Chapter 11

Chapter 11

Salubong ang magkabilang kilay ko habang tahimik na nakaupo sa swivel chair.

Wala akong maayos na tulog sa totoo lang. Halos hating gabi na kase ako nakauwi kagabi. Hindi na iyon uwiang babae, at masyado na talagang late to the point na binalak kong 'wag na lang matulog dahil baka mahirapan akong bumangon kapag sumikat na ang araw. Pero sa isiping maari akong maging bangag o pahikab-hikab sa trabaho ay umidlip ako.

Sala sa init at lamig pa naman itong boss ko ngayon.

Laging nakatutok ang mga mata sa akin na tila ba inoobserbahan ang bawat galaw ko. Na kung sakaling may makita siyang kahit isang pagkakamali sa akin ay walang pag-aalinlangan niya akong pupunahin, or worst huhusgahan.

Umabot lamang ng mahigpit tatlong oras ang idlip kong iyon, at wala pa sa kalahati ng sleeping hours ko; which is 8 to 10 hours. Kaya hindi na ako nagtataka pa kung bakit hindi maipinta ang mukha ko ngayon kahit nasa kalagitnaan pa lang ng umaga.

Bukod sa muntik nanaman akong ma-late kanina sa trabaho ay hindi ako makapaniwalang—wala manlang akong narinig na pasasalamat sa Mr. Falcon na iyon nang magkaharap kami kanina pagkapasok ko.

With his eyes that gazed so coldly, deep and baritone voice that speaks sternly, expressions that were full of dispassion and his presence that fidgetted in intimidation—Yes, at umakto lang siya ng normal sa harapan ko. Iyong tipong nakalimot agad.

Wala sa sariling napahalukipkip ako.

Imagine my furious but collective reaction earlier nang umasta siya na para bang wala siyang ginawang pangdidistorbo sa akin nung gabi. He's so unbelievable and definitely disappointing.

Masyado siyang nakakaturn-off.

Pinagsisihan ko tuloy na pinuntahan ko siya sa club kagabi, sinundo, hinatid sa kanyang condo at inasikaso.

I took a very deep sigh.

"For God's sake.." palatak ko pa. "Saan kaya siya kumuha ng kapal ng mukha para hindi manlang magpasalamat sa akin?"

"And who's the thick face you almost swear at this moment, Miss Secretary?"

"Tinatanong pa ba 'yan..?" Halos nakapamewang na sabi ko at humarap sa nagsalita.

"Sino pa ba kung hindi si—" Nanlaki ang mga mata ko. "—Mr.. Mr. Falcon!" singhap ko nang makitang ito pala ang kumibo sa likuran ko ngayon-ngayon lang.

I immediately accumulated myself, seeing him in front of me. Madali akong napaayos ng upo, at napatayo. Malinaw na narinig sa pagitan namin ang marahas na paggalaw ng swivel chair na basta ko na lang iniwan, at ang itim kong ballpen na nalaglag pa sa sahig.

Nahigit ang hininga ko.

"I-Ikaw po pala 'yan boss.." Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ngingiwi nang mapantayan siya.

How careless and impulsive Bianca! Paanong hindi mo manlang nabosesan ang boses ng boss mo? I mentally shrieked.

Mr. Falcon folded his arms crossed while wiggling his perfectly curved brows at me.

Swallowing greedily, I can grope how my expression tensed and tightened even more. Idagdag pa ang biglang pagdagundong ng kaba sa dibdib ko. Malilintikan ako nito kung natuloy ko ang sinasabi ko kanina. O baka naman nakapagsalita na ako tungkol sa kanya habang wala pa rin sa sarili?

Shit.

"So.." he murmured, looking straight into my eyes.

I parted my lips.

"Uh.." I averted my gaze at him, and Mr. Falcon's forehead furrowed completely when he sense my anxiety.

"Sino ang makapal..?" he asked with his natural husky voice.

"H-huh?!" Nagulat ako. Mukhang may narinig nga siya!

"Ms. Del Pilar, I won't mimicked it again and again so you better answer me right now or else.."

Oh, shit. I think I'm doomed!

"S-sino 'yung makapal po ba sir? Oh.." Tumango-tango ako at hilaw na napangiti. "H-hindi po iyon tao kung hindi isang hayop.. Isang unggoy na may kakapalan ang b-balahibo 'yung tinutukoy ko Mr. Falcon."

Pinanliitan niya ako ng mga mata dahil sa sinagot ko. Parang hindi naniniwala sa akin kase sobrang out of nowhere ito. Pero dahil ayon na ang lumabas sa bibig ko ay pinanindigan ko na lamang.

"Really, huh? And this monkey.. does have a pair of brown eyes?" aniya kalaunan nang magdagdag ako ng impormasyon sa kinukwento kong unggoy.

Mabuti na lamang at nakakita na talaga ako ng dalawang unggoy sa personal. 'Yung isa ay totoong hayop, at 'yung isa naman ay tao.. na kasalukuyang kausap ko.

"Y-yes, uh, karamihan sa kanila ganun iyong kulay." sagot ko naman, at nag-random facts na lamang sa kanya para mabawasan ang nararamdamang kaba. "Maraming naniniwalan na ang mga unggoy ay always into banana. Na iyong saging daw 'yung prutas na pinakapaboritong kainin ng mga ito. But did you know that Monkeys mostly prefer grapes over all fruits?"

Natahimik siya.

"Including over bananas?" Miguel suddenly asked me, genuinely curious and I can't help but find it so.. adorable.

"Yes.." I answered truthfully.

Nagkatinginan bigla kami kaya unti-unti na akong nailang hanggang mapaiwas na ako ng tingin, at magmuni-muni sa kung saan.

Nawala man ang kaba kanina ay bumabalik naman ito kapag nakakasalubong ko ang tsokolate niyang mga mata. Na kahit kakulay man ito ng mga Monkey sa zoo ay walang-wala ang mga iyon kung ikukumpara sa kung gaano kaganda at nakakapang-akit ang mga mata ni Miguel.

Carefully, Mr. Falcon cleared his not-so-dry throat. And I swear, kahit magkatapat lang kami ay ramdam ko kung papaano gumalaw ang lalamunan niya sa matamang paraan.

Kaylan pa ako naging ganito kasensitibo? Palihim akong napalunok. Para kaseng owtomatikong kumuryente 'yung mismong pagtikhim niya pababa sa tiyan ko, at maligalig itong naglumikot sa kung saan dahilan para magbigay ito ng kung anong kiliti sa sistema ko.

"You informed me earlier that I have a meeting with the new investor, right?" I hastily nodded, still stunned and surprised by how he tried to soothe my strange silence.

"Come with me.."

"P-po?" Mula sa paninitig niya sa gilid ay nilingon niya ako. And seeing me with my.. parted lips, he let out a frustrated tsked.

"Fuck.." sunod na mura niya. Napanganga naman lalo ako kaya tila napigtas na ang pasensya niya.

Mariin siyang napatalikod sa akin. Malakas na bumuntong hininga at wari ko'y nahihirapan pang napahilamos sa sariling mukha. Nagflex kase pataas 'yung mga muscles niya sa braso.

"Just.. follow me."

"Anong bang nangyayare sa kanya?" nawiwirduhang tanong ko sa kawalan dahil bago niya ako talikuran ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang tila nakakapaso niyang paninitig sa labi ko.

Napailing na lamang ako at mabilis na hinablot ang coat kong nakayakap sa likuran ng swivel chair. Ganun din ang ginawa ko sa bag kong nakapatong sa ibabaw ng desk. Malalaki ang ginagawa kong hakbang habang sumusunod sa kanya. Talagang nagmamadali at aligaga dahil ang bilis niyang maglakad.

Habang nasa harapan ko si Mr. Falcon, I can withstand how cold and intimidating his presence is while walking. That every march he took, kaagad na nagsisiyukuan ang mga taong nadaanan namin. Makikita sa mga ekspresyon nila ang matinding paggalang sa lalaking sinusundan ko. Ngunit gaya naman ng isang makapangyarihan at maimpluwensiyang tao, wala manlang itong pinansin ni isa.

Pormal at deretso lamang ang tingin ni Mr. Falcon sa tinatahak namin. At masasabi kong ganun din ako habang nakabuntot sa kanya. Pinindot ko ang first-floor nang mapuntahan na namin ang elevator. Bababa kami ng building dahil sa labas iyong meeting place na napagkasunduan sa bagong investor.

Nang makapasok siya sa loob, at sumunod ako sa kanya ay literal akong natigilan nang walang makitang tao. Hindi ko na napansing sa VIP elevator pala kami nakasakay—which means, the elevator is only exclusive with him and the special guest. Tumunog ang elevator, and as usual ay nauna siya kaya mabilis ngunit collective naman akong sumunod.

Bumungad sa amin ang tila tahimik na pasilyo kasabay ng sunod-sunod na pagbati sa kanya ng bawat empleyado. Karamihan ay talagang sumisilip sa kaniya-kaniya nilang deparmanento para magbibigay ng respeto sa presensiya niya.

And at this moment.. I can't help but felt so small and underprivileged. Tinignan ko ang malapad at tila bato niyang likuran. Masyado pala talaga siyang mataas kumpara sa akin. Masyadong makapangyarihan. Na tila dapat laging pag-angatan, tingalain at galangin. And for unknown and foreign reason, napabuga ako ng marahas na hangin. I can feel how my heart countered negativity, and it stimulated with defeating distress.

Masyado siyang malayo at kahit katabi ko naman siya ay tila sobrang hirap abutin.

Huminga ako nang malalim, at itinagilid ang ulo. Parang naninikip kase bigla ang dibdib ko. Harmless naman itong iniisip ko ngunit parang hindi kinakaya ng puso ko.

Ano ba itong nararamdaman ko? I sighed.

When Mr. Falcon abruptly stopped, I almost severely sink behind him. Mabuti na lang, at mabilis akong napabalanse ng tapak. Inilayo ko ang katawan sa kanya, at tumuwid ng tayo. Nakahinga ako nang maluwag. Thank God, and I did not embarrass myself behind him.

"May problema po ba—" I would have inquired him kung anong nangyare nang may kalakasan siyang tumikhim sa harapan.

"Who spread it?" Mr. Falcon asked in a stern and firm voice

At kahit hindi ko naman nakikita ang ekspresyon niya ngayon ay alam kong madilim at matalim ito. Sa boses niya pa lang ay talagang manginginig ka na.

Natahimik ang department na inihintuan namin. Napahinto silang lahat bago nanlalaking matang napatingin sa harapan na dapat dadaanan ni Mr. Falcon. May cup noodles kaseng nakakalat doon, at mukhang kakatapon lang nito.

Napatitig ako sa bawat empleyadong nahigit na yata ang hininga ngayon habang gulat na nakalingon kay Mr. Falcon. Mga kabado ang ekspresyon nila, at takot.. tila talagang nasindak.

Palihim na lang akong napabuntong hininga. Ngunit nang dumako naman ang tingin ko sa isang babae ay nanliit ang mga mata ko. Nakakagat siya sa kanyang pang-iibabang labi at dahil siguro may kakapalan ang lipstick na gamit niya ay bahagya iyong nagkalat. Pinagmasdan ko ang suot nito ngayon, at napangiwi na lang ako nang makitang walang kasing nipis ang blouse na suot niya. Wala ring coat, o pamatong manlang. Mabuti at hindi siya nilalamig.

"No one will speak?" Once again, Mr. Falcon asked coldly, attempting to be eve more threatening and compelling. Na kahit nga ako na walang kasalanan ay napaigtad.

Nakita ko namang may biglang kumalabit doon sa babaeng kanina ko pa napapansing kabado. May ibinubulong sa kanya ang katabi niya ngunit nagmatigas ito. Kaagad biglang nakiusap ang mga mata, at umiling.. tila hindi pumapayag sa kung saan.

"You.." Narinig ko ang seryosong paghinga ni Boss. "You're fired!" His horrible, and cold voice roared as he looked at the woman I was peeking at earlier.

Mabilis na nag-alpasan ang mga luha sa mata ng babae. Hindi ko alam kung maawa ba ako o hindi.. Dahil sa totoo lang ay marami na siyang rules na nilabag.

"Clean this mess.." mabigat at mapanganib na utos pa ni Miguel bago magpatuloy sa paglalakad.

Nang makalagpas kami roon ay narinig ko pa ang mga bulungan patungkol sa tinanggal na babae at kay boss. Ang mga paghabol nila ng tingin sa amin, at ang kanilang hindi makapaniwalang singhap. Ako naman ay iling-iling na lamang while rapidly following the man who inflicted the scene. And silently, without a word, when he pounce in the car ay naupo na rin ako sa passenger seat matapos kong buksan ang pintuan.

Naabutan ko siyang nagkakabit na ng seatbelt sa driver seat at tila haring nakaupo at nakahawak sa manibela bago siya tuluyang nagmaneho paalis.

"Do you know.. why I fired her?" Bursting the defeating stillness while we are in the car, Mr. Falcon suddenly implored his words.

Ang katahimikang namayani sa amin kanina ay bigla ng nawala kaya nakahinga ako nang maluwag. Mukhang kumalma na siya. Kanina pa kase salubong ang mga kilay niya.

"Yep," I shrugged while nodding my head.

Sumulyap siya sa akin bago muling magtanong, "Do you think I can give her a chance?"

Bakit niya kaya natanong? Palihim na nanliit ang mga mata ko hanggang sa mapagpasyahan kong sumandal na lang sa kinauupuan ko bago sumagot.

"For me? I will not give that woman any chance." Nangunot naman ang noo niya at hindi na mapigilang tignan ako sa salamin dahilan para magtama ang mga mata naming dalawa. "First, she violated one of the company's rules that tells, 'Do not wear any revealing clothes' or should I say.. that every employee should wear their proper dresses. That the clothes should still be pressed, neat, and appropriate for the type of work you do."

Napatango siya, at pasulyap-sulyap pa rin sa akin.

"Like.. for men, you can expect casual pants and slacks with collared polos or crew-neck sweaters. While the women have the freedom to wear nicely-fitted tops and blouses, slacks or skirts. Fun patterns and colours are acceptable with a casual dress code. But what she was wearing earlier ay masyadong manipis at maikli. Even her buttons are opened—seeing her cleavage as if she did it on purpose." Kumunot ang noo ko at inalala ang itsura nung babae. "Secondly, the lipstick on her lips was too thick and red. Althought, wala naman sa rules na nagsasabing forbidden ang gumamit ng make-up or something. But it should still be in accordance with the work she was working to. It should be light and not that crimson red, it's either light brown or light pink."

Gaya ng labi ko na nude brown 'yung kulay.

"Lastly, I know that she's also the one who threw the noodles." pagsisiwalat ko sa kanya.

Natigilan naman siya. "How did you say that..?"

"Based on my theory, while we were going down or maybe we were in the elevator. A gossip and chatter told them that you are arriving. Syempre nagulat siya, reason for her to be so darn nervous," Hindi ko mapigilang ngumisi. "Secretly kase ay bumili siya ng cup of noodles sa cafeteria kahit wala pang lunch break, at kumain. And I think, when she was about to wipe out the noodles—she released it immediately when she heard your name."

"What?" he asked me in uprising tone. He looks confused. "What's with my name?"

"Women like her are 'feeling teenagers' who just heed on the name of the one they want, or crush on; they will instantly react stupidity. And because of that, she suddenly let go of what she was holding. No one noticed her actions kase lahat sila ay naging abala sa pagsalubong sa presensiya mo."

"And when she glimpsed that we were approaching already, without a time.. she presently bluffed and deluded to be darn occupied like the others, carelessly departing the omitted noodles she threw away.." Napailing ako, at bumuntong hininga. "And the rest, ayon na.."

"How can you be so sure about your assumptions then?"

May halong inis akong tumingin sa kanya kaya napaiwas naman siya ng tingin. Deretso siya muling tumingin sa kalsada at sinabing hindi siya kontento sa sinabi ko.

"Theory nga 'diba? Walang validation pero maaring tama. And I trust my guts lalo na't nakita kong may talsik na chicken noodles ang skirt niya. Maliit ito kaya 'di kapansin-pansin. Dilaw kaya alam kong chicken ang flavour, kapareho ng noodles na natapon sa sahig kanina. Alam ko ring sa cafeteria binili dahil ganun din ang binibili ko minsan doon. Malapit lang din siya sa pwesto ng daanan kaya mabilis lang siyang nakaalis sa harapan, ilang hakbang lang ang maari niyang gawin at wala na agad makakapansin sa kanya." tuloy-tuloy na saad ko. Palihim ko siyang inirapan. "At isa pa, kabado at mukhang guilty siya kanina. Nakita ko rin na parang pinapaamin na siya ng katabi niya pero iling lang ang isinagot nito. Mukhang baguhan lang kaya ganun kapabaya.."

Nang mawalan na siya ng kibo matapos kong magsalita ay humalukipkip ako habang nakaupo pa rin sa passenger seat. 'Wag mong sabihing silence nanaman ang isasagot niya sa akin kahit na sa puntong ito. Sayang iyong deduction ko kung ganun.

"Is that enough your honor?" I can't help but stare at him.

Napasulyap naman siya sa akin. Nagtama ang mga mata naming dalawa, at hindi ko mapiging iawang ang bibig ko nang makita kung gaano kalalim bigla ang naging tingin niya sa akin.

Parang binabasa niya maski ang kaloob-looban ng kaluluwa ko.

He slowly, cleared his throat. "Pwede na.."

"H-huh?" Hindi ko alam kung bakit ako biglang nautal.

"Pwede na, at qualified ka ng mag-apply bilang boss ko.."

"W-what?!" Hindi ba't siya ang boss dito, at sa kompanya..? "May higher position pa kaysa sa kung gaano kataas ang posiyon mo ngayon, boss?"

That was ridiculous I know.. Hindi ko alam na may sense of humour din pala itong si Miguel.

"Oo naman.." sagot niya at inihinto na ang sasakyan. Nag-lean in siya sa akin para tulungan ako sa pagtanggal ng seatbelt, at tinignan ako derekta sa mga mata. "'Yung magiging soon-to-be Mrs. Falcon ko.."

"Oh.." Naiilang na napaiwas ako tingin sa kanya sa narinig.

"Kaya nga hindi ka na rin luge.." Tumaas ang sulok ng labi niya, pero mukha siyang seryoso kaya nanlaki na ang mga mata ko.

Tama ba iyong narinig ko?

L A D Y  M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top