Special Chapter- First Batch
Tumatawang lumabas ng Saint Mary's hospital ang magpinsang si Beth at Allison. Naghihintay sa kanila ang kanilang asawa sa reception area.
"Saya nyo." Puna ni Carlos at hinalikan ang asawang si Allison pagkalapit nito.
"May bago ng pangalan si Beth." Sagot ni Allie.
"Ukinam, Allie." Tumatawang hinabol ni Beth ang pinsan.
"Siya na si Beth Logan." Pang-aasar ni Allison.
Natawa si Jon at Carlos ng marinig ang bagong "pangalan" ni Beth.
"Naabutan ko siyang nagagalit doon sa bata." Pagkukwento ni Allison. Nagtago siya sa likod ni Carlos para hindi abutan ng kurot ni Beth.
"Ano nakakatawa, Jon?" Naasar na baling ni Beth sa asawa.
"Wala naman." Tumatawang sagot nito.
"Rome is inviting us to have dinner in their house. Mukhang problemado na naman." Wika ni Carlos.
"Sa kambal?" Tanong ni Beth.
"Malamang." Sagot ni Jon.
"Hintayin na natin si Cailee." Ang sabi ni Allison.
Palabas si Trevor ng hospital ng mapansin sila sa reception area.
"Pupunta ba kayo kina Zoey?" Tanong nito.
"Yup. Hinihintay lang namin si Cailee." Sagot ni Allie.
"Ah okay. Sige mauna na ako." Paalam ni Trevor.
Sa bahay nila Rome, nagkagulo ang kambal ng makita ang mga bisita nila.
"Tita Cailee, where's Axel?" Tanong ni A.
"Nasa bahay. Grounded." Sagot ni Cailee.
Napaatras si A at B ng marinig na grounded ang tropa nila. Anong kalokohan ba ang ginawa ng mga sutil na batang ito?
"Rome... ma men. Malapit ka na bang sumuko?" Tanong ni king ng pumasok ito sa bahay nila Rose kasunod si Khaleesi.
"Tangina... malapit na." Sagot ni Rome na ikinatawa ni Brook. Hawak nito si C, ang bunso nila Zoey.
"Double trouble." Sabi ni Rome at napabuga ng hangin.
"Ano na naman ang ginawa ng kambal mo?" Tanong ni Beth ng makaupo na sila sa dining table at nagsisikain.
"Pinatawag na naman kami ng principal." Sagot ni Zoey.
Natatawang nailing ang mga kaibigan nila.
"Bakit?" Tanong ni Gab.
"Nagrerecitation daw kasi about sa solar system. Nagtanong ang teacher about sa name ng planet." Kwento ni Zoey.
"Sumagot ang isa sa kambal ko, Planet Namek daw."
Hagalpak sila ng tawa ng marinig ang kwento.
"Hindi pa sila nasiyahan, pinagtulungan nila ang teacher. Nilecturan tungkol sa Dragon Balls." Naiiling na kwento ni Zoey.
"Ikaw na ikaw Rome ah." Comment ni Carlos.
"Eto pa... Noong lesson daw nila ang bodies of water, nagtanong si teacher. Magbigay ng pangalan ng sea. Ang isinagot ng dalawa, East Blue daw. Doon daw pinanganak si Luffy. Diyos ko." Napahawak sa ulo si Zoey sa sobrang stress. Panay tungga ng beer si Rome habang tawa ng tawa naman ang kaibigan nila.
"Meron pa." Sabat ni Brook na nasa sala.
"Meron pa?" Tanong ng mga kaibigan nila.
"Hay oo. Diyos ko. Sinilipan nila ang teacher nila tapos isinigaw sa klase, nakawhisper with wings si maam." Napadukmo sa table si Zoey sa hiya.
Nagtawanan ng malakas ang mga kaibigan nila. Naluha sa kakatawa si Cailee, Allison, Khaleesi at Beth.
"Hindi naman ako ganyan dati." Ang sabi ni Rome.
"Anong hindi. Medyo malaki ka na nga nung naninilip ka eh." Sagot ni King.
"Gago... Hindi naman sa teacher." Sagot ni Rome.
"Nitong huling kalokohan nila, hindi na sila umubra. Kaya pinatawag na kami. Nagdala ba naman ng pop pop sa school." Sumbong ni Zoey sa mga kaibigan.
"Anong pop pop?" Tanong ni Jon.
"Yung maliit na paputok. Kapag hinagis sa surface bigla na lang puputok. Nagdala sila nun. Tapos hinagis sa board habang nagsusulat ang teacher nila."
Nagtawanan na naman ang mga magkakaibigan.
"Saan nila galing yung paputok?" Tanong ni Cailee.
"Kay Mang Tonyo daw." Sagot ni Zoey.
"Pinaghahanap na kami ng school. Kick out na naman yung dalawa." Napahawak sa ulo si Rome.
"Sabi sayo magtayo ka na ng school mo eh." Gab commented.
"Dadalin ko na sa Negros ang dalawang yun. Sa public ko na lang sila ipapasok."Ang sabi ni Zoey.
"Mas lalong makakakuha ng kalokohan sa public. Hanap na lang tayo ng ibang school ulit." Nanlalambot na sagot ni Rome sa asawa.
"Isama nyo si Axel sa bagong school." Sabi ni Gab.
"Isa pang naughty yang anak nyo." Tumatawang comment ni Khaleesi.
"Ano ang ginawa? Grounded daw ah." Jon asked.
Nawala ang ngiti ni Cailee at tinitigan niya si Gab na napakamot ng ulo.
"Ginawa ko kasi siya ng toy gun. Replica ng baril na ginagamit ko. Pellet gun lang naman yun Love. Huwag mo akong tingnan ng masama." Baling ni Gab kay Cailee.
"Sige ikwento mo sa kanila kung ano ang ginawa ng anak mo." Nagngingitngit na sabi ni Cailee.
"Dinala niya sa school ang baril at tinutukan ang guard. Akala ng guard totoo ang baril na dala ng bata."
Nagtawanan na naman ang mga kaibigan nila. Napapangiti si Rome this time.
"Pinapila niya ang guard at pinabuksan ang bag saka sinundotsundot ng drum stick." Dagdag ni Cailee.
"Ang bata pa ng anak mo, binigyan mo na ng baril." Bumalik sa pagngignitngit si Cailee at hinampas sa braso si Gab.
"Toy gun lang yun." Katwiran ni Gab.
"Muntik ng atakihin sa puso ang guard ng kinasahan ng anak mo ng baril. Suspended tuloy ang bata." Napabuntong hininga na din si Cailee.
"Ano ang sabi ni Tito Red?" Tanong ni Rome.
"Wala. Natawa lang si daddy. Si mommy naman ang sabi, ay bad yun." Sagot ni Cailee.
"Magaling talagang magpalaki ng apo ang mga yun eh." Carlos said.
"Si mommy nga tawa lang ng tawa. Bakit daw hindi five star ang sinindihan tanong niya sa kambal." Kwento ni Rome. "Kinunsinte pa eh."
"Parang ang mga lolo at lola ang problema ah at hindi ang mga bata." Natatawang comment ni Jon.
Parang ganun na nga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top