Chapter 54: Moments
"Can you let go of my hand?" pabulong kong saad. Nagsasalita iyong prof sa harap at baka mapansin kami.
"Naah."
Tinignan ko siya. "I need it for writing."
"You're left handed." simpleng sagot niya habang nagkukunwaring nakikinig sa harap.
"My hands are getting sweaty." muli kong dahilan, still uttering in a small voice.
"It's not."
"Miss Cruz, Mr. King, what are you murmuring about. Care to share your thoughts?" tanong sa amin ng prof namin na naglelecture sa harapan.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Cole at nag-iwas na ito ng tingin at nagpatuloy sa pagturo. Some teachers never learn. Matatakot naman pala pero pinansin pa.
"Seriously, bitawan mo na ang kamay ko." pakiusap ko naman, pero sa halip na bitawan ay hinigpitan niya pa ito. Kanina pa kasi niya hinahawakan ang kamay ko sa ibaba ng desk. It feels awkward dahil nasa loob kami ng classroom at baka may makapansin. I don't want to attract trouble atsaka parang PDA na rin.
"Nope." tugon naman niya.
"Asshole." wika ko sa kanya dahil alam kong wala siyang planong bitawan ang kamay ko.
"My stupid nerd." sagot na naman niya.
"Hindi ka ba napapagod hawakan ang kamay ko?" It's been like this for the whole week. Noong nakaraang linggo ay bumalik na siya sa pag-upo katabi ko. Namimihasa na ito kakahawak ng kamay ko.
"I'll hold it forever."
"I hate you." Lakas makapakilig eh.
"Love you too."
"Shut up." I pursed my lips at pinigilan ang labi kong umangat. Buti naman at tumahimik na.
....
Nandito kami ngayon sa rooftop ng building na madalas kong tinatambayan. Kung noon ay sa school field ay napagpasyahan kong dito naman.
Nakasalpak kami sa sahig na may picnic cloth. Kami lang ni Cole ang natira kasi bumili pa sina Maxim ng makakain at sumama din silang lahat pati na rin sina Hyron at Jethro.
"You're beautiful." bigla niyang sabi. I already know that pero pag galing sa kanya ay pumupula parin iyong mga pisngi ko kaya lang ay naalala ko iyong pinagsasabi niya noon.
"Hmmph, sinasabi mo nga noon pangit ako eh." Basta babae ang lakas talaga kumalkal ng mga kasalanan sa nakaraan para isumbat at isa ako sa patunay doon.
Nag-iwas naman siya ng tingin. "I was just in denial." he murmured.
"In denial? Are you gay?" tudyo ko sa kanya.
He smirked at me. "Do you want me to prove myself to you I'm not?" His cold husky voice invaded my senses. Inilapit niya iyong mukha niya sa akin. I could smell his minty breath due to our close proximity. Hindi ko siya itinulak at hinayaan na tuluyang makalapit pa sa mukha ko. Napapikit naman ako at naramdaman kong dumampi iyong labi niya sa pisngi ko at agad lumayo.
Agad naman akong napamulat at nakitang malawak na nakangisi si Cole sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Are you disappointed?"
"Bakla ka tala-" His lips descended on mine. He was moving his lips against mine while holding my chin. I moved away but he chased my lips and grabbed the back of my head and continued to kiss me.
Ilang segundo pa nang nakahuma ako sa karupukan--este sa pagkabigla ko ay itinulak ko siya palayo. He licked his lips still sporting that mischievous sexy smile. "I only get to kiss you once a day. Sinusulit ko lang."
Napaikot nalang ako ng mata. "Back to my question, anong ibig mong sabihin ng in denial?"
"Well I just said na mabilis tumitibok iyong puso ko pag nakikita ka. I didn't admit back then I was in love with you, kaya sinasabi ko sa sarili kong pangit ka para di ako tuluyang mahulog sayo. Not that I care about your looks."
"Tss." Yun lang pala iyon.
Maya-maya pa ay dumating na sila dala dala iyong pagkain.
Ilalagay na sana nila iyong pagkain pero hinarangan ito ni William. "Ano nanaman tol, nagugutom na ako." inis na sabi ni Yohann.
"Sinisigurado ko lang." sabi niya habang sinusuri iyong picnic cloth na nakalatag sa sahig na inuupuan namin. "Boss lady, mapusok ang kabataan. Sinisigurado ko lang na malinis ang kakaininan nating lahat."
This past few days ay napromote na ang tawag nila sa akin mula Miss Nerd to Boss Lady, pilit ko silang ibahin iyon pero kahit sina Maxim ay nakisali na din kaya wala na akong magawa.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kayong dalawa lang ni Cole ang natira dito. Alam mo na..." sabi niya sabay nagtaas baba ng kilay.
Pinatunog ko naman iyong mga daliri ko. "Baka nakakalimutan mong nasa rooftop tayo, William. Kayang kaya kitang ihulog mula dito."
"Sabi ko nga eh. Hehe."
Nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa nauwi lang sila sa usapan. Hindi na ako nakinig at naglaro nalang ng mobile legends.
Ramdam kong panay titig naman ni Cole sa akin pero di ko lang pinansin.
"Do you notice that when someone stares at you, your eyes unconsciously blinks more than usual. " rinig kong sabi niya.
"Talaga?" Napatigil naman ako sa paglalaro, dahil nacurious ako sa sinabi niya. Classic lang naman iyong laro kaya okay lang kung mag-AFK ako.
"Yeah. Ganun din ako."tugon niya sa akin. Tinitigan ko lang si Cole at nagbilang ng pagkurap niya.
"I lied." bigla niyang sabi kaya napatigil ako.
"Ano?" sinamaan ko siya ng tingin.
"I just said that so you'll look at me. It worked."
"You're really an ass, you know that?"
He just chuckled at me. "I know you're not shallow but sometimes I wish you were like those other girls that fawn over me." Ibinuka ko sana iyong bibig ko para magsalita -- "But you're different and that's exactly why I love you." hinawakan naman niya ang kamay ko and intertwined my fingers against his tsaka hinalikan iyong likod ng kamay ko.
Inilapit din niya iyong mukha niya sa akin pero tinulak ko ito palayo. Akala yata nito makakaisa siya.
" Oh ayan Ichabod, matuto ka. Iyan dapat ang sinasabi mo para pumick-up ng chicks. " Biglang komento ni Yohann nang sasagot na sana ako kay Cole. Nakalimutan kong nandito pala sila.
"Magsulat ka ng notes, Ichabod. Kaya ka walang jowa eh. Tsk." segunda naman ni William. "Tingnan mo itong si Maxim, may syota na pala di man lang natin alam."
Tinapunan lang sila ng tinging walang kaemosyon-emosyon ni Ichabod na para bang kung sasagot man ito sa dalawa ay mapapagod lang ito. Sinamaan naman silang dalawa ng tingin ni Maxim.
"Share mo din kay Ichabod pano mo pinasagot syota mo, Maxim." wika ni William sabay akbay dito.
"Hmmm, pano nga ba Maxim?" sabay ko rin sa kanila. Napaiwas naman ng tingin si Maxim sa akin na namumula na iyong tenga.
"Tol, wag mo nang asahan, panigurado ay binabasahan niya lang iyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo para mapasagot." sambit ni Yohann.
"Speaking of, kailan mo ba siya ipapakilala sa amin ha, Maxim?" dagdag pa ni William.
Inalis naman nito ang pagkaka-akbay ni William sa kanya. "Wala akong balak ipakilala siya sa inyo. Kahit man kasal namin wala sa plano kong imbitahin kayong dalawa."
"Tsk. Wag kang possessive, Maxim. Takot ka lang mahulog iyon sa alindog namin at ipagpalit ka eh." ani William
"Oo nga, baka sa kasal mo, itatanan pa ako nun sa sobra kong gwapo." sambit rin ni Yohann.
....
30 minutes before the first class in the afternoon class ay nagtungo muna ako sa locker ko para kunin iyong notebook na iniwan ko para sa next subject.
Habang kinukuha ko iyong gamit ko ay hindi ko maiwasang marinig ang usapan mula sa grupong malapit lang sa locker ko.
"OMG. You're so mabait. I can't believe it. You'll really do my assignment right?" one girl said.
Sinilip ko iyon at nakita si Zia kasama ang apat na babae. "Oo naman, madali lang iyon." sabi pa ni Zia.
"Ako rin, please. Perfect package ka talaga, mabait na, matalino, maganda pa."wika pa nung babae kasama niya. They were those typical mean girls.
"Why don't you make all of our assignments? I'm sure it's not to difficult for you."
"Here." Nilabas nila ang kani-kanilang mga notebooks at binigay kay Zia.
"Okay, don't worry girls. You'll get an A+ for sure." pagmamalaking sabi ni Zia at umalis na dala dala iyong mga assignments nila.
Moments before she left, I heard those four girls snicker.
"Oh my god that gullible little bitch." nagtawanan pa sila.
"Just because naayusan lang siya, doesn't mean she belongs with us."
"Yeah. Like, I don't get why pinapaburan siya ng mga teachers. Ugh. Maybe may sineduce siya na higher ups."
"Never mind that, as long as she keeps doing our errands she can stay with us."
"Yeah." At nagtawanan na naman sila at umalis na. Napailing nalang ako.
Isinara ko na ang locker ko at akmang aalis na nang may nakabangga akong teacher.
"Oh...Miss Cruz." kinutuban na ako. "Tamang-tama. Can you please return this to the library. Alam mo naman itong matandang ito, iika-ika na. Nirarayuma na nga ako eh." sinasabi ko na eh, ito iyong gurong suking suki sa pag papabuhat ng mga makakapal niyang libro.
Binigyan ko siya ng plastic na ngiti. "Sure maam."sagot ko. Wala na rin akong magagawa, it's not like I could refuse her.
Ibinigay niya sa akin ang tatlong makakapal na libro na tinanggap ko naman. "Ang bait mo talaga." tinapik niya ako sa balikat at umalis na.
Mapabuntong hininga nalang ako habang naglakad na papunta sa library.
On my way there ay nakasalubong ko si Selena. Binangga niya ako pero nanatili ako sa kinatatayuan ko with the books still intact.
I smirked at her. "Nice try."
Akala niya siguro pag binangga niya ako ay mahuhulog iyong librong dala dala ko. I'm not that weak at tantsa ko na ang plano niya kaya napaghandaan ko.
I saw her face twitched at sinamaan ako ng tingin. "Wag ka masyado magpakampante. Smile all you want bitch, it will end soon." galit niyang sabi at nagwalk-out na. I just shrugged at nagpatuloy sa paglakad papunta sa library. I don't see her as a threat. She's nothing but a spoiled two-faced brat.
Pagkarating ko sa library ay napansin kong bukod tanging nandoon ay si Zia maliban nalang sa librarian. Mukhang ginagawa niya iyong mga assignments na pinapagawa sa kanya nung mga babae. Tahimik siyang nagsusulat sa dulo ng mesa.
"Can you return this to the shelves please." Napabaling ako sa librarian habang itinuro iyong mga libro. "It's in the social studies shelf, right there. Thanks." Itinuro niya iyong shelf na nasa likod lang ni Zia.
"Seriously?" I muttered to myself tsaka kinuha iyong mga libro.
Naglakad ako patungo sa kanya. She's still engrossed in her work. Nakita kong napakunot ang noo niya.
"Pano ba to?" narinig kong bulong niya sa sarili.
Natapos ko nang mailagay iyong libro nang malaglag naman iyong ballpen niya. Gumulong ito sa paanan ko at saka lang niya ako napansin.
"Eliza." walang kaemosyon-emosyon niyang banggit.
I picked up the pen at ibinigay iyon sa kanya na tinanggap niya naman. Tinignan ko siya at pati na rin iyong apat na notebooks.
"You do know they're just using you right?" saad ko bago ko pa mapigilan ang bibig ko. I really tend to stick my nose in places they don't belong. Pero gusto ko lang siya pagsabihan just because she used to be in my circle of friends, not that I treat her as one anymore.
"Ano naman sa iyo?"
"So, alam mong ginagamit ka nga nila para lang utus-utusan ka?" I reiterated.
Nanatili naman siyang tahimik.
Tinignan ko siya sa mata. "You know sometimes, you need to open your eyes to look at the bigger picture." Nanatili parin siyang tahimik kaya nagpatuloy ako. "Know your worth. Kung alam mong ginagamit ka lang ay iwasan mo na. Don't force yourself on people who don't treat you as one."
Napayuko naman siya. "Tama ka, Eliza." Napansin kong unti-unting nababasa iyong notebook sa ilalim niya. Umiiyak ba siya.
"Kung naiintindihan mo iyon ay mabuti." sambit ko pa. Aalis na sana ako ng hinawakan niya ang braso ko.
"E..eliza." Nag-angat siya ng tingin at nginitian niya ako, her face stained with tears. "Marami akong nagawang kasalanan and I wanna make up for it."
"What do you mean?"
"Chemistry laboratory. Alas kwatro mamaya. Mag-usap tayo." sabi niya habang tinitignan ako sa mata kaya tumango nalang ako.
...
Tomorrow loves. Inom-inom muna tayo ng sabaw.😜
-GX
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top