Chapter 14

Chapter 14

"Oh! And who's this marvellous gentlewoman besides you, Mr. Falcon?" An unidentified man asked my boss while smiling ear to ear at me.

Nahinto kami sa paghahanap ng table, at nilingon siya.

Well, I'm kinda impressed. Bukod sa humaharang kase siya sa harapan namin, siya lang din ang nagkaroon ng lakas ng loob para kausapin ang katabi ko. May katandaan na itong lalaking sumulpot na lang bigla sa amin. Medyo may kalakihan ang katawan ngunit mas mababa naman ang tangkad nito kaysa sa amin. I think mga nasa mid-50's na. May wedding ring sa daliri, at masasabi kong pamilyadong tao na.

"None of your business," pabalang naman na sabi ni Mr. Falcon.

Hindi niya tinatapunan ng kahit na anong tingin ang kaharap, at nagderetso lamang ng tingin sa dapat dereksyon na namin kanina. Ngunit tila hindi naman natinag ang lalaki, bagkus ay nagawa niya pang gawaran ng kakaibang tingin ang kabuuan ko. Umilap naman ang mga mata ko, at pilit na lang siyang nginitian.

Kanina pa talaga ako hindi komportable sa lugar na ito sa totoo lang. Ang dami kaseng patingin-tingin sa amin, na tila ba isa kaming sikat na hollywood star. Okay lang sana kung kay Miguel lang, pero nasasama kase ako, at hindi ako sanay doon.

Napailing naman ito bago napangisi. "Conceited, and possessive.. aren't we?"

Walang naging reaksyon doon si Mr. Falcon. Hindi siya nito inimilkan ngunit kalauna'y nilingon na lamang siya at pinanliitan ng mga mata.

"That's alright, I completely understand." nagpatuloy ang lalaki. Tumango siya sa kanyang sarili, at bahagyang natawa kaya tuluyan ko ng nakita ang ginto sa ipin niya. "Kung ganyan ba naman kase ka-daring 'yung kasama ko.." tukoy niya sa akin kaya kimi na lang akong ngumiti. "Ganyan din ang iaasta ko.."

And that's it, my boss let an irritated tsked as he stared at me deeply and sighed.

"Done fussing around, Mr. Balmond?"

"Hmm.."

"If then, won't you mind to finally excuse us? 'Cause you see.. I'm itching to set in motion, and depart in our particular table." malamig na pagkakasabi muli ni Mr. Falcon matapos niyang sumulyap sa lalaking kaharap namin.

Sumisim lamang si Mr. Balmond ng kanyang inumin bago kibit-balikat na tumango, kinindatan ako at iminuwestra ang kamay sa dadaanan namin.

Palihim naman akong napangiwi roon. Ayoko na lang makipag-talk. Hindi pa nag-uumpisa iyong event pero nawawalan na ako ng gana.

Wala sa sariling humigpit ang kapit ko sa braso ni Miguel kaya napalingon siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin, at mabilis na bumalot ang pagtataka sa ekspresyon ko nang madatnang hindi pa rin mawala-wala ang pagkakunot ng noo niya. Simula yata nung pumasok kami dito sa loob kanina ay bigla na lamang sumama ang timpla ng mukha niya. Masyado iyong obvious kaya madaling mabasa.

I took a very deep but controlled sigh. As usual, ang daming bumabati sa kanya ngunit ni isa ay wala manlang siyang pinansin kaya wala ng nagbalak lumapit pa. Kapansin-pansin rin na halos lahat ng tao rito ay tila may maipagmamalaki sa buhay.

Nakakailang tuloy na nasama pa ako rito. Isip-isip ko.

Even it's not my first time—ang umattend ng magagarbong event tulad nito ay sobrang unusual para sa akin lalo na't masyadong nakikibagay ang suot ko ngayon.

Nilapag ko ang dala kong pouch sa bilugang lamesa na nasa harapan namin ngayon. Sinubukan komg lingunin ang paligid para obserbahan pa, ngunit tila may kung anong meron kay Boss na nakapanghahatak sa akin dahilan para mapatitig na lamang muli ako sa kanya.

Ramdam ko ang pananahimik ni Mr. Falcon, at naiwan nanaman akong na-co-curious sa kung sa anong dahilan. He should have keep his accompany to the people around us right? Lalo na't siya na ang talagang namamahala sa Falcon. If I know, representative siya sa event na ito. And it can help his company to emerge and rise up more. But he seems so cold, and distant.. that even someone tried to talk to him, he will never entertained it—making me feel the he is really a boss, kikibo siya kung kaylan niya lang gusto.

"Here's the tequila, sir and here's your mojito ma'am." Pormal kong tinanggap ang glass bago tumango sa waiter na kararating lang sa pwesto namin.

Grabe, feel na feel ko na iyong special treatment.

Napalingon ako kay Mr. Falcon nang tunggain niya kaagad ang tequila na ibinigay nung lalaki bago muling sumenyas dito. Mukhang hihingi kaagad ng isa. Napailing ako saka hindi na iyon pinansin pa. Hindi na ako magtatanong pa dahil mukhang masama pa rin ang mood ni boss. Inilapag ko na lang ang glass na hawak ko sa mesa. Ayaw kong uminom kung maari. Masyadong mababa ang tolerance ko sa mga inuming may alcohol.

"Good evening ladies and bosses.. We are indeed here to give a very warm welcome to our birthday celebrant—" ani bigla ng emcee kaya natigilan ako. "Mr. Yin? Please kindly come to stage.."

Graceful na nagpalakpakan ang lahat kaya napasama na ako roon. Madilim ang buong venue, at tanging ang stage lamang ang nagliliwanag bukod sa mga chandelier na nasa ceilings. However, the ambiance is into an illuminated and shallow theme lang. Natatanaw pa rin ng mga mata ko ang dami ng tao sa paligid. Na gaya namin ni boss ay nasa kaniya-kaniyang mesa, nakatayo sa harapan nito at hawak ang mga binigay na inumin.

Nang makarinig ako ng mahihina ngunit buhol-buhol na bulungan ay nakakasigurado akong may nagaganap na sa stage. Kaya tumutok ako roon, at humarap. Muli akong nakipalakpak nang makitang nandoon na si Mr. Yin.

"Oh, birthday pala talaga 'to.." mahinang pagpuna ko na narinig yata ni Mr. Falcon dahilan para matiim niya akong tignan.

"You didn't ask.." supladong taas kilay niya sa akin.

Umuwang ang bibig ko, at napamaang.

Aba't napaka-attitude naman nitong unggoy na ito! Wala sa sariling inirapan ko na siya.

Pinakatitignan niya ako, and seconds later.. unspecified emotions upheld to his eyes as he just scanned me intently. Iginilid ko na lang ang ulo ko inasta niya. Pinunta ko ang atensyon sa stage, at inobserbahan ang birthday celebrant.

Halatang big time ang lalaki dahil sa tindig ng bawat hakbang ng paa niya sa stage kanina. Nakasuot siya ng mamahaling tuxedo, at sa aura niya ay maipaparating kung gaano siya katanaw-tanaw sa kaarawan niyang ito. Matangkad siya para sa edad niya ngayon. Halatang sportsman nung kabataan niya. May berdeng mga mata, at masasabi kong may lahing Japanese. Napatingin ako sa nag-iisang taong kinuhanan niya ng tingin. Doon ko naman natagpuan ang isang maganda, at mabining babae, na sa tingin ko ay nasa mid-40's pa lamang.

Maliit akong napangiti habang pinagmamasdan silang magtinginan. Malamang sa malamang ay mag-asawa ang mga ito. Mararamdaman kase ang purong pagmamahal at kasiyahan sa mga mata nila bagay na kinamangha ko.

"A pleasant evening everyone!" panimula nung birthday celebrant saka maganang ngumiti. "I'm very grateful that all of you actually came here. It's so alluring, and definitely unexpected dahil alam kong mga abala kayo sa inyong kaniya-kaniyang negosyo but then..." Hindi ko na napakinggan pa ang sinasabi nito dahil bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw.

Nilinga ko ang ulo ko sa paligid. Hinahanap ng mga mata ko kung saan 'yung kuhanan ng juice o inumin. Ngunit dahil hindi nga ganun kaliwanag ang venue ay hindi ko na makita pa.

Baka nasa gilid ang buffet. Isip-isip ko. Ang problema nga lang ay ang mga nasa gilidan ang mayroong pinakamadilim na espasyo. May kalabuan pa naman ang mata ko kaya baka kung ano-ano pa ang makuha ko kung sakali.

Napalunok ako, at palihim na napalabi. Abala naman si boss sa kakainom dito sa gilid ko. He seems so fond of any alcohol drinks, at mukhang may high tolerance talaga sa alak.

Napatingin ako sa glass of mojito na nakapatong sa table ko bago napapikit nang mariin.

"Bahala na nga, hindi naman siguro ito nakalalasing." I murmured sofly, at no choice na tinungga ito nang deretso para hindi na maramdaman pa ang lasa.

I let an uncertain groan, mahinang napasinghot at kaagad ibinaba ang hawak-hawak na baso.

".. But before that, I'm very indebted na umattend ang paborito kong inaanak na si Mr. Falcon. Miguel hijo, I hope that you are enjoying this day too." aniya at nagulat na lang ako nang matapat na sa amin ang spotlight.

Nakuha muli namin ang atensyon nila. Sabay-sabay na napalingon sa pwesto na kinalalagyan namin ni Miguel ang mga bisita. Binigyan nila kami ng maiinit na tingin, at pinagmasdan.

Wala sa sariling inangat ko naman sa ere ang kaliwang kamay ko upang takpan ang silaw na bumabalot sa buong pwesto namin ngayon. Masyado itong maliwanag, at talagang masakit sa mata. Kaya ganun na lang ang relief na naramdaman ko nang mawala na ito, at muling nagpapalakpakan na lamang ang mga tao.

"Is that Mr. Falcon?" Hindi nakaligtas sa tainga ko ang mga bulungan nila. "Gosh, he's so.. handsome."

"I strongly agreed! He's so perfect. Bagay na bagay kami. What if sabihin ko kaya kay daddy na i-arrange marriage niya kaming dalawa?"

Nagsalubong ang magkabilang kilay ko, at natigilan. Napalingon ako sa tabi naming mesa, doon ko kase narinig iyon, Malalagkit ang tingin nung dalawang kikay na babae kay Boss, at talagang hindi manlang ito tinigilan ng tingin.

I silently tsked.. making my face scowl visibly at their sight. I'm annoyed, and grumpy all of a sudden at wala akong pakealam kung makita nung dalawang kikay iyon.

"The woman besides Mr. Falcon is so lovely and enthralling.. isn't she?" Bahagya nag-init ang magkabilang pisnge ko. Hindi lang pala ang boss ko ang pinagbubulungan. "I can't take off my eyes on her until now, what a beautiful woman."

"They are whispering nonsense," marahas na asik ni Miguel. Sinundan ko kung papaano magtaas-baba ang Adam's apple niya nang muli niyang inumin ang tequila.

How mean but on the other hand, I somehow agreed with him. Mabuti na lang at mga positibo ang mga naririnig kong komento nila, pero kung hindi kase ay talagang nakakainis na. Sino ba naman kaseng may gustong nasasabihan ng masama? Wala naman 'di ba? Pero ayaw ko rin naman 'yung may makokomentong maganda. Nakakailang kase, bukod pa roon ay ayoko talagang pinupuna.

Nagkibit-balikat na lamang ako habang marahang sinsipsip ang lemon na nasa kamay ko. Nalalasahan ko pa rin kase ang may halong alcohol na ininom ko kanina. 'Yung glass of mojito.

Savouring the lemon on my lips, I can feel how my body slightly shuddered. Ang asim, grabe. Talagang medyo nakakawala ng panlasa, mangangasim ka na lang talaga.

..I used to believe
We were burnin' on the edge of somethin' beautiful'~♪♡

Nagkatinginginan kami ni boss nang biglang may tumugtog. Napalingon ako sa paligid. May mga nag-aaya ng magsayaw sa mga kasama nila, at ang ilan ay nagpapabebe pa. Muntik na akong mapahagikgik. Ngayon ko lang kase na-realize na iba 'yung genre nung kanta. Mukhang pina-request nung nag-birthday dahil sila ang nangunguna sa sayawan ngayon.

"Let's go.." Gulat akong napababa ng tingin sa braso kong hawak na pala ni boss.

Ang bilis naman niyang kumilos! But wait.. bakit niya ako hawak-hawak? 'Wag mong sabihing..

"B-boss.." reaksyon ko pa as the music began to slow and played all around us.

..Say, go through the darkest of days
Heaven's a heartbreak away
Never let you go, never let me down~♪♡

Marahang inilagay ni Miguel ang kamay ko sa balikat niya habang owtomatiko namang kumapit ang mga kamay niya sa may kaliitan kong bewang ko. Kumabog ang dibdib ko. Ramdam na ramdam ko kung papaanong bumalik ang gaan at rahan ng paghawak niya sa akin. 'Yung tipong ingat na ingat na.

Napa-iwas ako ng tingin.

..Don't you give up, nah-nah-nah
I won't give up, nah-nah-nah
Let me love you
Let me love you~♪♡

"You look so breathtaking tonight, Bianca.." mahinang bulong ni Miguel, at seryoso akong pinakatitignan. "My one and only secretary.." 

Separating my lips in awe, napatingin ako sa tsokolate niyang mga mata. Malamlam iyon, at tila lasing na. Bahagya kong iinangat ang ulo ko upang pagmasdan siya nang mabuti, at nang makita kong nakatitig lang siya sa akin ay hindi ko mapigilang mataranta.

"Uhm, ikaw rin.." nauutal na sabi ko na lamang habang hiyang-hiya na.

..All that we need
Is a rude awakening to know we're good enough
Know we're good enough~♪♡

"Oh, right.." he chuckled and genuinely smiles at me.

Hindi ko naman kinaya iyon dahilan para mapababa sa pulang carpet ang tingin ko. Narinig ko naman muli ang marahan niyang pagtawa. Hinawakan ni Miguel ang baba ko, at inangat ito.. pinaparamdam sa akin na humarap na ako sa kanya.

Nagpigil naman ako ng ngiti. Kitang kita ko kase kung papaano mapuno ng kasiyahan ang mga mata niya. Tila nawala na 'yung boss na kasama ko kanina. 'Yung boss kong salubong palagi ang parehong kilay. Na para bang pasan-pasan ang problema ng mundo.

I can't help it..

My mind and heart can't help.. It keeps thumping violently, na tila ba gusto ng kumawala sa akin at maglumpasay na lamang sa harapan ni Miguel dahil sa kilig.

..Say go through the darkest of days
Heaven's a heartbreak away
Never let you go, never let me down

Oh it's been a hell of a ride
Driving the edge of a knife
Never let you go, never let me down~♪♡

Habang nagtitigan kami ay napadiin ang hawak ko sa balikat niya. Humigpit naman ang hawak niya sa bewang ko. Naglapit lalo ang katawan namin, at halos mangislap sa pagkamangha ang mga mata ko nang masentro ang tingin niya sa akin.

Mukhang gaya ko ay wala siyang ibang nakikita sa paligid kung hindi.. ako lang, at ako, na siya lamang. It's like we only behold at each other, our gazes stilled together with a passion that even me.. can't get over.

Napalunok ako

Sa totoo lang, wala akong maintindihan ni isa. Bukod sa ngayon ko lang ito naramdaman, masyado talaga itong matindi at kakaiba. In all my life ngayon lang ako nakaramdam nang ganito, at tanging sa kanya lang. Tila nakasalalay sa kanya ang bilis ng tibok ng puso ko.. nakasalalay sa kanya kung sisigla ba ito o kung ano.

Ano bang ginagawa mo sa puso ko boss? I can't help but ask him through my eyes. I don't know if he read it or not.. but that's the only way for me to calm down.

..Don't you give up, nah-nah-nah
I won't give up, nah-nah-nah
Let me love you
Let me love you
Oh baby, baby~♪♡

"Let me love you.." I froze and began to tense. "Let me love you.." At nang masiguradong kinanta nga niya ang liriko nung kanta ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung sinasabi niya ba sa akin 'yon o kung ano.. dahil talagang nakatitig lang siya sa mga mata ko.

Napakurap-kurap ako saka hinigpitan muli ang pagkapit sa balikat niya. Grabe, parang segu-segundong nakakapanghina ang mga tingin niya.

Let me love you..

"Oh, baby.." he seductively licked his lower lip. "Baby.. Let me love you," Ngayon naman ay hindi na ito pakanta kung hindi pasalita na habang nakangiti sa akin nang perpekto.

Bahagyang kumuyom ang kamao ko, at lalong nanlambot. Natalo ng puso ko ang isipan ko dahil ito ay tila tuluyan nang na-blangko.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi.

Oh God, are he insane? Kung binibiro niya lang ako. Please lang, tumigil na siya.. Kase ang lakas na ng tibok ng puso ko, at siya lang ang naging dahilan no'n.

Biting my lower lip softly, I took a.. very deep sigh.

Hold on, heart..

L A D Y M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top