CHAPTER EIGHTEEN

Pagdating ko ng bahay, may magandang balita sa akin si Mama. Nakakita raw ng panibagong lawyer si Papa at pinangako raw nitong mailalakad ang papeles ko ora-orada.

"Hindi na ako aalis, Mama," kaswal kong sagot na ikinagulat niya. "Hindi na kami aalis ni Neil. Mananatili kami rito sa Pilipinas habang-buhay."

Pagkasabi ko niyon dumeretso na ako sa kuwarto naming mag-ina. Hinabol ako ni Mama.

"Anong hindi ka na aalis? Ano'ng nangyari?"

"Ha? Hindi ka na aalis, Ate?" Si Elaine naman. Karga-karga nito si Neil na kaagad na umiyak pagkarinig sa boses ko. Umunat ang mga kamay niya sa direksiyon ko. Gustong magpakarga sa akin. Kinuha ko siya kay Elaine at isinayaw-sayaw.

Hindi ko na sila sinagot dahil biglang lumitaw si Nathan sa likuran ni Mama. Halos magkasunod lang kasi ang sinakyan naming taksi. Oo, nagkanya-kanya kami. Ayaw ko kasing sumabay sa kanya kanina. Nabwisit talaga ako sa ginawa niya.

Bumaling kay Nathan ang atensiyon ng mama't kapatid ko. Siya naman ang inusisa nila. Napakagat-labi lang si Nathan at sumulyap sa amin ni Neil. Pagkakita sa kanya ni Neil sumigaw ito sa katuwaan. Napaliyad pa na parang gustong abutin ang dad niya. Kukunin sana siya ni Nathan pero nilayo ko na agad.

"Patutulugin ko muna si Neil," sabi ko at nagtuluy-tuloy na ako sa loob ng kuwarto.

"Kagigising lang niyan, Ate."

Hindi ko pinansin si Elaine. Pinahiga ko si Neil sa kuna niya at dinuyan-duyan siya. Umiyak ang bata. Gustong bumangon. Nakatanaw siya sa likuran ko. Nang lumingin ako, wala na sina Mama't Elaine. Si Nathan na lang ang nandoon sa bandang pintuan. Nakatingin siya sa aming mag-ina. Ang lungkot ng mukha niya. Buti nga sa iyo! Damuho ka!

Pumasok din siya loob at naupo pa sa kama na malapit sa amin ni baby. Dinedma ko siya. I pretended he was not there.

"She---seduced me. That's right. I think she had the hots for me ever since, but I didn't really entertain the thought of me and her together. I'm not interested in having an affair with her."

"Not interested? Are you kidding me? You went with her all the way to Vivre!"

Parang sasabog na naman sa galit ang puso ko. Napahinga ako nang malalim. Hindi dapat tumataas ang boses ko. Nawiwindang din si Neil sa tuwing nagha-high pitch ako.

Hindi nakasagot si Nathan. Nakatingin lang siya sa akin na parang pinag-aaralan ang mukha ko. Tinalikuran ko siya. Sa tuwing binibigyan niya ako ng penetrating gaze niya, natutuliro ang puso ko. Hindi ko kayang makipagtitigan sa asul niyang mga mata. Nalulunod ako.

"I can't blame you for being mad at me. But please---don't make any stupid decisions based on what happened today."

"Stupid decisions? You call my opting out of your plan to live with you in the UK a stupid decision? Baka iyan pa nga ang pinakamatinong desisyong nagawa ko sa buong buhay ko!"

"Think about Neil's future. I hope you don't let your pride ruin his chance to a better future."

"Better future? Baka nga mas may future pa ang anak ko rito sa amin kaysa doon sa inyo kapiling ka na wala naman sa kanya ang pokus ng atensyon mo! Hindi naman kita sinisisi! Wala naman kasi talagang 'tayo'! Aksidente lang namang nabuo si Neil!"

Nagpalahaw na ang bata. Dinampot ko siya sa kuna niya at sinayaw-sayaw uli. Hindi ko na narinig pa ang boses ni Nathan. Pag lingon ko wala na siya sa kama. Lalo akong nanggalaiti.

**********

Aalia was adamant on opting out of our UK plan. Ayaw na niyang umalis sa Pilipinas. Ilang beses na siyang pinilit ng mga magulang, pero nagmatigas siyang hindi na raw sila sasama sa akin. Wala na raw siyang ganang bumalik ng London. Inusisa ako ng mama niya kung ano ang nangyari noong Biyernes at bakit ganoon na lang ang naging kapasyahan ng anak nila pagkatapos na sundan ako sa pakikipagkita ko sa abogada. Hindi ko sila sinagot nang deretsahan. Sinabi kong mas mainam na ang anak nila ang kanilang kausapin. Gaya ng inaasahan nagalit ang matandang lalaki. Ano raw ba kasi ang ginawa ko sa anak nila? Sigurado raw siyang may ginawa akong kabulastugan dahil hindi raw magdedesisyon nang ganoon ang kanilang anak kung walang sapat na dahilan.

"I didn't do anything," sabi ko lang.

"Kows! E bakit ganoon ang reaksiyon ng anak ko?" hirit naman ng matandang babae. "Nahuli ba kayo ng anak ko? May ginawa ba kayo ng abogadang iyon na hindi nagustuhan ni Aalia?"

"Carmen," saway ng matandang lalaki. Ganunpaman, tumingin din siyas a akin na parang naghihintay na pasisinungalingan ko ang sinabi ng asawa. I decided not to say anything. Pakiramdam ko kasi, the more I explain myself, the more I sound defensive.

"Sinasabi ko na nga ba! Silence means affrmative! May ginawa nga kayong hindi maganda ng abogadang iyon!" Naiyak na ang matandang babae. Naging matalim na rin ang tingin sa akin ng asawa niya dahil mukhang sumama talaga ang loob ng ginang sa hindi ko pagsagot sa mga katanungan niya.

"I didn't do anything," ulit ko. "Nothing happened."

Tinalikuran na nila ako. I felt like a stranger again in their house.

**********

Pagdating naming mag-ina sa bahay mula sa pagmo-malling, sinalubong kami ni Mama ng balita na umalis daw si Nathan. May dala-dala raw itong mga bagahe. Kumontak daw ba sa akin? Kasi kanina raw nang paalis ay gustong magpaalam sa kanila kaso sa galit daw nila ng papa ay hindi nila ito hinarap.

"Tingnan mo nga ang cell phone mo? Baka nag-miscol sa iyo at hindi mo nasagot."

Dinukot ko sa shoulder bag ang phone ko. Walang miscol, wala ring text. Inaasahan ko na iyon dahil kagabi pa lang ay tiniyak ko na sa kanya na hindi nagbago ang isipan ko kahit apat na araw na ang nakararaan simula nang sumama siya sa haliparot na abogada papuntang Vivre. Ganunpaman, may ibayong lungkot akong naramdaman. Kahit paimbabaw ni hindi man lang niya tinangkang sundan kaming mag-ina sa mall? Ganoon lang niya kabilis i-give up ang karapatan niya sa bata?

"Baka --- baka babalik na iyon sa kanila," nag-aalalang sabi ni Mama.

"Hayaan n'yo na. Mabuti na rin iyon. Total naman tinatapos ko na ang kung ano mang namagitan sa aming dalawa."

"Ano ka ba naman! Huwag ka ngang padalus-dalos. Mabuti kung ikaw lang. Paano na si Neil? Ayaw kong lumaki ang apo ko na walang kinikilalang ama."

"Iyon naman pala, e! Ba't kasi nakisawsaw pa kayo ni Papa sa problema nila Ate at Kuya Nathan," singit ni Elaine. Ang bruha, bigla na lang sumulpot. May dinidilaan pa itong kung ano sa hawak-hawak na sandok.

"Kasi Ate, itong si Mama, dinaig ka pa sa pagda-drama. Kanina kasi'y gustong magpaalam ni Kuya Nathan. Ayaw talagang kausapin. Nagmatigas din tulad mo. Tapos heto't natataranta rin dahil mukhang babalik na ng UK si Kuya Nathan nang gano'n-gano'n na lang. Hay, naku!"

Nangako ako sa sarili na pangangatawanan ang naging kapasyahan ko, pero nandoon pa rin pala ang pangarap kong makatungtong uli ng London. Nalungkot din ako.

"Kasi naman, Ate! Kung sa akin nangyari ito, naku talagang ipaglalaban ko nang patayan si Kuya Nathan. Bihira na lang ngayon ang tulad niyang guwapo na may pera pa tsaka mabait. Ang bilis mo talagang magdesisyon kahit kailan!"

"Loko-loko naman kasi ang Kuya Nathan mo! Hindi na marunong makuntento sa isa!"

"Ma, marami lang talagang haliparot ngayon. Hindi na kasalanan ni Kuya Nathan kung guwapo siya. Ganyan talaga ang buhay. Kung guwapo ang asawa mo, expect mo nang marami kang kaagaw. Dapat steady ka lang at hindi nagpapadala sa diskarte ng mga higad sa tabi-tabi."

"Ang dami mong satsat!" singhal ni Mama kay Elaine, pero mababanaag na sa mga mata niya ang pagkataranta. Hinihimok na nga niya akong tawagan na raw si Nathan at alamin kung nasaan na.

"Sinabi n'yo nang may bagaheng dala. For sure, umuwi na iyon sa kanila."
"At ganyan lang ang reaksiyon mo?" Si Papa. Sumulpot ito mula sa ikalawang palapag ng bahay. Mabagsik na ang mukha nito. Sinumbatan na niya ako. Sa panloloko ko sa kanila simula kay Tom at sa pagpapanggap kong nasa UK pa rin kahit matagal nang nasa Cebu. At hight sa sa pagkakasilang kay Neil nang hindi nila alam.

Natahimik kaming tatlo. Nakaramdam din ako nang pag-aalala nang makita itong napakuyom ng mga palad. Humingi siya ng tubig kay Elaine habang hinihilot-hilot ang dibdib. Doon na ako nag-alala. Pero nang tangkain kong lapitan nagtaas siya ng kanang kamay kaya natigilan ako halfway towards him.

"Magpahinga na muna kayo ni Neil sa kuwarto n'yo. Susubukan kong patatawagan si Nathan kay Elaine mamaya," anas ni Mama sa akin habang papunta sa tabi ni Papa.

"Huwag ka nang mag-abala, Carmen! Hayaan na natin ang lalaking iyon! Mas mabuti na nga siguro ang ganito nang matahimik na tayong lahat!"

**********

I've been convincinv myself to stop thinking about Aalia and Neil, but the more I try to push them away from my thoughts, the more they stick. Ni wala pang isang araw kong nilisan ang kanila pero nami-miss ko na silang mag-ina.

Ang sabi ni Jin, bumalik na ako ng London. Kung ayaw na raw sa akin ni Aalia, huwag na raw akong manatili pa ng Pilipinas. They need me in our office ASAP. Marami na raw kaming pending na mga transactions dahil hinihintay nila ang pagbabalik ko sa katapusan ng buwan.

I was tempted to put today's date on my open ticket back to London, pero may isang bahagi ng puso ko na bumubulong na balikan ko muna ang mag-ina ko. Hindi pupwedeng uuwi ako sa amin nang hindi sila dala. Kaya bago pa magbago ang isipan ko, nagbihis na ako't nagpahatid sa taksi papaunta sa bahay nila Aalia.

Wala ang mga magulang niya nang dumating ako. Nagsimba raw ang mga ito. Kapatid niya lang ang nagbukas ng pintuan para sa akin. Pinaderetso niya ako sa kuwarto namin. Kumatok ako nang tatlong mahihinang katok para hindi magising si Neil sakaling tulog. Walang sumagot. Inulit ko. Wala pa rin. I put my right ear on the door. Natutulog din kaya si Aalia? Pinihit ko ang seradura. Bumukas ito. And there she was sitting on the center of our bed holding some pictures. Yumuyugyog ang balikat niya. Dahan-dahan akong lumapit at nakita kong pinagmamasdan niya ang mga larawan ko. At biglang nagrigodon ang puso ko nang makitang hinalikan niya ang naka-topless photo ko na kuha sa isang beach resort sa kanila sa Laguna kamakailan. Iyon na ang hudyat na hinihintay ko. Ingat na ingat akong naupo sa likuran niya at niyakap ko siya. Tapos hinalikan ko siya sa pisngi. Gulat na gulat siya. Naitulak niya ako agad. Napahiga ako sa kama. Dali-dali niyang pinagdadampot ang mga larawan kong nagkalat sa higaan at pinasok sa drawer ng bedside table. Natawa ako. Bistado na'y magkukunwari pa. Hinila ko siya. Tinabig niya uli ang kamay ko.

"You don't have to kiss my picture and pretend it was me. I'm here. You can kiss me all you like. You can do anything to me right now," panunudyo ko.

Inirapan niya ako habang nagpapahid ng luha. Huwag ko raw siyang pagtawanan. Ang nakita ko raw ay walang ibang kahulugan. Dala lang daw iyon ng emosyon patungkol sa anak namin.

"Neil is here. If you want to kiss Neil, he's just right there sleeping in his crib. You don't need to kiss his father's photo and pretend it was him." Such a lame excuse, naisip ko pa.

Inirapan niya ako ulit.

"Why are you making it difficult for us? We feel the same way for each other."

"Speak for yourself!" asik niya sa akin.

"What do you want me to do? Should I apologize for what I did? Okay, I'm sorry. There."

"Huwag kang maka-sorry-sorry diyan! Hindi ka naman sincere!"

Bumangon ako sa kama at nilapitan siya. Niyakap ko ulit habang nakatalikod siya sa akin. She hit my arms, but I didn't let go of her. Niyakap ko pa nang mahigpit.

"I'm sorry for everything. I should have cut that lawyer's services the moment I sensed something fishy from her but I didn't. I have to admit, I enjoyed her attention. But that was it. You're still the one I care about. I wouldn't go out of my way to come here if I don't care about you. Believe me, I really do care about you and Neil."

Binugbog-bugbog niya ang mga kamay ko na nakapulupot sa baywang niya, pero wala nang lakas ang mga suntok niya. Naiiyak na naman siya. Ang dami niyang sinasabi sa lenggwahe nila. Hindi ko na kayang sundan ang iba pa. Ang naintidhan ko lang ang laki ng tampo niya sa ginawa kong pagsama sa abogada hanggang Alabang.

"I'm sorry, babe. I'm sorry. Please forgive me."

Binitiwan ko siya saglit at pinaharap sa akin. I cupped her wet cheeks and slowly dried her tears with the back of my hands. Nagtama ang mga paningin namin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bumaba ang mukha ko't siniil siya ng halik sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top