay.
Natigil ang paghakbang ng paa ko at kumabog nang husto ang dibdib ko nang bigla ay maramdaman ko na lamang ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko patalikod. He's hugging from the back and I can feel how his massive chest collide with my shoulder.
"B-boss.. Bitaw.." Owtomatikong hinawakan ko ang kamay niyang nasa tiyan ko.
"No.." He affirmed. "Let me, Bianca."
Pinatigas ko ang ekspresyon ng mukha ko saka ipinirmi ang labi kahit nanghihina na talaga ako. Kumawala ako sa kanya. Pilit kong binabaklas ang yakap niya sa akin pero masyadong matigas ang ulo ni Miguel dahil imbes na pakawalan ako, mas hinigpitan niya pa ito.
"Let me.." aniya muli at napapikit na ako nang mariin. Nagsilabasan muli ang luha sa mga mata ko hanggang sa maramdaman ko na lang ang pag-comfort niya sa akin dahil humihikbi na pala ako.
"Hush, baby.." pagpapatahan niya sa akin bago niya ako marahang iharap sa kanya. Nawalan na ng lakas ang katawan ko at tuluyan na akong napasandal sa dibdib niya.
"S-sobrang nasasaktan na ako.. Nahihirapan na ako, Miguel. Ang sama ng pakiramdam ko, ang bigat ng dibdib ko at parang kaunti na lang ay bibigay na ang puso ko." Naluluhang bulong ko. "Pagod na pagod na ako, Miguel.. Ayoko ng masaktan, pero bakit paulit-ulit ko na lang nararamdaman?"
Huminga ako nang malalim at mapait na napangiti. Ramdam ko ang pait sa bawat lunok ko at ang tila nagbabagang luhang umaalpas sa pisnge ko. Para akong sinusunog nang paulit-ulit sa sobrang sakit.
"Anong karapatan niya para pasamain nang ganito ang loob..?" Hindi ko mapigilang suntukin ang dibdib ni Miguel. "A-anong karapatan niya.."
"Oo at siya.. sila 'yung dahilan kung bakit ako nabuhay dito sa mundo. Pero kung ganitong buhay din pala ang ibibigay nila, kung ganitong sakit at paghihirap pala ang ipararanas nila sa akin.." Tiningala ko siya saka napailing. "Tang ina.. M-mas mabuting hindi na nila ako binuhay pa."
"B-Bianca.. No.." Miguel's lips trembled. "S-Stop saying that one, please?"
Napatakip ako sa mukha ko.
"Yes, and even it also hurts me.. I-I can still endured seeing you with this tears. But to gave up, and to wish that you don't want to exist in this world?" Humigpit ang hawak niya sa balikat ko. Mahahalata sa mukha niya ang pangamba. "Damn it, Bi. Don't break my heart."
Napakagat ako sa pang-ibbabang labi at napaluha na lamang. Marahan namang inangat ni Miguel ang mukha ko gamit ang kamay niyang humahawak sa panga ko. Napatingala ako sa kanya, lumamlam naman ang tsokolate niyang mga mata nang matagpuan ang mga mata ko.
Inangat ni Miguel ang hinlalaki niya saka marahan at puno ng ingat na pinunasan ang luhang nagbabadya na namang tumulo mula sa mga mata ko. Napalunok ako. Pero dinampian niya lamang ako ng mainit na halik sa noo ko. The way he show his care to me right now made me feel loved and valued.
"I.." I drew out a deep, shaky breath.
'H'wag kang magalit sa taong kinailangan kang iwan, tama man o mali ang kanyang dahilan.' Biglang pumasok sa isip ko ang mga salita ni father Leo noon nang nagmimisa kami. Tinanong namin kung bakit, pero ito ang isinagot niya na nagpatahimik sa amin. 'Dahil mas mabuti ng mang-iwan kaysa makipag-siksikan. Marahil ang dahilan ng katapusan ay hindi ang katotohanan na may panibagong aasahan kundi ang reyalidad—na lahat ng bagay, matibay man o hindi ay may hangganan.' Lalo akong napaiyak. Naramdaman ko naman ang muling pagyakap sa akin ni Miguel.
"Just keep fighting, Bi. I know that you're strong." Miguel whispered near my ear. "I don't know kung ano bang nangyayare sa'yo at kung ano ba ang nagiging dahilan ng pagluha mo. But time will arrive, and everything will be alright again. Trust the timing, Bianca. Your moment will also come."
"I hope so.." Wala sa sariling tugon ko sa kanya bago napapikt at tuluyang magpadala sa dilim. "S-sana nga Miguel.."
Walang buhay, matamlay at wala akong gana habang nasa sasakyan. Nandito ako sa passenger seat habang nagmamaneho naman si boss. Panay ang pagsulyap niya sa akin habang pilit ipinupunta ang atensyon sa daan.
"N-nasan nga pala ang sasakyan ko?" pagbabasag ko sa katahimikan.
"Pinadala ko na kay manong.."
Tahimik na tango ang isinagot ko sa kanya. Tumingin ako sa labas saka pinagmasdan ang mga dinadaanan namin. Unti-unting nangunot ang noo ko nang makitang hindi kami papunta sa tinitirahan ko.
Tinignan ko siya. "S-saan mo ako dadalhin? Hindi naman papuntang condo ko ito.."
Ngumiti lang si Miguel sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang magkibit-balikat. Wala ako sa mood para makipag-usap sa kanya matapos kong ipakita kung gaano ako kahina sa harapan niya kanina. Nakatulog din ako matapos kong umiyak, at nagising na lang ako sa pagkalam ng sikmura ko.
Sinabi ko sa kanyang aalis na ako pero he insist na ihatid niya raw ako at napapayag na lang din ako. Kilala ko ang sarili ko, maari akong mapahamak kung ako pa mismo ang magmamaneho lalo na't wala pa ako sa wisyo kahit nasa tamang pag-iisip naman na ako.
Matapos kong umayos ng upo ay napailing ako. Marahas akong bumuntong hininga. Hindi pa rin mawala-wala ang bigat na nararamdaman ko. The pain feel like eternity.
"We're here.." Nilingon ko si Miguel nang marinig ko siyang magsalita. Naabutan ko naman siyang nagtatanggal ng seatbelt na suot dahilan para tanggalin ko na rin ang akin.
Napatingin ako sa paligid pagkatapak pa lang ng paa ko sa sahig, at laking gulat ko nang makita kung nasaan kami.
"Let's go.." Tumingin ako sa kamay na nakalahad sa harapan ko, tumingala ako kay Miguel.
Puno ng suyo ang mga mata niya, tila binibigyan ako ng dahilan para tuluyan na ngang mapanatag. Bumilis ang pintig ng puso ko. May kung anong humahaplos sa dibdib ko sa kung gaano siya kung mag-alala. I know that Miguel can be sweet if he want, but him being my comfort zone in my worst part hits so differently.
Slowly, with all the dramas, a smile finally formed on my lips. I let him hold my hand. Nang maglapat ang mga palad naming dalawa ay nagtaasan ang mga balahibo ko. Dumaloy ang kuryente sa pagitan naming dalawa, pero imbes na magitla ako ay kakaibang gaan ng pakiramdam ang naramdaman ko. If only he knows how much his actions affects me..
"Sana lagi ka na lang masaya.." ang naging bulong niya. Narinig ko iyon pero hindi ko pinahalata.
"Ikaw ba 'yan.. Miss Bianca?" Napalingon ako kay Madre Lita na nasa harapan namin ngayon.
Tumango ako sa kanya saka magalang na nagsalita. "Opo, bibisitahin ko po ang mga bata."
"Ganun ba?" Mabilis na sumilay ang ngiti sa Madre saka napalingon sa katabi ko. "Sino naman itong kasama mo?" she asked me.
"Uh.." I tried to trail my words as I glance to my boss who's looking at us seriously. Akmang magsasalita na muli ako nang biglang magtanong si Madre Lita.
"Ikaw ba ang nobyo ni Bianca?" Nagsalubong ang kilay ko at palihim na napakamot sa kilay.
"Hindi po—" I shook my head but this time, it's Miguel who cut me off.
"Opo," magalang na sabi ni boss na ikinalaki ng mga mata ko. "Ako po si Miguel."
"Mr. Falcon?" tila nakikilalang tanong ni Madre Lita at nagawa pang pakatitignan ang katabi ko.
"Kilala mo po siya?" Nangunot ang noo ko. Pero ngumiti lang siya sa akin. "Aba'y oo naman ija, gaya mo ay bumibisita rin siya rito. Hindi nga lang sindalas mo, pero nagpupunta siya minsan."
Gulat akong napalingon kay Miguel na nakangiti lang sa naging reaksyon ko. Maaliwalas ang mukha niya habang pinagmamasdan ako. He seems so happy that we also have some similarities.
"Oh siya, mukhang mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa." Nahinto ang eye contact namin nang magsalita si Madre Lita. "Pagpalain kayo ng Diyos.. Naroon sa play ground ang mga bata."
"Sige po, maiwan na po muna namin kayo.."
"Pagpalain kayong dalawa.." Malumanay ang boses niya kaya napatango na lang ako.
Nilakad namin ni Miguel ang mahabang daan mula sa gitna. Kaliwa't kanan ang iba't ibang uri ng silid at pasilyo sa gilid. Tahimik at payapa ang lugar na ito. Nang madaan namin ang isang chapel ay nag-sign of the cross kaming dalawa.
"Habulin mo 'ko!" Narinig kong hiyaw ng kung sino. "Waa ayan na ako!"
Kasunod ng mabibilis na hakbang ay ang maliligalig na tawanan. Naabutan namin ang mga batang naghahabulan mula sa malawak na hardin. Pawisan ang mga ito pero kita pa rin ang kasiyahan sa mga mata nila. Mabilis na sumilay ang matamis na ngiti mula sa labi ko at wala sa sariling nagtatakbo patungo sa kanila.
"Kids.. Ate Bianca is here!" I beamed to surprise them.
Nahinto sila sa kanilang pagtakbo at sabay-sabay na napalingon sa akin. Nang matagpuan nila ang mga mata ko ay nanlaki ang mga mata nila.
"Waa Ate Bianca!" They all scream at nagtakbuhan patungo sa akin. Kaagad ko naman silang sinalubong ng yakap habang nakaluhod ang isang tuhod sa damuhan.
"I missed you all, kids."
"We missed you too, Ate Bianca!"
My heart melt as they stared at me lovingly. Binigyan ko sila ng tig-iisang halik sa noo dahilan para magbungisngisan ang mga ito.
"Oh? Saan niyo ako dadalhin?" I pout my lips. Gamit ang maliliit nilang kamay ay hinawakan nila ang dulo ng damit ko na para bang pinapatayo.
Mahina ako natawa at sumunod na lamang sa kanila. They're so cute, and adorable.
"Ate Bwanca.." Kinarga ko ang pinakabata sa kanila na si Lei Anne
I smiled sweetly at her. "Yes, baby Lei.."
"Lei Anne mwiss mwu." Mula sa nalulukot niya ng damit na kulay berde ay naglalambing siyang sumandal sa akin.
Sinimulan ko siyang paulanan ng halik. "Ate.." Sa kanang pisnge. ".. Bianca," Papuntang ilong. "Miss.. " At pataas sa noo. "You.." Hanggang sa labi. "too.."
"Ate Bwanca!" tili nito nang pindot-pindutin ko ang tiyan niya. May kiliti kase siya roon.
Natutuwa ko siyang tinignan. Kahit kaylan talaga ay napakacute ng batang ito. Nang bumaba siya mula sa yakap ko para magpahabol ay napailing ako bago makipaghabulan na nga sa kanila.
"Hahabulin na kayo ni Atee!" pananakot ko pa dahilan para makagulo silang lahat at sabay-sabay na magtungo sa isang dereksyon.
"Waa!"
"Andiyan na si Ate!"
"Waa! Ate Bianca!"
"Malapit na ako!"
"Noo!!"
Binilisan ko ang mga yabag ko at hinuli na sila. Bawat isang nahahabol ko ay kinikiliti ko sa parte ng kanilang katawan na alam kong kahinaan nila. Tawa ako nang tawa dahil sa naririnig kong hagikgik at tili ng mga bata. Stress reliever ko talaga sila. Ilang buwan na rin ang nakalipas at ngayon ko na lang ulit sila nadalaw.
I accidently discover this orphanage 5 years ago, simula no'n ay palagi na akong pumaparito. Dito lang kase ako nakakaramdam ng kapayapaan at katahimikan. I love children so much, sila ang dahilan at naging pag asa ko noon.
"Ate Bianca naman ih!"
"Walang makakaligtas sa inyo!"
"Waa!"
Nakipaglaro ako sa kanila at hinayaan ang sariling makipagsabayan sa mga gusto nila. Nang mapagod ay sabay-sabay kaming bumagsak sa damuhan. Napangiti ako habang tinitignan ang pawisang mga bata na pinalilibutan ako. Gaya ko ay hingal silang lahat.
Napatingin ako kay Cyrus na maaliwalas ring nakatitig sa akin. Anim na taon na ito. Lalaki at napakainosente ng mga mata, mabait na bata gaya ni Lei Anne kahit na silent type of kid. Nakakasiguro akong kasing edad na siya ng anghel ko kung nabuhay ito. With that thought circulating in my mind, I heaved a sigh.
I also missed my angel..
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top