Chapter 12
Chapter 12
"So, it's settled, then. Hindi ka nagkamali ng kompanyang kinasundo, Mr. Lorez." Miguel let out seriously as he darted his luxurious chocolate-eyes at him; the Falcon's new-found investor.
I sighed in relief nang magkamayan na ang dalawang lalaki sa harapan ko bilang pag-sealed ng business deal na pinagdidiskusyon nila kanina.
Silently peeking at my watch, I perfectly calculated na inabot lamang ng mahigpit isang oras ang usapan nila.
So remarkable, and flawlessly outstanding. Isip-isip ko pa. Kanina kase habang tahimik na nakikinig sa tabing upuan ni boss ay nasaksihan ko mismo kung papaano niya gamitin ang sariling kakayahan para mas kumbinsihin si Mr. Lorez.
Mainly kase ay nagkakainteres lamang ang ibang businessman na mag-invest sa kompanya dahil isa itong Falcon. Wala silang pakealam kung hindi maganda ang maging partnership nila sa kasalukuyang may-ari o sa namamalakad, basta lang maikonekta nila 'yung pangalan ng mga kompanya nila rito.
Falcon is not just well-known as an impressive company in all industries of construction technology, but it's also perceived as an unreachable numerous corporation. Sa tagal na nitong napatayo mula sa kinanununuan ng ama ni Mr. Falcon ay ni isang beses.. Hindi ito bumagsak sa business history.
"Alam ko.." malaking pagkakangiting tugon naman ni Mr. Lorez.
Malamig na tumango naman sa kanya ang lalaking katabi ko dahilan para ipilig na nito ang sariling ulo. Mukha hindi na niya alam ang susunod pang sasabihin dahil matamang nakatingin pa rin sa kanya si Mr. Falcon. All of a sudden ay napadako nanaman ang tingin niya sa akin, binigyan niya ako ng unusual regards na bahagya ko namang ikinahinto na.
Kung hindi ako nagkakamali ay pang-apat na beses na ito.. At sa totoo lang ay nagiging uncomfortable na ako dahil may kung anong galak sa mga mata niya habang nakatingin sa kabuuan ng mukha ko. Ngunit gaya ng dati; nung minsang isinama rin ako ni Mr. Ex-President sa ka-meeting niya, pormal na ngiti na lang ang ibinigay ko.
"So, uh, I guess mauuna na ako.." Mr. Lorez tidied his throat nervously. Nawala iyong pagiging collective niya at napalitan ito ng pagpapanic matapos mapasulyap kay boss nang tawagin na siya nito kalaunan.
Nagtataka man ay nagkibit-balikat na lang ako habang tinitignan ang paalis na si Mr. Lorez. He looks so threatened and terrified. Iyong tipong parang pabalisa na sa kung saan. Hindi ko tuloy mapigilang ma-curious kung ano ba ang nangyare, at bakit siya biglang nag-react nang ganun.
Perhaps, an abrupt emergency?
I sighed and shook my thoughts. Mayamaya pa ay kinuha na ni Mr. Falcon ang atensyon ko. Marahan siyang tumikhim, ipinasok sa magkabilang bulsa ang dalawang kamay at nilingon ako.
Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. And just the magnets that always pulls together.. our eyes confronted automatically.
"May pupuntahan ka pa ba boss?" naitanong ko habang kunot noong nakatingin sa palapulsuhan; doon kase nakatapat ang relo ko.
I heard him let a harsh tsked making me think na umaariba nanaman ang pagiging unggoy niya. Weirdo at napakabugnuting unggoy.
"Are you hungry?" he asked out of frustration, at kahit nagtataka ay umiling ako.
"Busog pa po ako," mahinang bulong ko pa.
"Nabusog ka na sa juice at salad?" halata ang kaasaran sa boses niya habang pinagmamasdan nanaman ako.
Silently.. with my brows that presently clasping, I nod my head in acknowledgment; which is completely a lie.
Actually medyo nabitin ako sa pagkain kanina. Pero nakakahiya naman kaseng kumain ng marami dahil kasama ko ang boss ko, at ang ka-meeting nito. Of course, I need to be more competent and conventional. Ayaw kong ipahiya ang kompanya na pinapasukan ko. Gaya ng na-mention ko kanina. Kilala ang Falcon sa maganda nitong pangalan sa industriya, at ayokong madungisan iyon ng dahil lang sa gutom na nararamdaman ko.
Kung tutuusin, napakaswerto ko nga at naging parte ako ng Falcon. Marami kase ang nagnanais na maging empleyado o maging kasapi manlang nito. May mga high standards sila sa bawat empleyado, and luckily ay naabot ko ang mga iyon.
"Bakit boss? Gutom ka pa po ba?" tanong ko na lamang. Ayan nalang kase ang rason para maging iretable siya nang ganito. "Mag-o-order po ako kung gusto niyo.."
He shake his head, sighting softly.
"Busog ka na? Kung ganun.." pasimple siyang tumikhim. "Busog na rin ako,"
"Huh..?" I trailed in confusion. Pero tumalikod na lamang siya, at inaya na akong sumunod sa kanya.
"Let's go.." he grumbled.
Masunuring sumunod na lamang ako sa kanya gaya kanina. Ngunit habang nasa likuran niya naman ay hindi na ako nagulat pa nang maraming napapalingon, at palihim na nagbubulungan sa paligid namin. Malamang ay talagang namumukhaan nila si boss. At kung hindi naman? Paniguradong dahil ito sa tinataglay niyang kakaibang kagwapuhan.
Mr. Falcon looks so stunning and incredibly attractive in his raven business suit. Maari nga siyang magmodelo kung gugustuhin niya.
"Saan ang punta natin, boss?" I can't help but inquire when I saw that it's not the direction we got on earlier.
Nang hindi niya ako pinansin ay wala akong nagawa kung hindi ang sumandal na lamang sa kinuupuan ko.
Inabala ko ang atensyon ko sa labas ng kotse. Maraming mga restaurant, team park at iba pang klaseng gusali ang nadadaanan namin. Nagbibigay ito ng prominent exhibition sa paligid kasabay ng nagyayabungang mga puno kahit kaunti na lamang ang mga ito. Sadly, unti-unti ng nauubos ang mga kagubatan, at kakahuyan sa manila. Mas lamang na lamang ang porsyento ng mga naglalakihang istraktura kaysa sa natural na kalikasan.
Nabagot ako kakatingin kaya kinuha ko na sa bag ang headset ko, sinuksok ko ito sa magkabilaan kong tainga at binuksan ang cellphone ko. After that ay nangapa naman ang mga daliri ko sa screen, at naghanap ako ng kanta. Maraming nakakamanghang kanta ang nakalagay sa various song list ko. Mga nasa 800 plus yata, mga talagang worth it i-keep kahit pa abutin ng full storage.
Nakagrupo ang mga kantang paborito ko sa isang folder which consists of 200 songs, ganun din sa mga song artist nito. Minsan kase ay may mga time na mas gusto ko lamang pakinggan 'yung mga kantang nakakakuha lagi ng atensyon ko. At para mas madali itong mahanap ay pinagsasama ko ito sa mga folder.
..Umiiyak ka na naman
Langya talaga wala ka bang ibang alam Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa
Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan~♪♡
Itong kantang ito ang isa rin sa kinabibiliban ko. Halaga by Parokya Ni Edgar. Isa 'yan sa favorite song ko. Naalala ko pa noon nung mapakinggan ko iyan sa ringtone ng katabi ko sa jeep nung nag-co-commute pa ako. Muntik na akong matawa dahil masyadong nakaka-distract talaga 'yung kanta.
Imagine, sa kalagitnaan ng byahe ay biglang nag-ingay iyong phone niya. To the point na lahat kami ay napatingin sa kanya. Although, sa sobrang curious ko ay hinanap ko ito sa YT.
..May kwento kang pandrama na naman
Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka bang ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga
Na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka~♪♡
Nakakatuwa, and at the same time ay ramdam mo parin 'yung emotion sa kanta kahit parang pang rock 'yung composition. Natuwa ako kase dapat sad song ito, broken 'yung connotation ng bawat liriko. At dapat 'yung tempo at dynamics ay mabagal, sa low level na tutugma naman lyrics.
Kase ganun naman talaga ang karaniwang himig ng kanta kapag nakakahabag 'yung pinaparating nito 'di ba? Pero 'yung song na ito, talagang kakaiba. Masyado akong napapabilib. Napaka-remarkable. Odd pero sobrang nakakamangha.
Halaga by Parokya Ni Edgar hits so different. It's old but definitely gold.
"Bianca.. " I stubbornly grunted when my attention heeded to that low, soft voice.
Gusto ko pang matulog! 'Wag namang istorbo.
"Open your eyes.." he pointed out. "Nandito na tayo."
Boses iyon ni Mr. Falcon huh..? Wala sa sariling idinilat ko na ang mga mata ko. At ganun na lamang ang gulantang ko nang makitang naka-lean in siya sa akin, at tila kanina pa ako ginigising.
"Uh.." Napakagat ako sa pang-ibabang labi. "N-nandito na pala tayo—"
But Mr. Falcon just tsked dahilan para maputol ang sasabihin ko, o kung may dapat nga ba akong sabihin pa. Kaya ang resulta ay awkward na lamang akong napa-iwas tingin. Tinanggal ko ang seatbelt na suot at nagmadali sa pag-aayos ng sarili para iwas hiya.
Mayamaya pa ay hindi na nakaligtas sa paningin ko ang pagpaskil ng ngisi sa mga labi niya nang mapasulyap muli sa akin. Natapos na siya sa pagtanggal ng sariling seatbelt. Ganun din naman ako. Pero kung bakit biglang napuno ng galak ang tsokolate niyang mga mata nang makitang pinagmamasdan ko siya, ay hindi ko alam.
Imbes na mag-over think pa ay bumaba na lamang. Ngunit pagkatapak pa lang ng sandals ko sa sahig ay napatingin na ako kaagad sa paligid upang kalkulahin kung nasaan ba ako, I mean kami. At nang ma-realize ko, na nasa harap kami ng isang dressing boutique or should I say wardrobes shop that for women only; bumalot ang pagtataka sa isip ko.
Nagsalubong ang magkabilang kilay ko.
Bakit kami nandito?
Naguguluhang napalingon ako sa boss ko. Ngunit ganun na lamang ang pagkaawang ng bibig ko nang makitang naglalakad na siya papasok sa shop. Wala sa sariling napasunod na rin ako sa kanya. Dahil medyo nahuli ako ay bahagyang napatingin sa akin ang bantay nung shop. Tinanguan ko naman ito, at itinuro ang boss kong nauna sa akin para ipahiwatig na kasama ako ni Mr. Falcon; na sa tingin ko ay esklusibong nagpa-reserve na ng oras sa shop nila.
Sobrang gentleman kase nitong boss ko e.
"Pick her a dress for a semi-formal party, make her more beautiful and presentable." Naabutan kong pag-utos ni Mr. Falcon sa dalawang babae na nasa kanyang harapan.
Nangunot ang noo ko saka nagtanong na, "Para saan naman boss?"
Lumingon siya sakin sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay at hinalukipkipan. "You didn't heard me? I mentioned it already. P-A-R-T-Y."
Kamuntikan na yatang malaglag ang panga ko dahil sa biglang pamimilosopo niya. See this man? He is really infuriating!
Patience, Bianca. Patience. Agad na isip-isip ko while steadying myself down. Seconds later, when my breath is presently even.. I compiled my reaction into a formal frown.
"Bakit.. ako?" I murmured kaya kumunot ang noo niya na naging dahilan para linawin ko ang itinanong ko. "I mean.. Bakit kasama pa ako?"
Humarap na si Miguel sa akin.
"Bakit hindi ikaw?" seryosong salita niya.
Napatanga ako. "Huh?"
"Nothing," he grumbled in dismissal tone as he looked at me in the eye. "Just dress up. I will fetch you later.." Saka niya sinulyapan 'yung dalawang babae. "Sila na ang bahala sa'yo."
"Yes ma'am, kami na po ang bahala sa inyo." sabay na sabi naman ng dalawa nung mahuli nilang nakatingin na ako sa kanila.
Pilit akong ngumiti bago palihim na samaan ng tingin ang boss ko. Na kasalukuyang nangingisi nanaman. Mukhang nasisiyahan sa naiirita kong ekspresyon ngayon. Tumalikod na siya ngunit bago siya umalis ay lumapit muna siya nang bahagya sa tainga ko.
"Good luck, my sexytary," he murmured in a husky yet soft voice making me parted my lips completely.
Nanlalaki ang mga matang nilingon ko siya. Ngunit malapad na ngisi lamang ang isinagot niya sa akin.
"But in all the seriousness, Bianca. Hindi mo na kaylangan pang magpaganda sa tulong nila." Amusement dance in his chocolate-brown eyes while peeking at me, clearly enjoying my confused reaction. "Just dress up for the party. Maganda ka naman na sa paningin ko.."
"W-what..?" Ano bang tinira nito? Nawala ang atensyon ko sa pinagsasabi ni Mr. Falcon nang may humagiksik sa tabi ko.
Napatingin ako roon sa dalawang babae. Mukha silang teenager na kinikilig. Iyong mga high school classmate mong mahilig mang-ship ng dalawang tao kahit wala namang potential para maging couple.
"Bagay na bagay po kayo ni Mr. Falcon!" One of the girls beamed cheerfully.
"Oo nga, ma'am!" segunda naman nung isa
Nangunot ang noo ko at palihim na hinanap si Boss nang mawala siya sa paningin ko. Ngunit mukhang umalis na siya at iniwan na ako rito.
"Anong pangalan niyo?" naitanong ko na lamang para ibahin ang kanilang atensyon. Kase kahit hindi ko man aminin, unti-unti na akong naiilang sa panunukso nila.
"I'm Skyline Montaso, ma'am." ani nung isang nakasuot ng scarf.
"Drop the ma'am, secretary lang naman ako ni boss kaya Bianca na lang." Ngumiti ako. "Hi, Skyline."
Napatango ito, at tumingin sa isang kasama na ngayon ay malawak rin ang pagkakangiti sa akin.
"Ang ganda mo naman para sa isang secretary, Bianca!" she practically exclaimed. "Mitch Gertes nga pala. At gaya ng sinabi ni Mr. Falcon, kami ni Sky ang bahala sa'yo!"
"Uh, okay.." Napabuntong hininga ako.
With that, they immediately pulled me over and took me to a private room. They both competent me to sit on the stool, making me face the two undivided mirrors.
Just by staring at the things around me, I can say na sobrang costly nitong shop na 'to. It made me really uneasy. Nonetheless, I still rotate the stool I was sinking to turn around and look at the girls. Masasaya ang ngiti nila while selecting the numerous, beautiful dresses na nasa kanilang mga kamay. Nagbubulungan sila sa harapan ng hinintuan nilang closet, at tila nagtatalo pa nga kung ano ang dapat kong suotin.
Napailing ako saka nilibot na ang paligid. One word, napakaelegante. Sobra. Hindi ko tuloy mapigilang ma-curious kung sino ang designer or architect nila nung magawa ang esklusibong kwartong ito. Hindi na nakakapagtaka. Kahit kase nung nasa labas pa lang ako ay masyado ng pa-gold ang shop. Yayamanin iyong may-ari.
"May napili na kami para sa'yo.." pag-imporma bigla nila.
Natigilan naman ako. Hindi ko na naramdamang nakarating na pala sila sa pwesto ko.
"Anong klase?" tanong ko kaagad. "Ayoko ng masyadong expose—" dagdag ko pa.
"Huminahon ka, Miss Secretary." Hinawakan nila ako sa balikat.
"Fine.. Pero nasaan ba iyong dress na napili niyo?" They giggled, at ipinakita na nga sa akin iyong napili nilang susuotin ko. And once I saw kung anong klaseng dress iyon ay nalaglag ang panga ko.
Unti-unti akong napailing. "H-hindi ko susuotin 'yan.."
"Yes, you will.. Bianca," they smiled calmly while looking at me seriously.
"No way!" I can't help but hissed in horror. Hindi ko kase ma-imagine ang sarili kong magsusuot ng ganung klaseng dress!
Pero hindi sila natinag at nagsimula na akong ayusan. Sinabi nilang may permission silang nakuha kay Mr. Falcon, at huwag na akong tumutol pa. It all left me with no choice, but to become frigid in my seat. And that's it, all my remaining patience burned. Habang kuyom ang kamao ko, at hinahayaan sila Sky at Mitch na gawin ang utos sa kanila ni Mr. Falcon; isa lamang ang nasa isip ko.
Lagot ka sa aking Unggoy ka!
L A D Y M | MOONWORTH
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top