NW Chapter: 11

Updated 😊

So sorry for the long wait, Lovies! ❤️
This past few days ay nagka-problema si Watty. There's a minor glitch with the system, kaya biglang nawala itong story ng NAKED WORDS. Hindi ako makapag-update because Watty won't allow me to. Haha! 😂

Anyways, highways! Tuloy lang ang buhay... Kaya't Happy Reading, Lovies! 💋


*****


Continuation:

"Miss... Sinong sinisilip mo d'yan?" baritonong boses na sambit ng lalaki sa likuran ni Raffaella.

Dahan-dahan namang nilingon ng dalaga ang pinanggagalingan ng mababang tinig na iyon, at agad napahawak sa kanyang dibdib nang mapagtantong naisahan siya nang panlilinlang nito.

"Grabe... Akala ko naman kung sino na..." kabadong saad ng dalaga at napabuga na lang nang hangin dahil sa pambibiro ni Mamu Penny.

"Hahaha!" halakhak nito. "Eh may pasilip-silip ka pang nalalaman d'yan. Teka, nasaan na 'yung ka-eyeball mo? Infairness ahh, gwapo si guy." anito at bahagyang inayos pa ang kanyang bitbit na bag.

Hindi naman nag-abala na sumagot pa si Raffaella at ipinagpatuloy lamang ang pagsilip kay Deo, na ngayon ay abala sa pagkalikot ng kanyang telepono. Para itong may hinihintay na hindi malaman, dahil sa postura nitong animo'y inip na inip sa kanyang kinatatayuan.

Nasa ganoong pagmamasid si Raffaella nang bahagyang hilain ni Mamu Penny ang ilang hibla nang kanyang buhok sabay sabing, "Hoy babae, kinakausap kita."

"Arouch Mamu..." hinaing ng dalaga at nakabusangot na hinimas ang kanyang anit. "Wait lang po, baka mawala si Deo sa paningin ko..." saad lang nito saka muling sumilip sa gilid ng malaking poste.

"Nasaan ba?" pang-uusisa naman ni Mamu Penny, saka naglakad para tingnan ang direksyon nang sinisilip ng dalaga.

Maagap namang hinablot ni Raffaella ang suot nitong jacket, "Mamu, wag ka po magpakita. Baka makahalata si Deo." may himig inis na sambit pa niya rito.

"Tsss... Eh bakit ba natin siya minamanmanan? Di ba nagtext ka na okay naman ang dinner niyo? Anyare, bakit biglang nagbago ang ihip nang hangin?"

Sasagot na sana si Raffaella nang biglang mapansin niyang may nilapitang tao si Deo sa hindi kalayuan, "Mamu tara!" nagmamadaling saad nito at maagap na hinila ang kamay ni Mamu Penny.

Maingat na nagtago ang dalawa sa gilid ng isang itim na sasakyan, na medyo may kalakihan. Sandaling nagmasid ang mga ito, habang ang mga mata ay diretsong nakatutok sa kinatatayuan ni Deo.

"Raffy... Sino 'yung kausap niya?" biglang pagtatanong ni Mamu Penny, na ngayon ay nakasilip na rin sa salamin ng nasabing sasakyan.

"Hindi ko rin po masyado makita, Mamu..." sagot lang ni Raffaella habang pilit hinahagilap ang mukha nang taong kausap ngayon ni Deo.

Sumagi sa isip ng dalaga ang posibilidad na si Lucas ang lalaking kausap ni Deo ngayon. Ngunit nabalot din siya ng kanyang pagdududa, dahil iba na ang suot ng binata ngayon kumpara nang makita niya ito sa restaurant kanina.

"Tara Mamu, roon po tayo sa kabilang side para makita natin 'yung feslak ni Kuya. Malakas po kasi talaga ang kutob ko na hindi si Deo ang katext ko." saad lang ng dalaga bago nagpatiuna sa paglalakad habang nakayuko, para hindi mapansin ng mga kalalakihan ang kanilang presensya.

Nang tuluyang maisaayos at mailapit ang kanilang mga sarili sa kinatatayuan nina Deo at Lucas, ay agad itong sininsayan ni Raffaella. Ganoon na lang namilog ang kanyang mapupungay na mga mata, nang mapagtantong tama ang kanyang hinala na si Lucas ang taong kausap ngayon ni Deo.

"Sinasabi ko na nga ba!" mahina ngunit punong-puno nang pagngingitngit na saad ni Raffaella, na kulang na lang ay bumulagta ang mga tao sa kanyang harapan dahil sa talim at nagbabagang mga tingin na kanyang iginagawad sa mga ito.

"Oy! Oy... Oy! Raffy saan ka pupunta?" gulat na sambit ni Mamu Penny, nang makita si Raffaella'ng tumayo at ngayon ay patungo na sa kinatatayuan nina Lucas at Deo.

Sa halip na sumagot ay nagpatuloy lamang si Raffaella sa kanyang paglalakad, dala ang napupuspos niyang emosyon dahil sa panloloko't panlilinlang ng mga ito sa kanyang damdamin.

Taas noo niyang hinarap sina Lucas at Deo, para ipaalam na hindi siya isang tanga para paglaruan nang ganoon-gano'n lamang ang kanyang kalooban, "Ehem... Ehem..." isang matigas na tikhim ang kanyang pinakawalan para pukawin ang atensyon ng dalawang binata.

Mabilis naman niyang nakuha ang atensyon ng mga ito at kitang-kita ni Raffaella ang pagkakagulat at biglaang pamumutla ng mga mukha ng kalalakihang kanyang kaharap, na aakalain mo ay nakakita ng bulto ng isang multo sa kanyang katauhan.

Sarkastikong nginitian lang niya ang dalawang binata sabay sabing, "Oh... Bakit kayo tumigil, ituloy niyo lang ang pinag-uusapan niyo. Don't mind me boys, isipin niyo na lang na para akong isang laruan na walang kibo at basta-basta niyo na lang paglalaruan." nakangiti ngunit may diin ang bawat salitang binitawan ni Raffaella sa mga ito.

"R-Raffy... Hi!" nauutal na sambit ni Deo, saka pinaluwagan ang suot na sleeves dahil sa tensyon na namumuo sa pagitan nila ng dalaga.

Walang emosyong tiningnan lang ito ni Raffaella bago inarkuhan ng kilay. Kahit walang salitang lumalabas sa kanyang bibig, ay gusto niyang iparating sa pamamagitan nang ekspresyon ng kanyang mukha, na hindi katuwa-tuwa ang kasinungalingan na ginawa ng dalawang binata.

Nakita pa ng dalaga ang biglaang pagka-alangan sa nais sabihin ni Deo kaya't inunahan na niya ito sabay sabing, "Akala niyo siguro maiisahan niyo ako noh? Una pa lang alam ko nang may mali sayo Deo!" aniya bago pinagdiinan ang pangalan ng binata.

"Ang nakakatawa lang dito ay hindi ka masyadong prepared sa pagpapanggap mo, dude..." sarkastiko niyang anas bago tinapik ang kanang balikat nito. "Imagine, basta-basta ka na lang umu-oo sa mga bagay na hindi mo naman alam in the first place!"

"Pineapple Mojito? Hahaha!" aniya bago nagpakawala ng isang mapaklang halakhak. "Nakalimutan bang sabihin sayo ni Lucas ang bagay na iyon? Na siya ang totoong nagbigay no'n sa akin with matching flirting from afar pa." dagdag pa niya saka binalingan si Elevetor Man.

Kitang-kita ni Raffaella ang bahagyang paglunok nito kaya't kusang tumaas ang gilid ng kanyang labi, na animo'y nasusuklam, "Right Lucas?" aniya saka ito hinalukipkipan ng mga braso.

Sandaling nagkatitigan ang dalawa... Mga titig na animo'y nag-uusap ang kanilang mga mata, ngunit magkaiba ang katwiran at depensa.

Nasa ganoong posisyon sina Lucas at Raffaella nang biglang magsalita si Deo, "R-Raffy... L-let me exp..." hindi na nito naituloy ang kanyang sasabihin nang mabilis siyang putulin ni Lucas.

"Let me handle this, Hideo... Sorry for dragging you into this mess." matigas na saad ng binata habang diretsong nakatingin pa rin sa mga mata ni Raffaella.

"S-sir..." tanging sambit lang ng binata.

Mabilis naman itong binalingan ni Lucas sabay sabing, "Just go home, Hideo... I can handle it, thank you." pasasalamat niya bago ibinalik ang atensyon sa madilim na mukha ng dalaga.

Kahit hindi naman nakikita, ay nagpatango-tango na lang si Hideo sa nais mangyari ng kanyang boss na si Lucas. Maagap niyang tinungo ang kanyang sasakyan, bago tuluyang nilisan ang parking lot.

Nang makaalis si Hideo ay napapalakpak na lang si Raffaella sabay sabing, "Aba, ayos ano? Boss ka pa pala nang impostor na 'yon!" nasusuklam na saad ng dalaga habang hindi napuputol ang paningin sa mga mata ng binata.

"B-bella..." nang tangkain ni Lucas na magsalita ay agad siyang pinutol ng dalaga.

"Hep!" anito saka iminustra ang kanyang kanang kamay sa harap ng mukha ni Lucas. "Oh, baka naman kabulaan at kasinungalingan na naman 'yang ipapakita mo sa akin ahh. Please lang ayusin mo, dahil sa totoo lang nanggigigil ako sayo. Gusto kong ituktok sa mga ulo niyo ni Deo itong suot kong high-heels." mapanakot na may halong pagbabantang usal ni Raffaella, na kulang na lang ay gusto niyang gilitan ng leeg ang binata dala ng kanyang kainisan.

"Bella..." panimula nito bago humugot nang lakas para makapagsalita. "I sincerely apologize for what happened. Hideo has nothing to do with all of this. I was the one who drags him with this untruth kind of pagpapanggap. I'm the one who's culpable in this pretense, Bella...We're sorry... I am so sorry." taos-pusong usal ni Lucas habang ang kanyang mga mata'y nangungusap sa kanyang sinseridad.

Napailing na lang si Raffaella, "Sorry?" pagtatanong nito saka tumingala na animo'y nagpipigil ng galit na mapabulyaw sa kanyang mga narinig. "Sa tingin mo ba madadala mo ako sa sorry mo?" matabang na wika pa ng dalaga, bago tuluyang hinarap muli ang binata.

"Kung lahat ng bagay ay makukuha lang sa isang kapatawaran, ano pang saysay ng batas?!" makahulugang wika ni Raffaella saka napairap sa kawalan.

Napakunot noo naman si Lucas sa sinabi nito, "W-what? Sorry, but I don't get it..." anito at bakas na bakas ang kalituhan sa gwapong mukha nito.

Napairap na lang si Raffaella, "Ang sabi ko ay maganda ako! Tsss... D'yan ka na nga! Mano-nose bleed pa ako kaka-english mo, nasa Pilipinas ka naman... Kaloka!" ismir niya rito at walang sabi-sabing tinalikuran ang binata.

Kahit naguguluhan ay mabilis dagling hinabol ni Lucas ang dalaga, saka ito hinawakan sa braso, "Bella, wait!" pagpipigil ng binata, dahilan para walang gana siyang lingunin nito.

Inis na tiningnan ni Raffaella ang kamay nito na nakahawak sa kanyang braso sabay sabing, "Hindi tayo close, kaya 'wag mo akong hawakan... Gets mo?" pagtataray niya rito saka nag-flip ng buhok at nagpatuloy muli sa kanyang paglalakad para puntahan si Mamu Penny.

Nakakailang hakbang pa lamang ang dalaga nang biglang harangin ito ni Lucas, "Forgive me Bella, I'm begging you..." pagmamakaawa nito.

Sandaling tiningnan ito ni Raffaella at nakita naman niya ang sinseridad sa pagsambit ni Lucas sa mga katagang iyon. Naisip niya na hindi naman talaga siya naapektuhan sa nagawa nito.

Sa katunayan ay may parte sa kanyang sarili ang nagsasabing dapat pa niyang ikatuwa ang ginawa ni Deo, dahil nagkaroon sila nang pagkakaton ni Lucas na makapag-usap ng ganoon katagal.

Masyado lang siyang nagpapakipot at nagpi-feeling, dahil gusto niya na sinusuyo-suyo siya ng binata...

In short, pabebe ang Ate niyo.

"Bumawi ka..." biglang sambit niya kay Lucas.

"Sure!" mabilis naman tugon ng binata. "Anything, I'm willing to make up to you, for all the hindrance that I've done to you." biglang sumilay ang kislap sa mga mata ni Lucas nang sambitin niya ang mga sinserong salitang iyon.

Halos pigil naman ang tuwa sa kaloob-looban ni Raffaella dahil sa kagustuhan nito na makabawi sa kanya, "Sige, hatid mo kami ni Mamu Penny sa bahay. Magmadali..." saad nito bago mabilis na pumalakpak, na aakalain mo ay isa niyang alalay ang binata.

Dala nang pagkabigla ay dagling napatalikod si Lucas at nagmamadaling binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan. Ngunit nang balingan niya ang kinatatayuan ng dalaga, ay nakangisi lang itong nakatingin sa kanya na animo'y nakakaloko habang ang mga braso ay nakahalukipkip.

"Let's go..." anyaya pa ni Lucas dito.

"Ayaw!" sagot lang ni Raffaella at bahagya pang umiiling na parang bata.

"I-I thought you wanted me to..." hindi na natapos ni Lucas ang kanyang sasabihin, nang mapagtantong naisahan siya nito sa pagkakataong iyon. "Shīt!" isang mura ang kumawala sa kanyang lalamunan at mariing napapikit na lang dahil sa mabilis na ganti sa kanya ng tadhana.

"Anong tingin mo sa akin, uto-uto... Masyadong high-tech na talaga ang karma!" pang-aasar nito sa binata. "Sorry Lucas, betterluck next time! Hahaha!" humahalakhak na sambit ni Raffaella bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

Tulalang nakatanaw na lang si Lucas sa dalaga, na ngayon ay papasok na nang Mall. Hindi niya akalain na madadala siya nang ganoon sa pang-aapura nito at ura-urada siyang maiisahan ni Raffaella nang wala man lang kahirap-hirap.

Napasuklay na lang ng kanyang buhok si Lucas at segundo lang ang lumipas nang sumilay ay isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Ngayon ay para siyang nawala sa kanyang katinuan at diretsong nakatingin lamang sa direksyon na tinahak ng dalaga.

"You're the only person with the ability to make me smile without even trying, Bella. " napapailing niyang saad sa hangin bago tuluyang pumasok na rin sa kanyang sasakyan.



*****

Hahaha! Naisahan si Elevator Man. 😂 Ika nga sa kanta, "Karma is a bītch, Lucas" 😁✌️

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top