☞ Tutorial #05 - Rendering in PicsArt

Simplehan lang muna natin. This is . . .

How to Render Picture

What is render? Ito ay iyong ang isang bagay or center of attraction (ay wow, lol) ng picture ay vinivisible. Like iyong bola ay gusto mo siya nalang at imanip mo sa ibang picture so you'll change it to render or PNG. Erasing backgrounds, ganern.

Let's proceed 😊💖

- Step #1 -

Open PicsArt. Go to edit, at click mo ang picture na gusto mong e-render. After you click it tapos lalabas na sa PicsArt, punta ka naman sa draw.

- Step #2 -

Pag nasa draw ka na, makikita mo sa ibaba iyong eraser tool. Mukha talaga siyang eraser so 'di ka mahihirapang hanapin ito. Piliin mo ang first brush iyong pinaka-unang circle. Ikaw na bahala sa size ng brush basta kung saan ka komportable mag-erase. Malaki ba or maliit o di kaya'y tama lang.

Pagkatapos, click mo iyong nasa pinaka right side na tool. Tapos lalabas iyong mga layers at iba pa, opacity, etc. Click mo iyong layer kung saan nakapaloob ang picture na ine-edit mo.


- Step #3 -

Then, proceed ka na sa erasing part. E-erase mo iyong background ng gusto mong e-render. Example ko si bwi mah labs. Pft haha. So yeh. Pwede mo siyang i zoom-in para mas malinaw ang e-erase mo na parte, by clicking the screen with two fingers tapos galaw galawin mo lang hanggang sa mag zoom-in/zoom-out ito.

Kung ma-mali ka naman, may undo at redo sa ibabaw na parte. Iyong may dalawang arrow na nag cu-curve, pwede mo siyang gamitin. :))

- Last Step -

Pag sure ka ng nabura na lahat ng background nito (siguraduhin mo talaga at ireview ulit), click check tapos discard. Lalabas ulit ito sa main menu ng PicsArt na wala ng background at naiwan iyong na render mo, saka mo ito e-save.

And . . . that's it!! You're done. Pwede mo na siyang gamitin sa iba't ibang background na gusto mong ilagay dito. Parang iyong ginawa ko sa Tutorial #01 :">


Note: You can apply this kung ang render/png na hinahanap mo sa google ay walang lalabas. Kunyari iyang pic ng asawa ko pfft (iyong original pic) gusto mo siya ilagay na pang cover kaso walang lalabas na png niyan sa google, so mag tiyaga ka nalang na ikaw gagawa ng render nito. Then ayon! 😊💖

~~~~~*~~~~~

Again, I hope this can help you! And if yes, I'll be glad, inspired and happy. :"D

And if you have more requests, please comment it on request tutorial part para magka-idea pa ako sa ipo-post ko sa susunod. So yeh. Mwa❣😚

S H A I ♡

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top