Chapter 3- Tokyo
Dominique
Hello Japan... The land of hapon.
Natawa ako sa corny na joke ko. Wala namang ibang tatawa sa joke ko kung hindi ako.
Nagmamadaling tumayo ang katabi ko pagkabukas ng pintuan ng eroplano. Para siyang natatae na ewan. Hindi mapakali ng matagal sa upuan. Ako naman, I took my time. Pinauna ko na silang lumabas. Inayos ko ang gamit ko, making sure na wala akong naiwan.
Pagtayo ko sa upuan, napansin ko ang isang wallet sa lapag. Syempre lagay iwan ko 'yon, kaya pinulot ko. Inusisa ko ang laman. Wew, daming cards, walang cash.
Kenshin Fujihara. Sabi ng credit card niya.
Aba, si Battousai pala siya. Nilagay ko ang wallet niya sa bag ko. Hahanapin ko na lang kung saan siya nag-oopisina para maisauli ang wallet niya. Kailangan maging mabait kana Monique...
"Bye..." Kaway ko sa flight attendant paglabas ko ng eroplano.
Pinagplanuhan ko talaga ang trip na ito. Planado ang lahat nang hindi alam ni Mang Ben. Hindi kasi ako papayagan ng matandang iyon. Gusto kong mapuntahan lahat ng mga bansa na napuntahan ng magulang ko. Gusto kong makita ang mga lugar na nakita nilang dalawa.
Hindi ko man narating ang lugar sa oras na kasama sila, narating ko naman ito kahit mag-isa.
Autumn sa Japan ngayon. Ang ginaw ng hangin. Ang lamig ng panahon. Sabi ni daddy, autumn is like a new beginning. Parang hindi naman. It's cold, mellow... and sad.
"Arigato." I bow a little to say my thanks to the immigration officer.
Lahat yata ng mga Japanese ay nagmamadali. Ang mga foreigner lang ang tumitigil para pagmasdan ang paligid. But the Japanese are always in a hurry. They are always on their phone talking to someone or reading emails. Can't they just stop for a while and admire the view?
I saw my yellow luggage at the carousel. Bright yellow luggage na parang tinatawag ako para makalabas na ako at maumpisahan ang pamamasyal.
Kumuha muna ako ng mga brochure sa Information Counter para alam ko rin ang mga address ng pupuntahan ko should my internet failed me.
"Mandarin Hotel." I said to the taxi driver dahil hindi ko siya maintindihan.
Nagkukwento si manong driver tapos tumatawa siya kaya nakitawa na din ako.
"Hahaha..." Sabi ko pa habang nakatingin sa labas.
Uso pa ba ang mga mafia dito? Scary...
Nagkukwento ulit si manong ng marinig ko ang word na Yakuza at Red Dragon Triad sa isang sentence niya. Napasandal ako sa upuan ng taxi at nanlaki ang mata.
"No...No...No... No Yakuza now." Manong driver assured me. Mukha na siguro akong multo dahil sa tinakasan ako ng dugo sa kaba.
"No Yakuza?" Pagninigurado ko.
"No. No Red Dragon orso." Sagot niya in a cute Japanese accent.
"Ahhh..." Nakahinga ulit ako ng maluwag.
"So is it safe to roam around in here?"
"Ha?" Tanong ni Manong. Naku, hindi ako naintindihan.
"No...No...No... Nothing." Mabilis na umiling ako.
"To Mandarin Hotel." Banggit ko ulit sa pangalan ng hotel na tutuluyan ko.
Chika ng chika si manong, tango naman ako ng tango kahit hidi ko naiintindihan. Nang matanaw ko na ang hotel, medyo nagrelax na ako. Binigay ko ang bayad kay Manong.
"Arigato..." I said to him ng tinulungan niya akong ibaba ang luggage ko.
Parang alangan ang suot ko sa hotel. Mukha akong naliligaw na turista ng pumasok ako sa Mandarin Hotel. Tinulungan agad ako ng isa sa stuff. He guide me papunta sa receptionist area.
"I have an open reservation for one person under my name Dominique Contawe." I gave her my passport and reservation reference number. After a while, she gave me a key card.
"Room 2218 Maam. Enjoy your stay."
Tahimik kami ni kuyang bellboy habang paakyat sa kwarto. Kailangan ko ba siyang bigyan ng tip? Baka naman mainsulto... wag na lang kaya.
Mabilis akong iniwan ni kuyang bellboy pagkabukas ko ng pintuan. Wow... Iyon na lang ang nasabi ko pagbukas ko ng ilaw.
Nasa Tokyo na nga ako. Na mag-isa. At nasa isang five star hotel. Sumakay sa business class. At may katabing masungit na lalaki. Speaking of that guy, baka pwede ko namang tawagan ang office niya para malaman niyang nasa akin ang wallet niyang naiwan kakamadali.
Instead na mag-ayos ng gamit, binuklat ko ang wallet ni Kenshin at naghanap ng calling card. Okay, mayroon siyang calling card sa wallet. I read it silently.
Kenshin Fujihara
CEO of Fujihara Group of Companies
"C.E.O" mabagal kong pagbanggit ng designation niya.
Hala... CEO siya? Akala ko sa k-drama lang may gwapong CEO. Tatawagan ko pa ba siya?
"Ano na Monique?" Nahiga ako sa kama at nagpapasag.
Huminga ako ng malalim at kinuha ang telephone sa bedside.
I dialled one of his number written at the calling card. May tao pa kaya sa office nila nga ganitong oras?
"Hello, Fujihara Group of Companies, Tokyo. May I help you?" Bungad ng babae sa kabilang line.
"Ahh...hello. Can I speak to Kenshin please?" Magalang na tanong ko.
"Kenshin?"
"Yes. Kenshin." Pag-uulit ko naman.
"Are you referring to Mr. Fujihara?" Tanong ng babae sa kabilang line.
"Ahhh yes. Is he around?" Cool na tanong ko at nawala na ang kaba.
"No. He is not around."
"Can I have his mobile number so I can contact him directly?"
"Why are you looking for him? Can I pass you to Sales Department?"
"Ahhh...no... It's...hmmm personal." I mumbled.
"Give me your name and phone number and we will return a call." Walang buhay na sagot nito sa akin.
"No thank you. I know you won't call. Bye." I drop the phone to the switch hook.
"Eh di huwag kung ayaw mong mabalik ang wallet mo." I murmured.
Binalik ko ang calling card sa wallet niya.
"Bahala ka nga diyan. Nagmamagandang loob na nga ako eh. Gamitin kita diyan eh. Hmmppp...Che!"
Iniwan ko ang wallet sa gitna ng kama. Maglilibot na nga lang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top