CHAPTER TWENTY FIVE
A/N: EPILOGUE na po ang kasunod nito. Salamat sa lahat ng matiyagang nag-abang ng kada update. Mwah, mwah, mwah!
**********
Nang makarinig ng sunud-sunod na putok, bumangon na ako't kinuha sa crib niya si Neil. Umingit ang bata at dumilat nang bahagya pero pumikit din nang makita niya ako. Mayamaya pa, hindi lang sa ibaba ng bahay mayroong kumakalabog. Parang may umaakyat sa veranda. Nang hawiin ko ang kurtina, nakita ko si Emi. Tila kakababa lang mula sa hagdang dala. Kumatok ito sa glass naming sliding door at sumenyas na bilisan ko raw. Napalingon ako for any sign of Nathan. Wala. Emi was getting impatient outside, she even had to call Nathan's phone. Dinampot ko ang cell phone ni Nathan sa bedside table at kinausap ang babae.
"We need to leave ASAP. There's no time left. Nathan asked me to take you somewhere safe while they're tyring to contain Tom's people downstairs."
"Is Nathan all right?" tanong ko agad. I felt my heart in my throat. Na-sense siguro ni Neil ang takot ko't kaba kung kaya nagising ito. Saglit lang siyang umiyak tapos ay nagpalinga-linga at yumakap sa leeg ko nang mahigpit.
"Nathan and Uncle Brian are still okay. But we need to move. Tom's people are afterall after you, you know. Bring your valuables with you because we never know when we'll be back here. Maybe not. No, no, no. Don't get me wrong. You will be safe. I was just saying that just in case---at least you'll have something to sell if ever."
Nangunot ang noo ko. Instinctively, napahigpit ang hawak ko kay Neil. Magpapatumpik-tumpik pa sana ako, pero hayun na naman ang putukan sa ibaba. Ang naisip ko nang mga oras na iyon, kailangan kong sagipin ang buhay ng mga anak ko. Si Neil at ang baby na pinagbubuntis ko. Minsan na akong naligtas ni Emi sa kapahamakan, siguradong isa na naman ito sa masasabi kong magiging utang na loob ko sa kanya. Probably, Nathan would love me more knowing I acted swiftly to save his babies. Pero okay lang ba na iwan ko siya? Lord, baka kung ano na ang nangyari sa kanya sa ibaba.
Umilaw ang cell phone ni Nathan pagkatapos naming mag-usap ni Emi. Tumatawag naman si Dad.
"Aalia, is Emi there now? Go with her. Take Neil with you. Nathan, I, and Mom are okay downstairs. Please save yourself and my grandkids. See you later!"
Pagkarinig no'n, wala na akong inaksayang oras. I grabbed Neil's bag, iyong nilalagyan ko ng mga gamit niya at gatas, at binuksan ang sliding door. Nagpalinga-linga si Emi sa loob ng kuwarto namin na tila may hinahanap bago natigilan pagharap sa akin. She stared at me and smiled, then guided me to the veranda. Nang makita kong kailangan naming bumaba gamit ang dala-dala nilang hagdan, nag-hesitate na naman ako, lalo pa't bitbit ko si Neil on one hand at mayroon pa akong maliit niyang knapsack on the other hand.
"C'mon, mauna ka na," utos niya sa akin sabay agaw kay Neil. Himala, hindi pumiyok ang bata. Alam niya sigurong nasa panganib kami at kailangan naming mag-cooperate. Pagtingin ko sa ibaba ng veranda may dalawang lalaking nag-aabang doon. Ang isa'y umakyat na para tulungan akong makababa at ang isa'y naiwan para magsilbing lookout. Buti na lang naka-pajama ako kaya hindi mahirap kumilos. It would have been a lot more uncomfortable kung naka-maternity nightdress ako.
Pagbaba ko ng hagdan, inalalayan nila akong dalawa para magtungo sa naghihintay nilang sasakyan. Nilingon ko si Neil kay Emi.
"It's okay. Go ahead. I got him."
Ilang sandali pa, sumasakay na kami sa sasakyan nila Emi at palayo na roon sa amin. Kinuha ko ang cell phone ni Nathan para tawagan sana si Dad nang inagaw ito ni Emi.
"Huwag na. Natawagan ko na kanina pa si Uncle Brian at Nathan. They know you are with me. Don't worry, all right?" nakangiti nitong sabi sa akin sabay tapik sa tuhod ko.
Napatingin ako sa lalaking singkit na nagmamaneho sa harapan. Nagtama ang paningin namin sa salamin at nakitaan ko ito ng isang tipid na ngiti. Nagtinginan din sila ni Emi and they both stiffled a chuckle. I felt something weird.
**********
"What?! Are you sure?" halos ay pasigaw kong tanong kay Ali sa binalita sa akin sa telepono.
"Oo nga sabi. Jin and I saw it on a Japanese online news. She's a mercenary! She is currently on Tokyo Police's wanted list for killing the only legal heir of the Kobayashi Company in exchange for a huge sum of money from a rival firm," sabi pa ni Ali.
Bloody hell! Nagkatinginan kami ni Dad at kapwa kami napatakbo sa itaas nang ma-realize ang implikasyon no'n. Iniwan naming nakagapos sa sala ang Middle Easterner boy na nanloob sa amin. Ni hindi nga namin naisip pa no'n si Mom. Tumakbo na lang din ito paakyat ng kuwarto kasunod namin.
"Bloody fvck!" halos sabay naming naibulalas ni Dad. Hinalughog namin ang buong silid, wala na ni anino ni Aalia o ni Neil. Galit na galit akong napamura. Pinagsisipa ko ang mga gamit sa loob ng kuwarto. I was crying in frustration and anger, too. Dad looked at me guiltily. Nang huminahon na ako, he came to me and hugged me tightly while apologizing repeatedly. Nagyakapan kaming tatlo. Mom sobbed helplessly.
Bumaba kami ng bahay nang marinig namin ang alingawngaw ng sirena ng police car. Bago pa sila makarating sa mismong tapat ng bahay, clear na ang paligid. Wala na roon ang itim na sasakyan maging ang mga naka-trench coats na lalaki. Pambihira naman kasi ang mga ito. Inaanunsiyo pa sa buong madla ang pagdating. Hayan tuloy, nakatakas ang mga salarin bago pa man sila nakalapit. Bullshit!
Kinuwelyuhan ko habang inuusisa ang tinedyer kung sino ang nag-utos sa kanya na pasukin kami pero gaya kanina tikom ang kanyang labi. Sa galit ko, sinuntok ko na. Pumutok ang labi niya, ganunpaman hindi pa rin namin ito napilit na magsalita. Uundayan ko pa sana ulit ng isa pang upper cut pero inawat na ako ni Mom. Pagkatok ng pulis, si Dad na ang humarap sa kanila. Ni-report din namin ang pagkawala ng mag-ina ko.
**********
Nayanig ang pagkatao ko nang mapag-alaman na niligtas pala kami noon ni Emi sa mga kamay ni Tom para sa sarili niyang misyon---- ang makuha ang kuwintas kong minana pa sa namayapa kong lolo na ama ng papa ko. Mahalaga raw ang kuwintas na iyon para sa kanyang amo. Doon daw kasi nakasalalay ang royal title bilang Countess of Coventry. Naiihi ako sa takot at nerbiyos pero pinilit ko ang sariling huwag iyong ipakita sa kanila. Mahalaga ring makita ni Neil na kalmado ako para hindi siya mag-panic at umiyak nang umiyak. Heto nga at nakatingin siya sa akin nang may pagtataka, habang nakadapa sa kama kung saan ako nakaupo with my legs outstretched.
"Poor Nathan. By now, I'm pretty sure he's getting crazy as hell, but work is work," nakangising sabi pa ni Emi. Humalakhak pa ang bruha at nakitawa na rin ang dalawang gunggong na singkit na kasamahan niya.
"Get what you want from me and let us go. I don't need these jewelries," sagot ko sa pinatatag na boses.
"Of course. I can make you my exception to the rule, afterall you are my former beloved's stupid wife now." Hinipo pa niya ng hintuturo ang baba ko at nginisihan ako nang may panunuya. I bit my lip to stop myself from retaliating. I need to be as calm as possible. Baka mapahamak kami ni Neil kung magiging emosyonal ako.
Lumingon si Emi sa dalawang kasamahan at may sinabi sa mga ito sa lenggwahe nila. Lumapit ang dalawa sa akin. Ang isa'y nagtanggal ng kuwintas ko at ang isa nama'y ng mga suot-suot kong hikaw. I closed my eyes. Simula kasi nang makuha ko ulit iyon, hindi ko na iyon nahubad pa kung kaya ang hirap sa pakiramdam na igi-give up ko na naman sila nang gano'n-gano'n lang. But I have no choice at the moment.
Binigay ng dalawa ang mga alahas kay Emi at nakangisi namang winagayway ng bruha ang kuwintas sa harapan ko, para inisin ako. I looked away. Humalakhak siya. No'n na umingit si Neil at napaiyak. Kaagad ko siyang niyakap.
"Ssshhh, it's all right, baby."
Lumapit si Emi kay Neil at hinipo ang pisngi ng bata. Pumiksi si Neil at tinulak ang kamay niya, Saglit kong nakitaan ng pagguhit ng kirot ang mukha ng hitad.
"You could have been mine, baby," malungkot niyang sabi under her breath bago tumalikod sa amin ng anak ko.
"What should we do with them now?" tanong ng isa sa mga singkit in British accent.
Nanigas ang kalamnan ko nang marinig ang lalaking nagtanong kung dating gawi pa rin ba ang gagawin nila sa amin? Emi looked at me and Neil one more time. Sa pagkakataong ito wala na ang pang-uuyam sa kanyang mga mata. Bagkus, ibayong lungkot na ang nakita ko roon. She then looked at the guy and shook her head. Pinangunutan ng noo ang lalaki. Sinundan nito sa paglabas ng kuwartong iyon si Emi. Pagbalik ng mama, naiinis niya akong nilapitan. Inagaw niya sa akin si Neil. Nag-hysteria naman ako. Kinalmot ko siya.
"Bloody hell, woman!" galit niyang asik sa akin. "I'm taking you somewhere far from here!" bulyaw pa niya at sinampal ako.
Nag-iyakan kami ni Neil. Halos kaladkarin niya kasi kami palabas ng hideout nila dahil ayaw kong sumama. Ayaw ko pang mamatay. I begged him for mercy. Hindi ako maaaring mamatay dahil may isa pang buhay na nakasalalay sa buhay ko.
"Please spare us. Spare my baby, at least!"
Tinulak ako ng mama papasok sa SUV at basta na lang pinasa sa akin si Neil. Pumunta ito sa harapan at pinaandar na ang sasakyan. Hindi na ito nagsalita pa habang nagmamaneho. Natigil din ako sa kangangawa dahil hindi niya ako sinasagot kahit na halos ay sigaw-sigawan ko na siya mula sa likuran. Mayamaya pa, nakarating kami sa isang lugar na wala kahit ni isang bahay o istrukturang nakatayo. Mga berdeng damo lamang ang nakikita ko sa paligid. Dahil mag-aalas kuwatro pa lang nang umaga no'n wala rin halos sasakyang nadaan. Kami lang.
Dahan-dahang nagmenor ang sinasakyan namin hanggang sa tuluyan na itong huminto. Bumaba ang driver at binuksan ang back seat. Hinila niya ako palabas.
"No! Please don't kills us! No!" Nag-iyakan na naman kami ni Neil.
"You're tempting me to do that to you, bitch, you know that? If you and your bastard don't stop crying, that's what I will do---slit your throats!"
Napalunok ako at biglang natahimik. Tinakpan ko rin ang bunganga ni Neil. Kinalong ko siya at tahimik kaming lumabas ng sasakyan. Saktong pagbaba namin, pumasok naman ang hudas sa SUV at pinaharurot na ito palayo.
"Hoy! Paano na kami rito?! Bumalik ka!"
Ngunit nang mahimasmasan, natigil din ako sa kasisigaw. Oo nga, iniwan niya kami sa kalagitnaan ng deserted place, pero mas mabuti na iyon kaysa kasama namin siya't kakaba-kaba kami kung ano ang gagawin niya sa amin.
Neil cupped my cheeks with both hands and pressed his lips on one of them.
"We're okay, Mama," ang sabi pa. Ang ibig sabihin siguro'y we will be okay, Mama. Napatanga ako sa almost twenty-three-month old baby ko and I smiled. Ngumiti din siya. Ang ngiti nami'y naging tawa. We were so relieved they didn't harm us, we were laughing like crazy.
Nang makita kong may paparating na kotse, pinara ko agad ito. Nilampasan lang kami nito. Nagpara uli ako. This time, isang BMW sports sedan at minamaneho ng isang middle-aged blonde guy. Hinintuan kami ng mama.
"What are you guys doing here in this wee hours?"
Pinaliwanag ko ang nangyari sa amin. Napatangu-tango siya at binuksan na ang likuran ng kanyang sasakyan. He happened to be working for UK's immigration office. Nakampante ang kalooban ko. Nang sinabi ko ang address namin sa London, napakunot-noo siya. Ang layo raw no'n sa pupuntahan niya. Sinabihan niya kaming dadalhin daw sa pinakamalapit na police station para doon na magpasundo sa kapamilya. Pumayag naman ako agad.
"So sorry this has happened to you in my country. You have to understand, we, British are not cruel. We don't do this to people."
Sumang-ayon ako.
"Your little boy is so cute." Nilingon pa niya saglit si Neil at nginitian ito. Umiwas ng tingin sa kanya si Neil. Humarap ito sa akin at yumakap.
**********
Halos mag-unahan kami ni Dad kay Aalia at Neil nang makita namin ito sa Holborn Police Station. Niyakap ko sila ni Neil nang mahigpit. Umiyak sila pareho sa balikat ko.
"I'm so sorry, Aalia," si Dad naman. He was teary-eyed. "If something bad had happened to you, I was to be blamed."
"It's all right, Dad. You did what you think was right, then."
Niyakap din siya ni Dad. Mayamaya pa, sumulpot ang nakababata kong kapatid mula sa kung saan. May dala-dalay itong supot na naglalaman ng mineral water, sandwich, at cookies. Binigay niya ito kay Aalia.
"Thanks, bro," salubong ko kay Ali at tinapik-tapik ito sa balikat. Nauna kasi ito sa amin doon at siya pa'ng nagbalita na nandoon na sina Aalia at Neil. Nagkanya-kanyang lakad kasi kami kanina ni Dad, sakay ng sarili naming sasakyan at hinalughog ang buong London sa pagbabakasakaling matagpuan namin si Aalia at Neil. Tumulong kami sa mga pulis sa paghahanap.
Sinenyasan siya ni Dad na mauna na sila sa amin. Kinuha nila si Neil kay Aalia.
"I was so scared," bulong ko sa asawa habang hinahalikan siya sa noo, sa pisngi, at sa puno ng labi. Hinawakan ko ang umbok ng kanyang tiyan. Hinimas-himas ko ito at kinausap din. I felt the baby moved. Na-excite ako. Napangiti si Aalia sa reaksiyon ko. She touched my head affectionately. Natigil lang siya nang lumapit ang isang pulis at kinompirma kung siya ang napabalitang missing person na pinaghahanap ng pulisya.
"Yes, it's me."
"And I am her husband who reported it."
Pinaupo kami nito sa harap ng desk niya at tinanong tungkol sa mga nangyari habang tumitipa ito sa laptop sa ibabaw ng desk niya. Natigil lang kami sa pagkukwento nang nag-flash sa TV ang engkwentro ng grupo nila Tom at Emi somewhere in Glasgow. Napatay daw sa pagtatagpong iyon si Tom at dalawa sa mga kasamahn niya. Si Emi nama'y nawalan ng dalawang tauhan at malubhang nasugatan. At ang sanhi ng pinag-aawayan nila? Ang sixteenth century kong kuwintas na pinapakuha raw sa kanila ng kondesang napangasawa noon ni Tom.
"She can have any priceless jewelries if she wants to. Why is she interested in something cheap like my necklace" komento bigla ni Aalia, nakakunot-noo.
Napatikhim ako. I scratched my head in discomfort. Napatingin siya sa akin, nagtatanong ang mga mata.
"I bought it back from Sotheby for a million pounds."
"What?!" Pati pulis ay napatingin sa amin mula sa pagtitipa sa laptop niya. Napanganga rin ito sa akin.
Pinaliwanag ko kay Aalia kung bakit ganoon ang presyo no'n ayon sa sinabi sa akin ng ahente ng Sotheby. Nang marinig ang kuwento, she was speechless for a moment.
"So Emi was not lying afterall?" parang wala sa loob na sabi niya as if just talking to herself.
**********
Hindi ako makapaniwala. Ang kanononoan ko, ang lolo ng lolo ko sa side ni Papa, Earl of Coventry? Parang too good to be true. If I only knew. Disin sana hindi na ako nagpakababa at naghanap ng online british fiancee na makapagdala sa akin sa UK nang mabilisan. Hay. Kung maibabalik ko lang ang panahon.
"A penny for your thoughts?"
Pinulupot ni Nathan ang mga braso niya sa baywang ko mula sa likuran at hinagkan niya ang aking leeg.
"Wala lang. I just thought about my British ancestors."
Kumawala sa pagkakayakap sa akin si Nathan at pumuwesto ito sa harapan ko habang nakasandal sa lababo. He looked worried. Nakikita ko ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib niya mula sa suot-suot na manipis na puting t-shirt.
"What's your plan?" tanong pa nito sa akin.
Mayroon kasing open invitation ang UK's monarchy para sa papa ko to assume my great-great-grandfather's post as Earl of Coventry dahil siya na lang ang natitirang rightful heir. Ang kondesang dating asawa ni Tom? Hindi pala siya kadugo ng yumaong Earl. Great-great grandaughter lamang siya ng butler nito na siyang kumuha sa titulo matapos mamatay ang amo. Nagkunwari itong siya ang prodigal son na bumalik mula Espanya para kuhanin ang mana. Kung paano napadpad ang ninuno ko sa Pilipinas ay mahabang kuwento. Siguro makaisang nobela na naman tayo tungkol sa umaapoy niyang pag-ibig sa kalolalolahan ko, na siyang dahilan kung bakit nagawa niyang talikuran ang marangyang buhay bilang nag-iisang tagapagmana ng earldom ng pamilya. Pero mabalik tayo roon sa kuwintas. Mabut pala at masinop naming naitago iyon. Mahalaga pala ang papel no'n sa aming pagkatao. Regalo pala iyon ng orihinal na Earl of Coventry sa kanyang asawa sa gabi ng kanilang kasal na pinamana naman ng huli sa nag-iisa nilang anak na lalaki.
"Hey," untag ni Nathan. He looked so troubled now.
"Ano ba!" asik ko sa kanya. And then, I smiled. Mas pumopogi pala siya kung mayroong takot at pangamba ang kanyang mga mata. Naging mas mapupungay kasi ang mga ito. "It will never change anything. As I've told you in the plice station, I love you so much. And I'll be your wife for as long as you want me."
"Really?" Dahan-dahan nang ngumiti ang kumag.
Tumangu-tango ako.
"Yes, really. I love you, now and forever."
Bumungisngis na ang mokong.
"You're so cheesy! Come here, you cheesy Filipina!" At niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit. Then, he cupped my cheeks and planted soft, little kisses on my face, my eyes, the tip of my nose, and lastly, my lips. "If sometimes, I don't clearly express my feelings well, don't be mad at me. It's just the British blood in me that's at work. Just always remember, I love you always and forever. You are my only love."
Ako naman ngayon ang napabungisngis lalo na't seryosong-seryoso ang mukha niya.
"Tingnan mo, sino ngayon ang mas cheesy sa ating dalawa?"
Saglit niya akong nilayo muna sa kanya saka siya ngumiti. Pinsil-pisil pa ang baba ko. I buried my face in his neck. Napabungisngis na naman siya.
Sobrang saya ko. Wala na akong mahihiling pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top