Chapter 12- Ninja
Kenshin
Inabot kami ng hatinggabi kakatawa sa kalokohan ni Raiden at Dominique. Meron pa siyang tanong na sobrang corny talaga pero ang weird sagutin.
"Kapag ba ang tsinelsa nakatulog, sleeper na ang tawag?"
"Tsunano ba ang tawag sa maliit na tsunami?"
"Kapag maliit ang talong, tashort ba ang itatawag ko?"
"Singkit ba ang mata ni Mickey Mouse sa Disneyland Tokyo?"
"Kapag si Coco Martin ba umitim, Choco Martin na siya?"
"Streetfighters ba ang tawag sa mga nag-aaway sa kalsada?"
Napapailing akong mag-isa habang naalala ko ang mga jokes ni Dominique at habang hinihintay siyang lumabas. I am very sure na hindi pa siya umaalis dahil kanina pa akong nakaupo dito sa lounge malapit sa reception area.
True to Raiden's word at ikinabigla na rin ni Ryu, siya ang umattend ng meeting ngayong araw sa Kyoto Office. Kaya ngayon, vacant ako ng buong araw.
Bandang 10am lumabas si Dominique dala ang backpack niya at tripod na nakasabit sa likod.
"Dom..."
Napahinto siya at luminga-linga hanggang sa makita akong nakaupo. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang sa sapatos and back to my face when I stand up.
"Kenshin?" Nagtatakang tanong niya. "Saan ang lakad mo?"
"Di ba nagpapasama ka sa Kyoto Studio?" Bumalik na naman ang inis ko.
"Ahhh... totoo? Hindi kita gagamitan ng dahas para samahan ako?"
I snorted at naunang maglakad sa kanya.
"Bilisan mo. Tanghali na." I said to her. Naramdaman ko siyang nakasunod sa akin.
"Grabe ang gwapo ng kotse."
Titig na titig si Dominique sa kotse na nakaparada sa harapan ng hotel.
"Lexus lang yan." I said. Dinala ni Raiden ang Bentley para magmukha daw siyang executive.
"Lexus lang daw. Hindi ka rin mayabang ano?" Pumuwesto agad sa passenger side si Dominique.
"Gusto mong magdrive?"
Bigla siyang namutla at umiling ng mabilis.
"Okay. Chill. Sumakay ka na." I said hurriedly.
Huminga-hinga na malalim si Dominique pagsakay sa kotse.
"May phobia kang magmaneho?"
Tumango si Dominique pero hindi na nagsalita.
Naaccident siguro siya dati. Iyon lang ang naiisip kong dahilan para matakot sa pagmamaneho ang isang tao lalo na at mukhang mahilig sa kotse.
"Oh my God..."
Parang bata na nakakawala sa playground si Dominique pagpasok pa lang namin sa park. Nagtatakbo sa loob at nagtatalon na parang New Year pa sa kanya.
"Ken... rent tayo ng kimono."
"Ayaw ko." Tanggi ko.
"Sige na... Para mukha kang Japanese." Biro na naman niya.
"Wamport ka lang na Japs.Tara na." Hinili niya ako sa mahabang pila ng rental ng Kimono.
Nilalabhan ba ang Kimono dito? Mukhang hindi eh. Pinigilan ko si Dominique na pumila.
"Madumi yan." I said to her.
Natingin ulit siya sa mga kimono na nakadisplay at nalungkot.
Napabuga ako ng hininga... Really? Gagamitan mo ako ng puppy eyes?
"Is there brand new Kimono that we can purchase in here?" Tanong ko sa isang crew ng park.
He answered me in Japanese. "There is but renting is much cheaper."
"We will just buy the brand new," I replied in Japanese as well.
Tinuro ng crew ang bilihan ng kimono.
Hindi naman makapili si Dominique kung anong kulay ang gusto niya. In the end, she went to choose the cherry bloosom design. Tawa siya ng tawa ng makita akong naka-kimono.
"My God... stay ka lang." Sabi niya at nagmamadaling kinuha ang bag na may camera.
Nakangiti langa ng nagbabantay ng shop sa amin.
"Let's go... Napag kimono mo na nga ako eh." Naiinis na tumalikod ako kay Dominique pero naharangan niya ako bago makalabas sa shop. May hawak na laruang samurai.
"Himura Kenshin." Sabi niya at isinaksak sa kamay ko ang samurai na plastic.
"Bilis na pose na... Battousai." Tinuro niya ang gitna ng shop na medyo maluwag.
Napatingin ako sa langit. Hindi pa kami nagsisimulang maglakad, napapagod na agad ako.
Bago ako mawalan ng pasensya, tumayo ako sa gitna ng shop at tinutok ang samurai kay Dominique.
"Ganyan ka lang Ken." Sabi nito at kinuhanan ako ng picture.
"Sayang... sana mahaba pala ang buhok mo."
"Tigilan mo ako Dominique. Halika ka na."
Binalik ko ang plastic na samurai sa display sa shop at nagpasalamat kami sa tindera.
"Wow, this place is... amazing."
Nakatingin si Dominique sa hilera ng mga lumang bahay. Actually, studio ito at dito ginagawa ang majority ng ninja films sa Japan. The setting is in ancient Japan. And the vibes is unique...lalo na kapag naka-kimono ka. Parang nagtime travel ka din.
Naglakad kami ni Dominique hanggang makakita siya ng hihintuan na naman. Shuriken throwing...
"Ken... tara...bilis." Hinila na naman niya ako papunta sa mga nagbabato ng shuriken. Pambatang laro yan eh. Ginagawa namin nila Raiden at Kiro dati yan.
"Marunong ka?" Tanong niya. Nagkibit ako ng balikat.
Nanood muna kami ng mga tumitira. Hanggang na naengganyo na si Dominique at nagbayad para makasali sa contest.
Natatawa ako dahil panay sa lupa tumatama ang binabato niya.
"Waahhh talo." Sha said. Mukha naman siyang nag-enjoy pero mukhang gusto niya ang stuff toy na mapapanalunan.
"Alin ang gusto mo?" Tinuro ko ang mga nakasabit na stuff toy.
"Yung ninja." She replied.
Nagbayad ako kay Kuya at binigyan akong limang shuriken. I throw one and it hit the target.
"Whoah." I heald Dominique help her breathe.
I throw another one. Parang bumalik ako sa paghahabulan namin nila Kiro at pagbabatuhan ng shuriken. Umuuwi kaming may mga sugat dahil tinatamaan kami minsan ng binabato ng isa't-isa. Babatukan lang kami ni mommy tapos gagamutin ang mga sugat namin.
"Teka, Ken... pose ka muna." Pigil ni Dominique sa akin.
Di ko siya pinansin, nagcoconcentrate ako, babae ka. Gusto kong makuha din ang ninja.
I throw the last shuriken. Parang nagslow motion ang lahat. Hindi ako humihinga. And when the pointed part pierced into the target... nagsisigaw si Dominique.
"Yeeesssss!" Sabi niya. Tumatalon talon pa sa siya sa saya.
"Ken...isa pa. Para tig-isa tayo."
Nakangisi akong nagbayad kay Kuya na napalunon na lang ng laway. Mauubos yata ang premyo ni Kuya ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top