Chapter 18- Guilty
Kenshin
Sometimes, I cursed him for saving me. Iniwan niya lang akong nag-iisa.
Para akong sinuntok ni Dominique sa lalamunan sa sinabi niya. Siya pala iyon... ang babaeng niligtas ko dati. And she hates me for saving her. Tama si Lego noon.
"She will just wish she will be dead," Lego said.
"Ano ang mararamdaman niya na siya lang ang nakaligtas? Her conscience will eat her."
This is so fucked up... I can't even tell her I am that guy who saved her.
I called Lego, cause no one can understand the guilt that I am feeling right now kung hindi siya.
"Kamusta ang paghahabol mo? Naabutan mo ba?" BUngad niya sa video call namin.
"May flight ka?" Tanong ko sa kanya dahil naka uniform ito.
"Maya-maya pa naman. So what gives? Ano kwento at bigla kang nawala sa Japan? Hinahanap ka ni Raiden, tangina ka. Panay sumbong ang isa, iniwan mo daw."
Napabuntong hininga ako. Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame.
"Natatandaan mo ba ang babaeng niligtas ko dati?"
"Yung sumabong ang kotse sa SLEX?" Tanong ni Lego at tumango ako.
"Yeah. Why? Are you still thinking about it?"
Tumango ako.
"Ken, hindi mo naman kasalanan na hindi mo nailigtas ang iba." Sabi nito.
"You were right. The girl that I saved wished she was the one who died." Sabi ko sa kanya.
"Huwag mong pansinin ang sinabi ko dati. Galit lang ako sa mundo noon. Kausapin mo si Rose. She can help, I swear."
"Hindi Lego. She told it to me. I met her." Kwento ko sa kanya.
Natahimik si Lego.
"I met her pre. Siya si Dominique."
"Alam niyang ikaw ang nagsave sa kanya?" Tanong ni Lego.
Umiling ako.
"Kung makikita mo lang lahat ng emotions niya kanina habang nagkukwento. Natakot akong sabihin na ako ang lalaking kinamumuhian niya." I said to my friend honestly.
"Parang ang bigat dalhin sa kunsensya."
"Ginawa mo lang ang tama, pre. Wala namang mali na niligtas mo siya." Sagot ni Lego sa akin.
"Ano balak mo nyan Ken?" He asked after a while.
"Hindi ko alam. Tangina, para akong sinuntok sa lalamunan kanina nung nagkukwento siya eh."
Lego chuckled. "Ganyan-ganyan ako kay Rose."
"Gago." Immurmured.
"Oo nga. Lam mo, sabi ng mommy ko, she believes that our own destiny is already written since the day we were born. Kaya siguro nailigtas mo siya noon kasi nakatadhanan kayo." Paliwanag ni Lego.
"Tangina mo ka. Nainlove ka lang dinadamay mo na kaming lahat."
Tatawa-tawa si Lego. "Pag-isipan mo pre. Alagaan mo si Rosie ko." Bilin nito.
"Alagaan mo. Umuwi ka. Saksakan ng tigas ng ulo yun." I replied.
"What is rose without its thorns?"
"Hayop... Kinikilabutan ako sayo, Lego. Sige na, bye na. Tangina mo ka, nakakaumay kang kausap."
Tumawa si Lego bago pinatay ang video call.
Ano na ang gagawin ko?
Kinabukasan, masigla na naman si Dominique ng makita niya ako sa buffet area.
"Hindi ka nakatulog, Ken?" Tanong ni Dominique sa akin. May dalang plato na puno ng tinapay.
"Sumobra ako sa tulog." I lied.
She tried to touch my eye bags.
"Don't touch it." I said.
"Don't touch my eye bags. It's Chanel." She murmured.
"Ano ba..."
"Back to sungit ka. Ano problema mo?"
Ikaw.
"Saan ka gagala ngayon?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Sa tabi-tabi." She replied.
"Okay." Walang ganang sagot ko.
I look at her and wondered how the hell she can act like she is not broken?
"I told you my story not to be pitied."
"I don't pity you, Dom." Mabilis na sagot ko.
"Then why you look at me like you wanted to say something but don't want to offend me?"
Maybe because I wanted to tell you I am the one who saved you but scared you curse me in my face.
"May tinapay ka kasi sa pisngi mo." I said kahit wala naman.
Mabilis na pinagpagan ni Dominique ang pisngi niya. Nakailang ikot pa ang kamay niya sa mukha para masigurong wala ng tinapay sa mukha niya.
"Geez... meron pa?" She asked.
"Wala na." I replied. Tumayo ako ng upuan at nilapag ang news paper sa table.
"Mauna na ako sa iyo Dom."
Ramdam kong nakasunod ng tingin sa akin si Dominique. I can't even face her without remembering how her family died in front of me. Why I am not capable of saving them?...
I am not my mom... How many times I wished I was like her but I am not.
When mom was hurt before, wala akong nagawa. When dad was kidnapped, pinagtago lang kami ni Raiden ni Ate. Habang sila... habang siya, hindi natulog mahanap lang kung nasaan si daddy. And then, hindi ko nasave ang family ni Dominique. I was already there... pero hindi ko pa rin nagawa.
What will I do with the fighting skills that Kiro taught me when I can't even watch a thriller movie? You are fucking useless, Kenshin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top