Chapter 32- Side Effect

Kenshin

Kinailangan pang palakasin si Dom ng kaunti bago siya magchemo ulit. Ang paliwanag sa amin ng specialist na kausap ni Ate Cailee at Trevor, kailangan mapatay ang mga cancer cell bago salinan ng healthy bone marrow si Dominique.

Nang okay na ang lahat ng vitals ni Dom, sinimulan na ang chemo theraphy niya. At si Joanna naman, kinuhanan na ng bone marrow ahead para ifreeze.

Hindi pumayag si Dominique na hindi sila magkasama sa kwarto ni Joanna. Habang nakaconfine si Joanna sa hospital dahil sa bone marrow extraction, si Dom naman ay nakaconfine dahil sa chemo. Room mate silang dalawa habang nasa hospital. Natuto na rin kami ni Dominique na magrosary dahil kay Joanna at magnovena.

After ng last session ni Dominique sa chemo, kinausap siya ng specialist doctor na tumitingin sa kanya. Pinaliwanag sa kanya ang possible na side effect ng sakit niya at ng treatment na gagawin. And she asked me to leave her alone with the doctor. Kahit pilitin kong magstay, pinalabas niya ako ng kwarto.

"Oh, baka maging abo ka, lumabas ka ng kwarto." Biro ni Ate Beth sa akin ng madaan ako sa nurse station.
"Kausap si Dom ng doctor. Pinalabas nila ako." I replied. Tumayo ako sa counter at nangalumbaba.
"Ano ba ang topic baka hindi ka pwede sa loob?"
"Hindi ko nga alam, Ate. Pati si Ate Cailee pinalabas ako."
"Chikahin mo na lang si Dom mamaya. Huwag kang sumimangot, sayang ang gandang lalaki mo."

Napatingin ako sa paligid. Sa mga matatandang may sakit na naglalakad. Sa mga batang nakasilip sa children's ward.
"Ate Beth, paano ninyo nakakayang harapin ang may sakit araw-araw?"
Napatingin si Ate Beth sa mga nagdadaan.
"Hindi madali lalo na kapag nawawalan kami ng paseyente. Minsan, blessing ang trabaho namin kapag nakakasagip kami. Minsan, nakakapanlambot lalo na kapag sa kamay mo nawala ang pasyente." Sagot ni Ate Beth sa akin.
"Pero hindi namin pwedeng ipakita na mahina kami. Kahit gusto na naming umiyak."

"Si Cailee, ilang beses na naming nakitang umiiyak sa Doctor's quarter. Si Trevor naglalasing noong isang buwan dahil nawalan ng pasyente. Si Tita Kath, gusto na minsang magresign dahil sa awa sa mga bata. Ilang beses ko na ding naisipang hindi pumasok." Naiiling na kwento ni Ate Beth.
"Pero para saan ba ang pinag-aralan namin at ang kakayahan ko kung hindi kami tutulong. Kung hindi kami kikilos, papaano na sila?"

Pasimpleng nagpahid ng luha si Ate Beth. "Ikaw, chinichika mo ako. Balikan mo si Dominique doon. Baka tapos na sila." Pagtataboy niya sa akin.

Parang ngayon ko pa lang naiintindihan ang buhay. At natutunan ko pa ito sa mahirap na paraan.

Marahan akong kumatok bago pinihit ang door knob. Sinilip ko muna kung nag-uusap pa sila bago ko tuluyang buksan ang pintuan. Umiiyak si Domnique habang pinapatahan ni Ate Cailee ng pumasok ako.
"What's wrong?" Nag-aalalang tanong ko.
"Iwan na namin kayo. You need to discuss this with Kenshin, okay?" Narinig kong paalala ni Ate Cailee bago niya niyakap si Dominique.
"Be strong, Dom." She said softly.

Hinintay kong makaalis sila Ate Cailee bago ko nilapitan si Dominique na nakayuko.
"Hey, bakit umiiyak ka?"
Umiling si Dominique at tumingin sa labas ng bintana.
"Ano problema, chief?"
"Wala... Pwedeng iwan mo muna ako?"
"Hindi ka iiyak ng walang problema." Tumabi ako sa kanya sa kama at hinintay siyang magsalita.

"Hindi ko yata kayang magpatuloy kung anong meron tayo." She said softly.
Tama ba ang dinig ko? Nakikipag-break siya sa akin?
"Nakikipagbreak ka?" Napalakas ng kaunti ang boses ko.
"Wala naman tayo."
"Sino ang may sabing walang tayo? Ayusin mo Dominique ang paliwanag mo... Bakit ka nakikipaghiwalay?" Taena, ano na namang pagsubok ito?

Huminga ng malalim si Dominique at tumingin sa akin ng deretso sa mata.
"Hindi ako magkakaanak na. Iyon ang side effect ng mga treatment na ginawa sa akin." She replied with bitterness.
"So? Bakit nakikipaghiwalay ka?"
"Ano ba? Hindi mo pa narinig? I am not capable to bear a child... Hindi ka magkakaanak..." Nagsisimula na siyang mag-hysterical.
"I love you not because of your capacity to bear a child. There is a thing called ADOPTION." I shouted.
"Don't do this to us, please. I don't care if we will become parents of our own child or not."

Pumatak ang mga luha ni Dominique at humakap sa akin. Humagulgol siya ng iyak. Ito siguro ang diniscuss sa kanya kanina.
"I'm sorry..." She said through her pain.
"Dom, you should know by now that my love for you will not change whatever our circumstances. You need to trust our relationship."
"I'm sorry...I'm sorry..."
"Its okay chief," I said and kissed her forehead.
"We are together on this battle. Walang susuko, chief."
Naramdaman kong tumango si Domnique at mas humigpit ang yakap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top