PROLOGUE
A/N: First upload - July 12, 2017
Today, July 30, 2017, Now or Never reached 1K reads! Thank you for your support!
Today, September 24, 2017, Now or Never reached 10K reads! Thank you for your support!
Today, August 14, 2018, Now or Never reached 100K reads! Salamat sa lahat na hindi bumitaw kahit there was a time na ilang buwan bago ang next update. :) Sana suportahan n'yo rin ang kuwento ng bulinggit na Neil, Earl of Coventry, oras na maisipan kong gawan din siya ng kuwento. Hehehe!
**********
Nang makita ko ang signage na nagsasabing York Station biglang kumalabog ang dibdib ko. Makikita ko na rin nang personal si Tom! Hindi na ako makapaghintay na masilayan nang personal ang taong pinakamalapit sa puso ko. Dala-dala ang colored photo na pinadala pa niya through EMS, hinanap ko siya sa kulumpon ng mga taong naghihintay sa bukana ng istasyon. May nahagip ako roong matangkad na lalaking kayumanggi ang kulay. Sinulyapan ko ang dala-dalang picture at parang napatalon sa tuwa ang puso ko. Si Tom nga! At mas guwapo pala siya sa personal. Halos tinakbo ko na ang kinaroroonan niya habang hila-hila ang maleta ko.
"Hi there," nakangiti kong bati. "You must be---Tom Fuentes, right?"
Napatitig sa akin ang lalaki at pinasadahan niya ako ng tingin. Medyo nakaramdam ako ng pangamba nang makita ko siyang bahagyang sumimangot. May dumi ba ako sa mukha? Ang alam ko, flawless ang beauty ko. Na-check ko na kanina pa sa maliit na salamin bago ako bumaba ng tren. What could be wrong?
"I'm Aalia Carlson," pakilala ko pa at inunat ko ang kamay bilang pagbati, although I was expecting him to grab and hug me.
"Oh. Sorry. Of course, A-Aalia," sabi niyang nakangiti. Hinila niya ako at bahagyang niyakap. Nangunot ang noo ko. Ang sabi niya kasi sa akin no'ng huli kaming nag-chat sa FB yayakapin daw niya ako nang mahigpit na mahigpit sa pagkikita namin.
"A-aren't you happy to see me?" tanong ko sa kanya. I was beginning to get nervous. Naalala ko ang kuwentong nabasa ko online tungkol do'n sa isang Pinay na pumuntang US through a fiancee visa. Pagkakita raw ng nobyo niyang Amerikano sa kanya'y bigla siyang pinagtabuyang parang hayop. Malayo raw kasi sa expectations ng Kano ang hitsura niya. Pumanget daw siya sa personal. Baka iyon din ang nangyayari ngayon sa akin. Baka iniisip ni Tom na ang panget ko sa malapitan. Shit! I didn't leave a high paying job in the bank for this.
"Of course, I'm happy." At tumawa pa ito. "It's just that---I didn't expect you to be dark. You looked f-fair on video cam."
"Oh. My friends and I went to the beach before I came here. That was their despedida for me and our celebration as well because I managed to get my fiancee visa approved in just one try."
Tumangu-tango si Tom at ngumiti. Pero iyong tipo ng ngiting hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. My hands begun to get sweaty. Ganoon ako kapag worried at kinakabahan. Tinatakot naman ako ng Tom na ito. Kaganda ng usapan namin kahapon, e. Kainis ito.
"Okay, shall we go?" yaya niya sa akin. Nauna na siyang maglakad. Ni hindi man lang niya kinuha ang maleta ko. Ang bigat pa naman ng dala-dala kong carry on baggage. Kahit iyon man lang sana kung binuhat niya.
Nang nasa loob na kami ng kotse niya, nagkuwento siya about his family. Dalawa na lang daw sila ng mom niyang namumuhay sa York dahil ang dalawang kapatid na babae'y nagpaiwan sa Pilipinas. Pero huwag daw akong mag-alala dahil hindi naman sila nakatira sa iisang bubong ng ermat niya kaya wala raw akong pakikisamahan. Nakahinga ako nang maluwag. Palagay ko'y masyado lang akong affected ng mga pananakot sa akin ng mga kakilala't kamag-anak kung kaya kung anu-ano ang naisip ko kanina.
"Okay, here we are," bigla na lang ay sabi niya. Napatingin ako sa bintana. Coffee shop? Ano'ng gagawin namin sa coffee shop? Ang pangako niya sa akin kahapon nang nagcha-chat kami'y ipagluluto raw niya ako ng specialty recipe niya, iyong most popular dish daw nila sa pinagtatrabahuhang restaurant kung saan chef siya. Huwag niyang sabihing hindi iyon natuloy kung kaya do'n na lang kami kakain sa coffee shop?
Napasulyap ako sa kanya. Tinanggal na niya ang seatbelt at minanduan na rin akong lumabas na ng sasakyan.
"I'm so hungry now so let's grab something to eat first," sabi niya sa akin.
What happened to the special dish you promised me yesterday? I didn't feel good anymore. But then, I didn't make it obvious to him. Baka mali lang din ang sapantaha ko. Baka masyado lang akong paranoid.
Pagkaorder namin ng food, nagkuwento siya tungkol sa work niya. He sounded like the Tom I know kung kaya nakalimutan ko na naman ang mga pangamba ko. Nang masuyo niyang hinawakan ang kamay ko sabay halik doon ay biglang naglahong parang bula ang lahat kong agam-agam.
"I've always dreamt about this day ever since I met you online. I couldn't believe that here we are now making it happen." Pinaliguan niya ng halik ang dalawa kong palad. Feeling ko tumambling-tambling sa tuwa ang puso ko. I couldn't contain my happiness. Napahagikhik akong parang high school girl na kilig na kilig. Naputol ang eksenang iyon nang bigla na lang tumunog ang cell phone niya. Nakita ko siyang biglang namutla. Ilang beses siyang napasambit ng, "Oh my God!"
"What happened? What's wrong?" nag-aalala kong tanong.
"Shit! My mom!" At namasa-masa ang mga mata niya. Nadisgrasya raw ang mommy niya at kailangan niyang puntahan agad ito sa ospital.
Nang tumayo siya, tumayo rin ako. "I'll go with you!" sabi ko.
"No, no. You stay. I'll come back for you later. This is urgent. I have to be there now. I'll come back for you in an hour. See you, later!" At dali-dali siyang sumakay sa kotse. Nang malayo na siya saka ko naalala ang maleta. Pinanlamigan ako dahil baka---pero iwinaksi ko iyon sa isipan. Bumalik ako sa loob ng coffee shop.
Four hours later, iba na ang pakiramdam ko. Something's not right. Binuksan ko ang phone at ime-message ko sana siya sa messenger kung ano'ng oras niya ako babalikan pero deactivated na ang account niya sa FB. Hindi ko na rin siya ma-search sa Skype pati na sa IG. No'n lang tumimo sa isipan ko na hindi na nga niya ako babalikan.
Dala na rin siguro ng halo-halong emosyon, kaba, takot, labis na pagkadismaya, kabiguan, at lahat-lahat ng negatibong emosyon, nagdilim ang paningin ko. Pero bago mabagok ang ulo ko sa sementadong sahig ng coffee shop may mga naring akong tumili tapos iyong baritonong boses na parang ang lapit-lapit lang.
"Miss? Miss? Are you all right?"
May nagpaamoy sa akin ng white flower. Dahan-dahan akong napadilat. Nagsalubong ang mga mata namin ng isang estrangherong may magagandang mata. Nang ma-realize kong halos nakahiga ako sa mga bisig niya, bigla akong napatayo.
"Are you okay, Miss?"
May bumara sa lalamunan ko nang maalala ko si Tom. Sinikap kong huwag magpaapekto sa mga nangyari. Kahit na sobrang naghihirap ang kalooban napatangu-tango ako sa lalaki. I pretended I was dusting off my skirt kung kaya nakayuko ako. Ang totoo niyan, hindi ko kayang tumingin nang deretso sa kanyang mga mata maging sa ibang mga locals na dumalo rin sa akin.
Nang mapasulyap ako sa counter, nakita ko ang makahulugang tinginan ng cashier at ng waitress niya. Tapos tiningnan nila ako na para bang sobra silang naaawa sa akin. Dali-dali kong dinampot ang chit na nasa table namin at binayaran ang inorder. Pinagtatadyakan ko si Tom sa isipan dahil ako pa ang pinagbayad niya ng inorder na pagkain. Sobra akong nanghinayang sa fifteen pounds kong pinambayad sa kinain namin.
Sinundan ako ng lalaki sa labas ng coffee shop. Nang mabistahan kong mabuti ang kanyang mukha no'n ko lang napansin na ang guwapo niya pala. Ang hahaba ng pilantik ng kanyang mga mata at ang pangahan niyang mukha ay nagbigay sa kanya ng lalaking-lalaking dating. Sundalo kaya siya? Kasi ang ikli ng gupit niya. Parang iyong tulad ng sa napapanood kong movies about militaries.
"Let me guess, you're a Filipina, right?" tanong ng estranghero.
"H-how did you know?"
Ngumiti siya. Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin.
"My mom's a Filipina so I can tell when I see one."
Pinay ang nanay niya? Gulat na gulat ako kung kaya napatitig ako sa mukha niya. Hindi halata dahil asul ang kanyang mga mata at ang kulay ng buhok pati na balat ay British na British. Kahit saang anggulo tingnan hindi siya mukhang mixed.
"I'm Nathan, by the way. And you are?" pakilala niya sabay unat ng kanang kamay . Nakipagkamay ako sa kanya sabay sabi ng pangalan ko.
"Are you here on a tour?"
May bumara na naman sa lalamunan ko. Tumalikod agad ako bago pa pumatak ang mga luha ko.
"Oh, I'm sorry. Did I say something bad?"
Umiling-iling ako. Pero hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha.
"I c-came here for my f-fiance. We're supposed to---to---get m-married n-next week."
"Oh. What happened?"
Dahil mukha naman siyang sincere at mabait, hinarap ko ulit siya at nagkuwento na.
"He went to the hospital to be with his mom because she was involved in a vehicular accident. He said he'll be back in an hour. But I've been waiting for him here for fours hours already. I know he's not coming back because---he already deactivated his FB account. And the worst thing is---he took my luggage with him!" At napahagulgol na ako.
Natigilan si Nathan. Nangunot pa ang noo nito na tila may naalala.
"What's your fiancee's name?"
"Tom Fuentes."
"Fvck! I knew it!"
"What? Do you know him?" Nagkapag-asa ako.
Nag-iba na ang hitsura niya. Mukhang naging mabagsik ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nalito ako bigla. Bakit?
"How could you entrust your future to a guy you just met online? And you came all the way from the Philippines for this? I couldn't believe you, women!"
"Hoy, bago mo ako husgahan alamin mo muna ang tunay na nangyari! At kung kilala mo siya, hindi ba dapat tinutulungan mo akong matunton siya at nang makuha ko kahit man lang iyong tinangay niyang gamit ko?!" tungayaw ko sa kanya.
But then he was already crossing the street. Nakakainis! Akala ko pa naman knight in shining armor ko na siya. Bwisit!
"Fvck you, York!" sigaw ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top