Plan 34

Ano pa bang mga booth ang mapupuntahan nina Kyungsoo at Jongin?



* * * * * 



~Do Kyungsoo~ 




"Here." sabi ko saka binigyan si Kookie ng five thousand mula sa wallet ko. Kukunin na sana niya yun nang pigilan siya ni Jongin. Naglabas siya ng ten thousand mula sa wallet niya. 



"Take this." sabi niya. "And thank you... i guess?" 



Natawa ako saka binalik yung pera sa wallet ko. OKAY FINE. Si Jongin na yung rich kid. Siya na! Siya naman parati eh, diba? =3= Tinignan naman ako ni Jongin saka ngumiti ng nakakaloko. 



"Salamat!" masayang sabi ni Jungkook saka nilagay sa pink piggy bank yung perang binigay ni Jongin. "At saka heto, pumirma na kayo sa marriage contract niyo." saka kami binigyan ng isang papel at ballpen. 



Kinuha ko naman yun saka binasa. 



Walang hiya. Marriage contract nga! Pero syempre, gawa-gawa lang nila. Alangan namang kasal na talaga kami ni Jongin diba? Huwag muna. Hindi pa ako handa. 



Pumirma naman ako sa taas ng pangalan ko at ganun din yung ginawa ni Jongin. Sabi ni Kookie, souvenir na daw namin yun kaya tinupi iyon ni Jongin at nilagay sa wallet niya. Nagpasalamat naman kami ng maraming beses kina Taehyung at Jungkook dahil sa successful na "kasal" namin ni Jongin. Hay. 



Pwede na ba akong tawaging Kim Kyungsoo? 



Nang nakalabas na kami ng booth nila, napatingin sakin si Jongin saka ngumisi. "We're officially married." sabi niya saka tinaas yung isa niyang kamay para ipakita sakin yung singsing. "Now, what do you want me to call you?" 



Inirapan ko naman siya. "Sa booth lang yun." mahina kong sabi habang hinahawakan yung white gold ring na bigay nina Taehyung. Sosyal ah. White gold talaga. 



Sinundot naman ni Jongin yung pisngi ko gamit yung daliri niya. "Why?" tanong niya saka ngumiti ng maliit. "Doon din naman punta natin diba? Don't tell me you'll gonna marry other man beside me!" dagdag pa niya saka nagtaas ng isang kilay. 



Agad naman akong umiling. "Of course not!" giit ko. "What i am--"



"Okay. That's settled." masayang sabi niya saka inakbayan ako bigla. Hinalikan niya ng mabilis yung ulo ko saka naramdaman ko yung ngiti niya sa may noo ko. "Thank you, Kyungsoo." bulong niya bigla. 



Agad naman akong kumalas sa hawak niya para tignan siya sa mukha. Meron siyang maliit na ngiti sa labi habang seryosong nakatingin sakin. "Bakit?" takang tanong ko. 



"Just because." sagot niya saka tumawa ng mahina. "I hate that there's so many people right here. I can't cuddle with you." sumimangot siya habang tumitingin-tingin sa paligid.



Natawa naman ako sa sinabi niya saka lumapit para bulungan siya sa tenga. "We have the dorm to ourselves tonight." bulong ko saka ngumisi. "You really don't have to worry." 



Lumayo ako sakanya at tinignan niya ako ng masama. "Kyungsoo... you know i could pull you into an empty cubicle right now." seryoso niyang sabi. "Stop tempting me like that!" 



Mas natawa ako sa sinabi niya kaya napailing-iling nalang ako habang natatawa. Maya-maya, nakita ko sina Jin at Jimin, kumakaway samin para lumapit daw kami sakanila. Agad naman akong ngumiti pabalik at naglakad kami ni Jongin papunta sa booth kung saan sila nakapwesto. 



"1,000 won per kiss!" masayang sabi ni Jimin saka ngumuso. "Dali na!" 



Napatingin ako sa taas ng booth nila. 



Kissing Booth. 



Kung minamalas ka nga naman. Agad ko namang tinulak palayo yung mukha niya. "Asa ka no." sabi ko saka nag-eye roll. "Wala pa bang benta?" 



Napanguso naman si Jin saka pinatong yung ulo niya sa kamay niya. "Wala pa eh." malungkot na sabi niya. "Nasa tour pa yung mga taga-SMA kaya wala pa kaming benta. Kaiyak." at nagkunyari pa siyang umiiyak. 



"Patience is a virtue." sabi ko naman saka nag-thumbs up. Tinignan ko naman si Jongin at nakitang nakakunot noo siya habang nakatitig sa booth nina Jin. Napahawak siya sa baba niya na para bang nag-iisip ng sobrang lalim. 



Nilapitan ko naman siya at kinalabit. Napatingin siya sakin. "W-what?" tanong niya. 



"Anong 'what?'?" tanong ko naman pabalik sakanya. "Bakit ka nakatitig diyan sa booth nina Jimin? Huwag mong sabihing may balak kang magpahalik sakanila?!" dagdag ko pa saka siya tinignan ng masama. 



Natawa naman siya saka umiling. "Of course not!" tanggi niya. "I was just thinking..." 



Tapos bigla niya akong hinila papunta kina Jimin at nilagay ako sa likod ng booth. Nakangisi siya habang natatawa ng mahina at saka siya lumabas ulit ng booth. Nagtataka ko naman siya tinignan. 



Anong balak neto? 



"Here." sabi niya saka nagbigay kina Jin ng 1,000 won. 



At bago pa ako makapag-isip, bigla niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at hinalikan sa labi. Yung halik niya, may halong lambing, alam niyo yun?! Yung mabagal... tapos nararamdaman ko yung sobrang lambot na labi niya. Pero humiwalay din siya agad at pakiramdam ko umiikot yung paligid. 



"YES!" sigaw ni Jin saka binulsa yung pera. "First customer!" 



Gulat naman akong napatingin kay Jongin at nakangiti lang siya habang nakatingin sakin. Sinubukan ko siyang tignan ng masama pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko, umiikot yung paligid. Alam ko din kung gaano na namumula yung mukha ko. 



"Uy, Kyungsoo, okay ka lang?" tanong ni Jimin saka hinawakan yung braso ko. "Matutumba ka na oh!" 



Agad naman akong tumango. "O-okay lang ako." bulong ko saka tumingin ulit kay Jongin. Nag-aalala niya akong kinuha mula sa Kissing Booth at nilayo doon. Tinignan ko siya ng masama. Walang hiya naman. Pang-ilang beses na ba ito na ninanakawan niya akong ng halik? Feeling ko tuloy pwede na akong sumigaw ng rape eh!



Ano bang meron sa labi ko? 



"Hey, you alright?" tanong niya habang nag-aalalang nakatingin sakin. 



Inirapan ko nalang siya saka umiling. "Oo." sagot ko saka umayos ng tayo. Binitawan naman niya ako agad. "Kung hahalikan mo ako sana naman, sinabi mo diba? Hindi yung pabigla-bigla ka, Jongin!" 



"Sorry." bulong niya saka umiwas ng tingin. "It's just that--"



"Kyungsoo!!! Jongin!!!" 



Sabay naman kaming napatingin sa isang Baekhyun at Chanyeol na patakbong lumapit saamin. Ngumiti ako ng malaki saka nag-wave. Waaah!!! Andito na sila! Saan kaya galing tong dalawang to? May trabaho daw sila ngayong araw eh. 



"Uy Baek!" masayang sabi ko. "Saan kayo galing?" 



Umirap si Baekhyun saka hingal na napakapit sa braso ni Chanyeol. "Na-stress ako sa mga SMA students. Lalo na kay Krystal!" inis na sabi niya saka pinunasan yung noo niya kasi sobrang pawis na siya. 



Pero syempre, nung binanggit niya yung pangalan ni Krystal, agad naman akong napatingin kay Jongin. Pero dedma. Wala siyang expression sa mukha. Para bang wala siyang narinig na pangalan. 



Napangiti ako ng palihim. Okay, fine. Hindi na ako magseselos. =3= 



"Tapos na yung tour niyo?" biglang tanong ni Jongin kay Chanyeol. 



Agad naman siyang tumango. "Tama." sagot niya saka napatingin sa paligid. "And anytime soon, this field would be packed with--"



And as if on cue, nakarinig kami ng mga sigaw at boses ng mga babae. Nagkatinginan kaming apat at naglakad palayo doon. Napalingon ako at nakita kong sobrang daming babae galing sa SM Academy ang nag-iikot na ngayon sa field, tumitingin kung saan-saan. Pati yung kissing booth nina Jin at Jimin ay bumebenta na din. 



"Where to?" narinig kong tanong ni Jongin mula sa tabi ko. 



Agad akong napa-shrug. "E-ewan." kinakabahang sagot ko. Pakiramdam ko, anytime, may hahablot kay Jongin palayo sakin. Pakiramdam ko, mawawala nalang siya bigla sa paningin ko. 



Pero pinilit kong alisin yung thought na yun. 



Ayoko. Hindi ako papayag. 



"Jongin~" narinig kong may sumigaw at agad akong napalingon. 



Si Krystal Jung. 



Patakbo siya samin pero bago pa ako maka-react, hinawakan bigla ni Jongin yung kamay ko. Hinila niya ako patakbo at ganun din yung ginawa nina Chanyeol at Baekhyun. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero binilisan ko lang yung pagtakbo. Hinawakan ko ng mas mahigpit yung kamay niya. 



"There!" sigaw ni Chanyeol saka natawa ng malakas. "Tignan nga natin kung susunod pa siya." 



Napakunot noo ako sa sinabi niya pero nang sundan ko yung turo ni Yeol, nanlaki yung mga mata ko. 



Seryoso ba sila diyan?! 



Sa horror house?! 





* * * * * 



Good night everyone! Love lots~ MUA! 


Thank you for reading!!! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top