Vendetta
Vendetta
Oktobre 31, 1995
Araw ng linggo. Isang balita ang yumanig sa buong bayan matapos mabalitaan ang isang karumal-dumal na pagpatay sa isang dalagitang babae na nagngangalang Maria Saison, labing limang taong gulang.
Ulat ng naka-saksi na mismong katulong ng kanilang pamilya na itatago natin sa pangalang Malia, natagpuan niya ang dalagita sa kanilang banyo na mayroong tad-tad ng saksak sa katawan mag-aalos kwatro ng hapon. Kaagad itong tumawag ng pulis at ibinalita ang nasaksihan. Bente minuto matapos ang tawag, dumating ang pulisya sakay sakay ng kanilang mobile car. Agad nagsipasukan ang ilang imbestigador para imbestigahan ang krimeng nangyari.
Base sa imbestigasyon, isang inside-job ang nangyari. Kaya naman pinagsama-sama ang lahat ng nakatira sa bahay kabilang na roon ang kamag anak ng dalagita na labis ang paghihinagpis sa pagkawala ng kanilang kaanak, upang tanungin at hingian ng alibi. Unang hiningian ng alibi ang nanay at ama ng biktima.
"N-nasa trabaho ako simula pa kaninang umaga. H-hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa anak ko!!" - Malakas na palahaw ng ina. Sunod na sumagot ang amain nito.
"Isa akong mangingisda at nasa pampang ako magmula pa kaninang tanghali, dahil sa hindi naman kami pumapalaot tuwing linggo ay napagpasyahan namin ng mga kasama ko na ayusin na lamang namin ang mga gamit namin doon, hanggang sa tumawag na nga lang sa akin si Malia at sinabing patay na ang bunso namin." - Malungkot ang pinta ng mukha nito at tanging sa sahig lamang ito nakatingin. Kalmado ito kung ikukumpara sa asawa nito na ina ng biktima.
"Ah, eh, natutulog ho ako ng mga oras na ito at halos kagigising ko lamang ng napagpasyahan kong pumunta sa banyo para maligo sana, at doon ko na nakita ang katawan ng alaga ko.." - Namumutla at nanginginig na nagsalita si Malia, ang nakakita sa bangkay.
Lumipas ang mga araw ng imbestigasyon hanggang sa dumating ang araw na nilabas ang resulta ng autopsy sa bangkay. Ito ay nag positibo na sinasabing ang dalagitang si Maria Saison ay ginahasa at pinatay mismo sa kaniyang tirahan. Hanggang ngayon wala paring lead ang pulisya kung sino nga ba ang gumawa nito sa dalagita, ngunit hindi tumitigil ang pamilya nito na hanapin ang hustisya para sa kanilang anak.
Oktubre 31, 2000
**The Man Who Can't be Move
By The Script **
Isang binatilyong lalake ang tahimik na nakaupo sa kahoy na upuan sa may park ng bayan. Tanging siya lamang ang naririto kaya ramdam na ramdam nito ang katahimikan sa buong kapaligiran. Tumunghaw ito sa asul na kalangitan at malayang binulong ang kaniyang hinanakit na nadarama.
Going back to the corner where I first saw you..
Ito ang ika-limang anibersaryo ng iyong pagkamatay, Maria. Halos nakalimutan na ng lahat ang tungkol sa nangyari sa iyo, ang mga magulang mo ay mistulan ng nakalimutan ang masalimoot na nakaraan. Samantalang ako, ay mistulang nakakulong padin sa mga alaala mo. Hanggang ngayon, naghihingpis padin ako sa pagkawala mo.
Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move..
Walang sinoman ang makakaintindi sa sakit na nadarama ko. Sa inaraw araw na pagmulat ko sa umaga, wala akong ibang ninais masilayan kundi ang iyong mukha. Wala akong ibang inisip at inalala kundi ang masasaya nating pagsasama, lihim man itong maituturing, hindi parin iyon naging hadlang para sa ating dalawa.
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Hawak hawak ang litrato mo, tumingala muli ako sa asul na kalangitan kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko. Sabihin mo nga sa akin Maria, tama bang kalimutan nalang kita ng ganon-ganon lang, katulad ng ginawa nila? Hindi, hindi ko iyong makakaya. Ikaw ang tanging nagpapasaya sa akin, ikaw ang buhay ko, pero inagaw iyon ng taong pumatay sayo.
Naiinis ako sa sarili ko dahil sa aking pagkakamali, sana ay hindi nalamang ako lumisan upang magbakasyon sa malayo. Napaka tanga ko! Wala ako nung mga panahong kaylangan mo ako. Wala ako nung mga panahong nahihirapan ka at wala ako nung mga panahong nawala ka. Sana, sana talaga hindi ko nalang inisip na nagbibiro ka sa mga mensahe mong ipinapadala sa akin na hindi ko narereplyan. Ang tanga ko! Napaka tanga ko.
Oktubre 20, 1995
Limang araw bago ang iyong kamatayan habang unang araw ko naman sa bakasyunan, malayo sa bayan na ating tinitirhan. Itong araw rin na ito una kong natanggap ang iyong mensahe na inakala ko'y walang katotohanan.
Dahil sa ika'y isang manunulat at mahilig lumikha ng istorya, nasanay na akong nakakabasa sa text ng ilang linya na ginagawa mo sa iyong istorya. Minsan ay nagpapadala ka sa akin ng mensaheng nagsasabing 'Break na tayo!' Akala ko noong una ay totoohanan na iyon, nagulat ako ng bigla kang dumating sa bahay namin at sinabing hinding hindi ka makikipag hiwalay sa akin. Sumunod ang mga araw na lumipas at patuloy akong nakatatanggap ng mensahe mula sayo pero dahil sa labis kong katangahan at kapansarilinan, hindi ko nagawang replayan ang bawat mensahe mo.
"Nahihirapan na ako."
"Natatakot ako, mahal ko."
"Hindi ko na alam ang gagawin ko."
At ang mga sumunod pang mensahe ay talaga namang nakapag pasakit sa akin. Napaka tanga ko para isiping isang kuwento lamang ang lahat ng iyon. Napaka tanga ko para hindi pansinin ang paghihirap ng mahal ko. Napaka tanga ko, kasi naging duwag ako.
Magmula ng nabalitaan ko ang nangyari sayo, nagpasya akong umalis ng bansa at lumipad patungong Amerika. At ngayong nakabalik na ako, oras na para gawin ang bagay na noon ko pa sana ginawa. Maria, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo.
Oktubre 31, 2000
Napayuko ako ng dumaan ang ambulansyang sigurado naman akong ang mga magulang mo ang laman. Sa ginawa ko, hindi na ako umaasa na mabubuhay pa sila.
Alam kong maling paraan itong ginawa ko pero ito lang ang natatanging madaling paraan na naiisip ko. Baliko ang batas dito sa bansa at matagal narin nangyari ang krimen. Lumipas na ang panahon. Kung sakaling ipabubukas kong muli ang kaso, dadaan na naman ito sa mabusisi at pagong na proseso. Magkakaroon na naman ng imbestigasyon at hearing na siyang lalo magpapatagal sa kaso. Hindi ko na mahihintay ang ganoon katagal, kaya naman sa maling paraan ko pinadaloy ang batas sa sarili kong pagpaparusa.
Napabalitaan na mayroong isang magasawa na natagpuan di umano sa kanilang silid na parehong nakabigti. Ang magasawang ito ay nagngangalang sina Maria Leonora Saison, 35 taong gulang, isang nagttrabaho sa opisina at Heime Saison, 37 taong gulang, isang mangingisda. Kung inyong matatandaan, ang pamilya Saison ang mga magulang ng dalagitang si Maria Saison na natagpuang patay din sa kanilang banyo limang taon na ang nakararaan. Teyorya ng mga kapulisan ay dulot ito sa pagkamatay noon ng kanilang anak na hanggang ngayon ay hindi nila matanggap-tanggap. Dala ng depresyon, hindi kinaya ng magasawa kaya naisip na lamang nilang magpatiwakal.
Suicide. Tama, suicide nga ang nangyari sa kanilang magasawa. Kung tutuusin, kulang pa yan sa parusang dapat na inaasam ko. Pasalamat na nga lang sila at binigti ko nalamang sila kesa sa kawalanghiyaang ginawa nila kay Maria.
"Natatakot na ako..."
"Isang linggo na akong ginagahasa ng aking amain at hindi ko na alam ang aking gagawin. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Huwag mo sana akong pandirihan mahal ko."
"Nagsumbong ako sa aking ina, pero hindi niya ako pinaniwalaan. Masakit, masyado na akong naguguluhan."
"Nahuli ng aking ina sa akto na ginagahasa ako ng aking amain. Imbes na gumawa ng aksyon, pinili niyang manahimik sa kabila ng lahat, dulot ng takot sa kahihiyan, pinilit niya akong huwag magsumbong at ilihim na lamang ang nangyari. Sumunod ako, akala ko ay matatapos na, pero hindi pa pala, patuloy ang aking ama sa panggagahasa sa akin."
"Ito ay si Maria Saison, kinuha ng aking ina ang aking telepono. Buti na lamang at pinahiram ako ni Yaya Malia. Kamusta kana?"
"Linggo na ngayon, kaylan kaba babalik?"
"Natatakot ako sa aking amain, napaka sama ng tingin niya sa akin magmula nang dumating siya kaninang tanghali. Natatakot ako. Nasaan kana ba?"
"Kakaiba ang kinikilos ng aking amain, pakiusap, umuwi kana..."
"Miss na kita at alam mo, mahal na mahal kita..."
Ang iyong huling mensahe ang talagang dumurog sa puso ko. Patawarin mo ako mahal ko. Sana ay mapatawad mo ako. Kasunod ng pagtulo muli ng mga luha ko ay siyang pagsipa ko sa nagiisang upuan na tinutungtungan ko.
Saying if you see this girl, can you tell her where I am?
Ang tama ay puweding maging mali, pero ang mali ay hindi na pwedeng itama. Wala na akong pakialam kung saan man ako mapunta, ang mahalaga ay naipaghiganti na kita.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top