Chapter 13
Chapter 13
Itiniklop ko ang nakabukas kong kamao dahil nagsisimula nanaman akong maging pasmado. Namamasa ang magkabilang palad ng kamay ko. I'm so damn nervous. I can feel how the anxiousness and uneasiness devour me completely. It made me stand up and sit down uncomfortably on the stool.
Napapikit ako nang mariin.
Hindi ko kayang masulyapan manlang ang kabuoan ko sa salamin. Never in my life had I visualized that I could wear this kind of dress, o kung dress pa ba ang tawag dito dahil parang gown na. And the fact that it can probably cost thousands dollars.. made me feel so sick. Hindi ako sanay. Para pa nga akong kinikilabutan. But then, hindi naman 'yon ang mas inaalala ko. Hindi naman kase ako ang gumastos ng lahat ng ito kung hindi ang boss kong iyon. Might as well 'wag ko na lang isipin pa ang presyo.
Wala sa sariling napalingon ako sa malaking salamin na nakatayo sa gilid ko. But my body literally stiffened when I finally see my reflection. I'm kind of startled. Ang light make-up na inilagay sa mukha ko ay ang lalong nagpa-enhance sa ganda ng bawat parte ng mukha ko. From my not-so-thin ebony brows, curled lashes, perfect pointed nose, pink as strawberry cheeks, and to my glamorous crimson-red lips.
Napababa ang tingin ko sa suot ko.
Implying my titillating collarbone, the Queen Ann creamy brown dress I presently sporting is really damn stunning. Perpekto ang naging hapit nito sa buong katawan ko making my sexy curve to be more evident. Naka-long sleeve ang isa kong braso habang naka-shoulder length naman ang kabila. For me, earlier, it's so unusual but right.. while seeing how this style fits to me; it's definitely outstanding.
Bahagya akong lumayo sa salamin para lalong makita ang kabuoan ko, at nang mapadako ang tingin ko sa hita ko ay natigilan ako. Exposed ang makinis kong legs sa kanan dahil sa style nito. Pero hindi ko inaasahang imbes na maalibadbaran ay nagpadagdag ito ng apil sa ayos ko.
I also wore 3 inches brown heels that has a narrow rope around my foot. While my not-so-long hair was awesomely above on my shoulder, it's in a messy manner with some curly strands around the inner.
Napahawak ako sa silver clip nasa taas ng kaliwa kong tainga. Nakaipit sa buhok ko at kaparehas ng earings na suot ko. They are sparkling brightly in a perfect dust making me part my lips in a strange emotion.
"Jesus.." reaksyon ko pa. "Ako ba talaga ang babaeng ito?"
Huminga ako nang malalim saka napagpasyahang maghintay na lamang kay boss. Kahit naman nagagandahan ako sa ayos ko ngayon ay hindi pa rin ako nagiging komportable, lalo na panigurado sa isiping may makakakita sa akin na ibang tao.
As time enacted, while gazing at my cellphone I was clenching.. I become even more annoyed than I imagine. Ang tagal naman nung unggoy na iyon. I mentally shrieked as I took a very deep sigh.
Minutes later, I can't help but typed his number on the screen. I click the call button beside it as I immediately dialled his contacts. Mabuti na lang at hindi ako nahirapan pa dahil kaagad siyang sumagot.
"Boss—"
"Yes, Miss Secretary?" he let out. Mahihimigan kaagad ang pagka-aliw sa boses niya. Na naging dahilan naman para mas ipirmi ko ang mga labi ko.
Grabe, mukhang iniinis niya talaga ako.
"Ano ba, boss?" mahinang bulyaw ko, at iritadong humarap sa glass wall. "Naiinis na talaga ako sa'yong unggoy ka. Akala mo ba nakakatuwa itong pinagagawa mo sa akin—"
"W-what? Did you just call me unggo—" Nahinto siya sa pagsasalita, at ganun din naman ako nung putulin niya ang mga sasabihin ko pa kanina.
Pareho kaming natigilan ngayon dahil nakita na namin ng personal ang isa't isa. Naroon siya sa harapan ko, at nakatingin sa akin nang deretso habang hawak-hawak ang sariling cellphone. Bagaman nakaharang ang glass wall ng shop sa aming harapan ay hindi iyon naging hadlang para hindi malinaw na makita ang mga naging reaksyon namin nang magtagpo na ang mga mata naming dalawa.
Mula dito sa kinatatayuan ko ay malaya kong nakita kung papaano rumehistro ang gulat at pagkabigla sa mukha niya. Umuwang ang bibig niya, at naglaro ang mangha sa kanyang tsokolateng mga mata. Hindi man ganun kaeksakto ngunit tila sabay na napahigpit ang paghawak namin sa cellphone ng isa't isa. Na kahit kapwang nanatili ang mga ito sa tapat ng aming kanang tainga ay wala sa sarili namin itong mabibitawan dahil sa nararamdamang intensidad.
Unti-unti ay umilap ang mga mata ko. Ngunit gustuhin ko mang tuluyan ng umiwas ng tingin sa kanya ay tila hinahatak pa rin ako ng kagwapuhan niya para mas tumitig dito.
Simpleng raven coat lang ang suot niya na pinalooban ng puting polo. Nakatupi ang mga manggas nito sa kanyang braso. Habang ang patulis na kwelyo naman nito ay perpektong pumapalibot sa firm niyang leeg.
Bumaba ang tingin ko sa tila mabato niyang dibdib. May dalawang botones na nakabukas doon na mas nagpadagdag ng handsomely bad boy looks niya ngayon. Idagdag pa ang itim na itim niyang buhok na nakaayos sa maangas na paraan.
Napakuyom ang kamao ko. Bakit ganito..? Nakita ko lang ang itsura, at kabuuan niya pero tila nanghihina na agad ako. Nawala ang iritasyong namumuo sa dibdib ko, at napalitan ito ng pagkamangha.
Parang gusto ko na lang kumapit sa matipuno niyang katawan, hagkan ito at angkinin nang walang pag-aalinlangan. He looks so.. daring tonight, a damn temptation na gusto ko ay mapasaakin lamang.
What the heck, Bianca?! Iginilid ko ang ulo ko saka sinawalang bahala ang iniisip ko sa kanya ngayon. Ngunit tila hindi ko rin talaga mapigilan.
Normal ba naman kaseng tila mapahinto ang nasa paligid ko nung masilayan ko na kung papaano lumamlam sa nakakarupok na paraan ang mga mata niya? Bumilis ang tibok ng puso nang tignan niya ako na tila ba ako lang ang sentro ng kasalukuyan niya? No.. it's not definitely normal! Dahil hanggang ngayon ay ayaw pa ring mahinto ang kiliting nararamdaman ng sistema ko.
Ikinurap ko ang mga mata ko. I need to calm, down and withheld these exotic feelings. May kasalanan pa rin siya sa akin! Pinikon niya ako ngayon at kaylangan niya iyong panindigan.
Nanggagalaiti kong inayos ang itsura ko bago panlisikan siya ng mga mata. Malalaki ang hakbang akong umalis sa dressing shop, at pinuntahan na nga kung nasaan siya ngayon.
"You look so.." mahinang bulong niya at tila ba nawalan ng sasabihin nang magkaharap na talaga kami.
Hindi ko naman iyon pinansin.
Inis na inis akong lumapit sa kanya kahit nalilito pa rin sa feelings na namuo sa puso't isipan ko kanina. Kaylangan kong ilabas lahat ng emosyon ko ngayon—kahit iyong mga frustration lang! Dahil tila sasabog na ang dibdib ko kung hindi.
Ano ba naman kase itong pinaparamdam niya sa akin..? Masyadong kakaiba, at nakakatakot.
"I.. Ikaw!" nagtitimping singhal ko. Nawalan na ako ng pakealam kung boss ko siya o kung ano.
Nangunot naman ang noo niya, at ang kakaibang ekspresyon niya kanina ay nawala.. napalitan lamang ito ng confusion.
"W-what?"
I really can't believe this man!
"You.. look at me!" halos magpapadyak na salita ko. "Look what you damn did. Ni hindi nga ako nagsusuot ng mga ganitong klaseng outfits.. tapos—" Lost of words, I just groaned and completely hissed at him. "How dare you, Miguel! How dare you!"
Gusto kong umiyak sa totoo lang.. Hindi lang dahil sa pinagagawa niya sa akin kung hindi dahil sa nararamdaman ko bigla sa kanya. Ayoko ng feelings na ito! A-ayoko..
Napakurap-kurap naman siya nang marinig ang panghihimutok ko, tila ba hindi makapaniwala sa pagiging exaggerated ng mga reactions ko ngayon. OA na kung OA pero ayoko lang lumala 'tong mga hindi ko pa rin mapangalanang emosyon. At kung kinakaylangan kong mainis na lang nang mainis sa kanya, ayon ang gagawin ko para makaiwas sa feelings na kinatatakutan ko.
Nagbaba-taas ang dibdib ko.
Calm down, Bianca.
Don't panic that much.. Ang unggoy na CEO lang 'yan.
Mayamaya pa ay kalmado ko ng idinilat ang mga mata ko. Ngunit kaagad na umuwang ang bibig ko nang maabutan siyang tinignan ang may kalusugan kong dibdib.
"M-manyak!" akusa ko, at tinakpan ang dibdib gamit ang pouch na hawak-hawak.
"You're melons are definitely savage babe.." Miguel teased. He seems so playful right now and it makes my eyes widened even more. "And I bet it's taste victorious too.."
"W-what?!" panggigil ko ngunit nagkibit balikat lamang siya at tumikhim.
"Let's go.." aniya, at basta-basta na lamang akong tinalikuran.
Nagtagis naman ang bagang ko, na nauwi sa pagmaang nang makalayo kaagad siya sa akin. Dere-deretso lang ang paglalakad niya, at hindi manlang ako nilingon. Napabuga ako nang hangin saka pikit ang matang sumunod na lamang sa kanya, walang magawa dahil ginagamit niya na ang pagiging boss card sa akin.
"Calm down, Bianca.. Just calm down," mahinang bulong ko habang panay ang paghinga nang malalim.
Nakatulong naman ang mga soothing chants kong iyon dahil ilang segundo lang ay nagtagumpay nga ako.
Thank, God! Isip-isip ko pa.
Pagkalabas namin sa pinakaloob ng majestic mart; kung saan ngayon ko lang napansin na marami pa palang iba't ibang klaseng shop bukod sa pinasukan namin kanina sa loob. Siguro dahil sa likod mismo ng majestic mart kami dumaan kanina. Akala ko iyon na ang pinabungad, hindi pa pala. Kaya ngayon ay hindi na ako nagtataka kung bakit ako natitigilan habang dinadaanan iyong mga taong naglilibot sa majestic. Para kase itong maliit na mall para sa mayayamang nagpapaganda lang.
Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pinagtitinginan kaming dalawa ni Mr. Falcon. Kung siya lang ang nakakahakot ng tingin nung mga tao ay normal lang dahil worth it siya kung titigan. Pero 'yung kasama ako? Bakit?
Nangunot ang noo ko. Hindi sa pagmamayabang pero masasabi kong ibang-iba talaga ang ayos ko ngayon. Pero walang-wala naman siguro iyong ganda ko kumpara sa iba hindi ba?
Wala sa sariling napatingin ako sa lalaking nahuli kong nakatitig sa akin ngayon. Hindi ito nahinto o nahiya manlang dahil lumawak lalo ang pagkakangiti nito nang matagpuan ang paningin ko.
Tuluyan na akong napahinto, at nilingon siya ngunit nabigla na lamang ako nang may humawak sa braso ko. Mahigpit man 'yon ngunit ramdam ko roon ang pag-iingat na hindi ako masaktan.
"Get in," utos ni Mr. Falcon. "Hindi 'yung kani-kanino ka pa tumitingin." malamig na dagdag pa niya.
Napangiwi naman ako, at nauwi iyon sa pagkakunot ng noo. Ngunit pinili kong ipilig na lamang ang ulo ko para hindi na 'yon pansinin pa. Miguel, and his confusing words.
"Let me.." Miguel offered kindly nang makita niyang nahihirapan ako sa pagkabit ng seatbelt.
Napalingon ako sa kanya.
Tama ba ang naririnig ko?
Ngunit halos malagutan naman ako ng hininga nang makitang napakalapit ng mukha ni Boss sa akin. And when he leans forward even more ay bahagya na akong napaatras kahit alam kong wala na akong aatrasan. So unusual, but I can infer that my chest can bounce at him if he moves more because of our closeness.
"Nice.." Hindi ko namalayang nakapikit na pala ako habang inaayos niya ang seatbelt ko kaya nang marinig ko siyang kumibo ay kaagad akong napadilat.
Bumungad sa akin ang inosente niyang ngisi kaya nagsalubong naman ang kilay ko.
"A-anong nice?" Confused, I tried to ask him. But he just shook his head, gaze at my up and down chest and hummed.
"Nevermind, but yeah, you're still adorable hm?"
"Pinagsasabi nito.." naisabi ko na lang, at wala sa sariling napalabi.
Bahagya naman siyang natawa, at literal na natigilan ako roon. Nanliit ang mga mata. Ang tawang 'yon.. Bakit parang narinig ko na? Bakit tila pamilyar ang tawa niya? Sumeryoso ako, at kinalkal sa isip ko kung saan ko ba iyon narinig.
"Why so serious, my secretary?" Naglaro ang kakaibang emosyon sa mga mata niya at pinakatitignan ako. "Is there any problem?"
Kaagad akong napakurap. "H-huh?"
"Nevermind.." Again, he answered. But this time iyong boses niya ay palamig nanaman.
Hindi na lamang ako umimik pa, tumingin na lang sa labas, at napunta sa malalim na pag-iisip. Hindi ko mawari kung bakit, o bigla akong umaasta nang ganito. Parang bigla akong tumamlay at nawalan ng gana.
I just.. I just don't know. Ang alam ko lang ay narinig ko na talaga ang pamilyar na tawang 'yon. I can even withstand it dahil hindi ko lang 'yon imagination.
"W—Wait!" I exclaimed breathlessly, and he immediately stop.
Nilingon niya ako. Bagaman madilim pa rin ang paligid ay nakakasigurado akong nagtataka siya kung bakit naging balisa ako ngayon.
"W-why?" he sputtered under his breath. He looks confused.
"I t-think something is coming down there.." hindi mapigilang paglabi ko, at nahihiyang bumulong sa kanya. "Naiihi na yata ako.. B-bakit 'di mo sinabing nakakaihi pala 'to?"
I can feel how my cheeks warmth with disbelief. It's so embarrassing! At nang marinig ko ang nasisiyahan niyang tawa ay namangha ako.
Napakagat ako sa ibabang labi saka inarko ang labi para muling ngumuso.
May mali ba sa sinabi ko..?
"Fuck.. you're so fucking adorable," Hiindi kaagad ako nakapagreact nang mariin niya akong halikan kasunod ng mga salitang iyon.
Parang natuliro naman bigla ako dahil sa ala-alang 'yon. Nag-init ang magkabilang pisnge ko, at namutla. 'Yung tawa ng estrangherong lalaki ay katulad nung tawa ni boss!
"Hindi," Umiling ako. "Baka nagkakamali lang ako.." nasabi ko na lang.
"Nagkakamali saan?"
"Nagkakamali na—Boss!" halos singhap ng sabi ko, at napabuntong hininga. "Ikaw pala 'yan.."
"Yes.." He sofly murmured, waiting for me to say something. But when I didn't, siya na ang kumibong muli para magtanong.
"May problema ba?"
Dahan-dahan akong napailing. "W-wala naman."
Napabuntong na lamang siya. Ngunit malinaw na mahihimigan ang pagkadismaya roon. Napailing ako. Hindi na ako nagsalita pa at sumandal na lang sa kinauupuan. Imposible kaseng siya iyon. Marami naman sigurong mga tawang magkakapareho 'di ba? Maaring magkatunog, pero may differences pa rin siguro. Imposibleng iisa lang sila.
"T-tama, imposible.." pagpapanatag ko sa sarili ko bago pilit na ibinalik ang naging mood kanina.
"We're here.." Nabaling ang atensyon ko sa nagsalita, kay boss na ngayon ay nakakunot na pala ang noo.
Napatingin ako sa labas. Nasa isang venue na kami, at halatang pangmayaman ito dahil sa laki at dami ng bantay sa paligid. Sa kabila naman ay malayang nakikita ang sari-saring sikat na mga sasakyan.
"M-may problema ba, boss?" tanong ko nang lingunin ko muli siya at naabutan na siyang nakatingin lang sa akin.
"Bumaba ka na." ani na lang niya sa akin.
Napangiwi naman ako at palihim siyang inirapan. Ngunit sumunod din kalaunan. If i know, umu-unggoy nanaman siya. Pagkababa ko ng sasakyan niya ay inayos ko na ang suot ko. Inipit ko sa sariling tainga ang hibla ng buhok kong tumatabing sa mukha ko bago ako huminga nang napakalalim.
"Let's go?" Marahang kinapit ni boss ang kamay ko sa braso niya. Nagpaubaya na lamang ako at hindi na nagreklamo pa.
"Uh, sige.." I nod my head in acknowledgment kahit na medyo kinabahan.
Napatango-tango naman siya, at inalalayan na ako na tila ba napakamaginoong lalaking nanggaling sa nakaraan ngayon. I never thought na pwede pala siyang maging gentleman. Mabagal ang naging paglakad namin. Hindi na ako kumibo pa at nang silipin ko siya ay nangunot noo ko sa nakita. Bago muna kami makahakbang papasok sa main venue ay nagside-eye siya sa akin at napanood ko pa ang tago niyang pagngiti nang magtagpo ang mga mata naming dalawa.
I froze, and my lips parted in surprise.
I think if earlier, his playful laughs.. amazed me.
Right now, seeing how sweet and genuine his smile is.. made me, really astonished.
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top