CHAPTER NINETEEN


Nang humupa na ang silakbo ng damdamin, tumalikod ako kay Nathan. Nahiya ako bigla sa kanya. Ngunit mas lalo akong nahiya sa sarili ko. Nakakainis! Bakit nagpadala na naman ako sa kati ng katawan? Iisipin na tuloy niyang utu-uto ako. Madaling mabola.

I froze when I felt his arms around me. He spooned me and quietly kissed the side of my neck.

"I'm sorry," anas niya sa akin bago pinatong ang isang balahibuhing hita sa balakang ko.

A part of me wanted to push him away, but a bigger part wanted to remain cuddled by him. Ang sarap ng feeling. Kahit alam kong ang babaw ng damdamin niya sa akin, na kailangan lang ng isang malanding higad at iiwanan niya ako ngunit hindi ko napigilan ang sariling namnamin ang paglalambing niyang iyon.

"I want you and Neil to come with me. Please?"

Hindi ako sumagot. Napagdesisyunan ko nang panindigan ko ang mga sinabi sa kanya. Palagay ko'y kailangan namin iyon. Ayaw kong lagi niyang isipin na pinatulan ko siya dahil sa posibilidad na mapabilis ang naturalization process ng British citizenship ko.

"Does silence mean yes?" pangungulit niya.

"No," tipid kong sagot. I felt him stiffened.

"But---"

Tinanggal ko ang nakadagan niyang hita sa balakang ko't matapang ko siyang hinarap. Kinapalan ko na ang mukha. Matagal ko nang alam na mababa ang tingin niya sa akin kung kaya hindi ko na inisip kung ano pa ang magiging tingin niya sa akin. Alam ko rin na si Neil lang naman ang habol niya kaya gusto niya akong isama sa plano niya. Palagay ko nga kasabwat niya ang mga magulang dito.

"This?" Minuwestra ko ang hubad naming mga katawan. "It doesn't mean anything. I was just being honest with myself. I needed you, you needed me. I just did us both a favor."

Umigting ang kanyang bagang.

"D'you think only a man can do this? Have sex and not feel anything about it afterwards?" sabi ko pa. "Better with you than any other random guy. You're still my husband on papers anyway."

Namula ang kanyang mukha. Tumalim din ang ekspresyon sa kanyang mga mata.

"Are you trying to tell me this is just a casual, meaningless sex to you?"

"What else could it be?"

He bit his lower lip and stared at me coldly. Tatalikod na naman sana ako nang bigla niya akong kubabawan. Nagulat ako. Lalo akong napamulagat nang hulihin niya ang dalawa kong kamay at itaas iyon sa bandang ulo ko. Kinulong niya ang mga iyon sa mga palad habang sinisiil ako ng halik sa labi. Nagpumiglas ako ngunit hindi ko rin napaglabanan ang napukaw na namang init ng katawan. Sa kabila ng marahas niyang mga kamay na humahaplos-haplos na sa maseselang bahagi ng katawan ko at sa nagpaparusa niyang mga labi, hindi ko pa rin nagawang itulak siya't ilayo sa katawan ko. Nang dila-dilaan niya ang loob ng tainga ko, impit pa akong napaungol. Lumiyad ang katawan ko to receive his. Kusa nang tumaas ang dalawa kong binti at pumulupot sa kanyang baywang. Dahan-dahan gumaan ang mga haplos ng kanyang kamay hanggang sa tuluyan na itong maging katulad kanina. Masuyo. Maingat. Pinakawalan ko na nang tuluyan ang kanina ko pa pinipigilang damdamin. Kasabay ng pagpikit mainit kong tinugon ang kanyang mga halik. Naramdaman kong gumulong kami at ako na ang nasa itaas. Saglit na naghinang ang aming mga mata at tulad ng sa isang pelikula may pagka-slow motion pa nang ibaba ko ang mukha para masuyong dampian ng labi ang mamumula-mula niyang lips. Pero nagulat ako nang bigla niyang iiwas sa akin ang mukha.

"This doesn't mean anything to you?" tanong niya sa mahinang tinig. "Don't fool me Aalia. I'm a man of experience. I know when a girl is doing it just for fun. This one is not one of them."

Nag-init ang mukha ko. Dahil na rin sa pagkapahiya umalis ako sa kandungan niya't bumaba na ng kama. Hinablot ko ang kumot sa bandang gilid niya at pinantakip iyon sa katawan. I thought he would run and beg me to come back to him and continue what we were doing, but he just stared at me. Naka-full attention pa rin ang little soldier niya. At tila wala siyang balak takpan iyon. Sinimangutan ko siya.

"You better return to your hotel now. You are off to London tonight, right?"

Hindi siya sumagot. Pinatong lang ang isang braso sa noo at pumikit.

**********

"Where are they?" excited na tanong ni Mom after giving me a kiss. Dad looked behind me.

"We had some problem with their papers."

"A problem? But you hired a lawyer!" Si Dad naman.

"It's a long story, Dad," sabi ko. Nauna na ako sa kanila palabas ng Heathrow Airport.

Mang-uusisa pa sana si Mom pero bahagya siyang siniko ni Dad. I know he sensed something's not right with me.

"I thought Jin will come, too," sabi ko sa kanila nang nakaupo na ako sa harapan ng sasakyan.

"He wanted to but Elise asked him to go with her to the hospital."

Naalarma ako pagkarinig sa salitang ospital. Napangiti si Mom sa backseat.

"I think we'll have another little fellow in the family."

Elise is pregnant? That's good news. At least magkakaroon na rin ng kapatid ang anak nila. Dahil doon naalala ko na naman si Neil and I felt a pang of sadness. Napatingin ako sa labas ng bintana. From the corner of my eye, Dad looked at me then at the mirror in front of him.

"Tom's back in circulation, by the way," balita ni Dad. Tumango lang ako. Alam ko na iyon noong makalawa pa. Nasabi na sa akin ni Jin nang tumawag ako.

"He's engaged again. This time to an obscure countess we haven't heard of," singit naman ni Mom. "I hope it's real this time."

Hindi ako sumagot. Naaalala ko lang si Aalia sa tuwing nababanggit ang hudas na Tom na iyon. Wala akong pakialam kung tunay o hindi ang engagement niya ngayon. Sapat na sa akin ang sinabi ni Jin na wala na raw kay Tom ang tungkol kay Aalia at sa ginawa nitong pagtulong para makulong siya ng panandalian.

Dineretso ni Dad ang kotse sa townhouse ko outside London. Siya na rin ang nagpasok ng kakarampot kong bagahe sa loob ng bahay. Napalingon ako kay Mom nang makita ang kabuuan ng living room na tila nabigyan ng bagong mukha.

"Did you clean up here?" tanong ko.

"Yeah. Your dad and I thought it looked a bit gloomy so I changed some curtains.You don't like it?" Tila nag-alala si Mom. Mabilis akong umiling. Hindi sa ayaw ko kaso lang it reminded me of Aalia's parents' house. Mapusyaw na berde rin ang kulay ng kurtina nila.

"Your dad has to attend a conference in York tomorrow but if you want us to stay with you for a bit, we can ---"

"I'm all right on my own, Mom. Thanks for worrying about me," sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi. "You and dad can leave now if you want. I can manage on my own. Thank you for picking me up."

Pagkasabi ko no'n dumeretso na ako sa kuwarto ko sa itaas. Pagkakita ko sa luma kong kama, dumapa agad ako ro'n. Binaon ko ang mukha sa unan. Before I knew it, I felt some warm liquid coming out of my eyes. Napamura ako nang ma-realize kung ano iyon.

**********

"Sigurado ka bang ayaw mo nang asikasuhin ang papeles mo pabalik ng UK?" untag na naman ni Mama isang umaga.

"Ma, nag-usap na tayo. Ayaw ko nang mabanggit-banggit pa ang UK na iyan!"

Nagkatinginan sila ni Papa. Naringgan ko pa ng malalim na buntong-hininga ang ama ko.

"Siyanga pala, Ate, sabi ng friend ko mayroon daw opening sa bangkong pinagtatrabahuhan niya sa Alabang. Kaso nga lang teller lang daw iyon. Naisip ko---"

Natigil ako sa pagpapahid ng guava jam sa toasted bread ko't binalingan si Elaine.

"Saan iyan?"

"Sa BPI daw sa Town Center."

Shoot! Tamang-tama. Kung doon ako makakapagtrabaho, makakapag-part time pa ako sa pagtuturo ng financial and managerial accounting sa San Seda College Alabang sa hapon. Dinig ko kadalasan ay evening classes na ang mga major subjects ng mga kumukuha ng finance doon. Pabor sa akin iyon.

"Bigay mo sa akin ang address ng contact person ng bangko at nang matawagan ko para i-verify ang position."

"As a teller, Ate?" Tila hindi makapaniwala si Elaine.

"Wala na akong pakialam kung janitress lang ang kailangan. I need to work."

"Kasi naman ang bilis mong mag-resign do'n sa trabaho mo noon. Sana nag-indefinite leave ka lang," reklamo naman ni Mama. Tiningnan siya ni Papa nang makahulugan.

Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin. Tumayo na ako at umalis sa hapag-kainan. Hindi pa ako nakalalayo nakaramdam na ako ng panghihilo. Napatukod ako saglit sa divider na humihiwalay sa sala namin at kumedor. Shit! Iron-deficient na yata ako sa kakaunti ng kinakain ko lagi. Kailangan ko na yatang magpa-check up. Madalas na yatang nangyayari ito. Medyo kinakabahan na ako.

"Ate," tawag ni Elaine. Tinuturo niya ang hawak-hawak na cell phone habang kinakausap ang kung sino mang tumawag. Bago ko pa mahulaan kung sino iyon, pinasa na niya ang CP sa akin. Pagkarinig ko sa British accent ni Nathan, sumikdo ang aking dibdib. Napasandal ako sa gilid ng divider at hindi nakapagsalita.

"Hello? Aalia, are you there?"

May nangilid na luha sa mga mata ko. Nainis ako sa sarili dahil pagkarinig ko sa boses niya, natuliro agad ako. Lahat ng himaymay at ugat ko sa katawan ay tila nabuhay. I hate this feeling!

"I'm worried about you and Neil. Are you guys all right?"

"Why wouldn't we be?" mataray kong sagot.

Walang imik sa kabilang linya. Buti nga sa iyo. Tatawag-tawag ka sa akin, si Neil lang naman ang gusto mong kumustahin.

"Mom says hi. She missed you."

Na-miss ako ng mommy niya? Ang sweet naman. Nang maalala ko ang mommy niya nag-alala rin ako nang kaunti. Ano kaya ang iniisip no'n tungkol sa akin? Sinabi kaya ni Nathan ang buong dahilan kung bakit hindi kami nakasama sa kanya pabalik ng London?

"Elaine says Neil is still sleeping. Kiss him for me, please. I love him."

I love him. Iyon lang at binaba na ang telepono. I was a bit disappointed. But as soon as I realized why, I chided myself. Arte mo! Umasa ka pa, ha?

**********

"If you're this depressed about not being with them then what are you waiting for? Go and get them!" asik sa akin ni Jin. Ilang linggo na raw akong hindi makausap nang matino at naiinis na siya. Although it has done our company good because of the increased sales in real properties we are selling, my social life has gone down. Hindi na raw tama na nagiging ermitanyo ako. Hindi raw bagay sa akin. Kaya pinilit akong mag-bar muna at mag-unwind bago umuwi.

"Find a drinking buddy from now on, okay. I promised to live a healthy life now that I'm a father. You should do the same," may himig pagbibiro kong sagot. Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya tungkol sa mag-ina ko.

Napangiti siya nang mapakla. His eyes were kind of sad.

"You really fell for her big time, huh?" Inakbayan niya ako at pinisil-pisil ang balikat ko. "If you have no plans of getting her back, you might as well come with me so I can introduce you to beautiful women in town," anyaya na naman niya.

Natawa ako nang mahina. "Beautiful women? You mean you know a lot of them? My twin sister should hear this. I'm sure she would scald your face."

Tumawa-tawa rin si Jin. Pinilit niya akong uminom lang daw kahit isang mug lang ng beer bago umuwi pero hindi ako nagpadala. Nauna na ako sa kanyang lumabas ng building namin.

**********

"Positive? What? Shit! Paano na iyan?" sunud-sunod na tanong ni Elaine.

Nanghina ako't napaupo sa sofa sa labas ng klinika ng doktor na sumuri sa akin. Napahawak ako sa puson at umiiyak na sumubsob sa balikat ni Elaine.

"Hindi ba kayo nagkontrol? Pambihira naman. Ni hindi pa nagto-two years si Neil."

"Ano'ng gagawin ko? Ni wala akong trabaho? Tiyak na may sasabihin na naman si Mama sa akin dahil pinatigil ko pa ng pagpapadala ng pera sa amin si Nathan."

"Ikaw kasi sobrang taas ng pride mo. Kung bakit pina-close mo iyong bank account na pinapadalhan ni Kuya Nathan ng pera. Disin sana'y wala kang pinoproblema ngayon."

"Pwede bang huwag mo na akong sisihin? Concentrate! Ano ang gagawin ko?"

"For sure, magagalit sina Mama't Papa dahil nga sa pension nila na lang sila umaasa tapos heto't may dagdag gastos na naman kung sakali."

"Elaine naman! Kanina ko pa nga sinasabi na huwag mo na akong sisihin diyan!"

"I'm not! Sinasabi ko lang ang sitwasyon. Tsaka palagay ko hindi mo rin magugustuhan ang advice ko."

Sinimangutan ko siya. Tumayo na ako't iniwan ko siya sa klinika ng doktora. Pagdating namin sa bahay, basta na lang pinasa sa akin ni Mama si Neil at nagmadali na silang umalis ni Papa para sa Couples for Christ meeting nila. Ipapasa ko rin sana ang bata kay Elaine nang nagtaas siya agad ng kamay. May lakad din daw silang magkaibigan. Magpapalit lang daw siya at lalabas uli.

Naiwan kami ni Neil sa bahay. Habang pinagmamasdan ko siyang nagka-klap-klap habang nakangiting nakatingin sa akin, tumulo ang luha ko. Awtomatikong napangiwi naman ang bata. Yumakap siya sa akin at nauna pang humagulgol.

"Sshh, stop crying baby." Lalo lamang siyang nagpalahaw. Kinarga ko siya't sinayaw-sayaw. Nang hindi pa rin tumigil nilagay ko muna sa walker niya't sumaglit sa kusina para maghanap ng mapapakain sa kanya. Wala na akong nakitang baby food. We need to shop. Pambihira naman si Mama, oo.

Habang nag-iisip kung ano ang maibigay ko kay Neil napatingin ako sa sala kung saan ko siya iniwan. Tumahimik kasi bigla tapos narinig ko ang munti niyang tawa. Napangiti ako. Bruhang Elaine. Feeling ko dahilan niya lang na may gimik sila ng kaibigan. Hindi rin siguro natiis bumalik nang marinig na humagulgol si Neil.

Sinara ko ang ref at nakangiting bumalik sa sala. Pero ang ngiting iyon ay napalis nang makita kung sino ang may karga kay Neil.

"Nathan!"

"Hey," nakangiti niyang bati sa akin tapos tumingin kay Neil na ngayo'y tuwang-tuwa sa pinasuot sa kanyang dark sunglasses.

"What are you doing here?" tanong ko, pigil-hininga.

"What do you think?" balik-tanong niya at sumeryoso na ang ekspresyon ng mukha.

Naisip kong kailangan ko nga pala siya para ma-settle na ang legality ng separation namin para naman hindi ako malito sa civil status ko sa tuwing nag-pi-fill out ng application form o nagsusulat ng resume.

"There are some things we need to settle." 

Pinaliwanag ko ang tungkol sa legal separation namin. "That's the only thing I can afford at the moment because annulment in the Philippines is still very expensive," sabi ko pa.

Tila nagulat siya sa sinabi ko.

"I know you also came for that---right? Or else you wouldn't be here again."

"I didn't come for that. I came for this." 

Sa isang iglap ay nahatak niya ako gamit ang isang kamay at hinalikan niya ako sa labi. Awtomatiko akong napapikit at napakapit sa batok niya. Hindi ko napigilan ang ilang buwan kong pangungulila sa kanya kahit na humihiyaw ang isang bahagi ng puso ko na huwag akong padala sa tukso.

"I missed you!" anas niya bago niya ako bitawan.

Naliyo ako't pinanlambutan pa ng tuhod. Buti na lang maagap siya sa pag-aalalay sa akin. Hinagkan niya ako sa sentido bago binaba si Neil sa walker niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top