Chapter 04

Chapter 04

The most infuriating part when you have a job is that; when it's still part of your weekends pero may meeting na biglang dumating and you can't just ignore or dismiss it. Dahil kahit papaano ay patungkol 'yon sa kompanyang pinapasukan mo.

Malalaki ang hakbang kong kinuha ang coat kong nakapatong sa sofa. Mabuti na lamang at malinis pa iyon kaya maari ko pa ring magamit kahit pansamantala.

Nang makababa na ako sa condominium na tinitirahan ko ay walang lingon-lingon akong pumasok sa loob ng sasakyan. Sinarado ang pintuan at inabot ang bukasan ng makina. Ngunit sa kakamadali ko ay nahulog ang hawak kong susi sa ilalim ng brake. Yumuko ako upang hanapin naman ito, at nang maabot ko ito ay wala akong sinayang na oras para kunin ito gamit lamang ang kanang kamay ko.

Napasandal ako sa kinauupuan ko at inistart na ang sasakyan nang makaramdam ng iritasyon. Nagsimula na akong magmaneho.

Focus, Bianca. Focus.

I sighed in relief because after a moment of silently maneuvering my car, I eventually got at the elevated, enormous structure I was working on for five years. Nang pumarada ako sa parking lot. Napansin kong marami ng sasakyan ang narito, at karamihan ay puro company car kaya masasabi kong nagpunta na rin ang iba pa.

I peeled off the seatbelt fastened within my body and went down in the  ground. I effortlessly strolled in the bulding. In just a snap, the workers' consultation conference room opened up to me and by how full the area is, I can say that they are all complete. Mula sa pinakamababang departemento rito sa first floor hanggang sa itaas.

Kapansin-pansin sa lahat ang pagkainip dahil biglaan ito at naistorbo sila. Ngunit gaya ko ay tila wala rin silang magawa, talagang napipilitan lang dahil notice ito sa itaas.

Napatingin sa akin ang iba nang dumating ako and I just keep my stoic expression. Naupo ako sa nahanap kong bakanteng upuan, naghintay pa nang saglit sa ibang 'di pa dumadating hanggang sa pumunta na sa harapan iyong mag-a-announce.

"I can see that we are almost complete kaya mag-uumpisa na ako. I just want to inform all of you that the CEO itself will lead and oversee us. He'll be the one to constraint, control, and supervise us—name all the possibilities. Basta, siya na ang tuluyang mamahala rito nang personal."

Hindi ko mapigilang matigilan. Ganun din ang iba. Kaniya-kaniya sila ng reaksyon ngunit hindi ko 'yon pinagtuunang pansinin. Actually may acting CEO lang ang kompanya, at unknown and hidden 'yung reason kung bakit. Dapat kase 'yung anak nung may-ari ng kompanya na matagal na raw namatay ang dapat magpatakbo nitong Falcon.

Muling nagsalita 'yung representative namin, "And if you don't know him yet, he is Miguel Falcon, the only son of the owner of Falcon Industry Company."

Napangiwi ako. Kung banggitin niya kase ang pangalan nung anak ng may-ari nitong kompanya ay sa pinakamakapangyarihang paraan. Parang dapat galangin at pag-angatan ng tingin dahil sa apelyidong dala-dala.

This man seems a big deal.

"On the other hand, the management specifically want all you to comprehend every single actions you made. Each of you should be more careful and accurate in everything you do. Prevail and stand your professionalism because the CEO himself will personally manage us. Mr. Miguel Falcon is well-known as a frightening person.. He is not that sociable with others." Napabuntong hininga ito bago pakatitignan kami. "And according to the subjective impormation I seriously gathered, he is definitely alarming lalo na't marami-rami ring nababalitaang clumsy'ng baguhan dito sa atin. Kahit na 'yung mga dati pang empleyado. He does not want any mistakes and negligences occurred in his company."

Natahimik ang lahat. Pero mayamaya pa ay muling nagkaroon ng bulungan. They looks so skepticism and kind of concern. Panay ang lingon nila sa isa't isa na parang may pinanghuhugutan. Mga talagang natakot at nakaramdam ng pangamba sa narinig.

Distracted by their reactions, my eyebrows came together.

Seriously? Wala naman silang dapat ikareaksyon sa sinabi nung representative lalo na kung ginagawa naman nila 'yung best nila sa trabaho. Hindi na nila dapat iyon problemahin pa.

Malamang sa malamang ay hindi naman ganun kababaw 'yung lalaking iyon sa pamamahala rito sa kompanya niya. At siguro, masyado lang talagang exaggerated itong nagsasalita sa harapan namin.

Napabuntong hininga ako.

Ito lang ba iyong rason nung classified meeting namin? Parang nakakatawa kase. Sayang sa oras lalo na't hindi naman na iyon parte ng trabaho ko rito. Mainly sa president itself lang ang ronda ko sa kompanya, at hindi na iyong mas mataas pa sa kanya.

"Si Mr. Falcon ay seryoso rin sa lahat ng bagay. Na kaunting mali mo lang ay paniguradong tanggal ka na. Wala siyang pinapalampas kahit iyong mga matatagal na rito. Kaya binabalaan ko na kayo, iba ang boss natin ngayon. Kung ang señior Falcon ay mahigpit na noon, triple naman ang pag-uugaling namana ngayon ng anak niya," saad nito at muling binalasa ang mga rules and regulations sa amin.

Mayamaya pa ay na-mention niyang may bayad 'yung oras na nilaan namin ngayon sa meeting kaya medyo nawala ang iritasyon ko. Well, hindi rin naman nakakapagtaka iyon. Galante naman talaga ang kompanyang pinasukan ko kaya maraming nag-aasam na maging empleyado rito.

Palihim akong napahikab nang matapos na sa wakas ang pagpupulong. Minsan lang ako dalawin ng antok at nakakabanas dahil nagitla 'yon ngayong araw.

"Hello, Auntie Eliza?" pagbati ko saka itinapat sa kabilang tainga ang hawak na cellphone. Inihinto ko ang paghawak sa mga papel na inaasikaso ko ngayon.

"Oh ija, how's your day? Sorry talaga kanina, hindi tuloy tayo nakapagbonding."

I shook my head kahit wala naman siya sa harapan ko.

"Don't worry Auntie, it's really okay.."

She sighed in the other line.

"Bakit nga pala hindi kita matawagan kanina?" pagtataka niya. Napansin ko nga ang missed calls niya sa notification ko. "May nangyare ba?"

"Wala po, tungkol lang sa work." Napakamot ako sa kilay dahil alam ko na ang sasabihin niya nang mabanggit ko ang salitang trabaho.

"I told you to rest and unwind, Bianca. You're not a robot for goodness' sake." Kalmado lang palagi ang boses ni Auntie kahit masesense roon ang frustration kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat maging reaksyon ko. Mabuti na lang at iniba niya ang usapan hanggang sa tila may maalala siya.

"By the way, I want you to meet my son ija."

"Po?" Napasandal ako sa kinauupuan ko at nangunot ang noo. "Bakit naman Auntie?"

"He stressed and worried me too much. Ayaw niya pang mag-asawa, and you know how much I crave for a grandchild." sumbong niya. She seems so problematic.

"Ayaw niya naman pala Auntie e." balewalang sabi ko naman habang nahihikab pa. Sa wakas ay dinalaw na rin ako ng antok.

Kanina pa kase ako nakatulala lang sa ceilings pagkauwi ko. Nawala bigla iyong antok ko. Hindi naman ako sanay na walang ginagawa kaya hindi ko mapigilang trabahuhin na kaagad iyong gagawin ko palang dapat sa susunod na araw.

"Anyways, why don't we just shift the topic auntie? Hindi ko naman kilala 'yang anak mo, so I can't definitely help." My forehead furrowed and when she becomes quiet.. a ridiculous idea played in my mind.

"Dont tell me na.."

"Oo ija, gusto kong subukan mo siya." natutuwang pang-engganyo niya sa akin. "Hindi ba't wala ka namang boyfriend? And I will be the happiest person in the world kung kayo ang magkatuluyan.."

Stunned and dumbfounded.. my eyes broaden even more. Umuwang ang bibig ko. Tama ba iyong narinig ko? I thought she was just fooling me back then. Me? Dating someone na hindi ko gaano kakilala? No way! I am happy and satisfied with my life na. Hindi ko kaylangang magpapasok ng tao sa buhay ko bukod sa taong kausap ko ngayon kahit na ano pa mang sabihin niya.

"Auntie.." Trailing my words, I secretly calm my nerves down. I don't want to burst and over react right now. "Y-you know that I'm not into it.. right? Never pumasok sa isip ko ang makipagdate Auntie."

"Ganun ba? Sayang naman.." Bumuntong hininga siya saka nagsalita ulit. "Bagay pa naman kayo.. ayaw mo ba talaga?"

Hearing how sad and grim her voice at this moment made my heart throb in painful way. It looks like.. she really wants me to date her son. I consider her as my own mother and it hurts me when I disappoint or dishearten her.. just because of this one!

"I understand you ija." Naramdaman niya 'ata ang pagiging uncomfortable ko sa derektang pagtanggi sa kanya kaya kumibo muli siya. "Kung ayaw mo talaga, hindi naman kita pipilitin—"

"I'll try it, susubukan ko Auntie." mabilis ko siyang pinutol sa pagsasalita.

Shit.

Mukhang natigilan siya sa kabilang linya dahil halos ang paghinga na lamang niya ang naririnig ko. Pero hindi rin nagtagal iyon dahil kalaunan ay impit siyang napatili.

"Are you really.. really sure, Bianca!?"

"Yes, Auntie."

"Oh, my God!" ang tanging naging reaksyon niya sa sinabi ko kaya napangiti naman ako. She looks so happy. "You're a truly a godsend Bianca, ija! Hindi na tuloy ako makapaghintay na magkaroon ng apo sa inyo!"

Napaayos ako ng upo.

"Auntie! Sabi ko susubukan ko lang.." singhap ko. "Anong apo 'agad..?!”

She's so unbelievable. Pinagsisihan ko tuloy na napapayag niya ako! But Auntie Eliza just laughed, seemingly sensing my horror and atrocity.

"Oo na, oo na.. But you know? I will love it too kung agahan niyo ang paggawa ng apo."

I tsked saka nagreklamo na. "Akala ko ba date lang 'yon, Auntie."

"I can predict na mapupunta rin naman kayo doon, ija. Sure na sure ako na magugustuhan ka ng anak kong adik sa magagandang dilag," hagikgik niya pa.

What the hell..?

"Oh, mukhang babaero naman pala Auntie."

"Ayon nga rin ang isang problema ija. Not that I dislike it, but never na siyang na-attach sa kahit na sinong babae ngayon. It looks so impossible kase nga nahilig siya sa mga babae noon, sila nung best friend niya. Kahit flings hindi na rin siya pumapatol. Over the past years, I observed that he really became distant sa kahit sinong babae. And you know what? Kaunti na lang talaga ay masasabi kong na-realize niya sigurong barbie na pala siya noon at into boys na pala siya ngayon kaya ilag na siya sa kababaihan."

"Seriously?" I can't help but chuckled.

"I am over thinking dahil panganay ko siya, Bianca. Paano na ako magkaka-apo nito 'di ba? I want you to date him as soon as posible." She sighed and murmured after a while. "Alam mo namang tumatanda na ako."

"Okay, I'll try to date him pero hindi pa ngayon.. You know that I have a job auntie, and I don't really do dating but because of you—I will try. Alam mo namang ayaw kitang nalulungkot." mahinahong bulong ko saka napahilot sa batok nang makaramdam ng pangangawit.

"Ang sweet mo naman talaga ija kaya gustong-gusto kita e." nasisiyahang sabi niya kaya napailing naman ako.

"Opo na lang, tama na ang bolahan Auntie." Tumingin ako sa oras. "Gabi na po, sleep well."

"Sleep well too ija, goodbye!"

"Bye.." Bumuntong hinga ako matapos kong patayin ang tawag.

Inihagis ko ang cellphone ko sa malambot na kama. Inilagay muli ang coat ko sa couch ko bago tanggalin ang dalawang botones ng longsleeve shirt ko. Nilakasan ko ang aircon gamit ang isang remote na nasa ibabaw ng side table.

Habang nag-uunat ng katawan, iniisip ko 'yung sinabi ni Auntie, I'll just try it. And kung hindi kami mag-click, end of conversation agad.

Seriously? I'm not really into that shit. Hindi ako naniniwala sa dating, pursuing and courting na iyan. Ganun din sa mga intimate na relasyon lalong-lalo na sa pag-ibig na kinababaliwan ng karamihan. Special feelings towards someone? I don't absolutely acknowledge those words. Wala iyong katotohanan at hindi iyon nakapagbibigay ng tunay na kasiyahan.

Romance, love and intimate relationships are nothing but a burden in the end.

Susugal ka, ipaglalaban mo siya at gagawin mo ang lahat para sa kanya.. pero sa dulo? Lolokohin ka lang at ipagpapalit sa iba. Ayon ang reyalidad na hindi nakikita nung mga taong nabaliw na sa pag-ibig.

Bulag sila sa isiping ang pag-ibig ay tila isang rosas. Maganda kung mamulaklak. Perpekto at walang kapantay kung mapa-sa'yo. Puro positibo ang nakikita nilang katangian nito.

Pero sana magising sila sa katotohanang gaya ko..

Na kahit gaano pa kakomportableng panghawakan ang kahali-halinang rosas.. ay may kaakibat na tinik pa rin ito. Masyadong delikado, mapanakit at nakakadurog sa dulo.

L A D Y  M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top