Chapter 18

NANG matapos ang klase niya ay bumungad sa kaniya agad ang nakangiting si Leah.

Lolokohin niya sana ito na pagbalik sa loob ng classroom nang higitin siya nito payakap ng mahigpit dito.

Napansin naman niya ang mga kaklase niya na may panunuya ang tingin sa kanilang dalawa ni Leah. Hindi na lang niya ito pinansin at tinuon ang tingin sa babae nasa harapan niya ngayon.

"Happy birthday, N!!" Mas maligayang bati nito sa kaniya kaysa sa kaniya na may kaarawan.

Labing walo na siya.

"Thank you, ate." Pasasalamat niya rito. Hinawakan niya pa ang kamay nito at pinisil ng marahan.

"Tara sa cafeteria tayo. Pa-libre tayo kay Slate." Ani ni Leah sa kaniya pagkatapos ay kinawit nito ang braso sa kaniya at hinila siya patungo sa cafeteria kahit hindi pa siya pumapayag.

"Ate, nakakahiya. Prinsipe 'yon tapos pa-pa-libre lang ako sa kaniya?"

"Ano ka ba! Ayos lang 'yan. Minsan lang tayo umabuso nang may tungkulin, eh."

"Ayoko at saka hindi naman kami close no'n."

"N, ilang beses na kayo nag kita talaga. Mabait naman 'yon. Masungit lang."

Hindi siya sigurado kung alam ba nang dalawa na narinig niya ang mga ito nang minsan na dumalaw ang dalawa sa bahay ng lola niya.

Hindi naman niya kasi sinabi sa mga ito ang narinig lalo na sa tingin niya ay isa itong sekreto na hindi pwede mabunyag.

Patuloy na siya nahila ni Leah sa loob ng cafeteria.

Inikot niya ang paningin sa loob. Maraming estudyante ang nakain sa mga oras na 'yon. Maingay din at makikita niya ang ilan na may gumagamit nang kapangyarihan.

May ilan nakataas sa ere ang isang baso at pinag lalaruan na paikot-ikot sa ere. Meron din, may kusang sumusulat sa isang libro habang kumakain ito.

May ilang lobo rin siya nakikita na nakalabas ang tenga habang nakikipag lokohan sa mga kaibigan nito.

Nakakita rin siya na ilang faes na lumilipad habang ang mga bampira naman ay nakakatakot na titigan dahil parang mangangain ng buhay ang mga ito kahit sabihin nila na hindi ito gagawa ng kapahamakan.

"Ayon si Slate." Turo nito sa lalaking nakaupo sa malapit na bintana. Nag iisa lang ito na para bang may inaantay.

Nakatingin ito sa labas, kung saan makikita ang iba't ibang uri ng mga puno at halaman na nasa labas.

"Hi Prince Slate." Bati ni Leah. Halata rito na inaasar ang lalaki.

Dumako ang paningin ni Slate sa kaniya na kinaiwas niya pagkatapos ay binalingan naman nito si Leah na umupo sa tapat nito.

Nahila na rin siya at umupo sa tabi nito na ngayon kaharap na niya ang prinsipe.

"Leah, stop. You wouldn't like it kapag nagalit ako."

"Of course, I would like it."

Nagulat siya sa sinabi ni Leah sa tabi niya. Pabalik-balik na tinitigan niya ang dalawa.

Parang mali ata ang pagsama niya sa mga ito dahil halata sa mga ito na hindi napapansin ang presensiya niya.

Nakagat niya ang ibabang labi nang bumaling nang tingin ang dalawa sa kaniya na para bang narinig nang mga ito ang sinabi niya.

Shit.

Narinig nga nila.

Hindi rin nakatakas sa kaniyang paningin ang pag susungit ni Slate sa kaniya.

"N." Tawag ni Leah sa kaniya.

"I'm just kidding, ate.. and could you two please stop hearing my thoughts?"

"I'm sorr—"

"Your thoughts are too loud," singit na anas ni Slate sa kaniya. Sinamaan niya naman ito nang tingin pero wala na siyang sinabi dahil may respeto pa rin naman siya rito kahit pa-paano.

"Palagi na lang kayo nag babangayan kapag nagkikita kayo. Ganto na lang, dahil kaarawan ni N. You're gonna treat her, Slate."

"No." Pag ri-reject nito sa sinabi ni Leah.

Habang siya naman ay nag tataka kung bakit biglang sumakit ang kaniyang dibdib.

Pangalawang beses na niya ito naramdaman. Una ay no'ng narinig niya nag uusap ang dalawa sa bahay ng lola't lolo niya pero this time ay parang mas masakit. Lalo na nakatingin si Slate sa kaniya nang sabihin ito ng binata.

"Ayos lang. kaya 'ko naman bumili."

"No! Slate will treat us." Pinag taasan nang kilay ni Leah ito.

"Fine. Whatever."

Mas lalo siya nainis sa inasta nito. Kailangan pa nito pilitin para pumayag pero ang pinagtataka niya ay kung bakit din siya naiinis kay Leah nang pumayag si Slate pagkatapos nito pilitin ang binata.

"Kayo na lang dalawa bumili, I'll wait you guys here." Nabaling ang tingin niya kay Leah nang mag salita ito.

"Ha? Ako na lang mag iintay."

"No, ikaw sumama sa kaniya para naman makausap niyo isa't isa."

Napatingin siya kay Slate na walang kibo. Hindi niya alam kung papayag ba siya. Ayaw niya ito makasama dahil kinakabahan siya.

At baka hindi sila nito magkasundo. Ang mas s niya.

"Go na! Wait 'ko kayo rito."

Hinawakan pa siya ni Leah sa kamay at tinulak patayo. Nilingon niya si Slate na tumayo na rin pagkatapos ay tumingin sa kaniya.

Napaiwas siya nang tingin dito. Nag tataka siya sa sarili niya kung bakit bigla na lang siya nahiya rito.

Walang sabi-sabi na nauna na ito mag lakad. Pinatitigan niya ang likod nito. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso niya.

Lalo na nang tumigil ito at nilingon sa kaniya.

"Are you coming or not?"

"I..I'm coming." Hinawakan niya ang lalamunan nang parang may nakabara rito pagkatapos ay sumunod na kay Slate na nag iintay na nakatingin pa rin sa kaniya.

Katahimikan.

Parehas silang dalawa nag lalakad na hindi man lang nag sasalita pero kahit gano'n ay magaan ang pakiramdman niya.

"What's your favorite foods?" Basag na tanong ni Slate sa kaniya na kinagulat niya.

"Uhm.. ano—" Pinatitigan niya ito. Sa unang pagkakataon ay nakita niya na ngumiti ito sa kaniya.

Natigil ata ang mundo niya nang ngumiti ito. Hindi niya maintindihan ang sarili. Sa sobrang confused niya ay gusto niya ito takbuhan.

"Mashed potato?" May himig na biro ang sinabi nito sa kaniya habang nakatitig pa rin ito sa kaniya.

"Nyebe, kumusta ang mashed potato at karne?" Tanong ni Doctor Dawn sa kaniya.

Dumako muna ang paningin niya sa lalaki bago niya sinagot ang kilalang magaling na Doctor sa council.

"Masarap po, tita. Parang gusto 'ko po maguwi."

She heard the boy chuckled na kinalingon niya rito. Hindi ito nakatingin sa kaniya pero kitang-kita niya ang maliit na ngiti sa labi nito.

Inikutan niya ito ng mata nang maalala ang unang tagpo na makilala niya ito.

"No, but I'm craving for mashed potato. So, sure."

"Hmm, mashed potato it is."

Natawa naman siya rito. Narinig niya rin na tumawa ito pagkatapos ay nag tungo na sila sa counter.

HINDI SIYA makapaniwala sa binili nito sa kaniya. Akala niya ay mashed potato lang ang bibilhin nito.

Pinatitigan niya ang hawak nitong tray na may laman na spaghetti, lasagna at chicken habang may isang lalaki naman na may hawak din na tray na may laman ng mashed potato at steak na nakasunod sa kanila.

Dumako naman ang tingin niya sa hawak niyang tray kung saan may tatlong malalaking chocolate cupcakes.

"Hindi ba ito masyadong marami?"

Pinatitigan ito ni Slate pagkatapos ay nag patuloy sa paglalakad.

"That's fine. You need to eat a lot para naman lumaki ka."

Napanganga siya sa sinabi nito. Sasagutin niya sana ito nang mauna na ito sa kaniya mag lakad pabalik pero hindi nakaligta sa kaniyang paningin ang pag smirked ni Slate sa kaniya.

SANAY siya na makita lang ang dalawa sa tuwing napunta sila ng pamilya niya sa Elfhame kapag nag ba-bakasyon sila. Kaya, hindi niya inaakala na makakasama niya ang dalawa lalo na at kaawaran niya pa ngayon.

Kahit kasi nasa iisang paaralan lang ang pinapasukan nila ay hindi pa rin sila nakakapagtagpo ng mga ito dahil na rin mas mataas ang antas nito sa kaniya ng ilang taon.

Pinanuod niya na kinuha ni Slate ang tatlong cupcakes sa dala niyang tray kanina at tinapat ito sa kaniyang harapan na pinagtataka niya kung bakit nito binibigay ang lahat sa kaniya.

"Wait, bakit sakin lahat 'yan? Malaki naman na ako."

Umiling lang si Slate at hindi siya nito sinagot bagkus ay tinapat nito ang kamay sa cupcakes. Pagkatapos ay nag gesture ito na para bang may binubudbod na asin. Nanlalaki ang kaniyang mata nang makita na nakabuo ito ng kandila.

Hindi siya makapaniwala habang pinagmasdan ang binata. Doon niya lang napagtanto na binili nitong cupcakes ay para maging mini cake niya.

Gusto tuloy niya maiyak.

Nag simula na si Leah na kumanta ng birthday song habang nakangiti lang si Slate sa kaniyang harapan. She felt warm all of the sudden habang pinagmamasdan ang binata.

"Blow your candles." Bulong ni Leah sa kaniya. Nilingon niya ito at binigyan nang isang ngiti bago inihipan ang kandila nasa harapan niya.

"Happy birthday, Nyebe." Bati ni Slate sa kaniya na nag pabilis ng tibok ng puso niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top