CHAPTER NINE

Bigla akong nahiya kay Nathan. Napopogihan na ako sa kanya noon pa, pero hindi ako naasiwa nang ganito. This time parang ayaw ko siyang tingnan dahil baka mahuli niya ako at mahulaan niyang dumadagundong ang puso ko nang dahil sa kanya. Alam ko kasing pagtatawanan lang ako ng damuho.

Napahawak na lang ako sa lower lip nang wala sa oras. Pakiramdam ko parang naroon pa ang malambot niyang labi. Ni sa panaginip hindi ko sukat akalain na hahalikan niya ako. Naisip ko tuloy, baka nagkukunwari lang siyang naiinis sa akin at napipilitang tumulong. Baka ang totoo niyan ay gusto niya rin ako. Rin. Did I say 'rin'? Hindi maaari! Hindi ko siya gusto 'no?!

"Are you listening to me?"

Napakurap-kurap ako't napasulyap sa kanya. He was scowling at me. Ano na naman ang ginawa ko?

"I was asking you. Are those bags really that important that you're willing to compromise your comfort and peace of mind just to recover them? I know they are a bit expensive, but you can still buy one of them someday. Why don't you just forget about them and start moving on?"

Ano ba'ng pinagsasabi ng loko-lokong ito? Siya nga ang nagyaya sa akin na kunin namin ang bag ko sa isang Pinay na nakabili no'n sa nanay ni Tom, tapos ngayon sasabihin sa akin na kalimutan lang lahat iyon at mag-move on na?

"It's not only about their monetary value. Those bags are part of my happy memories. I want to get them back. It's the least I want to have back after what I've lost for coming to your country."

Gumaralgal nang kaunti ang boses ko. Naalala ko ang buhay ko sa Pilipinas na ipinagpalit ko para lang sa isang pangarap na nauwi sa isang bangungot.

He rolled his eyes and drove in silence. Inirapan ko siya.

After a few minutes, nag-slow down ang kotse at pumasok kami sa isang makitid na daan. Mayamaya pa, binabaybay na namin ang isang malaparaisong village. Lahat ng nadadaanan naming bahay ay malaki at magara. Tinanong ko siya kung nasaan na kami. May binanggit siyang pangalan ng lugar, pero hindi ko masyadong narinig. Nang tinanong ko ulit, hindi na siya sumagot. Busy na sa pagpaparada ng sasakyan sa harap ng isang mansiyon. Pagsilip ko sa bintana, nakita kong may lumabas na sosyal na ginang. Ang haba ng nakalugay niyang buhok na kulay mais, pero halata namang peke. Mapusyaw ang kayumanggi niyang kulay, pero halata sa facial features niya na isa rin siyang Pinay. Pagkakita niya kay Nathan, humalakhak siya at masayang sinalubong ang kasama ko. Pinaamoy niya pa kay Nathan ang karga-karga niyang chihuahua. Pinaunlakan naman siya ng damuho. Lalo siyang napahalakhak.

Landi! Kay tanda na pero makati pa rin!

Nilingon ako ni Nathan. Tumingin din sa akin ang babae. Nilipad-lipad ng hangin ang hanggang sakong niyang maluwang na bestida na nagbigay sa kanya ng mala-donyang anyo. Ngumiti ako sa kanya habang naglalakad papunta sa kanila ni Nathan, pero parang pinangunutan lamang ako ng noo. May sinabi pa ito kay Nathan na ikinalingon uli sa akin ng mokong.

"Oh, hello there," bati ng ginang. Bahagya niya akong nginitian. Kahit medyo naging friendly na sa akin, pakiramdam ko pa rin hinuhusgahan niya ang aking pagkatao.

"Ikaw pala ang sinasabi nilang bagong nobyang Pinay ni Tom?" tanong pa nito at pinasadahan ako ng tingin. Hindi na ako sumagot. Para ano pa? Sigurado akong alam na niya ang totoo pero gusto pang ilagay ako sa alanganin. Sa dami ng tsismosang Pinay imposibleng hindi niya nabalitaan ang tunay na kuwento namin ni Tom.

"We're here for the bags," sabat ni Nathan.

"Oh, the bags! Of course." At dali-dali itong bumalik sa mansyon. Pero bago siya pumasok sa loob, nilingon niya kami at sinenyasang sumunod sa kanya. Wala na siya sa sala nang makapasok kami. Makaraan ang ilang sandali'y lumitaw ito sa winding staircase dala-dala ang dalawa sa mga designer bags ko. Parang lumundag sa tuwa ang puso ko pagkakita sa kanila. Nag-flashback sa isipan ko ang bonding moment namin ni Mama nang minsang tumungo kami sa Hong Kong para mag-shopping. Ang small LV bag ang nabili namin doon. Grabe ang kuwento ng bag na iyon. Actually, all my bags have stories to tell so just letting them go is not an option.

Niyakap ko agad ang LV at Gucci bags ko. Pinangiliran pa ako ng luha. Nakita kong nagtaas ng kilay ang ginang. Hindi ako sigurado pero parang na-OA-han siguro sa akin.

"Actually, those bags are kind of worn out already. Naawa lang ako kay Emily kung kaya ko kinuha. Napag-alaman ko kasing nabaon pala sila sa utang nang dahil sa mga kaso noon ng asawa niya. Idagdag pa itong nangyari kay Tom. Poor Tom! Ah! Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang ganito sa pamilyang iyon. They're good people naman," maarte pa nitong sabi.

Ano'ng good people ka riyan? Kainis ito, a.

"Buti na lang may anghel na bumaba sa lupa at natulungan si Tom. His case will be resolved soon and he'll be free again," masaya pa nitong balita.

"Resolved?" Si Nathan. Bahagyang nangunot ang noo nito.

"Yeah. The prosecutor's daughter who happened to be his special friend in college is helping him out."

Napakuyom ang mga palad ko.

"I heard they've rekindled their romance and they might get married soon. This time, it's a real engagement for Tom. Tsaka itong babaeng ito, she's really Tom's type. Maputi, makinis, at may sinabi ang pamilya." Tumingin siya sa akin saka ngumiti. Gusto ko siyang hambalusin ng bags.

Napasulyap sa akin si Nathan. Medyo nag-aalala ang mukha niya. Pinilit kong magpakatatag at magpakahinahon kahit kanina ko pa gustong sagutin nang pabalang ang ginang na halata namang kung anu-ano ang hinahabing kuwento sa amin para saktan ang damdamin ko.

"Thank you for returning my bags. Buti naman po naisipan n'yong isoli," sabi ko at nauna na akong lumabas ng mansyon.

**********

We were both very quiet as we made our way back to my flat. Yakap-yakap pa rin niya ang bags niya. Napailing-iling ako. Women. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang ang pagbigay-importansya niya sa mga bags na iyon. Pwede naman niyang mabili iyon in the future kung gustuhin niya. Ang weird niya talaga. Teka, gano'n nga kaya talaga ka importante ang mga bags o baka ginagawa niya lang na rason iyon to look for an opportunity to stay in the UK for good?

Sinulyapan ko uli siya. Nakita ko ang pagtulo ng butil-butil niyang luha. Parang may kung anong kumurot sa puso ko. I felt bad for my bad thoughts about her. Dala na rin siguro ng guilt, I reached out and grabbed her shoulders and patted her back.

"What are you doing?" tanong niya. Tila nainis pa.

"I was just trying to comfort you," sabi ko sa malamig na boses sabay bawi sa kamay ko. Nasa highway na uli ang atensyon ko pero patuloy ko siyang pinapakiramdaman kung kaya nahagip ng peripheral vision ko ang pagsimangot niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Every time she scowled at me, I find it amusing. Ang cute niya tingnan. Nagmumukha kasi siyang high school kid. Hindi ko tuloy napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi.

"About what the lady said back there, forget it. She's known in the Filipino community as a rumor-monger. I'm pretty sure only ten percent of what she said is true."

"I don't care about what she said. I'm just happy to have my babies back."

"Babies?" Natawa ako, but at the same time naisip ko napaka-materialistic naman nito. Napailing-iling ako. Sayang.

When we got home, she went directly to her room. Ni hindi man lang nagpasalamat. Medyo naasar ako sa inasal niya..

"Thank you!" pahabol ko sa pinaka-sarkastiko kong boses.

Bumukas ang pintuan ng kuwarto niya na ilang metro lang naman ang layo sa sala at sa hilam pa sa luhang mukha ay nagsabi ng malabnaw na thank you bago sinara nang malakas ang pinto.

**********

Nagising ako bandang hatinggabi dahil sa pagkalam ng sikmura. Pagbukas ko ng ilaw sa kuwarto, may narinig akong nag-doorbell. Awtomatikong minura ko sa isipan si Nathan. Naisip ko kasing bumalik siya sa flat para inisin na naman ako tungkol sa pagbigay ko ng sobrang importansya sa mga bagay na sinasabi niya laging hindi naman mahalaga. Pero bigla akong nahimasmasan nang maalala na hindi nagdo-doorbell si Nathan dahil may sarili itong susi. Afterall, kanya ang flat. Hinawi ko ang kurtina sa bintana sa kuwarto at tiningnan kung sino ang nasa labas. Lumuwa ang mata ko nang mahagip ng paningin ko ang hindi kilalang black car sa tapat lang ng building namin. Hindi lang iyon. May nakatayo sa harap ng kotse na isang hindi kilalang mama na naka-suit at naka-dark glasses. Sa may bandang front door naman nandoon ang kasama niya. Naka-suit din at naka-dark glasses.

I crawled back to my bed. Unti-unti kong hininaan ang brightness ng ilaw hanggang sa kumulimlim na lamang ito at tinext ko agad si Nathan. I was expecting him to text back at least, pero I didn't receive anything. Ang ilusyon ko kanina na baka may gusto rin siya sa akin ay naglahong parang bula.

Dahil sa matinding takot na baka ano mang oras ay sirain ng mga nasa labas ang kandado ng front door at sapilitan nilang pasukin ang flat ko, hindi na ako nakatulog. Habang nakahiga sa kama, I prayed to God na makaraos lamang ako sa magdamag na iyon ay paplanuhin ko na agad-agad ang pag-uwi sa Pilipinas. Bahala na ang iba ko pang gamit na hindi na-recover. At least, I have my most treasured jewelries and bags na. Iyon ang importante.

I was almost in dreamland again, nang biglang may kumalabog sa bandang labas lang ng kuwarto ko. Naging alerto uli ang isipan ko. Nang mapagtanto kong hindi nga ako nananaginip at nasa loob na nga ng bahay ang narinig kong ingay, pinagpawisan ako nang malapot. Napa-Our Father agad ako. Hindi ko matapos-tapos ang panalangin dahil lalong lumalapit ang mga kaluskos. Kumatok pa ang salarin sa pinto ng kuwarto ko dahilan para lumukso sa takot ang puso ko.

"Aalia! Are you okay in there?" anang banayad na boses.

Si Nathan! Nang ma-realize kong kanya nga ang boses na iyon, parang tinalon ko mula kama hanggang pinto at pinagbuksan siya. Pagkakita sa kanya napasubsob agad ako ng yakap. Na-off balance siya at natumba pati ako. Lumanding ako sa pagitan ng dibdib at tiyan niya.

"What the bloody fvck!"

"I'm sorry!" sabi ko at kaagad kong sinikap tumayo. Napatukod ang isa kong kamay sa something bulging na ewan. Napa-ouch siya. Nag-init ang mukha ko nang ma-realize kung ano iyon. Nag-sorry uli ako. Palagay ko ang pula-pula na ng mukha ko sa mga pinaggagawa ko.

Galit siyang tumayo at parang tinampal ang dingding. Napakurap-kurap ang mga mata ko nang biglang lumiwanag ang paligid. Huli na nang mapagtanto kong naka-kamisetang puti lang ako at naka-panty ng kulay asul. Tumakbo agad ako sa kuwarto at naghanap ng maipantakip sa katawan. Minura ko siya nang sumunod siya sa loob.

"Can you describe the guys you saw outside a while ago?" kaswal niyang tanong.

Saka ko lang siya hinarap nang nakasuot na ako ng bathrobe. Sinikap kong pakalmahin ang sarili. Mukha naman kasing ako lang ang nataranta. Parang wala namang epekto sa damuho ang nakita niyang hitsura ko kanina. Hindi ko alam but I felt disappointed and hurt. Gano'n pala ako ka walang epek sa lalaking Briton. Nakakainis na nakakadismaya. Kinalimutan ko muna ang ganoong damdamin at isinalarawan ko ang nakitang dalawang lalaki sa kanya pati na ang dala nilang sasakyan.

"Do you think they're from the immigration?" tanong ko. Halos pumiyok ang boses ko sa pangamba.

"I doubt it. We are not that cruel. Our immigration officers will not visit people's houses at past one in the morning just to check on them."

Sinabi ko sa kanya ang mga narinig kong kuwento ng mga Pinoy TNT sa UK. Ayaw niyang maniwala.

"Siyempre, Briton ka kaya mo nasabi iyan. Hindi mo lang alam kung gaano sila ka-cruel sa mga Asyanong tulad ko na tagilid ang papeles."

"They might be Tom's people," sagot niya. This time may pag-aalala na ang mukha niya. Dahil sa nakitang ekspresyon niya, kinabahan na rin ako. Napahawak ako nang mahigpit sa tali ng bathrobe ko.

"When they come back and ring the buzzer again do not ever open the door," sabi niya at tumalikod na.

"Oy, saan ka pupunta?" nababahala kong tanong. "Don't tell me that you're going to leave me here!"

"When they come back, call the police. You'll be fine."

"No!" At sinundan ko siya hanggang sa front door.

Nang akma na siyang lalabas, napayakap ako sa baywang niya.

"Huwag mo akong iwang mag-isa rito. Hindi ko kakayanin kapag bumalik uli sila."

I felt him stiffened. Hinigpitan ko pa ang hawak. Nanginginig na ako sa takot. Nai-imagine ko palang ang pagbabalik ng dalawang mama ay naiihi na ako. Marahil ay apektado na rin ang utak ko ng mga napapanood na eksena sa movies tungkol sa mga crime scenes.

"Do you know what you're doing to me, Aalia?" anas ni Nathan sa akin.

Nahimasmasan ako at bigla akong nagbitaw sa pagkakayakap sa kanya. Malakas niyang isinara't kinandado uli ang front door at hinablot ang baywang ko. Bago ko pa mahulaan ang gagawin niya, lumapat na sa mga labi ko ang mainit niyang labi. He kissed me passionately on the lips!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top