Chapter 21
Chapter 21
Halos 10 pm na rin nang makabalik ako sa condo ko. Hindi ko inakalang nagtagal din pala ako ng stay sa unit ni James. Patunay na kahit hindi ko man ganun kakilala ang batang iyon ay nakakasigurado akong 'di siya 'yung tipo ng lalaking nananamantala.
Naupo ako sa sofa nang hindi ako makatulog. Bumalik kase bigla 'yung sama ng pakiramdama ko, at hindi ko na talaga iyon nagugustuhan. Sobrang heavy na ng mga mata ko, parang gusto ng pumikit para magpahinga ngunit hindi pinapayagan ng diwa ko. Buhay na buhay ito, more likely.. hindi mapakali at ayaw paawat. Na naging dahilan para maging mulat ako ngayon kahit na antok na antok na ako.
Naglabas ako nang mabigat na buntong hininga. Napagpasyahan kong tawagan muna si Mr. Falcon dahil mukhang hindi ako makakapasok kinabukasan, o maaring sa susunod na araw din.
Kabisadong-kabisado ko na kase 'yung ganitong state ng katawan ko. Malamang ay magpapatuloy ang lagnat ko. Or worse, baka maging trangkaso. Mahirap pa naman akong pakisamahan kapag may sakit na tulad nito.
Nang sinagot kaagad ni Miguel iyong tawag na dinailed ko kahit hindi pa ito nakakapag-ring nang matagal ay binuka ko na ang bibig ko para i-acknowledge na siya.
"Boss—" Ngunit madali lang akong nahinto nang pangunahan at pangibabawan niya ako dahil sa biglaang pagtatanong niya.
"Where are you?" Nangunot ang noo ko.
Why do I feel like.. there is something strange to Mr. Falcon's voice this time? It's so serious, and cold; making me feel that I did something wrong, and he need an explanation.
Ipinilig ko ang ulo ko. Kung ano-ano na lang itong iniisip ko.
"Uh, Boss, I think I won't be able to work tomorrow.. or maybe in the next day too." Hindi ko sinagot ang tanong niya, at agad na lamang isiniwalat 'yung sadya ko. Wala akong lakas ngayon para obserbahan 'yung pagiging weirdo niya.
"And why.. is that?"
Huminga ako nang malalim. "I'm really sick at the moment, Mr. Falcon. I hope you understand."
"Ayan din ba ang rason kung bakit umuwi ka kaagad kanina?" he asks me, and I can't help but bit my lower lip for a seconds bago ako sumagot. "Yes, boss.."
Natahimik bigla siya.
"Really?" aniya kalaunan, ngunit klarong mahihimagan doon ang pagiging sarkastiko.
I hummed softy in response. Namamanat na talaga ang boses ko. Hindi ko na halos kayang magsalita nang maayos. But when I felt that something is definitely off in the other line.. I starts to wonder and asked him as well.
"May kaylangan po ba kayo, Mr. Falcon—" ayon na lang kase ang nakikita kong rason kung bakit siya ganito.
"Liar!" he snapped, more likely growled at me coldly kaya natigilan ako.
"W-what?" gulantang na reaksyon ko sa hindi inaasahang pag-aakusa.
Akmang kikibo muli ako, at tatanungin siya kung bakit naging ganun ang tingin niya sa valid reasoning ko for my absence—nang walang kaamor-amor na nawala siya sa kabilang linya.
Binabaan ako ni boss ng tawag.
Napasinghap ako. Binalewala ko ang narinig kong ended tone, at tinignan na lamang ang screen ng cellphone ko para kumpirmahin ang ginawa niya.. Ngunit wala na nga talaga, napunta na lang ako sa call logs.
"What the hell.." I almost exclaimed. Ano ba ang nangyayare sa kanya? Bakit ba mukha siyang galit sa akin? Wala naman akong ginawang masama ah?
Napailing ako.
Nagpaalam ako nang maayos tapos..
"Bahala siya d'yan!" salubong ang mga kilay akong napatayo.
Kinuha ko ang medicine kit na nasa ibabaw ng cabinet sa may kitchen, at hinanap ang paracetamol dito. Iinom na lang ako ng gamot. Baka mapigilan pa no'n iyong lagnat ko kahit papaano. Nagsisimula pa naman itong tumaas ngayon.
Naghugas ako ng kamay pagkatapos kong banlawan iyong basong ginamit ko. Ngunit habang dumadaloy sa balat ko ang lamig ng tubig mula sa gripo ay sunod-sunod ang naging pag-igtad ko. Inangat ko ang kanan kong kamay, at kinuha na ang malinis na towel sa gilid ng counter ko.
Marahan kong pinunasan ang magkabila kong kamay na bahagya pang nanginginig ngayon. And when I remember how my boss accused me as a damn liar earlier, imposible pero parang lalong hindi naging maganda ang pakiramdam ko.
"P-problema ba kase niya.." nanghihinang bulong ko.
Paanong ako ang liar sa aming dalawa.. Siya naman itong nagsinungaling sa akin e. Hindi niya klinaro sa akin na meron pala siyang iba. Tinago niya na in relationship siya.
Kumuyom ang kamao ko.
Masama ang loob akong nahiga sa kama. Mabuting 'wag ko na lang siyang alalahanin. Pinatay ko ang aircon na nasa kabilang side ng kama ko, at bumuntong hininga. Sa totoo lang ay nagiging sensitibo na ang pakiramdam ko.
Masyado akong nilalamig.
Kaagad kong hinila ang malambot na kumot na nakita ko, at tinalukbong ito sa buong katawan ko. I feel so cold. My whole-being become frigid and the infrequently quiver of the fingers of my hands are highly noticeable. Giniginaw talaga ako.
"G-God, please.. N-not now," mahinang bulong ko habang pilit na kinukumutan pa ang sarili. Parang gusto ko na nga lang magsumiksik sa kung saan.
My body—yearn for some warming.
I t-think I need to contact Auntie Eliza. I thought as I slowly lick my lower lip. Siya lang ang nakakaalam ng gagawin sa akin kapag nagkakasakit ako nang ganito.
Nilalamig man ay pinilit kong ilabas ang kamay ko para kapain sa side table ang cellphone ko. Doon ko kase ito nilalagay kapag nahihiga na. And when I sense that I already hold my phone, hinanap ko kaagad ang numero ni Auntie at pinindot ito.
Ganito talaga ako kapag nagkakaroon ng sakit. Una mahihilo, at mahihimatay, sisinatin o sasama ang pakiramdam bago tuluyan na ngang lagnatin nang pagkataas-taas.
"P-please.. answer it now," munting hiling ko nang mag-ring lamang ang cellphone ko. At nang magtagal pa iyon ay muli ko siyang tinawagan.
I dialed Auntie's number again, and again. Nanginginig na ng buong katawan ko, to the point na nag-iiwan iyon ng mahihina ngunit madidiing daing sa labi ko.
Shit..
"I'm so sorry ija kung ngayon ko lang nasagot 'yung tawag—" Nakahinga ako nang maluwag, at kumibo agad. I can't form any more phrases, but I need her right now. "A-auntie E-Eliza.."
"Yes ija, what is it?" Alam kong nagtataka siya dahil hindi naman ako tumatawag nang ganitong oras.
Hating-gabi na nga yata. Hindi ko na alam. Basta kanina pa ako namimilipit sa lamig na nararamdaman.
"Hindi ka ba papasok ngayon, Bianca? Bakit gising ka pa? Anong oras na oh—"
Napapikit ako nang mariin. "A-Auntie.."
"Ija? Bakit ba pahina nang pahina 'yung boses mo? May nangyayare ba—" nahinto siya bigla sa pagsasalita. "Oh my God, nilalagnat ka ba?"
"Auntie, s-sobrang lamig p-po.."
"J-just.. sleep, ija." Ramdam ko ang pagkataranta niya sa kabilang linya. "Pupuntahan agad kita d'yan.."
"S-salamat.. salamat, Auntie." nasabi ko na lang, at binitawan na ang cellphone na hawak-hawak.
Napangiti ako nang mapait bago ko muna naramdaman ang mainit na luhang tumutulo galing sa mga mata ko.
"D-dapat kayo ni papa ang nag-aalalaga sa akin, mama." I let out softly. "P-pero wala kayo.." napapaos na bulong ko pa. "Pinabayaan niyo ko.."
Mahigpit kong hinawakan ang unan na yakap ko ngayon bago pagdiinan ito sa katawan ko mismo. I need some fondness, and only my pillows can help me for this one hanggang sa makarating na si Auntie.
"P-papa.." I can feel the longing and eagerness in my voice as I hugged my pillows even more.. somehow imagining that it's my own father.
Ayaw ko siyang ma-miss lalo na sa puntong ito, ngunit hindi ko mapigilan. Kaya ginawa ko na lamang ang sinabi ni Auntie. Natulog ako. Ipinikit ko ang mga mata ko, at pilit na tinanggal ang mga isiping makakasama lalo sa nararamdaman ko.
Mayamaya pa ay hindi pa rin ako makatulog. Kahit na anong pikit ang gawin ko ay 'di ko magawang madala ang sarili sa alapa-ap. Panay ang kibot ng tiyan ko. Hindi ako mapakali. Hindi ako komportable sa bawat pwesto na kinalalagyan ko. Sobra na talaga akong nilalamig.
Namumutla kong minulat ko ang mata ko. Hinawakan ko nang madiin ang kumot, at mas hinila ito.
"K-kumot pa.." Habang nakapulupot sa akin ang makapal na kumot ay nagawa kong makatayo.
Naghalungkat ako sa mga kahon na nasa ibaba ng kama. Malamang kase ay may mga ekstrang kumot pa roon; na talagang pinasadya ko. Ngunit hindi ko pa nabubuksan ang isang kahon nang may marinig akong nag-doorbell. Paulit-ulit ito kaya nabuhayan ako.
"A-Auntie.." Kahit nangiginig at nanghihina sa nararamdaman kong lamig ay nakapunta ako sa pinto. Mabilis kong kinapa ang hawakan at pinihit ang doorknob para buksan ito.
"Auntie.." mahinang bulong ko na lang bago siya salubungin ng yakap.
"Fuck.." Auntie uttered profanity.
Napaigtad ako.
"A-Auntie.." suway ko kahit nahihirapan.
Narinig ko naman ang sunod-sunod niyang pagmumura. Nanliit ang mga mata ko, at naghahabol ang hiningang tiningala siya. Pamilyar nga ang boses na 'yon, ngunit nakakasigurado ako na hindi iyon si Auntie.
"B-boss?" I called him as I emptied my eyes even more, discerning if what I saw early was true, and not just a hallucinations.
"Damn it.." He slowly, looked at me.
At hindi ko na alam kung ano ang nangyare kasunod no'n dahil naramdaman ko na lamang ang pagbuhat niya sa akin papunta sa kwarto ko. Nakakapit ako sa batok niya habang hinahagkan ako.
Nang maramdaman ko ang marahang paghiga niya sa akin sa kama ay naaninag ko naman siyang palakad-lakad sa magkabilang dulo ng kwarto. Tila hindi nito alam ang dapat gawin sa akin sa nakikitang kalagayan ko. Natataranta siya na para bang nauubusan na ng oras kakaisip. He looks so frustrated, frenetic, and furious.
He used foul language again before he spoke aggressively. "Fuck it.. Anong gagawin ko ngayon?"
"N-nasan ba si Auntie?" tanong ko habang papikit-pikit ang mga matang tinatanaw siya. Naramdaman ko naman ang paglingon niya sa akin.
"Bakit ba si mom ang hinahanap mo?!" sinamaan niya ako ng tingin.
Hindi ako sumagot, at nagkumot lang.
"Bakit ba napaka-init mo?" He grunted harshly. "A-ano ba ang nangyare? Damn this.. Ano bang gagawin ko?!"
Naabutan kong ginugulo ni Miguel ang sariling buhok dahil ni isa sa mga katanungan niya ay hindi nabigyan ng kahit na anong kasagutan. At hindi pa siya nakuntento dahil napahilamos pa siya sa sariling mukha.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi. "L-lamig.."
Mabilis pa sa hanging nilapitan niya ako. Muli niyang hinawakan ang noo ko. And once again, nang maramdaman kung gaano kainit ang noo ko, hindi na siya natigil sa pagmumura, at talagang masasabi kong ang lulutong no'n. Gusto ko man siyang sawayin ngunit nanghihina pa rin ako. Ni mag-response nga sa kanya nang maayos ay hindi ko na magawa pa.
"Napakataas ng lagnat mo!" singhap niya. "I'll take you off in the Hospital! Tama, dadalhin kita roon—"
"H-hindi!" pagpigil ko sa kanya. Jesus, I think he is not helping me after all. "Si Auntie, si Auntie lang.. a-anlamig,"
Natigilan siya sa pagprotesta ko, at malakas na nagpakawala ng buntong hininga.
"If you don't want to go in the Hospital, what should I do then..?! Yakapin ka?" I think nababaliw na siya. Kanina niya pa kinakausap 'yung sarili niya.. "Tama, tama, yayakapin kita." At ayon nga ang naging desisyon niya. Dahil naramdaman ko na lamang ang mainit na bisig niyang nagkukulong sa akin.
Nanghina ako, at nagitatal sa biglang naramdaman. Na-blangko ang isip ko, at tila dumaloy ang kapayapaan dito sa sistem ko. Ramdam ko kung gaano ka-warming ang yakap niya kaya bahagya ng kumalma ang sistema ko.
Finally, with a satisfied small smiles on my lips, I wail softly as I silently thanks this man for giving me such hesitant yet sincere compassion—I never thought that exist in my life anymore.
"Omg.. Shoud I already expect a gandchild?!" Napabalikwas agad ako ng bangon nang makarinig ng malakas na singhap na nauwi sa matinis na tili.
Napamulat ang mga mata ko, at nilingon ang lugar kung saan nanggaling ang ingay na iyon.
"Auntie?" pagtawag ko nang mamukhaan ito. Ngunit nagtatalon lamang siya habang nakaturo sa may likuran ko.
Maaliwalas ang buong mukha niya, at tila may nakitang nagpaganda ng araw niya ngayon. Nangunot ang noo ko. Kahit namamanat ang lalamunan ko ay sinubukan kong magtanong. "Ano po ba ang nangyaya—"
"Fuck!" someone suddenly snarled beside me. "Sino ba ang tumitiling 'yan—"
"A-anong.. ginagawa mo rito?!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko sabay balikwas sa kama nang makita siya.
Lumapit ako kay Auntie. Namumutlang napakapit ako sa kanya
"What the hell is that infuriating clatters?!" Nalukot ang bagong gising na mukha ni Miguel. "And why the heck are you shrieking Bi?" he asked, at nagawa pang humikab.
Nagtagis ang bagang ko. Wala sa sariling ibinato ko sa kanya ang nahawakan kong unan kanina.
"Fuck, what the hell?!"
"Anong ginagawa mo sa kama ko!?" turo ko sa kanya, at kaagad na nanlisik ang mga mata.
"Hindi mo alam..?" sumilay man ang ngisi sa labi ni Miguel ay seryoso naman ang pagkasabi niya sa mga salitang binitawan.
Nangunot ang noo ko, at inipit sa tainga ang buhok na humaharang sa mukha ko. Malamang magulo ang itsura ko ngayong umaga ngunit nawalan na ako ng pakialam.
"Pinagsasabi mo?!" nakapamewang na singhal ko naman sa kanya.
He stared at me, and just shrugged my confusion off. Bumangon siya sa kamang kinahihigaan, at hinalikan sa pisnge si Auntie matapos tumayo. Hindi na ako inabalang sagutin pa.
"Morning, mom.."
"Morning, son." Auntie greeted him happily in response.
"B-bakit kayo magkatabi matulog, anak?"
"Ano?!" Malakas na bulalas ko nang marinig ang sinabi ni Auntie Eliza.
Malawak namang napangisi si boss sa kanya, at nanunuksong tinignan ako.
"Napasarap yata ang pagyakap sa akin ni Bianca kagabi, mom."
"Aba't—" Kaagad akong nag-react.
"Oh my.. A-anong nangyare?" Kuminang na yata ang mga mata ni Auntie sa sinabi ng anak niya. "May nangyare ba? Magkaka-apo na ba ako?" tuwang-tuwang dagdag pa nito.
Kumalat ang init sa magkabilang pisnge ko nang maunawaan ang maling pagkakaintindi ni Auntie sa pagtatabi namin ni Miguel sa kama ko. My heart starts to beat violently, and I can't control it even a bit.
"Soon, mom.." Miguel just muttered softly while peeking his eyes at me teasingly.
Inirapan ko na lamang siya bilang pagtugon. If I know, baka 'yung girlfriend niya 'yung tinutukoy niya ngayon.
I quietly tsked, and dried up my throat.
"Good morning, Auntie.." I smiled, at niyakap naman niya ako.
"Kamusta ka? Hindi na ako tumuloy kahapon dahil sabi ni Miguel ay pupuntahan ka na raw niya rito," she says gently. Napasulyap ako kay Miguel na kasalukuyang katabi ni Auntie. "Okay naman na ako Auntie. Nakainom na ako ng gamot kahapon. Alam mo naman siguro 'yung nangyayare kapag nagkakasakit ako, right?"
Bumuntong hininga siya. "Yup. I'm super worried about you yesterday when you called me."
Napangiti ako. "Thanks Auntie, nag-breakfast ka na po ba?"
"Oh that? Kumain na ako." Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ang pagkislap ng mga mata niya. "Nagdala nga ako ng breakfast mo e."
"Thank you, Auntie." mahinang bulong ko saka hinaplos ang pisnge niya. "Babawi ako sa'yo next time."
Marahan niya namang ginulo ang buhok ko, at puno ng suyo akong tinignan. Just like that, gumanda na agad ang umaga ko. My heart is definitely melting with her sweetness.
"Kahit 'wag na, mag-date na lang tayo sa susunod. Sa ngayon ay magpahinga ka muna." Lumingon siya kay boss. "Son, hindi muna papasok si Bianca sa ngayon—"
"Auntie.." pag-awat ko naman.
Umiling siya. "Stop being stubborn. I know you. Okay ka lang nang okay kahit hindi naman talaga."
Napanguso ako pero napangiti na lang din kalaunan. Para ko na talaga siyang nanay. And I love it when she show how she looked after me, always. Palagi ko siya naaasahan. I love her so much.
"Son, take care of her. Kumain na kayo, dinaanan ko lang talaga si Bianca dito."
"Take care, Auntie.. Hatid na po kita," ani ko naman na kinasang-ayon niya.
Chuckling delicately, ikinawit ko ang kamay ko sa kanyang kanang braso. Clingy ako when it's come to Auntie Eliza, and proven iyon kaya nasanay na siya.
"Goodbye, son!" Auntie lifted her free hand to wave at him.
"Bye mom, ingat." Miguel let out, but still staring at me.
Palihim ko naman siyang sinamaan ng tingin bago lumingon kay Auntie na ngayon ay malawak ang pagkakangiti. Wala yatang araw na hindi siya masaya sa paligid niya.
"Bagay na bagay talaga kayo ng anak kong 'yon.." panunukso niya na hinaluan pa ng mahihinang panunundot sa bewang ko.
"Auntie!" iwas ko dahil talagang nakakakiliti ang ginagawa niya.
Hindi ko masabing may girlfriend na ang anak niya dahil baka sabihing pakialamera ako. Para rin namang secret 'yung relationship nung dalawa dahil hindi exposed sa mga tao. We all know that Mr. Falcon is single, making all the woman in each department drool at him like a crazy. Baka ginagamit niya lang ang single status niya sa public; for his business strategy or for his professional purposes.
"Are you okay ija? Bakit parang natitigilan ka?" Huminahon bigla ang boses ni Auntie nang makita ang pagbabago ng ekspresyon ko.
"Uh, w-wala naman Auntie. May naalala lang ako." Napatango na lang siya saka nagsimulan ng magbilin sa akin. "Uminom ka ng gamot, okay? 'Wag na wag kang magpapalipas ng gutom. Alagaan mo 'yung sarili mo ija. I hate to see you so sick."
"Roger that, Auntie!" Sumaludo ako sa kanya.
Auntie Eliza laughed, and I just chuckled. Happiness filled our eyes while teasing each other. And at this moment, I hope na tulad niya rin ang mama ko. But I know na malabo iyon.. malabong-malabo.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top