PART FIVE
Sa mga sumunod na araw, kapansin-pansin ang pagbabago ni Jarred kay Leigh Anne.
"By the way, salamat sa hardwork. So far, maganda ang feedback ni boss tungkol sa proposal natin. Hindi ko magagawa 'yon kung wala ka. And lately, napansin ko rin na madalas kang mag-render ng oras para tapusin ang pinagagawa ko. I'm sorry if you feel overwhelmed with tasks. Baguhan ka pa lang at dapat hindi kita binigla."
Leigh Anne didn't get why Jarred is apologizing to her. "Sir, tatanggalin mo na ba ako bilang assistant?"
"Ano?" Natawa si Jarred. Alam niyang naninibago si Leigh Anne sa pakikitungo niya pero gusto lang naman niyang bumawi. He appreciated Leigh Anne's hard work since day 1, at hindi naman siya naba-bother kung hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin ito sa kanya. Sa tingin niya ay wala na, kahit minsan hindi nagawa ni Leigh Anne na magpapansin o magpakita ng motibo. As far as he knows, Leigh Anne came only for work, she's timid and has no friends.
"Bakit kita tatanggalin? Nag-improve ka naman, kaya mag-i-stay ka bilang assistant ko," Jarred replied with a grin on his face.
"Salamat. Akala ko lang talaga," tensyonadong sagot ni Leigh Anne. Halata pa sa boses nito ang kabang bumalot sa kanya na dapat hindi ipahalata kay Jarred.
Hangga't sa sumapit na naman ang oras ng uwian pero hindi pa rin natatapos ni Leigh Anne ang ibang filings na dapat ayusin sa mesa ni Jarred. Dahil sa pagka-busy, hindi niya namalayang nakamasid pa pala ito at hindi pa nag-a-out.
"Bukas na lang 'yan. Umuwi ka na," untag ni Jarred. Mabilis namang nilingon ni Leigh Anne ang lalaki.
"Sir, okay lang po ito, hindi naman ako aabutin ng isang oras. Ako na lang ang magpapatay ng ilaw dito," katwiran naman ni Leigh Anne.
"Okay, ikaw ang bahala. See you tomorrow," sagot ni Jarred at kinuha ang bag na nakapatong sa swivel chair niya. Palabas na sana siya sa office pero bigla siyang may naalala, na dapat niyang itanong kay Leigh Anne. Baka kasi hindi siya makatulog, if he failed to speak up.
"May itatanong nga pala ako," biglang bulalas ni Jarred.
Kusa tuloy na bumitaw sa pagkakahawak sa mga papel si Leigh Anne. "Ano ba 'yon Sir?"
Jarred cleared his throat. "Galit ka pa rin ba sa'kin hanggang ngayon?"
"Sir?" untag ni Leigh Anne sa tanong ng boss. Kunwari'y wala siyang kaalam-alam sa tanong ni Jarred. Bakit kaya nito naisip na may galit siya? Dahil lang ba sa hindi siya nito nagustuhan? Parang napakababaw namang dahilan noon. Eh sa totoo lang, si Jarred pa nga ang dapat na magalit sa kanya dahil sa pagka-pull out nito sa national quiz competition.
"Ah, nothing Leigh Anne. Should I call you by your nickname na lang?" Jarred diverted the topic just to avoid sudden awkwardness between them.
"L.A na lang, as in L-A," tugon ni Leigh Anne at muling itinuon ang mga mata sa mga papel na nagsiliparan sa office. She acted like she didn't feel nervous while talking to him.
"Or should I call you Lala?" nakangiting tanong pa ni Jarred.
Ikinagulat niya ang suggestion ng boss. Si Jarred pa talaga ang nagbigay ng nickname. That was unexpected. Feeling niya tuloy ay isa siyang espesyal na babae rito.
"Lala? Okay. Pero masyado bang mahaba ang pangalan ko kaya mo ako bibigyan ng nickname?" tanong pa ni Leigh Anne.
"No, in fact— I like your name. Bagay sa'yo, maganda," walang halong pagsisinungaling na komento ni Jarred. Bukod sa pangalang maganda, pati ang nagdadala nito ay maganda naman talaga. In fairness naman kay Leigh Anne, ang laki na rin ng improvement ng itsura nito. Her body is in good shape too. He shrugged, baka masobrahan na siya sa kakatingin sa assistant dahil sa paghanga sa physical features nito. Bakit ba siya nagkakagano'n?
"Okay Lala, uuwi na ako. See you tomorrow," paalam ni Jarred.
Biglang isinara ni Leigh Anne ang pinto ng opisina matapos niyang makumpirma na nakalayo na ang boss niya. Kinapa niya ang kaliwang dibdib, napalakas ng tibok nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top