CHAPTER FIVE


Napakislot ako nang tumunog ang kampana ni Big Ben para ihudyat na alas sais na ng gabi. Kanina pa pala ako narito. Kailangan ko nang umuwi bago pa dumilim. Uwi. Nalungkot ako. Naalala ko na naman kasi ang email ni Elaine, ang nakababata kong kapatid. Nabasa ko ang sulat niya kagabi at sinabi niyang excited na raw siyang makatungtong ng UK. Kailan daw ba nila matatanggap nila Mama't Papa ang wedding invitation namin ni Tom at nang maproseso na raw nila ang tourist visa to visit us?

Sumulyap uli ako kay Big Ben at tumulo na ang luha ko. A few months ago, pinangarap kong masilayan ka nang personal. Ikaw ang simbolo ng pinakamimithi ko sa buhay---ang makasal sa lalaking pinakaiibig ko. But now, you've become the symbol of my broken dreams.

"Aalia!"

Napalingon ako at nagpalinga-linga. Si Linette. Lumalakad-takbo silang mag-iina palapit sa akin. Saglit akong tumalikod at nagpahid ng luha bago humarap uli sa kanila.

"Kumusta na?" medyo nahihiya nitong tanong.

I spread my arms. Hindi na ako sumagot pa.

"Pasensya na talaga, ha? Hindi ko rin gusto iyong pagpapaalis sa iyo pero mapilit si Perla. Alam mo naman iyon. Saan ka na tumutuloy sa ngayon?"

"Diyan lang sa tabi-tabi."

Gumuhit ang guilt sa mukha ni Linette. Siguro inisip niyang naging homeless ako pagkatapos nilang ipagtabuyang magkaibigan.

"Pasensya na..."

"Sige, I have to go." At tumalikod na ako. Pero bigla rin akong napalingon sa kanila nang maalala ko ang balanse sa kanya. "Iyong utang ko nga pala sa iyo, next week ko na lang babayaran. Pupunta na lang ako sa inyo."

"Huwag na. Okay lang iyon. Baka kailangan mo ng pera."

"Babayaran kita next week," matigas kong sabi at dali-dali na silang iniwan. Hindi ko na sinulyapan ang mga anak niya dahil baka mag-break down ako. Napamahal na rin kasi sila sa akin.

Dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan nabangga ako ng mama. Napasaldak ako sa sementadong daan. Pag-angat ko ng tingin, nanlaki ang mga mata ko. Nagkagulatan kami ng lalaki. Parang mabangis na tigre na sinugod ko ang hinayupak. Pinagbabayo ko ang dibdib niya at pinaghahampas ko siya ng dalang shoulder bag.

"Magnanakaw ka! Scammer! Saan mo dinala ang mga alahas ko't bags?"

"Hey! Stop!" At hinuli ni Tom ang dalawa kong braso. Tinadyakan ko siya. Hindi pa ako nakontento ro'n. Binasag ko ang bayag niya gamit ang tuhod. Saka ko lang siya nilubayan nang namilipit na siya sa sakit.

"You bitch!" sigaw niya sa akin.

**********

Patang-pata ang buo kong katawan sa halos isang araw na pag-ikot sa mga clients namin sa potential properties na gusto nilang bilhin kung kaya naisip kong pagdating ng townhouse ay maiidlip na ako kaagad. Pero napatda ako sa nadatnan. At biglang bumilis ang daloy ng dugo sa mga ugat ko. Sino ba namang lalaki ang hindi mag-iinit? Hayun at nakabalandra sa sofa ang nakahahalinang tanawin.

Marahil ay naramdaman niyang may nakatitig sa kanya kaya napagalaw siya. Sa pagpihit niya ay lalong nalilis hanggang itaas na bahagi ng hita ang suot niyang bestida at nakita ko ang kulay puti niyang cotton panties. Napalunok ako nang ilang beses. Nagtalo ang isipan ko kung lalapitan ko siya at aayusin ang suot niya o hahayaan na lang siyang gano'n at umakyat na sa kuwarto. I chose the former. Nang ilang hakbang na lang ang layo ko, nakaramdam na ako ng ibayong pag-iinit. Paano ba naman, naaninag ko na ang hiwa niya dahil bigla siyang bumukaka. Natakot na akong lumapit pa dahil baka hindi ako makapagpigil kung kaya dali-dali na lang akong pumanhik sa kuwarto. Pagdating sa sariling silid, hinagis ko na lang ang attache case sa kama at tumakbo na sa banyo't nag-shower.

"Damn her! Ba't ang burara niya? Didn't she know that I could come in anytime?" galit kong sigaw habang tumatalon-talon sa lamig na daloy ng tubig. Wait. She knew she was not alone in the house. Aha! Yeah. Now that Tom's not an option anymore, she's trying to seduce me hoping I'd marry her instead so she could remain in the UK!

Napakuyom ang mga palad ko sa realisasyong iyon. Ba't hindi ko agad naisip iyon. Ngayon, poproblemahin ko na ang pagpapaalis sa kanya. "You were not thinking!" sabi ko sa sarili at kinatok nang ilang beses ang ulo.

**********

Naalimpungatan ako nang tumunog ang alarm ng cell phone ko. Alas otso y medya na. Shit! Ibig sabihin, hindi ako nagising sa alas siyete kong alarm. Bumangon na ako't nagtungo sa kusina. Plano ko sanang ipagluto kanina ng adobo si Nathan para naman kahit papaano ay matuwa naman siya't pinatira niya ako sa bahay niya. Ngayon, paano na? Baka nakapag-dinner na iyon. Ang shunga-shunga ko! Sana hindi na ako natulog kaninang pagdating ng bahay.

Malambot na nga ang manok na binabad ko sa tubig. Hiniwa ko na ito agad at naghanda ng onions at garlic. Mayamaya pa'y binalot na ng nakagugutom na amoy ng adobo ang buong kitchen. Patapos na ako nang maramdaman ko ang presensya ni Nathan.

"Hi there," nakangiti kong bati. "I cooked some adobo for you. I know you like adobo. Your mom said it's your favorite Filipino dish."

Sinimangutan niya ako at walang kibong dumeretso sa refrigerator. Kumuha siya ng lata ng beer at tinungga iyon habang nakabukas ang ref.

Pinaghain ko na siya't sinabihang kumain na. Pero sa halip na dumulog sa mesa ay dumeretso lang ito palabas ng kusina.

"Nathan! Won't you even gonna try my adobo?"

Lumingon siya sa akin at sa aburidong boses ay nagsabi ng, "Look, you're not my wife, okay? You don't need to do things wives do to their husbands."

Nagulat ako. At nasaktan. Ano ang ibig niyang sabihin? Gusto ko lang naman magpakita ng appreciation sa ginawa niyang pagtulong sa akin, a.

"I just want to thank you for all that you've done for me."

"Okay, got it. And you're welcome. But you don't need to cook for me."

Iyon lang at lumabas na siya ng kusina. Nanlata ako. Teka. Iniisip ba niyang sa kanya na nakapokus ang atensyon ko ngayong malabo nang pakasalan ako ni Tom? Gunggong niya! Hindi ba niya alam ang immigration laws nila? Hindi pupwedeng magpakasal sa iba ang sino mang tumungtong ng UK on a fiancee visa! Lintek siya! Isasaksak ko iyan sa kukote niya mamaya. Teka lang at kakain muna ako. Nagra-rally na ang mga bulate ko sa tiyan. Pero humanda siya mamaya!

Ang plano kong kausapin siya nang gabi ring iyon ay hindi natuloy. Hindi niya kasi ako pinagbuksan ng pinto nang kinatok ko siya pagkatapos kong mag-dinner.

**********

"I really don't understand why you got yourself involved again this time. Have you forgotten? The last girl nearly wiped your flat clean," sabi ni Jin nang malaman niyang pinatira ko sa bahay si Aalia. Inulit-ulit niya sa akin ang ginawa ng isang Pinay na niloko rin ni Tom noon. Ako kasi ang binuweltahan no'ng babae. Nilimas niya halos lahat ng gamit sa bahay ko. Not to mention the cash that I kept in my drawer. Pero paano ko ba naman sila matatalikuran? Maalala ko lang ang mga kuwento ni Mom tungkol sa paghihirap ng iba niyang kababayan sa Pilipinas lumalambot na ang puso ko.

"We really have to do something about this. Tom need to be taught a lesson."

"Yeah. And risk losing him? We still need him, Nathan. We can barely sell a property that exceeds six hundred thousand pounds, how much more the much expensive ones? Just think of it this way, He may be a bad lover, but he's a good businessman. And he's an asset for us. Just stay away from his business, okay?"

Nang malaman ni Elise ang pinagsasabi ng asawa niya sa akin tungkol kay Tom, nagalit ito. Pareho kaming nasabon. Hindi raw tama na nag-aalalaga kami ng scammer just because we are benefiting from his talent with words.

Nagtinginan kami ni Jin. Kapwa kami napahiya kay Elise.

**********

Mag-a-alas nuwebe na ng gabi pero hindi ko pa rin naririnig ang ugong ng sasakyan ni Nathan. Dati-rati nama'y nakakauwi na siya ng mga alas siyete y medya o alas otso. Ba't kaya naantala iyon? Kung kailan gusto ko siyang makausap nang masinsinan saka naman hindi ko siya mahagilap. Nakakainis!

Pumanhik uli ako sa kuwarto at nag-ayos-ayos ng gamit para malibang. Desidido akong huwag matulog nang hindi ko siya nakakausap. Neknek niya kung iniisip niyang may plano akong gamitin siya para makapanatilis a UK. Hindi ako gano'n katanga! Ayaw kong makipaghabulan sa immigration officers nila. Kaya lang naman hindi ako makauwi-uwi pa dahil wala pa akong pambili ng ticket. Pero sa oras na makapag-ipon ako'y lalayas naman akong talaga sa bansa nila!

"You're not my wife. You don't need to do things wives do for their husbands," panggagagad ko sa kanya habang hinahampas-hampas sa headboard ng kama ang dalawa kong unan. Do'n ko na lang binunton ang lahat kong galit.

Natigil lang ako sa pag-e-emote nang may marinig akong pagbukas ng pinto sa kabilang silid. Dumating na nga siya! Binuksan ko ang silid ko at nakita ko nga siyang nasa harap na rin ng sarili niyang kuwarto.

"I want to talk with you," sabi ko agad sa kanya.

Natigil siya sa pagpasok sa kanyang silid. Tiningnan niya ako with a blank stare. Nanuyo ang lalamunan ko nang magkasalubong ang mga mata namin. Ang kanina ko pa pinraktis na dayalog ay bigla kong nakalimutan. Guwapo si Tom, pero iba ang dating ng gunggong na ito. Nakadagdag pa sa hotness niya ang hindi pagiging aware na ganoon nga siya ka-hot.

"I'm waiting. What is it?" parang tinatamad niyang sagot.

Pinilig-pilig ko ang ulo at itinaboy ko sa isipan ang walang kinalaman sa pakay ko sa kanya.

"It's about yesterday. If you think my doing things for you is about me seducing you so you'll marry me and I can stay in the UK, you're dead wrong! I don't have that intention! Your immigration laws will never allow it. I could get banned from entering the UK for years for that."

Nagtaas siya ng kilay kung kaya pinaliwanag ko ang rules ukol sa fiancee visa.

"Okay," sagot niya. Ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. "Is that all that you want to talk with me?"

I was caught off-guard. Hindi ko kasi inaasahan na ganoon ka kalmado ang kanyang maging reaksiyon. Ang ini-imagine ko kaninang palitan namin ng salita ay may pagka-bayolente. Hindi tuloy ako nakasagot agad. Nang makabawi naman ako'y pautal ang naging sagot ko sa kanya. Humikab ang gunggong sa harap ko.

"I'm sorry. I'm just tired," sabi niya at pumasok na sa kanyang silid.

Naiinis na pumasok din ako sa kabilang kuwarto.

Dala na rin marahil sa maraming isyung bumabagabag sa isipan ko, hindi ako makatulog. Nang bandang alas tres nang umaga na'y naisipan kong bumaba na ng kusina. Kailangan ko na talaga ng isang galong gatas para makatulog.

Pagbukas ko ng ilaw sa kitchen, napasigaw ako. Nandoon din kasi si Nathan at umiinom ng gatas sa bandang lababo at naka-boxer briefs lang ang kumag ng kulay puti! Nasamid siya sa biglaan kong pagtili.

"Bloody hell!" galit pa niyang mura.

"Why didn't you turn on the lights?" galit ko ring sagot.

"Because I never thought there was a need for one."

Iniwasan kong tumingin sa bukol sa kanyang harapan, pero tila tinutukso-tukso naman akong sumulyap. And I regretted it because it suddenly grew larger.

"What?" Nakapamaywang na siya sa akin. Hindi ba niya tatakpan ang sarili?

"Sana man lang nagsuot ka ng bathrobe!" bubulung-bulong ko habang kumukuha ng gatas sa ref.

"This is my house and I can wear whatever I want and whenever I want it!"

Oo. Malaya mong ibuyangyang ang naghuhumindig mong armas!

Tinalikuran ko na siya agad. Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Imbes na gatas sana ang kukunin ko sa ref, lata ng beer ang nadampot ko. Babalik sana ako ng kusina para isoli iyon nang mapadaan siya sa harapan ko. Shit! Ang laki ng bukol sa malapitan! Susko!

Sinundan ko na lang ng tingin ang siksik sa laman niyang pang-upo hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko. Pambihira talaga! Lalong hindi na ako makakatulog nito mamaya! Peste!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top