Chapter 19
Chapter 19
"Auntie, why you didn't tell me that you're his mother..?" I practically exclaimed nang sagutin na niya ang tawag. "Godness, I can't just believe na ang yaman niyo pala."
"Sana lang hindi magbago 'yung tingin mo sa'kin, ija." Mahina akong natawa bilang pagsagot sa kanya.
"Of course not." pahayag ko. "Ikaw pa rin naman si Auntie Eliza e."
She giggled as if already foreseeing my responses. She change the topic into something more interesting, and kind of inaugurated me.
"By the way, kamusta nga pala 'yung date niyo?" Auntie implores, and I can't help but to react immediately.
Mabilis na bumalot ang kakaibang init sa magkabilang pisnge ko, at sunod-sunod na napaubo. Normal lang naman ang pagkakatanong niya, ngunit tila naging iba naman ang naging pangangahulugan ko rito.
I groan silently in substantial embarrassment. "P-po?"
"How is it? May nangyare ba?" Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang haluan niya na iyon ng panunukso.
"Auntie naman!"
"What? I'm just asking, Bianca!" natatawang sagot niya pabalik at bigla na lamang suminghap. "'Wag mong sabihing.. may nangyare nga ija?!"
"W—Wala ah!" Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. "Wala po talaga.. Wala po," I chants aggressively.
Auntie Eliza just laughed. She seems amused although she can comprehends that I am lying. Grumbling in such a shame and disgrace, sadya kong nilukot ang namumula ko ng mukha. Huminga ako nang malalim, at ngumiwi nang hindi siya naniwala.
"Auntie, malalate na po pala ako!" mabilis at hindi mapakaling pag-imporma ko bago tuluyan ng nagpaalam. "Goodbye po!"
Madali kong pinatay ang tawag. Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. Alam ko naman kaseng tutuksuhin niya lamang ako. At ayaw ko namang pumasok sa trabaho habang balisang-balisa dahil sa panggigisa niya.
"Si Auntie talaga.." Napabuntong hininga ako. Ipinarada ko na ang sasakyan ko sa parking lot.
As usual, bumungad nanaman sa akin ang pagbati ng mga co-workers ko nang makapasok na ako sa loob ng building.
"Good morning.." Ngumiti ako.
"Andiyan na si Mr. Falcon, gurl." Sheena informed me while eyeing the exit door. Secretary siya nung new president namin dito.
"Oh..?" Nagulat ako. "Ang aga naman niya yata?"
"Baka kase may himala na," she kid, but let a soft chuckles afterwards.
Napailing ako. Hindi naman sa laging late si Mr. Falcon kaya ako natitigilan. Actually nasa tamang oras nga lagi siya kung pumasok. Iyong tipong saktong-sakto lang. But right, looking at my wristwatch, I can say that it's too early pa, to the point that I can even just settle on my swivel chair, relax a bit and let my free time take even a bit.
Inilapag ko na lang sa desk ko ang dala kong bag. Sinulyapan ko si Sheena, at naabutan ko naman siyang abala sa pagkalikot ng cellphone niya.
Nilibot ko ang paligid.
Bakante pa ang bawat pwesto ng kasamahan namin dito sa quarter. Mukhang bukod sa aming dalawa ni Sheena ay wala pa talagang tao dito. Sobrang aga pa kase. Karaniwan nga ang ginagawa ko kapag ganitong oras ay nagpapatugtog, at nakikinig sa bagong release na kanta. Palagi kong dala ang headsets ko saan man ako magpunta.
Bukod sa pakikiramdam ng malamig na gabi, panonood ng paglubog ng araw, pagtuklas ng bagong k-drama, at pagbabasa ng mga nobela—ang pakikinig sa musika ang naging habit kong gawin. Those lovely routines calm me, they made me at peace; they help me in my own meditation. Pero dahil nandito na kaagad si Mr. Falcon, napagpasyahan kong pumunta na lamang sa pantry na nasa gilid na bahagi ko. Gaya ng dati ay sarili kong timpla ang ginawa ko bago nagtungo sa harapan ng opisina ni boss, at marahang kumatok sa pintuan nito.
"Come in.." Narinig kong tugon ni Mr. Falcon. Pumasok ako sa loob ng ekslusibo niyang opisina. Deretso akong lumiko sa maikling pasilyo para tuluyang puntahan ang kanyang main area.
Bumungad naman sa akin dito si boss, may hawak-hawak kaagad siyang mga papeles. Uncomfortable na nakatukod ang isang siko niya sa desk, at magkasalubong kaagad ang mga kilay niya kahit simula pa lamang ng araw.
Pinagmasdan ko ang black wristwatch niya na pinalilibutan ng silver and golden metal sa gilid. Suot-suot niya iyon, at kahit mula rito sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko kung papaano iyon matingkad na kuminang.
"Good morning, boss.." pagkuha ko sa atensyon niya ngunit itinigil lamang niya nang saglit ang pagbabasa. Hindi siya tumingin sa akin pero alam kong narinig niya ako.
"Here's your hot coffee," Marahan kong inilapag sa desk niya ang dalang tasa at tumindig ng tayo.
"Thanks, Ms. Del Pilar." He sighed. "And also, before you leave, pakisarado sana nang mabuti iyong pinto. I think the one who came here earlier didn't closed the door completely."
Mukhang kanina pa nga talaga siya rito.
"Alright, Mr. Falcon." Pormal akong tumango sa kanya. Tahimik akong lumabas sa opisina niya. Walang ingay kong ginawa ang gusto niya, at naglakad pabalik sa quarter ko.
Pero hindi pa ako nakakapasok sa loob nang kumunot na ang noo ko. Strange, dati rati ay aasarin pa kase ako ni Mr. Falcon. Bibigyan muna ng nakakapanggigil na ngisi bago tuluyang paalisin. Pero mukhang nag-iba ngayon ang mood niya. Masyado siyang abala, at seryoso. Marami nga talaga siguro siyang paper works sa araw na ito. Na kahit pwede niya namang ipagbukas pa ang ibang trabaho, mukhang minamadali na niya ito. O baka naman, sinisipag lang? Alin man ang rason doon ay parang bothered ako.
Bakit ba kase hindi manlang niya ako tinignan o sinulyapan. Hindi ko tuloy nakita ang tsokolate niyang mga mata sa umagang ito. Labag sa loob akong naupo sa swivel chair ko. Nakita ko sa bahagi ng mga mata ko ang tila wirdong pagsunod ng tingin ni Sheena. Pero hindi ko na iyon pinansin pa kaya napailing siya at bumalik na sa kasalukuyang ginagawa.
Ang bigat ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan, at hindi ko iyon nagugustuhan.
"Ayaw niya ba akong tignan?" Nagcross arms ako.
Iretable kong binuksan ang computer na nasa harapan ko. Ipinirmi ko ang labi ko at pilit na ibinalik ang pagiging propesyonal. Inayos ko na lamang muli muna ang schedule niya. Mukha kaseng buong araw siya sa opisina. Marami-rami pa namang outsides event ang kaylangan niyang ganapan sa susunod na araw. At para makatulong ay gumawa ako ng paraan para mabawasan manlang ito. Alam ko namang abala siyang tao, at patunay itong mga unfulfilled scheds niya.
Highlighting all the important event with red, and not that significant events with yellow. I begun to shade those gray one, which is the activities that has a option, a choices that he can decline or reschedule in the next month. Mga 50/50 kase iyong proposal nila. Na paniguradong hindi magugustuhan ni boss.
Lumipas ang oras, at napunta na ako sa documents district kung saan natapos ko ng i-analyze 'yung mga overture and suggestive projects. Ganun din iyong mga reports ng bawat departments in different teams and heads. Mga beneficial at improvements ng kanilang workouts and such. Unti-unti ko itong pinasa kay Miguel para hindi siya ganun mahirapan.
Bahagya kong ipinahalang ang ulo ko nang maramdaman ang pangangawit sa leeg ko. I can feel how my veins crumpled within it's anxious muscles. Medyo painful kaya hinawakan ko na 'yung parteng nangingibot, at bahagya iyong hinilot. Kasunod no'n ay ang mabagal, at madiin kong paggalaw-galaw sa magkabilang balikat ko. Para kahit papaano ay mas ma-lessen iyong pangangawit.
Nabaling ang atensyon ko sa telepono nang tumutunog ito. Kaagad ko iyong kinuha gamit ang kaliwa kong kamay, at sinagot.
"Is this.. Miguel's new secretary?" Boses ito ng isang babae, may british accent at talagang may normal na kaartehan sa pagsasalita.
Napabuntong hininga ako. Siguro, isa nanaman ito sa mga ex-flings ni Mr. Falcon. Bawat araw yata ay imposibleng walang tatawag na isa sa kanila. Mga talagang naghahabol sa lalaki kahit mukhang may-class namang babae.
"Yes, ma'am." seryosong sabi ko. "I'm Bianca D.—her new personal secretary. What can I do for you?"
"Tell him to answer my damn calls!" she snapped me, and raised her voice even more.
"Ma'am, I think he's busy at this moment—" Naputol ang panunubok kong pagpapakalma sa kanya dahil muli nanaman siyang humiyaw.
"Just freaking tell him! For Christ's sake, kanina niya pa ako pinaghihintay dito sa hotel!" she hissed at me na tila may kasalanan din ako kahit wala naman. "Tell him my name, I'm Lizel. And I'm sure na hindi 'yan magkakaundagaga para puntahan ako. Over my dead body, I know that he can't freaking resist me!"
God, this woman is definitely a spoiled brat when she's in her own outburst.
Wala sa sariling huminga ako nang malalim.
"Is that so, ma'am? Alright, I'm on the way na to tell him what you want. Please wait a minute—" Ngunit pinatayan niya na ako ng tawag kaya hindi na ako natuloy pa. Wala rin pala siyang manners.
No wonder na magkakilala sila ni Mr. Falcon, pareho sila ng behavior.
"Sino 'yon, Bianca?" Sheena suddenly asked me, gawking at me for some information.
Napatingin ako sa kanya. "Lizel, daw."
"Wow, bongga!" natatawang sabi niya bigla. "Ang ganda nung name pero rinig na rinig ko naman hanggang dito 'yung arte ng boses. Confirmed, she's one of Mr. Falcon's night out gurl!"
Tango na lamang ang isinagot ko sa sinabi niya, at palihim na kinapa-kapa ang dibdib. For unknown reason, I can feel how my heart tightened intensely. It's so damn painful dahilan para mapa-inom pa ako ng tubig, feeling ko nauubusan ako ng hininga.
Ano bang nangyayare sa akin? Sino ba talaga iyang si Lizel? Ano ba siya ni boss? Sa boses niya pa lang at kung gaano iyon katapang ay tila kilalang-kilala niya sa kahit na anong aspekto si Miguel.
"Mr. Falcon, I apologize for interrupting you pero may tumawag po kaseng isang babae." Kahit hindi siya nakalingon ay nagsalubong ang magkabilang kilay niya kaya nagpatuloy ako. "And her name is Lizel daw po—"
Gulat siyang napatingala kaagad sa akin sa narinig. Umuwang ang bibig niya, at tahimik na napasinghap. Batid ko ay talagang natigilan siya dahil kitang-kita ko mula rito sa kinatatayuan ko ang pagtatanong sa tsokolate niyang mga mata.
"Kanina pa raw po siya tumatawag sa inyo, pero hindi raw kayo sumasagot—" pagpapatuloy ko na gaya nung Lizel ay pinutol niya.
"B-bakit kaya siya napatawag?" biglang tanong ni boss sa sarili, at napatingin sa kung saan.
Nangunot na lang ang noo ko.
This Lizel girl seems a big deal.
"You may now go, Ms. Del Pilar." he says out of nowhere while still absentmindedly bridging his own confusion.
Napatango ako kahit sa iba na nakatuon ang atensyon niya. Pero habang paalis ay hindi ko maiwasang marinig ang usapan nila gamit ang kanilang mga personal na cellphone.
"What? I'm sorry, baby—But why? O-okay, fine." tila sumusuko ng sabi ni boss sa kausap. "I love you—yeah.. I miss you too—"
Wala sa sariling natigilan ako.
Tuluyan ng nahigit ang hininga ko.
My heart was thumping badly, and it makes me feel that I am truly hurt..
Mabuti na lamang, at nakatalikod si Mr. Falcon sa akin. Nakatapat siya sa glass wall na tanaw na tanaw ang buong Manila. Hindi niya nakita o napansin ang naging reaksyon ko sa mga narinig mula sa kanya. Malalaki ang hakbang akong naglakad paalis sa opisina niya, at napatakbo sa comport room. But while deliberately running, I can't personally swallowed a thing—because even my own saliva tastes so bitter.. this time.
Nanunuyo ang lalamunan ko, at ang pait-pait nito kapag lumulunok na ako. My stomach was rotting, I think I can even vomit for this unbearably depressing premises. Napapikit ako nang mariin habang nakatingala sa itaas ng ceilings.
This familiar pain is now intense, and severe.
Why does it even hurt so bad?
Hindi ko maintindihan 'yung nararamdaman ko sa totoo lang.
Nung nagising ako kanina pagbangon ko sa kama ay gumanda bigla 'yung mood ko dahil monday na; which is really unusual naman talaga. Monday does not excites and fascinates me even then. Ngayon lang talaga dahil papasok ako sa trabaho, at makikita ko siya. And just by thinking of chatting at him comfortably again just like yesterday—seriously lightens my mood.
But right now, because of his sudden behavior, in what I heard and his confusing treatment towards me; saddened and discouraged the hell of me, in freaking deepest hole.
Kaagad akong naghilamos upang mahimasmasan sana. Pilit kong iniisip na mga salita lang iyon, na dapat balewala lang sa akin. Ano namang meron kung may ka-I-love-you-han siya d'yan! I don't really care.
Inayos ko ang sarili ko, at tumingin sa salaming natatanaw ang kabuuan ko.
"Be professional, Bianca." I griped, and took a very deep sigh.
"I love you—yeah.. I miss you too—" Nagsalubong ang kilay ko nang tila magpa-ulit-ulit sa akin 'yung mga sinabi ni boss kay Lizel.
Mas lalong sumama ang ekspresyon ko. Nagtagis ang bagang ko. Naninikip ang dibdib ko, at tila tinutusok naman ng milyon-milyong karayom ang puso ko sa sobrang sakit.
Nanghihina akong napasandal sa pintuan ng isang cubicle. Ano bang nangyayare talaga sa akin? Bakit ganito ang nagiging reaksyon ko? Pati ba naman sa mga negatibong pakiramdam—basta nangggaling kay Miguel, ay apektadong-apektado pa rin ako..?
Nagtaas baba ang dibdib ko.
Mayamaya pa ay nagulat na lamang ako nang maramdaman ang nagbabadyang luhang nanggaling sa mga mata ko. Hindi makapaniwalang nag-angat ako ng tingin para pigilan sana ito sa tuluyang pagtulo.
Bakit naman kase ako naiiyak ngayon?! Napakagat ako sa pang-ibabang labi.
"May girlfriend na siya.." I conclude, at pagak na natawa. "'Wag ka ng umasa pa," kausap ko sa sarili ko.
Aminin ko man o hindi ay alam kong gusto ko na talaga siya. Na hindi lang ito normal na atraksyon. But I think the feeling isn't mutual after all. Mukhang may mahal na siyang iba.
"Magkakagusto ka na nga lang sa isang lalaki.. doon sa may girlfriend pa," nasabi ko na lamang habang hinahawakan ang namumula kong pisnge dahil sa sariling kahihiyan.
I'm ashamed. I feel miserable to this misery. My heart flickered in despair that I need to shut down my own focus for a meantime. All of a sudden, a vague memory cross out through my mind. It was Miguel's words before we continued our date yesterday.
"I already have a girlfriend, and I love her so much—"
"Damn it. You're so stupid, Bianca!" singhap ko. "Bakit hindi ko manlang naalala 'yon?"
Napatakip ako sa bibig ko habang nakatingin sa repleksyon sa salamin.
Lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko.
Mas masakit pala kung sa kanya na mismo ko nakompirma iyong relasyon nilang dalawa. Ang akala ko sinabi niya lang 'yon sa akin dahil ayaw niya talagang makipag-date sa magiging ka-date niya, which is ako pala.
"Ano bang katangahan ito?" Dahan-dahan akong napahawak sa labi ko. Then, why did he kissed me..?
Natawa na ako, ngunit wala naman iyong buhay. I can't believe na nanghahalik siya kahit may girlfriend na siya. Kahit naman siguro napipilitan lang siyang sumang-ayon sa date na inihanda ni Auntie, sana inimporma niya ako. Na lahat ng mangyayare sa araw na iyon ay wala lang, dahil committed na siya secretly.
Fuck..
"Katulad ka rin pala ni papa, boss." Mapait akong napangisi. "Akala ko pa naman iba ka."
Dismayado akong napatitig sa harapan ko.
"Itigil mo na hangga't maaga pa, Bianca.." pinal na desisyon ko sa sarili ko at pilit na tumindig para tumayo.
Muli akong naghilamos ng mukha. Inayos ko ang buhok kong nagulo bago lumabas sa comfort room. And I sighed in full relief nang makitang wala namang katao-tao sa pasilyo. Paniguradong mga nasa kanilang opisina na, at kaniya-kaniyang department quarters.
"Focus, Bianca." Naupo na ako sa swivel chair ko. Ginawa ko muli ang mga naiwan kong trabaho. Ngunit ganun na lamang ang pagkagitla ko nang mag-email siya ngayon-ngayon lang.
I-cancel ko raw ang schedule na ginawa ko ngayon dahil may importante raw siyang pupuntahan.
Nanlumo ako ngunit hindi ko iyon pinahalata, at inayos na lang muli ang mga schedule niya. Tumawag na rin ako sa iba upang i-inform sila sa pagbabago, at i-verify kung papayag ang mga ito. As usual, wala silang choice kung hindi ang sumang-ayon sa desisyon niya. After all, sulit naman kung makatapos sila ng deal kay Mr. Falcon.
Lumipas muli ang mga oras at naramdaman ko na lamang na maghahapon na. Pero wala pa ring laman ang tiyan ko. Nalimutan ko nanaman kaseng mag-lunch.
Napalingon ako sa wall clock.
It's already 3pm. At kanina pa umalis si boss, mga lunch time. Pinatay ko na ang computer saka napabuntong hininga. Wala na rin naman akong gagawin today dahil natapos ko na ang lahat ng dapat tapusin.
"Ang aga mo umuwi, gurl." Nangunot ang noo ni Sheena nang makitang naggagayak na ako.
"Wala naman akong gagawin, pakisabi na lang kay boss pagbalik niya."
Umuwang ang bibig niya. "Hala, pwede ba 'yon?"
"Tapos naman na ako." sabi ko na lang saka bahagyang ngumiti sa kanya. "Then, if ever na makabalik na siya, magdahilan ka na lang hm?"
"Uh, okay..?" napapalabing sang-ayon niya saka nagkomento. "Ang weird mo ngayon. First mo itong gagawin. Ayos ka lang ba?"
I just nod my head at her. I feel so tired to crack some words. I'm not in a mood. Kinuha na lang ang mga gamit kong nakahanda na sa desk ko. Nag-wave ako sa kanya at tuluyan na akong umalis sa floor na iyon.
Pero habang nasa elevator pa lamang ay panay na ang pagbuntong hininga ko. Ramdam na ramdam ko ang tila pagsama ng pakiramdam ko. Na lalo yatang sumama pa.. nung madaanan ko ang isang sikat na restaurant malapit sa condominium na tinitirahan ko.
Naroon si boss at ang isang magandang babae na sa tingin ko ay model pa nga. May masasayang ngiti sa labi nila at tila komportable sa isa't isa. Panay ang pagtatawanan ng mga ito. Habang malinaw ko namang natanaw ang tila kinikilig na tingin nung mga nakakakita.
They looks so inlove with each other, and it makes me so damn sick.
Wala sa sariling napalunok ako.
Hold on heart..
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top