CHAPTER EIGHT

A/N: Dedicated to the first commenter. Salamat!

**********

Natigil ako sa pagma-mop ng sahig sa beauty parlor na pinapasukan ko nang bigla na lang nag-flash sa monitor ng TV na naka-hang sa dingding ang ginawang pag-aresto kay Tom Fuentes noong isang linggo sa salang money laundering. May bagong development daw sa kaso at iyon ay ang pagkakasangkot din diumano nito sa kung ilang romance scam.

Napanganga ako nang pinakita isa-isa ang mga pinangakuan niya ng kasal pero hinuthutan lang ng pera. Hindi lang pala mga Pinay ang naging biktima niya. Mayroon pang dalawang Amerikana at isang Haponesa. Puro lahat propesyonal na kagaya ko. Ang Haponesa ay nagmamay-ari pa ng isang malaking boutique sa Tokyo at ito ang may pinakamataas na nawalang pera dahil sa panloloko ni Tom. Ang hindi ko maintindihan, bakit kailangang gawin ito ni Tom samantalang sinasabi naman sa balita na lumaki naman siyang maalwan ang buhay sa London?

"Iyan kasi nagpapaniwala sa mga lalaking matatamis ang dila," nakangising komento ng kasamahan kong Pinay sa parlor nang mapadaan ito sa harap ng TV monitor. Binalingan niya agad ako at sinabing, "Kaya ikaw Aalia huwag kang pumares do'n sa mga tangang Pinay na nagpauto sa ganyang klaseng lalaki. Nakakahiya! Ang isa pa naman doon ay doktora. Hindi talaga ginamit ang utak."

Hindi na ako sumagot. Minadali ko na lang matapos ang trabaho. Maya't maya'y pasulyap-sulyap ako sa TV. Hanggang leeg ang nerbiyos ko dahil baka nasali rin ako sa listahan ng mga biktima niya. Naisip ko nga, pinakita kaya ito worldwide? Diyos ko, kapag nagkataon tigok ako sa pamilya ko!

Nasagot ang katanungan sa isipan ko nang makatanggap ng email ni Elaine nang araw ding iyon. Gaano raw katotoo ang napanood niyang viral video ni Tom na nagsasabing isa raw siyang romance scammer? Naka-ten thousand shares na raw ito sa FB dahil ang daming naging interesado nang mapag-alaman na ang isa sa nabiktima niya'y doktora ng isang kilalang pribadong ospital sa Manila. Siyempre, hindi ko sinagot ang email ng bunso kong kapatid. Nang gabing iyon, nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Linette. Tumawag daw sa kanya ang mga magulang ko at inalam ang tungkol sa nangyari kay Tom. Medyo nainis pa ang bruha dahil hindi ko pa nasabihan ang mga pamilya ko sa Pilipinas na hindi na kami magkasama sa bahay.

"It's the least you can do for what you've done to me!" asik ko na lang sa kanya. Pinokus ko ang atensiyon sa nagawa rin nitong kasalanan. Sa hindi niya pagsabi ng totoo na kilala pala nila ni Perla ang ina ni Tom at noong panahong hilong talilong ako sa kahahanap sa unggoy para mabawi ang mga gamit ay pinagpipiyestahan na pala nila ang mga designer bags ko at mga damit. Tumulong pa sila ni Perla sa nanay ng hayop na lalaking iyon nang mag-garage sale ito ng mga nakolektang luxury items ng anak buhat sa mga babaeng naloko nito.

Nang mag-hang up si Linette, saka ko lang hinayan ang sariling nerbiyosin. Nawalan ako ng ganang kumain. Imbes na magluluto sana ako ng chicken adobo para ipatikim kay Nathan, hindi ko na nagawa iyon. Sa halip namaluktot na lamang ako sa carpet habang iniisip kung paano ipaliwanag ang lahat sa naghihintay kong pamilya sa Pilipinas. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang biglang may mapamura pagka-on niya sa ilaw sa sala.

"What the bloody hell are you doing on the floor?"

Nang tumambad ang hitsura ng matangkad at guwapong blonde saka ko lang na-realize kung nasaan ako. Bigla akong napatayo, dahilan para muntik na akong mawalan ng panimbang. Buti na lang ay hinuli niya agad ang isa kong braso at tinulungan akong ma-regain ang balanse.

"T-there's a video about Tom circulating online. My parents and my sister have seen it already, I think," sabi ko agad sa ngarag na tinig. Nanghihinang napaupo ako sa sofa.

"You should have come clean with them a long time ago, if they are that important to you," kaswal lang na sagot ni Nathan habang binababa ang attache case sa center table.

Nainis ako sa kawalan niya ng simpatiya sa akin, pero naisip kong may punto naman siya kung kaya sinarili ko na lamang ang iritasyon. I just watched his back as he made his way to the kitchen. Pagbalik niya, may dala na siyang dalawang lata ng beer. Inabot niya sa akin ang isa.

"Drink it. There's no use crying over spilt milk now. Just be thankful that you were not that stupid doctor who gave him three hundred thousand pounds in the name of love!" At napailing-iling ito.

Pero muntik na, di ba? Tinangay niya ang mga alahas ko at designer bags. Mabuti na lang at na-recover mo ang mga alahas ko. Hindi man sila katumbas ng nawala sa doktora, halos gano'n na rin ang halaga no'n sa akin dahil sa hirap at pagod na dinanas ko makamtan ko lamang ang mga iyon.

Napalayo ako nang kaunti sa kanya nang bigla niyang binagsak ang sarili sa sofa. Nagtanggal pa ng suit jacket at ilang butones sa kulay periwinkle blue niyang long sleeves. Napalunok ako nang masilayan ang bahagyang nakalitaw na dibdib. At kung saan-saan na naman napunta ang utak ko.

"You need to leave this townhouse soon," bigla na lang niyang sinabi. Nasamid ako sa iniinom ko.

"Don't worry. I think I've already got enough money for my plane ticket to Manila," sagot ko agad. Nasaktan.

"Don't be so oversensitive on this issue. I only want your safety. I've received some information that Tom's out to get you. He suspected you were behind all these issues circulating about him as a way of getting even for what he did to you."

"But I didn't do anything!"

"That's right. But he believed otherwise."

Napanganga lang ako habang pinapakinggan si Nathan. Sira-ulo talagang Tom Fuentes na iyon! Bwisit siya! Ba't ba ako nagkagusto sa hunghang na iyon?

**********

"Aunt Emily is so mad at you now. Why do you even bother to help her? Send her back to the Philippines already!" ang sabi kaagad ni Jin nang malaman niyang pinalipat ko sa isa kong flat sa suburb ng London si Aalia. Binigyan ko na rin ito ng pera pansamantala para hwag nang sumipot sa mga part-time jobs niya habang pinapahupa pa namin ang kontrobersiya na kinasasangkutan ni Tom. Gaya kasi ng dati nanumpa na naman si Aunt Emily na pagbabayarin niya lahat ang nagpakulong sa anak niya. Kabilang na ako ro'n.

"In due time, she'll be going home. But not now. Her testimonies may be needed in court."

"Let the cops do their duties, bro. It's not your problem anymore. You've done your job by tipping them off about Tom. Stop being a hero."

"Yeah, but it's not enough. Tom should learn his lesson. As a friend, I want him to change. This is not about me wanting to be a hero."

Napailing-iling si Jin. Napaka-naive ko raw. Ang kagaya ni Tom ay hindi na maaaring magbago. Tiyak daw na sa oras na makalaya ito'y gagawin at gagawin pa rin niya ang panggagantso sa kapwa at malamang ay reresbakan pa raw ako dahil naging instrumento ako sa pagkakadiskubre ng mga awtoridad sa money laundering schemes niya. Idagdag pa ro'n ang mga babaeng nabiktima nito noon na kinumbinsi kong mag-testify laban sa pagkatao niya.

"I don't think Tom sees you as a friend now. So you better stop meddling in his affairs for everybody's sake. Elise is already worried about you."

"I can take care of myself. What's the use of being a black belter in Taekwondo if I can't even fend off bad guys?" sabi ko at nagkibit balikat pa.

Lalong napailing-iling si Jin. Huwag daw akong pakakasiguro dahil hindi naman daw lumalaban ng harapan ang mga sira-ulong kagaya ni Tom.

Ewan ko ba. Kahit ano pa ang sabihin niya, nangako na ako sa sarili na tutulungan ko si Aalia. Speaking of that woman, kanina pa siya dapat nagte-text sa akin. May usapan kaming pupuntahan namin ang isang Pinay na siyang bumili diumano ng isa sa mga designer bags niya. Tinawagan ko na lang siya para tipid sa oras. Nakailang rings bago niya sinagot ang phone.

"What took you so long to answer the phone? Where the bloody hell have you been?"

"I've just started to figure out how to use your mobile phone!" naiinis niyang pakli sa akin.

"Just started to figure out? Or maybe you were hooked again with finding romance online?" Ang huli kong sinabi ay biro lang. Hindi naman iyon totoo sa loob ko pero palagay ko'y nasaktan ko siya kung kaya binabaan agad ako ng telepono. Hindi na siya sumagot nang tawagan ko ulit.

Napanganga si Jin. Hindi raw siya makapaniwala na masasabi ko ang gano'n kay Aalia.

"Good luck with that girl. I think you'll really need to exert on effort wooing her with your style." At tinapik niya ako sa balikat bago lumabas ng upisina ko.

Anong wooing her? Wala akong interes doon, ano! Tumutulong lang ako!

**********

Naiyak ako sa pasaring ni Nathan kung kaya imbes na magbihis na't maghanda para sa pupuntahan namin ay nagtalukbong na lamang ako ng kumot sa kama. Kahit nang maulinigan ko ang pagdating niya't pagkatok sa pintuan ng kuwarto'y pinanindagan ko ang pagtutulug-tulugan. Hindi ko sukat-akalain na bubuksan niya iyon at hablutin ang pinantabing ko sa katawan.

"Ano ba?!" galit kong singhal sa kanya.

"I said you need to be ready at six. Why are you still in bed?"

Inirapan ko siya at inagaw ang kumot. Bumalik ako sa kama at namaluktot uli.

"If you're mad at what I said, I'm sorry. I was just kidding."

"Do I joke around with you?" galit kong sagot. Nakaupo na ako sa kama. Handa nang sumagupa sa kalaban. "Palibhasa Briton ka! Wala kayong damdamin! You're as cold-hearted as Count Dracula!"

Bahagyang nagtaas ang kilay niya at may namutawing ngiti sa kanyang labi. Ayaw ko mang aminin, he looked like a boy next door any girl falls in love with nang mga oras na iyon. Nakadagdag sa charm ng hudas ang kislap ng amusement sa asul niyang mga mata.

"Kaya ka pala naloko ni Tom dahil nagpapaniwala ka sa mga nababasa mong fiction novels."

Lalong nag-alburuto ang damdamin ko. Saan kaya nagpunta ang lalaking ito nang namudmud ng sensitivity ang Puong Maykapal?

"Again, it was meant as a joke," nakangisi niyang sabi at tumayo na sa kama. Hinila niya ako't pinagbihis na para maabutan daw namin si Mrs. Rivera na kumuha ng isa kong designer bag. Tinulak ko siya at nagmatigas na huwag na kaming tumuloy. Hindi na ako interesado sa pagtulong niya kung maya't maya'y lalaitin naman niya ang pagkatao ko. Dahil sa tulakan at hilahan namin pareho kaming nabuwal sa kama. Tulad sa mga pelikula, naging slow motion na ang sumunod. Bigla na lang siyang natigil sa pagpupumilit sa aking bumangon at ako nama'y parang nag-froze na lang. At hindi maalis-alis ang paningin ko sa kanyang mga mata. Tila bagang may magnetong humihigop sa akin palapit roon kung kaya bago ko pa namalayan gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Nang lumapat ang mga labi niya sa labi ko awtomatiko akong napapikit. And I thought his lips were moist and warm. Ang bango pa ng hininga niya!

Hindi ko alam kung ilang minutong naghinang ang mga labi namin. Pagdilat ko nakita ko siyang titig na titig na sa mukha ko. Nang magtama na naman ang paningin namin, hinawakan na niya ako sa magkabilang pisngi at siniil ng halik sa labi. This time may pagmamadali na sa mga kilos niya. Para bagang may hinahabol. Ako nama'y nagpaubaya lang at sinuklian ng init sa init ang bawat halik at haplos niya sa katawan ko. A part of me says I should stop him now while I still can, but another part says I should just stop worrying and enjoy the moment. Nanaig ang huli. Kung kaya nang bitawan niya ako'y napasinghap ako na tila kinapos sa hininga. I heard him let out a breathy curse. No'n ako nakaramdam ng hiya. Nag-init ang buong mukha ko at nawalan ako ng guts. Hindi na ako nakaimik.

Tumayo siya't dumeretso sa pintuan.

"If you are still interested to get your bag, I'll wait for you downstairs in five minutes. If you're still not ready by then, forget about my offer," sabi niya at lumabas na ng silid.

Five minutes! Aba, ang bwisit at ginagalit na naman ako!

Ganunpaman, tumalon na ako from the bed and started getting ready. Eksaktong limang minuto ang nakalipas, nasa harapan na niya ako. I saw the hint of laughter in his eyes when he saw me, but I ignored it. Nauna na ako sa kanyang lumabas ng flat na iyon. Wala kaming kibuan sa kotse.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top