CHAPTER 35
Chapter 35
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi na rin ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip sa mga nangyari kahapon. Everything was too sudden. Ang hirap tanggapin na naging gano'n agad ang trato sa akin ni Ishi.
Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Lolo na aalis ako ngayong araw. Alam kong aalamin niya pa kung saan ako pupunta kung magpaalam pa ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kay Papa dahil siguradong pipigilan niya ako.
Ilang minuto rin akong naghintay sa labas ng bahay, bago ko pa natanaw ang kotse ni Ishi na papalapit na sa bahay namin. Nang nasa tapat na siya ng bahay ay hindi siya bumaba ng kotse, kaya ako nalang ang lumapit.
"Get in." he said with his cold and deep voice.
Natigilan ako pero mabilis ring sumunod sa sinabi niya. Naupo ako sa una at hindi maiwasang hindi mailang. Gusto kong itanong kung nasaan mismo si Papa pero hindi ko magaya dahil sa malamig na tingin niya sa akin. Nakakapanibago. Kailan ko kaya ulit makikita ang masungit pero malambing niyang mukha? Kailan niya kaya ulit ako lalambingin?
He start maneuvering the car with his cold stares on the road. Napahinga ako ng malalim at nilaro nalang ang mga daliri sa kamay bago nag-iwas ng tingin.
Kung alam ko lang na ang punta namin na 'yon sa canteen ang huli, sana hindi nalang kami pumunta. Sana hindi nalang ako nag-lunch nang araw na 'yon.
Pareho kaming tahimik sa biyahe. Kung normal parin siguro ang lahat, baka kanina ko pa siyang inaasar, baka kanina pa siyang asar.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga at panay din ang tuktok ng daliri niya sa manibela, na para bang hindi siya mapakali.
Sa katabing bintana ko nalang pinanatili ang tingin ko. Doon ko lang din napansin na puntang Maynila na ang dinaraanan namin. Marami na kaming buildings at mga bahay na naraanan pero hindi parin humihinto ang pagmamaneho niya. I don't have any idea where my father is. Ni hindi ko rin alam kung taga saan ang pamilya niya. Yes, wala akong alam. Tatay ko siya pero ni Lolo at Lola ko sa side niya ay hindi ko kilala.
Wala naman siyang kinukwento sakin noon dahil hindi naman kami masyadong lapit sa isa't isa. At isa pa, basta nalang siyang umalis noon na walang paalam.
Napansin ko na papunta na sa Manila City jail ang daan namin. Bakit naman kami mapupunta dito? Hindi na ako nakapagpigil at napalingon na sa kanya.
"I-Ishi, akala ko ba dadalhin mo 'ko kay Papa?" nagtataka akong napatingin sa daan. "Bakit dito?"
Wala akong nakuhang sagot. Halos kita ko ang agresibong paggalaw ng panga niya at ang kanyang mas tumalim na mga mata, nakikita ko doon ang galit. Pero bakit? May dahilan ba para magalit siya?
Litong-lito ako nang walang imik siyang lumabas ng kotse nang nasa tapat na kami ng City jail. Mabilis akong bumaba sa kotse para pumunta sa tabi niya.
"Ishi, wala naman dito si Papa e. Bakit tayo nandito? K-Kulungan 'to... Hindi naman kriminal si Papa...imposible." halos pumiyok na ako sa pagsasalita.
He ignored me. Sa halip ay nagsimula na siyang maglakad papasok sa presinto. Sumunod ako sa kanya na puno ng pagtataka. Bigla akong kinabahan nang makita ang ilang pulis sa loob.
Tumigil siya sa harap ng table ng isang pulis. Ngumiti naman ang pulis sa kanya na mukhang kilala na agad siya.
"Mister Takashi," bati niya pa kay Ishi.
"Yung ipinapahanda ko sa'yo kahapon."
May inilabas ang pulis na brown envelope at inabot kay Ishi. "Nand'yan na ang lahat ng documents about the case."
Napatingin ako kay Ishi na ngayon ay mahigpit ang hawak sa envelope. His jaw clenched, at isa 'yon sa senyales kapag galit siya. Gusto kong umiyak sa di malamang dahilan.
Ni wala akong ideya kung bakit kami andito. Sinundan ko lang ang lakad niya sa kabila ng nanginginig ko ng mga tuhod. Meron ulit isang pulis na sumalubong sa amin nang magpunta kami sa visitors area. Isang tingin lang ng pulis sa kanya ay parang nakuha agad nila ang dahilan kung bakit ito nandito.
"Ilabas si Vasquez, nandito ang unico hijo ni Mister Takashi."
Nanlamig ako sa kinatatayuan dahil sa apelyedong binanggit ng pulis. This can't be. Hindi. Mali ito.
"I-Ishi...umalis na tayo dito.." nanginginig akong humawak sa braso niya. "Please, n-natatakot ako dito..ayoko sa lugar na 'to.."
My voice broke while begging but he just ignored me. Parang walang naririnig.
Lumabas kasama ng isang pulis..ang lalaking matagal ko ng hinahanap. Nakasuot ng orange na damit at malaki ang pinagbago ng katawan.
"P-Pa.." hindi ako makapaniwala. Maraming tanong ang gusto kong itanong sa kanya pero mukhang mas madadagdagan ngayon. Bakit siya nandito? Anong kasalanan ang ginawa niya?
Natulala siya sa akin na parang hindi rin makapaniwala sa nakikita. Nawala lang ang tingin namin sa isa't isa nang pahagis na inilagay ni Ishi ang envelope sa table na nasa pagitan namin.
His jaw moved very aggressive. I hold his arms even tighter, kahit halatang ayaw na niya sa akin. Gusto ko parin na andito siya. Kapag galit siya, gusto ko parin siyang pakalmahin, kagaya ng dati.
"That's the copies of your case, ipaliwanag mo 'yan lahat sa kanya. Tell her everything. Tell her how bullshit you are!" matalim na tumitig si Ishi kay Papa matapos iyong sabihin.
He tried to remove my hand on his arm but I hold him even tighter. "Ishi, 'wag kang aalis."
Nakita ko ang mas lalong pag-igting ng panga niya at matalim na titig din ang ibinigay niya sa akin.
"Let me go." he said with his deep cold voice. Napailing-iling ako.
"B-Bakit ba ganyan ka sakin? H-Huh? Ishi, ako 'to, si C-Cemie! Bakit ba parang hindi mo na 'ko kilala?" may luhang tumakas mula sa mga mata ko.
Natigilan siya at napatitig sa akin. His reaction suddenly softened a bit, I was about to smile but it disappeared...when I felt his hand holding mine, and slowly removing it on his arm. Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko nang mailayo niya ako sa kanya. Unti-unti siyang tumalikod sa akin at walang salita na naglakad palayo.
Iniwan niya ako.
Pinahid ko ang luhang sunod-sunod na pumatak sa pisngi ko habang nakatingin sa paglayo niya. Napalinga ako sa paligid. Ayoko sa lugar na 'to.
"A-Anak...Cemie,"
Mas lalo akong naiyak nang marinig ang boses na iyon mula sa likuran ko. Ilang taon ko na iyong hindi naririnig, at hindi ko inaasahang sa lugar na ito ko muling maririnig iyon.
Kagaya ni Mama, iniwan niya din ako. Nagpakalayo siya na parang wala siyang anak tapos dito ko pa siya matatagpuan?
Muli akong humarap sa kanya at akmang yayakapin niya pa ako ay hindi ko na siya hinayaan na magawa pa. Nagpunta ako sa may table at binuksan ang envelope na iniwan ni Ishi. Hindi huminto sa pagtulo ang mga luha ko.
Isa-isa kong binuklat ang mga papel na laman ng envelope at binasa ang ilan. Nakasulat dito ang kaso niya. At para akong nagyelo nang makita ang pangalan ng nag-file ng kaso sa kanya.
Takashi..
I muttered a curse while reading the other papers.
Rape. Murder.
Para akong nanghina dahil sa mga nakalagay sa papel. Ayokong maniwala pero tangina. Bakit...
"P-Pa, g-ginawa mo ba talaga 'to?" halos bulong ko ng tanong. Nakatingin lang siya sa mga papel na hawak ko. "Y-Yung murdered case mo...s-sino?"
I remembered what Ishi said before. Pero ang sakit paniwalaan na si Papa...
Hindi siya sumagot. Mapait akong napatawa habang umiiyak sa harap niya.
"Eh 'yong ni-rape mo Pa? S-Sino?"
I knew the answer. Damn fuck! Nabasa ko na! Pero gusto kong sagutin niya ang tanong ko. It's Shira Gonzaga Takashi!
"Magsalita ka! B-Bakit? Bakit mo nagawa 'to?!" I screamed on his face. Wala na akong pakialam sa mga nakakarinig sa amin.
"Pinagsisisihan ko na ang lahat. Maniwala ka. H-Hindi ko sinasadya, anak." he pleaded. "Cemie, makinig ka ha? Ipapaliwanag ni Papa ang lahat."
Halos makuyom ko ang hawak kong mga papel. I did not answer him. Nanatili akong nakatayo at galit na nakatingin sa kanya. Hindi ko matanggap ang ginawa niyang pag-iwan sa akin, pero mas hindi ko matatanggap ay itong nalaman ko.
He's moving his hands like he want to hold me, but I won't let him.
"N-Noong umalis ako sa bahay, dito ako nagpunta sa Maynila para hanapin si S-Shira. A-Anak siya ang mahal ko, hindi ang Mama mo. N-Nang mahanap ko siya dito, nalaman ko na may pamilya na pala siya. Pero alam mo naman kapag mahal mo ang isang tao diba? Gagawa ka ng paraan para makuha ulit siya. Hindi lang naging maganda ang tadhana sakin dahil sa maling direksyon ako dinala. Pinilit ko noon na sumama sakin si Shira, kasama niya ang dalawang buwan niyang anak. A-At..." he paused.
I sighed. "A-Ang sama mo. Ang sama mo para idamay pati ang inosenteng bata! Pa! H-Hindi rason 'yang pagmamahal sa paggawa ng mali! Alam mo, h-hinanap kita nang halos ilang taon! Tapos ito ang matatagpuan ko? Alam mo ba kung bakit kita hinanap? Dahil gusto kong itanong sayo kung bakit mo 'ko iniwan! Kung bakit hinayaan mo rin na masira ang pamilya natin! Ngayon alam ko na ang sagot, ito! D-Dahil d'yan sa kahibangan mo sa babae, naging kriminal ka pa! Sana hindi nalang kita hinanap. P-Pare-pareho lang kayo."
"H-Hindi ko sinasadya, anak. Patawarin mo 'ko."
Umiling ako. I cried and throw the papers on him. "H-Hindi mo alam kung gaano kasakit sakin niyang ginawa mo! Tangina, Pa. B-Bakit kailangang sila pa?"
Ngayon, alam ko na ang lahat. Alam ko na kung bakit una palang alam na ni Ishi kung nasaan si Papa. Alam ko na kung bakit ayaw niyang banggitin kay Lolo ang apelyedo niya. Kaya pala ni minsan hindi siya nagkwento sakin ng about sa magulang niya. Kaya pala marami ang nagsasabi sakin na kilalanin ko muna siya. Ito pala, ito pala ang ibig sabihin kung bakit dapat kitang iwasan. Ito pala ang rason kung bakit galit na galit ka pati sakin ngayon. Ito pala ang totoong ikaw, Ishi.
Muli akong tumingin kay Papa na tahimik lang na umiiyak.
"H-Hindi ko na alam kung k-kaya ko pa kayong kilalanin...You've done enough, Pa. S-Sobra sobrang kasalanan na 'to..."
Umalis na ako sa presento at nagtatakbo ng palabas habang umiiyak. Sobra-sobra na ang nararamdaman kong sakit. I held my phone and send him a message.
Me:
nasan ka?
Alam kong hindi pa siya umaalis. Hinintay ko ang reply niya at ilang minuto ang nakalipas ay nag-reply na siya.
Hapones:
Park.
Tinuyo ko ang luha sa pisngi ko at naglakad papunta sa malapit na park dito. Hindi ko alam kung kaya ko pang humarap sa kanya. I can feel the pain tugging inside my chest.
Swerte na walang tao sa park nang makarating ako. Natanaw ko siya sa may tabi ng fountain at nakatalikod sa gawi ko. My knees were trembling. Kinakabahan ako habang papalapit sa kanya.
I gasped before I call him. "Ishi..."
He looked back at me with his cold stares. Nakatitig siya sa akin direkta sa mga mata. Hindi ko alam kung paano niya pa nagagawa iyon sa kabila ng lahat. Nanghihina ako sa tingin niya na parang inilulubog ako sa kinatatayuan ko.
"B-Bakit...hindi mo sinabi sakin? Bakit wala kang sinabi sakin tungkol dito?" ilang buwan rin halos ang naging deal namin na iyon. Umabot pa nga sa puntong natutunan ko na siyang mahalin e. Pero bakit hindi niya sinabi sakin ang tungkol dito? Bakit kailangan niyang isikreto?
"May balak ka bang s-sabihin sakin 'to? O ipaalam man lang?"
Nanatili lang siyang walang imik at walang emosyong nakatitig sa akin. Parang balewala lang sa kanya kahit umiiyak ako sa harap niya. Nasaan na ang Ishi na ayaw akong masaktan? Kailangan ko siya ngayon.
"S-Sinadya mo bang ilihim sakin ang lahat ng ito?" hindi parin siya sumasagot. "Kaya ba ako ang ginamit mo para pagselosin si Aria? Dahil alam mong anak ako ng lalaking 'yon?" pinahid ko ang luha sa pisngi ko at napapadyak na sa inis. "Ishi! Sagutin mo 'ko! Sinadya mo ba lahat? A-Ano ba talaga ang totoong plano mo?!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang nakakaloko niyang singhal. He smirked and lick his lower lip. Humakbang siya papalapit sa akin at ramdam ko ang pangingilabot dahil sa naging reaksyon niya.
Parang ibang tao ang nasa harap ko. Deretso ang titig niya sa mga mata ko.
"Do you really want to know the real plan? Hm? Cemie?"
He sighed and tilted his head. Walang hinto sa pagtulo ang mga luha ko. My breathing was becoming heavy every passing second. I want to calm my heart, but I can't. Para akong nilulunod sa sakit dahil sa malamig niyang titig.
"That's making you fall in love with me....and leave you ruined..." he breathe. "Like how your father ruined my mom's life, our family!"
Naramdaman ko ang sakit na unti-unting lumalatay sa katawan ko. Ayokong maniwala. Umiling-iling ako sa kanya.
"I-Ishi, hindi. N-Nagbibiro ka lang diba?"
Ngumisi siya sa akin pagkuyan ay kumunot ang noo. "Bakit naman ako makikipagbiruan sayo? This is the real plan, Cessiana Marie. This is the real plan you're asking." Mas lumapit siya sa akin. "Ginamit kita.."
Mas lalo akong napaiyak.
"Pinaglaruan."
Napayuko ako. What did I do? Anong ginawa ko para makarinig ng ganito?
"Pinaibig."
"S-Stop...Ishi. 'Wag ka naman ganyan!" tumingala ako sa kanya na puno ng luha ang mukha. Humawak ako sa damit niya. He's just staring at me. I can't see any reaction on his face. Wala na talaga siyang pakialam sa akin. "Anong..n-nagawa ko sayo para sakin mo ibuhos...l-lahat ng galit mo? Alam kong tatay ko 'yong dahilan kaya ka nagkakaganyan.." I cried harder. "...pero p-potangina naman, Ishi. Bakit parang sakin mo sinisisi ang lahat?!"
Huminga siya ng malalim at tiim bagang nagtapon ng tingin sa akin.
"That's it. That's it, Cemie. Galit na galit ako sa taong gumawa ng lahat sa pamilya ko. I was really determined to fucking ruined his life. Hinding hindi magiging sapat sakin na nakakulong lang ang taong...dahilan kung bakit w-wala ang kapatid ko ngayon."
Ngayon lang nagka-emosyon ang boses niya. Puno iyon ng sakit at galit.
Matalim ang titig niya sa akin. "And then you came. Knowing you as the daughter of that man. I used you, thats the least I can do to revenge for my sister. Gusto kong makita ka ng lalaking 'yon na nasasaktan. Gusto kong makita ng lalaking yon na nadudurog at nasasaktan ang tanging taong hiniling niyang maprotektahan nung makulong siya."
I cried even more. Napailing-iling ako at nagulo ang damit niyang hawak ko parin pala. I punched his chest. Sobrang sakit na.
I looked at him only to see his face that pained me even more. Wala na akong mabakas na Ishigara doon. Dahil si Ishigara Ken na kilala ko, nagagalit 'yon, masungit, suplado. Pero kapag nakita na ako at sinimulan ko ng kulitin, biglang lumalambing at umaamo. Ayaw no'n na nasasaktan ako, dahil sabi niya...hindi dapat ako masaktan, as long as I'm with him.
"Y-You've said enough, Ishi. Isa nalang ang...g-gusto kong malaman.."
Bahagya akong lumayo sa kanya. I stared at him for a second. I used my remaining energy to stood up still.
Huling tanong na, Cemie. Isa nalang. You have to leave this place.
"M-Minahal mo ba ako?" I failed to stern my voice.
Nakita ko kung paano siya nabigla sa tanong ko. His eyes were shut in pain. 'Yong kaninang puno ng galit ay napalitan ng takot at sakit. There is something on his eyes like he what to back his words. But you said a lot, you already ruined me enough.
I chuckled bitterly. "Who am I to ask, right? Tanga ko nga naman para itanong pa 'yon sa taong tuwang tuwa na makitang nadudurog at nasasaktan ako." nanlalamig na ang buong katawan ko sa halo-halong emosyon.
Pinaikot niya ako sa planong pagselosin si Aria! Ginamit niya ako para maghiganti! Tama si Miguel. Ang galing niyang magmanipula ng tao.
Bakit ba lahat ng taong minamahal ko ganito lang ang iginagante sakin? Ayoko na. Pagod na ako sa lahat. Punong-puno na ang pagkatao ko ng galit, sakit, at poot sa lahat. Kunti nalang, hindi ko alam kung kakayanin ko pa.
Basang-basa na ang buong mukha ko at ramdam na ramdam ko na ang hapdi na bumabalot sa buong katawan ko.
My tears never stop falling, like how my heart fall apart.
"A-Ang galing mo! Ginawa mo akong tanga na paniwalang paniwala na iba ka sa kanila, but you're just like them!...O-Oo, Ishi. M-Mahal na kita..." I paused. "At pinagsisisihan ko na p-pinaniwalaan ko na mahal mo rin ako!"
Natigilan siya sa sinabi ko at kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Pero wala na siyang magagawa. Sinagad na niya ang pasensya na natitira sa pagkatao ko. Wala na. Pagod na pagod na akong magtiwala sa pagmamahal ng lahat.
I laughed bitterly and slowly moved closer to him. "C-Congrats, dream come true. Ang galing mo e. Ang galing-galing mo at napaniwala mo ako sa lahat!" wala na akong pakialam kung hindi mo na ako nakikilala ngayon, dahil hindi na rin kita kilala.
Gamit ang nag-iinit at nanginginig kong palad ay isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa pisngi niya. Alam kong nasaktan siya dahil doon pero wala siyang ipinakitang reaksyon. Sabagay, d'yan siya magaling e. Sa pagtatago, sa pagkukunwari.
"I hope you're happy now, Ishi."
I left him after that. Hinayaan ko ang mga paa ko kung saan ako dalhin nito. Para akong nawalan ng buhay. Parang gumuho ang kalahati ng pagkatao ko. Walang tigil sa pag-agos ang luha ko dahil sa sobrang sakit at bigat na ng loob ko.
Ang tanga-tanga ko. Naniwala ako sa kanya, hinayaan ko na namang mawasak ang pagkatao ko. Ito ba talaga ang kapalit ng pagmamahal ko? Lahat sila sakit lang ang iginaganti sakin.
Hindi ko na pinansin ang mga nakatingin sa akin na kasabay ko sa biyahe pabalik. I feel drained.
Ilang oras din ang naging biyahe pabalik dahil jeep ang sinakyan ko. Nanghihina akong pumasok sa bahay at pagkabukas ko palang ng pintuan ay muli akong natigilan nang makita ang kausap ni Lolo sa may salas.
"Tay, tingin mo ba mapapatawad na ako ng anak ko? Ni Cemie? Tingin mo ba sasama na siya sa akin?"
"Wala sa akin ang sagot sa tanong na iyan, Carla. Mas mabuti kong hintayin mo nalang na maghilom ang sama ng loob ng anak mo."
"Pero Tay, nagbago na naman ako e. Kaya ko na nga siyang pag-aralin e, kaya ko na siyang buhayin. Diba? 'Yon ba Tay pera na ibinibigay ko sayo, tinatanggap niya ba? Pati 'yung mga gamit niya sa school?"
"Oo, natatanggap niya iyon."
Mapait akong napangisi. So, pati si Lolo pinapaikot ako? Akala ko ba ay maayos ang usapan namin na wala kami ni piso na tatanggapin mula sa kanya? Bakit ganito ang naririnig ko ngayon?
Tangina, bakit ngayong araw pa sumabay 'to?
Naramdaman na yata nila ang presensya ko kaya pareho silang napatayo at napatingin sa akin.
"A-Anak...kanina ka pa ba d'yan?" kabadong tanong ni Mama.
Wala akong isinagot at naglakad na lang palapit sa kwarto ko. I bit my lower lip to stifle my sobs. Nakahawak palang ako sa doorknob para pumasok sa kwarto nang marinig ang nakikiusap na tawag ni Lolo.
"Apo..."
Napahinga ako ng malalim bago taas noong tumingin sa kanila.
"S-Sorry, Lo. Pwedeng 'wag muna ngayon? Pagod ho ako e.." a tear fell from my eye. "..sa lahat.."
__
cessias
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top