Chapter 11- Raiden

Dominique

"Iniinom mo ba ang mga gamot mo?" Tanong ni Mang Ben ng magvideo chat kami ng nasa kwarto na ako ng hotel.
"Opo." Maikling sagot ko.
"Naku kang bata ka. Bawal sa iyo ang magpagod."
"Ang excessive na pagod lang Mang Ben. Ang ganda pala ng Japan." Pag-iiba ko ng usapan.
Nag-usap pa kami ng ilang minuto ng matanda bago ko tinapos ang video call.

Nagpahatid lang ako ng pagkain sa kwarto at hindi na bumaba.

Isa-isa kong dinownload sa laptop ko ang mga pictures na nakuhanan ko kanina.

I use photoshop to put my family on my every pictures here in Japan. Minsan, ang lumang picture ni mommy at daddy ang pino-photoshop ko. Nilalagay ko ang sarili ko sa background. Kunwari nandoon ako ng panahon na nagkatagpo sila sa Tokyo. O kaya noong panahon na nasa mga temple sila dito sa Kyoto.

I am chasing their memories because it's to damn hard to accept that I am alone. That I have monies I can't spend alone because of their insurances. It's to damn hard to accept that I am the only survivor on that accident. Maling tao pa ang nailigtas nila... Iyon ang ikinagagalit ko. Ako pa ang iniligtas nila... ako.

Unti-unting pumatak ang mga luha ko ng makita ko ang mga pasa sa magkabilang binti at hita ko.

So I am chasing memories so I have something to tell my family when I meet them.

My bedside phone ring. Pinahiran ko ang luha ko bago ko sagutin ang telephone.
"Hello."
"Dominique." I heard Kenshin's voice and somehow my heavy feeling was put aside.
"Okay ka lang?" Tanong niya.

Okay lang ba ako? Matagal ng walang nagtatanong sa akin nito.

"Yeah," I said trying to brighten my voice. "Bakit napatawag ka?"
"Nandito kami sa restaurant sa baba. Baka gusto mong sumabay kumain."

"Ang hirap magkunwari na may kausap, ano? Ken?" Narinig ko sa kabilang line. Sino iyon?
"Gago, may kausap nga ako. Sira ulo ka. Ano akala mo sa akin si Rose? Kinakausap ang sarili?" Sagot ni Kenshin. Aba, okay ito ah...
"Pababa na ako... wait nyo ako." I said.
"On the other hand, wag ka ng bumaba pala Dom." Biglang nagbago ang isip ni Kenshin.
Natawa ako. "Bababa na ako. Wait lang. I wanna meet your friend." I said.
"He is my brother." Walang ganang sagot ni Kenshin sa akin.
"Then much better pala. See yah in a bit."

Nagpalit ako ng jeans at longsleeves para matakpan ang mga pasa ko kung saan-saan. Naglagay din ako ng scarf at mukha na akong trying hard na koreana. Naabutan ko si Kenshin na nakangiti na may kausap na isang hapon. Hmm... they look the same but not quite. Hay... does it make any sense.

"Hello," Bati ko sa dalawa ng makalapit ako.
Biglang nagliwanag ang mukha ng kapatid ni Kenshin. Naku...naku... ganyan ang kapatid ko dati. Namiss ko naman si Donny.
"Annyeonghaseyo." Bati nito sa akin.
At dahil hindi ako papahuli sa kalokohan, sinagot ko siya ng Korean. Salamat sa k-drama.
"Mannaseo bangapseumnida." I replied and slightly bowing my head. Kinuha ko pa ang kamay niya at kinamayan na akala mo tatakbo akong president.

Tumawa ang kapatid ni Kenshin at parang nakakain ng ampalaya naman ang isa.

"Umupo ka nga. Pinagtitinginan na kayong dalawa." Sita ni Kenshin sa akin.
"Raiden." Pagpapakilala ng kapatid niya. Nakalahad ang kamay, formally.
"Dominique. You can call me Dom, or Monique or Dominique." I replied. Nagshake hands kami na parang nasa grade school.

"So magkapatid kayo?" Tanong ko kay Raiden at tinuro si Ken.
Tumango si Raiden. "Matanda siya ng eleven months sa akin." Sagot ni Raiden.
"Same year kami pinanganak. Siya January ako December. Astig noh?" Kwento niya.
"Totoo?" Natatawang tanong ko.
"Eh bakit masungit yang kapatid mo?"

"Nandito ako, baka nakakalimutan nyo." Sabat ni Kenshin na nakakunot ang noo. Lalong lumalim ang kunot ng tumawa kami ng kapatid niya.
"Stress lang yan." Sagot ni Raiden sa tanong ko.
"Ahh...too much stress can kill you talaga." I commented. "Sabi sayo eh bagalan moa ng takbo ng buhay mo."

Kenshin snorted. "Makakarelax sana ako kung tinutulungan ako, di ba Raiden?"
Natawa ng bahagya si Raiden. "Sige na...ako na bahala bukas sa meeting. Day off mo bukas indoy." Sabi niya sa kapatid na nakabusangot.
"Yun naman pala indoy. Samahan mo ako bukas." Yaya ko sa kanya.
"Sumama ka na, Ken. Nawawala na ang kakulitan mo, hindi ka na uubra kay Lego pagbalik nun."
"Sino si Lego?" Usisa ko.
"Tropa namin." Sagot ni Raiden.

"Gwapo?" Tanong ko agad.
"Taken." Sagot ni Kenshin.
"Pero gwapo?" Pangungulit ko kay Kenshin.
"Pero taken." Sagot niya. Bah, may kakulitang tinatago ah.

"Sino ang mas gwapo sa inyong dalawa ni Lego?"
"Huh! Siyempre ako." Sagot ni Kenshin na ikinatawa ko.
"Totoo? Matanggalan ka man ng career?"
"Ipupusta ko pa si Raiden sa iyon." Sagot ni Kenshin.
"Taena, bakit pati ako?" Angal ni Raiden. I miss this kind of banter.

Nakikuha ako ng french fries na kinakain nila. Naalala ko na naman ang joke ni Donny na corny pero natatawa akong mag-isa kapag naiisip ko.
"Ano ang tawag sa gulay na maputi?" Tanong ko sa kanila habang ngumunguya.
"Ano dre?" Tanong ni Raiden.
"Putito." I replied. Natawa naman si Raiden pero mas nakakatawa ang reaction ni Kenshin. Para siyang naumay sa joke ko.
"Eh yung gulay na mas maputi?" Tanong ko ulit.
"Taena, ano?" Tanong ni Raiden.
Mas nauuna ang tawa ko kaysa sumagot. "Mash Putito."
Nagtatawanan kami ni Raiden pero si Kenshin talaga ang tinatawanan namin kaysa sa joke.

"Meron pa..."
"Tumigil ka na." Sabat ni Kenshin na lalo naming kinatawa.
"Sige pa...sige pa..." Buyo ni Raiden sa akin.
"Ano ang tawag sa boss ng mga putito?" Humirit pa talaga ako.
Tumatawa kami ni Raiden kasi super corny na talaga ng joke. Kasi si Kenshin gusto na kaming sakalin sa inis at iyon ang mas nakakatawa.
"Putito Chiefs." Sagot ni Kenshin. Napatingin kami ni Raiden sa kanya ng mga 5 seconds at saka kami tumawa. Ang table lang namin ang maingay.

"Ang corny ng jokes mo." Sabi nito.
"I know." Sagot ko kay Kenshin.
"Eh bakit kayo tumatawa?"
Nagpahid ako ng luha sa kakatawa. "Ikaw kaya ang pinatatawanan namin." I replied.

Natawa si Kenshin. Nahinto naman ako sa pagtawa ko. The sound of his laugh is like a falling leaf during autumn... mesmerizing.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top