Chapter 01

Chapter 01

As I looked at myself infront of the mirror, nakita ko naman ang kabuuan ko rito. Pero hindi na ako nagulat pa nang makitang nangayayat ako.

Infrequent months have passed since that One Night happened. No one can absolutely predict that I am capable in doing such stupid things, even me. Ni minsan hindi sumagi ang ganung insidente sa isip ko. That One Night, I lose what I care about—my self-denial and my innocence.

Napatingin ako sa isang kwarto.

It's my mother's room.

Hearing how she whimpered again, obviously letting me know how painful her cries are. I remember what happened that night, early before my mess. Isa sa naging rason kung bakit nawala ako sa sarili at hindi nakapag-isip nang tama.

Malakas akong bumuntong hininga nang tuloy-tuloy na pumasok muli sa isipan ko ang nangyare.

”Saan ka po pupunta papa? Bakit may dala kang gamit? Aalis ka nanaman po ba?" tanong ko pagkatapos kong bumaba ng hagdan. Naabutan ko kase sila papa na masinsinang nag-uusap.

Kung titignan ay tila kalmado naman sila. Nakaupo nang tahimik, at matamang nakatingin sa isa't isa. Ngunit hindi naman ako ganun kamanhid. Nararamdaman ko sa kanilang dalawa ang kakaibang tensyon bagay na ikinakunot ng noo ko.

"Anak.." I gave attention to my papa when he called me. Mukhang nagulat ko pa yata.

Napailing ako, at napatingin kay mama na namumugto pala ang mga mata. Mukhang galing sa matinding pag-iyak. Kumabog naman ang dibdib ko at kahit nagtataka ay humalik ako sa pisngi niya ganundin kay papa.

Ano ba ang nangyayare? Palihim na tanong ko sa isipan ko.

Pupunta ako ngayon sa simbahan kaya nag-ayos ako ng kaunti. Suot ko ang dilaw na bistidang ibinigay ni papa sa akin nung kaarawan ko. Habang nilagyan ko naman ng dalawang silver clip ang gilid ng tuwid kong itim na buhok.

Araw-araw akong pumupunta sa simbahan. Kahit minsan ay kalahating oras lang ako kung magtagal. Hangga't kaya ko kase ay gusto kong bigyan lagi ng oras ang panginoon, pasasalamat na rin dahil ibinigay niya sa akin ang lahat. Ang isang buong pamilyang hiling ng karamihan ngayon.

"Aalis ka nanaman po?" muling tanong ko habang nakatingin na sa mga mata ni papa.

Nakangiti ako at hindi pinakita ang kalungkutang kumakalat ngayon sa sistema ko. Kung maari kase ay ayaw na ayaw kong umaalis siya. Gusto kong magkasama lang kaming pamilya.

Nang tignan ko muli ang kulay asul na mata ni papa ay napuno ito ng emosyon na hindi ko maintindihan. Tila may gustong sabihin pero nag-aalangan.

Tatanungin ko muli sana siya kung ano ba ang problema nang maramdaman ko na lamang ang yakap niya. Mahigpit at punong-puno ito ng pagmamahal.

Napanguso ako at yinakap rin siya pabalik.

"Ang papa.. naglalambing nanaman," May ngiti na sa labing sabi ko.

Narinig ko naman ang marahan niyang pagtawa. Nawala ang tensyon sa kanyang ekspresyon. Huminga siya nang malalim saka ginulo ang buhok ko na lagi niyang ginagawa.

"Papa naman.. Pupunta pa po ako sa simbahan. Ginulo niyo nanaman po ang buhok ko," nakangusong reklamo ko habang pilit inaayos ang nagulong buhok. Ang mga hibla nito na muntikan pang magkabuhol-buhol.

Hinawakan ni papa ang magkabilang balikat ko at mataman akong tinignan.

"Listen, Bianca.."

"Po?"

"Kahit ano mang mangyare.. Na kahit ano mang malaman mo, tandaan mong mahal na mahal kita." Umarko naman ang labi ko, at masinsinan lang na tinignan siya. "Mahal na mahal ka ng papa, prinsesa ko."

Dinampian niya ako ng halik sa noo kaya umalpas ang matamis at genuine na ngiti sa labi ko.

Lagi kaseng ganito ang papa.. Lagi niyang sinasabi, na mahal na mahal niya ako. Na kahit ano mang malaman ko ay mahal niya ako. Kahit hindi ko naiintindihan ay hinahayaan ko na lang siya.

Siguro nga may tamang oras at panahon ang lahat gaya ng sabi ng lola ni yaya dub. Ang kaylangan ko na lamang gawin ay matiyagang maghintay na sasabihin nila ni mama at hindi na magtatanong pa. Malaki naman ang tiwala ko kila papa.

Napailing na lamang ako saka nagsalita na, "Alam ko na po 'yan papa."

"Dalaga ka na nga talaga anak.." biglang bulong niya saka pinuna ako. "Ang laki mo na, oh."

Hindi ko alam kung mamangha o naiiyak ng sabi niya pa. Siguro talagang naninibago siya sa bilis ng panahon. Pauwi-uwi lang kase si papa dahil sa manila pa ang trabaho niya.

"Parang awa mo na.. 'Wag mo kaming iwan. Mahal na mahal kita." Napunta ang atensyon naming dalawa kay mama na ngayon ay nagsusumamo kay papa. Ang mga mata niya ay puno ng pakikiusap at pagmamakaawa.

Nagsalubong naman ang kilay ko. Bakit parang ang emotional naman ni mama ngayon? Hindi pa ba siya nasanay? Aalis nga si papa, pero alam kong babalik din ito makalipas ang dalawang taon.

Hindi ko tuloy mapigilang ipakita na ang mga tanong sa mata ko. Naguguluhan ako. Hindi rin kase nakaligtas sa paningin ko ang pagbabago ng ekspresyon ni papa.

Tumalim bigla ang mga mata niya, at dumilim.. tila may nasabi si mama na ikinagagalit niya.

"Papa.." tawag pansin ko nang makitang halos 'di na siya kumurap habang sinasamaan ng tingin si mama.

Ngumiti naman agad siya sa akin. "Sige anak, magsimba ka na. Ipagdasal mo ako, hm? Mag-uusap lang kami ng mama mo."

"Opo papa.." Muli akong humalik sa kanyang pisngi bago mabining ngumiti. Baka nagkaroon lang sila ng misunderstanding kaya ganito sila ngayon.

Napabuntong hininga ako, at hahalik na sana sa pisnge ni mama ngunit kaagad siyang umiwas. Binigyan niya ako ng naaalibadbadaran na tingin, tila gusto na akong paalisin.

Ngumiti na lamang ako sa ginawa niya. Sanayan na lang siguro. Ewan ko ba kung anong meron kay mama. Lagi kase itong mabait sa akin kapag kaharap lang si papa, tapos si papa naman ay napapansin kong palaging ilag naman kay mama. May kung anong pader ang namamagitan sa kanila na hindi ko naman mapangalanan.

Palihim akong napabuntong hininga. Sana naman maayos nila kung ano man ang problemang namamagitan sa kanila.

"Umalis ka na nga." Nadinig kong bulong sa akin ni mama, talagang pinagtatabuyan na ako. Even thought my heart ache, I nod my head just like the usual.

"Belinda!" Dumagundong ang sigaw ni papa. Marahil ay narinig ang sinabi ni mama.

Mabilis naman sa hanging nilingon ako nito, at gayon na lang kapirmi ang pagngiwi ko nang taliman ako ng tingin ni mama, naninisi na.

"Okay lang po, pa." puno ng pag-iingat na awat ko. "Aalis na po ako." I then cheerfully exclaimed as I bid a goodbye at them.

Huminga ako nang malalim saka nagpatuloy na sa paglalakad para makaaalis sa sala.

Baka nagsisimula na ang misa.

Hawak ko ang shoulder bag ko nang tuluyan na akong makalabas ng bahay. Ngunit hindi pa ako nakakalayo mula rito ay nakadinig na ako ng sigawan.

Natigilan ako.

Anong nangyayare? Dahan-dahan kong nilingon ang bahay namin na tinalikuran ko na kanina.

Baka may nangyayare ng masama sa kanila! Sa isiping iyon ay mabilis pa sa hangin akong tumakbo para balikan sila. Hindi ko pinansin ang pagkabog ng dibdib ko sa sobrang kaba.

Akmang papasok na ako sa bahay nang marinig ko na mismo ang mararahas at ayaw magpaawat nilang sigawan.

Nagsalubong ang kilay ko saka napaatras. Wala sa sariling nagtago ako sa puno malapit-lapit sa pintuan namin. Mukhang kila mama nga nanggagaling ang ingay na narinig ko.

"Aalis na ako.." Papa informed my mother, he looks calm.

"Sige umalis ka!" Mama exclaimed hardly. "Pero paano si Bianca, huh?" parang nangongonsensyang banat pa nito. "Hindi.. Kahit 'wag na siya, paano ako?"

Nanliit ang mata ko sa narinig.

"It's been a damn years pero hanggang ngayon ay ganyan pa rin ang ugali mo Belinda! Kung hindi lang naman dahil kay Bianca.." My father sighed disappointedly as he continued. "Hinding-hindi ako pupunta rito.."

Napakunot ang noo ko. Tama ba ang narinig ko? My heart skipped a bit. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila.

"Dahil lang sa akin? Ano daw?" naibulong ko pa.

Ang alam ko kase ay mahal na mahal ni mama at papa ang isa't isa. Ayan kase ang laging kinukwento sa akin ni mama. And base in her stories, and expression while telling it ay masasabi kong mahal na mahal niya si papa. 

Matigas na iniling ni mama ang kanyang ulo, hindi pumapayag sa gusto ng kausap. "Kahit pa! Paano ako.. Paano tayo—"

"Ilang beses ko pa bang uulitin na walang tayo, Belinda! May sarili na akong pamilya! Bakit ba hindi mo matanggap 'yon?!" nagagalit na bulyaw ni papa habang nanlilisik na ang mga mata.

Nanlaki ang mga mata ko at gulat na gulat na tumingin kila papa.

Umuwang ang bibig ko habang panay ang pag-iling.. Hindi pwede! S-siguro pinaglalaruan lang ako ng pandinig ko! Impo.. Imposible ang mga naririnig ko!

"Alam ko! Kaya nga nilasing kita noon 'diba—" hindi pa natatapos magsalita si mama nang putulin ito ni papa.

"Ayun nga! Nilasing mo ako noon at gumawa ka ng paraan para may mangyari sa atin. Gusto mong sirain ang pamilyang pinangarap ko! Na hindi mo nagawa dahil alam ng asawa ko ang pinaplano mo!" Huminga nang malalim si papa, tila pinapakalma pa rin ang sarili. "Maawa ka naman sa sarili mo o kahit manlang sa anak ko, Belinda.."

Napahawak ako sa bibig ko.

Hindi ako makapaniwala. Imposible ito.

I would never accept this..

Nanghihina akong napasandal sa puno na kinatataguan ko. Pilit kong pinapatatag ang nanghihina kong tuhod ngunit hindi ako nagtagumpay dahilan para maabutan ko na lamang ang sarili kong napapaupo sa sahig.

Nagsimula ng magsituluan ang mainit na luha sa mga mata ko kasabay no'n ay ang mararahas na pagsinghap ko. 

A-anak lang ba ako sa labas? Sa sarili kong tanong na 'yon ay tila nabingi ako.

Nanlabo ang mga mata ko habang panay ang panginginig ng labi. Walang salita ang lumabas sa bibig ko kahit panay ang pagbuka nito.

Ipinikit ko ang mga mata ko at tinignan silang dalawa.

Nakita ko ang paglabas ni papa habang nakasuot na ng business suit. Inayos niya pa ang kanyang necktie bago maglakad para sana umalis na.. ngunit nahabol pa rin siya ni mama. Panay ang paghawak nito sa braso ni papa, determinadong pigilan ito.

"Parang awa mo na, dito ka na lang!" Ramdam ko ang kadesperadahan ni mama nang bigkasin niya ang pagtangis niyang iyon.

"Stop this, Belinda. Hindi mo na ako madadaan sa mga drama mo! Kung hindi lang naman dahil kay Bianca, baka matagal na kitang ipinakulong." nanggigil na singhal ni papa at tinanggal ang pagkahawak sa kanya ni mama.

Marahas namang umiling si mama. Kumislap ang mga mata niya at nagsilaglagan doon ang pinipigilang luha.

Determinado talaga siyang 'wag paalisin si papa sa puder namin!

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, lalo na nang sadya niyang inilaglag ang sarili sa sahig. She's so frantic and desperate! Ngunit ang inaasahan niyang pagtulong sa kanya ni papa ay hindi nangyare dahil malamang sa malamang ay nakita rin ni papa ang ginawa ni mama.

Umigting ang panga nito. "I can't believe what have you done on your life Belinda. You once a close friend of mine, a kind hearted one.. Pero hindi na nga talaga kita kilala. Sawang-sawa na ako sa kasinungalingan mo. Muntik mo na ngang masira ang pamilya ko noon tapos ngayon muli mo akong sinisiraan sa kanila?!"

"M-mahal kita kaya ginagawa ko ang lahat para magkasama tayo! Iwan mo na lang ang malanding babaeng 'yon!" sigaw ni mama habang nanlilisik na ang mga mata.

Mayamaya pa ay nagulat ako nang mabilis siyang nakatayo, biglang lumapit kay papa at hinawakan ito sa panga. Lumambot ang kanyang ekspresyon saka walang pakundangang hinalikan sa labi si papa.

Pero mabilis na nakaiwas si papa kaya napunta lamang ang halik ni mama sa pisnge nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pagtulak niya kay mama para mas lumayo.

Nandidiring tinignan ni papa si mama saka tuluyan ng umalis. Iniling-iling ang ulo sa dismayadong paraan, at humakbang para mas talikuran si mama.

My heart ached painfully as I see him.. slowly leaving my mother, and me as her daughter.

All of a sudden, I got to my senses when I saw a thick and bulky smoke coming from my mother's room. Kumabog ang dibdib ko saka mabilis na tumakbo patungo sa kanyang kwarto!

Baka may nangyayare ng masama sa kanya, o baka may ginagawa nanaman siyang makakasakit sa sarili niya! Sa isiping 'yon ay determinado kong binuksan ang pintuan kahit na saradong-sarado ito.

When I inaugurated the door ay nagitla ako sa aking nakita at naabutan.

"A-anong.." Napasinghap ako.

Kitang-kita ko kase mismo nang harapan kung papaano hithitin ni mama ang nasa isang aluminum foil. Mahigpit ang hawak niya rito, tila ayaw ng bitawan. Ngunit nakakasigurado akong doon nangagaling ang usok na siyang nakita ko kanina! A-anong ginagawa niya?!

"Hoy! anong tinatanga-tanga mo diyan!? Gusto mo akong panoorin!?" Nanlisik ang mga mata nito nang makita ako.

"M-mama.." She crumpled the foil she was holding before grasping herself as she inclined me.

"Anong tinawag mo sa'kin?" tanong niya at malakas na natawa as if I had said something so absurd. Her eyes are already ruddy. Gulo-gulo rin ang buhok ni mama habang halatang-halata ang kakulangan niya sa tulog.

"M-mama," natatakot na pagtawag ko.

"'Wag mo nga akong tawaging mama!" marahas na palatak niya. "Wala kang kwenta tulad ng ama mo!" she amplified more while scowling at me.

"P-pero mama.." After she glared at me, bigla niya akong hinigit nang mahigpit sa braso.

Malakas akong mapadaing. Sa palagay ko ay magbibigay nanaman ng bakat sa buong braso ko kung papaano niya ako hawakan ngayon. Hindi pinansin ni mama ang pag-aray ko. Patuloy niya lang akong kinakaladkad palabas ng bahay namin, at nang bumagsak ako sa sahig gawa ng marahas na pagtulak niya ay pinantayan niya ako.

Madilim ang mga matang itinaas niya ang chin ko.

"Tandaan mo 'to, Bianca. Wala akong anak! Ayoko sa'yo! Ginagamit lang kita para umuwi dito ang ama mo! At dahil, hindi naman na uuwi ang ama mo rito.." nakakaloko siyang ngumisi sa akin. "Edi wala ka ng karapatan pang manirahan sa pamamahay ko! Kaya makakaalis ka na!"

Her voice was too harsh and loud while letting out those words. Hindi ako makagalaw, para akong naestatwa sa narinig. Na naging dahilan upang kunin na niya ang mga damit ko sa sampayan. She threw my clothes directly on my face.

Wala akong nagawa kung hindi saluhin naman iyon. Hindi ako makapaniwala. Ano bang nangyayare sa mama ko? Bakit ba siya nagkakaganito? Kasalanan ko nanaman ba?

"M-mama.." Wala akong bukambibig kung hindi ang salitang ito.

"Lumayas ka na rito! Umalis ka na! Wala akong anak!" bulyaw niya muli sa akin. Naroon nanaman ang galit at pagkamuhi sa mga mata niya tuwing natatagpuan ang paningin ko.

"Mama, anak niyo po ako.. A-anak niyo po ako," lakas loob na sabi ko sa kanya, hinihiling na sana ay pakinggan niya ako kahit ngayon lang.

Kaming dalawa na lang ni mama ngayon dahil iniwan na kami ni papa. Kaya hangga't kaya ko ay gagawin ko ang lahat para magkamabutihan kaming mag-ina. Pero sa itinatrato niya sa akin ngayon.. Hindi ko na alam ang dapat gawin pa.

Nasasaktan din naman ako mama.. I want to voice out those words ngunit hindi ko kaya. Bukod sa nakakasigurado akong tatawanan niya lamang ako ay alam kong kahit kaylan man ay wala siyang naging pakealam sa nararamdaman ko.

Nanginginig man ang magkabilang tuhod ay nagawa kong tumayo.

Ganito na lang ba lagi ang gagawin niya?

"Hindi na kita kaylangan.. Hindi na kita magagamit kaya umalis ka na!" My heart pang with pain and disappointment. "Ayaw kong magkaroon ng palamunin dito!"

Hindi pa ako nakakahulma sa pangyayare nang biglang mamanhid ang magkabilang pisnge ko. Malakas niya akong pinagsasampal, marahas na itinulak palabas ng bahay at pinagsaraduhan ng pintuan.

Napahawak naman ako sa pisnge ko habang awang pa rin ang bibig. Tulala ako habang nangingislap ang mga mata. Napaangat ang tingin ko sa bahay na nasa harapan ko. Na nagsilbing tahanan ko sa loob ng labing-siyam na taon.

Tahimik akong napahikbi saka nanghihinang napaupo na lang sa sahig.

Bakit, mama..? B-bakit?

L A D Y  M | MOONWORTH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top