Chapter 19

KINAGABAHIHAN ay nagkaroon ng maliit na pagsalu-salo sa kanilang munting tahanan. Labing walong taon na siya, ang edad kung saan legal na siya.

Balak niya sana imbitahan sina Leah at Slate kung hindi lang mahigpit ang pag pa-patakbo ng kanilang pack lalo na hindi isang lobo ang mga ito. Mas lalo sila mapapahirapan na makapasok.

Maamoy pa lang ng mga lobo na nag ba-bantay sa kanilang border ay panigurado na ha-harangran agad sila at hindi hahayaan makalagpas sa linya.

Kahit pa na may kasama silang isang prinsipe, mas lalo hihigpitan ng mga ito ang pagpapasok sa kanila dahil baka isipin ng mga Elfhame na kinuha ng pack nila ang bunsong prinsipe ng mga ito.

"Anak, paki buksan naman ng pinto 'yong nag do-doorbell." Utos sa kaniya ng ina. Nasa loob kasi ito ng kusina at nag luluto habang ang ama naman niya nasa pack house pa rin.

"Yes, po." Sagot niya rito bago lumapit sa pintuan.

Nang makatapat siya sa likuran ng pintuan ay nakarinig siya ng mahihinang boses dito. Binuksan niya ito. Natigil ang mga ito sa paguusap at sabay-sabay napalingon ang mga ito sa kaniya.

Pagkatapos ay tumambad sa kaniya ang limang pares ng mga mata.

"Hi!" Agad niyang bati sa mga ito. Sumilay naman ang mapuputing ngipin ng lima nang umarko ang mga labi nito sa isang ngiti.

Unang lumapit si Primo sa kaniya at niyakap siya na kinagulat niya dahil nasa tapat mismo sila ng bahay nila.

May posibilidad na bigla na lang sumulpot ang ina niya sa likuran.

"Uhm.." naramdaman niya ang pag singhot nito sa leeg niya. "baby, happy birthday." bago siya nito binati.

"Primo, makita tayo ni mama." Humiwalay siya agad rito at lumingon-lingon sa paligid.

Nang makita na walang ibang tao ay binalik niya ang tingin sa binata. "Thank you."

Lumapit naman na sunod sa kaniya si Indigo, hinalikan siya nito sa kanang pisngi at binati. Kasunod nito ay si Echo na humalik naman sa kaliwa niya.

Pinapasok na rin niya ang mga ito.
Pumasok naman sina Echo at Indigo sa loob. Hindi pa sana gusto pumasok ni Primo nang hawakan niya ito sa kamay para pumasok sa loob.

Pinatitigan niya ang dalawang naiwan. Ngumiti si Apollo sa kaniya at ginulo ang buhok niya habang binabati siya nito. Pagkatapos ay sumunod na rin ito sa loob.

Binalingan niya si Gunner nang bigla siya nito hinapit sa baywang at halikan sa labi na kinalaki ng mata niya.

"The fuck, Gunner!" Singhal ni Primo sa likuran nila. Mabilis na hinablot ni Primo ang leeg ni Gunner at pinasok sa loob ng bahay. Habang siya naman ay gulat pa rin sa ginawa ni Gunner.

"You okay?" Nag aalala na tanong ni Indigo sa kaniya. Hinawakan siya nito sa kamay at pinapasok na rin. Ito na rin ang nag sara nang pinto sa kaniyang likuran.

"Pag pasensyahan mo na. Minsan gago talaga 'yon." Pag papakalma ni Primo sa kaniya.

Narinig niya pa na sinuway ni Echo si Gunner nang nasa sala na sila. Kahit si Apollo ay binigyan ito nang batok.

Natahimik lang sila nang marinig nila ang boses ng kaniyang ina na kakalabas lang galing sa kusina.

"Honey," tawag nito sa kaniya pagkatapos ay bumaling ito sa lima. "andiyan na pala kayo mga hijo. Tara na sa hapag."

SA mahabang hapag ay nakaupo silang walo. Nasa pinaka center table nakapwesto ang kaniyang ama habang nasa kanan naman nito ang ina niya.

At siya naman ay nasa kanan ng ina niya habang nasa halera naman niya sina Apollo at Gunner.

Opposite nila ay nakapwesto sina Primo, Echo at Indigo. Nasa kaliwang bahagi ng ama niya si Primo dahil na rin ito ang susunod na magiging Alpha sa kanilang pack.

Hindi mawawala sa kaniya ang kaba habang kumakain sila. Natatakot siya at baka may sabihin ang magulang niya o vice versa.

"I heard, pinuntahan ka ni Leah, anak?" Agad siya napalingon sa ina nang mag salita ito. Hindi niya alam kung bakit siya bigla kinabahan.

Nabaling ang tingin niya sa tatlong lalaki nasa harapan niya, maski sa ama niya ay napatingin din siya.

Nag iintay ang mga ito nang sagot. Ramdam niya rin ang tingin ng dalawa sa kanan niya. Lahat ng mga ito ay naka-focus sa kaniya na mas lalong nagpakaba sa kaniya.

Naalala niya na hindi niya pa pala na-kwento sa mga ito kung sino si Leah.

"Opo, ma." Sagot niya sa ina na para bang may nakabara sa lalamunan niya.

"Pinuntahan nila ako kanina ni Slate." 

"Ayos na kayo ni Prince Slate, anak?" Tanong pa ng ama niya sa kaniya.

Binalingan niya ang kanang bahagi niya nang makarinig siya ng pagbagsak ng baso sa lamesa.

Nakita niya si Gunner na kakalapag lang ng baso. Tinaasan siya nito nang kilay ng makita siya nito nakatingin.

Binalik niya ang tingin sa unahan kung saan may masamang tingin si Primo sa kaniya at Echo na halatang inaantay nito ang sasabihin niya habang si Indigo naman pabalik-balik ang tingin nito sa kaniya at sa pasta na pinaglalaruan nito gamit ang tinidor.

"I guess po, he.. he bought me cupcakes earlier."

"Psh.." Rinig niyang ani ni Apollo sa gilid niya. Hindi na lang niya ito pinansin.

KINABUKASAN ay nagulat siya nang sunduin siya ni Indigo. It's weekend at wala silang pasok maliban na lang kung pinapapunta sa school dahil sa mga extra classes.

Dinala siya nito sa kakahuyan. Sa tapat ng isang malaking puno at sa ibaba nito ay may halaman na nag sama-sama na pwedeng ihagaan sa tingin niya.

Nag tataka siya na tinitigan ito. Sila lang kasing dalawa at hindi nila kasama ang apat.

"Wala akong binigay na regalo sayo kahapon."

"Ayos lang naman 'yon."

"No, baby, Prince Slate gave you something. We should, too."

Hinawakan niya ang kamay nito. "wala naman binigay si Slate sa'kin and I'm really fine."

Pinagtaasan siya ng kilay ni Indigo sa narinig nitong pag tawag sa batang prinsipe.

"He bought you cupcakes, I think that's something."

She sighed and pouted.

"Ginawa niya lang 'yon kasi sinabi ni ate Leah. 'Wag na kayo mainis sa kaniya. He didn't do anything."

"But you never told us about them, him exactly."

"Kuya, bakit 'ko naman iku-kwento sa inyo si Slate. Hindi kami no'n close. Actually, naiinis pa nga ako roon."

Natigilan si Indigo sa sinabi niya. "Naiinis? Did he do something bad to you?"

"Oh, no! We just don't get along," aniya rito. Binigyan niya rin ito ng isang ngiti pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata dahil naalala niya ang ginawa ng prinsipe sa kaniya no'ng kaawaran niya.

Ibang Slate ang pinakita nito sa kaniya kahapon. Ibang-iba sa mga ugali na pinapakita sa kaniya sa tuwing nag kikita sila.

"And why the hell you're not addressing him?"

"He doesn't like it." Sinundan niya pa ito nang tawa para tumigil na ito sa kakatanong sa kaniya. "You can call him Slate lang din. I promise, he doesn't care," dagdag niya pa pagkatapos ay inikot niya ang buong paningin sa lugar.

Napansin naman niya na hindi na magtatanong si Indigo tungkol sa prinsipe na nag pakalma sa kaniya.

Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan habang si Slate ang topic nila. Binalewala na lang niya 'yon at binalik ang tingin kay Indigo na nakatingin na rin sa kaniya.

"Are you ready for your gift?" may malokong tanong ni Indigo sa kaniya. Nahihiya naman na tumango siya rito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top