CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER THIRTEEN
KRISTINE'S POV
"Yes, yes! We'll get this and that. Wait, how about the blue one? Oh my, I can't pick! They're all pretty! I'll get them all. Jorge, just take the shopping bags to my car and then meet us at Chanel."
Kanina pa ako nababaliw rito sa pinsan ni Jairo. Wala akong narinig kundi buy this, buy that, I'll get this, I'll get that.
"Oh! I'll get this! Let's go in!" At eto na naman ako, hatak-hatak ni Ayel papasok ng Prada.
Nung una, halos lumuwa ang mga mata ko at dumugo ang mga tenga ko habang pinapakinggan at tinitingnan ang mga presyo ng mga damit sa bawat stall. Nakapasok na rin kami sa Ralph Lauren, Gucci, Louis Vuitton, at Burberry. At jusmiyo marimar! Kemahal-mahal ng mga presyo ng mga damit, bags, shades, shoes, and even belts and other accessories! I cannot!
As usual, maglalakad lang ako sa boutique tapos titingnan yung presyo tapos kapag sobrang mamahal na ng nakikita ko, uupo na lang ako, pero this time may nakakuha ng atensyon ko.
It was a red casual dress. Hindi ako fashionista kaya hindi ko ganoon ma-describe ang damit. Basta maganda 'yun sa paningin ko.
"What's your size?" narinig kong tanong ni Ayel sa akin, kaya naman nawala sa bestida and atensyon ko.
"Ha? Umm... Medium po." Medyo alanganin pa ako kung sasagutin ko o hindi eh.
"Okay okay. I'm already done. Wanna go to the next one?" Natawa naman ako nang makakita ng excitement sa mukha niya.
"Sige ba," sagot ko na lang. May kinausap muna siya sa cashier bago ako hinatak palabas ng boutique.
"Last boutique before we eat dinner, hmm?"
"Eh? Wala akong pambayad—"
"Hush! I told you that today's expenses are all on me. Shopping makes me feel better and I want you to feel better." At muli akong natuwa slash natawa sa sinabi ni Ayel.
"Sige sige. Pero sa susunod na may panlibre na ako, ililibre naman kita ha?"
"Okay okay! So, let's go!" Excited na namang hinatak ako ni Ayel papunta sa last boutique raw.
Amporkchop! Chanel naman!
Ang gaganda ng mga sapatos at bag nila! Unang-unang nakakuha ng atensyon ko eh yung sling bag na kulay puti at yung sling naman niya ay color gold na chains.
Sumunod yung kulay puti na heels. Simple lang siya at hindi ganoon kataas ang heels pero ang ganda talaga.
"What's your shoe size, Kristine?"
"Umm... Thirty-seven po."
"Oohh! We're the same!" Ayel squealed before getting back to buying her clothes.
May ipinakita sa akin si Ayel na pinaka-nagustuhan daw niya. A leopard-print na dress. Short sleeves and may isang slit simula sa kalahati ng hita pababa.
After fifteen minutes, I guess, Ayel pulled me towards the House of Versace‽ Akala ko sa restaurant na.
"I'm sorry, Kristine. I just really wanna buy something here. Anyways, feel free to choose anything you want," sabi ni Ayel sa akin.
Hindi naman ako magpapabili ng kahit ano eh.
Nag-ikot ako at napatigil sa sunglasses. Tumingin ako nang tumingin hanggang sa tumigil ang mga mata ko sa isang shades na panlalake ata.
"Hi, Ma'am! Were you looking at this?" Kinuha nung sales lady yung salaming tinitingnan ko. "This is for men, Ma'am. This would be a great gift for your boyfriend—"
"Ahh ehh... wala naman po akong boyfriend."
"Sa ganda mong 'yan, Ma'am, imposible pong walang nagkakagusto sa inyo. But if you're honest about not having a boyfriend then at least the guy you treasure po."
Instead of thinking of Chad katulad ng nakasanayan, iba na naman ang pumasok sa isip ko.
That'll be perfect for Jairo. W-Well, ano kasi... like... that might be a perfect thank you gift para sa pag-aalaga niya sa akin.
"M-Magkano po 'yan?" tanong ko na may kasamang pag-aalala.
"It's really cheap, Ma'am. It costs Php 13, 129.56."
C-Cheap‽ 'Yan na yung cheap‽
"A gift for who? That looks good," biglang sulpot ni Ayel sa tabi ko.
"Ahh eh. Wala, napatingin lang."
"To whom would you give that?"
"No one. Don't mind it."
"Nah!" Tumingin si Ayel sa babaeng naga-aassist sa akin kanina. "I'll take that. Here's my card."
Nang maiprocess ang binili, binigay ni Ayel sa akin yung sunglasses, na may box syempre.
"Ayel, this is expensive!" 'di ko napigilan magreact.
"Oh really? I didn't know. But well, it's yours now. So give it to your special someone."
"H-Hindi ko matatanggap 'to, Ayel—"
"Fine, if you want you can pay me for that, through installment. Hmm? Would you want that better?"
Pinag-isipan ko yun nang mabuti. Mukhang kailangan ko nang ituloy 'yung plano ko para makapagbayad.
"Sige sige... Every month ang bayad."
"Game, it's a deal. Don't worry, I won't pressure you. Now, let's go eat!"
Hinatak na naman ako ni Ayel papasok sa Tsukiji, a Japanese Restaurant.
Woah! For the first time, makakatikim ako ng Japanese foods!
Nang makaupo kami, agad kaming binigyan ng menu at namili ng pagkain. Well, si Ayel lang talaga yung namimili, 'di ko alam yung iba maliban sa sushi na nababasa ko sa libro eh.
"Is this your first time?" tanong ni Ayel sa akin nang maka-alis yung waiter.
Nahihiya naman akong natawa. "Oo eh..."
Napatango naman si Ayel. Kakausapin pa sana niya ako nang biglang mag-ring ang phone niya. "Excuse me, I'll take this call." Ngumiti naman ako saka nilibot ang mga mata ko sa restaurant, pero ang tenga ko ay na kay Ayel at sa kausap niya sa phone. "She's fine, godd*mmit! Don't shout at me assh*le!" Napapatingin sa kanya yung ibang kumakain pero wala siyang pakealam. "We're at the mall dimwit!—We're shopping, so what?—We're about to go home—What the‽—Fine, fine, whatever!" Saka niya pinatay yung tawag at tumingin sa akin. "That was that idiot cousin of mine. Anyways, tell me about yourself."
Naguguluhan ako sa mood changes nito ni Ayel. Kapag si Jairo ang kausap, galit na galit tapos kapag sa akin, mabait. Welp! Mas okay na na mabait siya sa akin. Hehe.
"Umm... Bale sa probinsya ako pinanganak at lumaki. My father works abroad while my mom works at the wet market in our province. Tatlo kaming magkakapatid, tapos ako yung panganay. Grade seven ako nang makarating ng Maynila, naiwan yung nanay at mga kapatid ko sa probinsya tapos tita ko lang ang kasama ko sa bahay." Habang nagk-kwento ako, mataimtim namang nakikinig si Ayel kaya tinuloy ko. "Actually, andami ko talagang 'di pa nata-try sa buhay ko but welp, 'di pa naman ako mamamatay kaya for sure magagawa ko pa 'yun, at kapag nagawa ko na, sisiguraduhin kong kasama ko ang pamilya ko."
Napangiti naman siya sa sinabi ko. "Well, I believe that you will achieve those dreams of yours when the time comes. You're a great woman, Kristine. No wonder, he's head over heels in love with you."
He? who?—oh wait no! I cleared my throat and then I changed the topic. "Umm... How 'bout you?"
"Hmm... Well, I live in Jairo's home 'coz I don't have parents anymore." Ehh‽ "My parents died because of an accident. Since then, I have lived with Jairo's Family. I'm an only daughter and all of my cousins are boys, that's why I wanted to shop with you." Aww... "Well, of course, I also became close with Tita Jen, Jai's mom. But yeah... They're both busy back in the States so I really have no other girls to do shopping with. If you're going to ask about my friends then I'm thinking ahead of you, Tine. I don't feel like having friends. It feels like they only want my money and not my friendship. That's why you're the only girl I'm comfortable with." Napangiti naman ako. Halos parehas pala kami. "So, your turn... How about relationships? boyfriends? Mutual understanding?"
"Ayy hala wala 'no! 'D-Di naman ako nag-iisip about those things eh."
"But do you have someone you have a crush on? Or maybe in love with?"
Agad nanlaki ang mga mata ko. E-Eh‽ "Ahh... Ehh... "
"Ako talaga gusto niyan, ayaw lang umamin." Bigla na lang tumabi ng upo sa akin si—Jairo‽ "'Diba, baby?" Baby amporkchop! "Baby, ba't ka lumabas? Dapat kasi nagpapahinga ka pa rin." Sinamaan ko siya ng tingin at magrereklamo na sana pero dumating na yung pagkain.
Ambango nila! Tapos ang sasarap tingnan!
'Di ko na sila naintindi pagkasabi ni Ayel na kumain na kami. Ang sasarap talaga!
"Kalma lang, baby, baka mabulunan ka." Narinig kong sabi ni Jairo pero 'di ko pa rin siya pinansin. "Pwede naman tayong mag-date nang mag-da—o-oh! Sabi na nga ba mabubulunan ka eh!" Hinimas niya yung likod ko habang inaabutan ako ng tubig.
Amporkchop kasi! "Sino ba kasing nagsabi sayong papayag akong makipagdate sayo? At tantanan mo nga yang kaka-baby mo." Inirapan ko siya, natawa naman si Ayel.
"You actually looked cute together," sabi pa niya.
"Thanks, cuz. I know I'm cute—Ba't ka namamato?"
Inirapan siya ni Ayel. "You're so boastful."
"May ipagmamayabang naman kasi talaga ako. Diba, baby?" Nakatingin na pala siya sa akin pero 'di ko siya pinansin at tinuloy ko ang pagkain ko.
'Wag na 'wag niyang sinisira yung moment ko at ng pagkain.
Hindi na nila ako ginulo after that kaya na-enjoy ko nang maayos ang pagkain. Hay, nabusog ako!
Nang matapos kami kumain, magje-jeep na lang dapat ako pauwi pero hindi pumayag ang magpinsan. Akala ko isasabay na lang ulit ako ni Ayel sa sasakyan niya pero dala ni Jairo ang kanya and he offered service. Ayel agreed with that, so kahit ayoko ay nahiya na lang ako kay Ayel.
"I hope we can do this again. I really enjoyed your company."
"Thank you so much for today and of course, yesterday."
"No worries. 'Til next time, Kristine." At tuluyan na siyang sumakay sa sasakyan niya at umalis.
So, naiwan na naman ako sa porkchop na 'to!
"Tara na, baby Tine."
Sinamaan ko na naman siya ng tingin. "Pwede ba? Tigil-tigilan mo sabi yang kaka-baby eh." Sabay kaming naglakad papunta sa kotse niya.
"Eh anong gusto mo? Babe? Love? Darling? Honeybun? Sweetheart? o baka naman ako ang gusto mo." Ngumisi siya.
Ngumiti naman ako saka sumagot ng "Ikaw."
Halatang natigilan siya. "A-Ano?"
"Sabi ko ikaw. Gusto kitang manahimik na porkchop ka!" Nauna na akong maglakad.
Ilang saglit bago siya naka-habol. "H-Hoy, Tingting! Gusto mo talaga ako 'no? Nadulas ka lang kanina 'no?" pangungulit niya.
"Bakit? May nag-floorwax ba? Ba't ako madudulas? Gusto lang kitang tumigil kadadaldal." 'Di ko siya tiningnan. Napaka-asyumero nito.
"Sus! Tanggi-tanggi pa. Gusto mo naman talaga ako, okay lang naman Tine, gusto rin naman kita. Baka nga mas malala pa sa gusto eh."
Ako naman ang natigilan. M-Mas malalim sa gusto? Napailing ako sa utak ko. Tumigil ka nga, Tine! Remember the potion. Remember the magic. Remember that this is all just because of that spell—of my clumsiness.
"Tara na, hatid na kita." Hinawakan ni Jairo ang kamay ko na pilit ko namang binawi kaagad.
"K-Kaya kong pumunta roon." At saka ulit ako naglakad.
I can't. I can't let him affect me. That's not him. Snap out of it, Tine!
Nang mabuksan ni Jairo ang lock ng kotse, pumasok na ako ng hindi niya kailangan pagbuksan. Spell yan. At dahil sa nakikita kong side ni Jairo na ganito, numinipis ang kadenang ginamit ko sa puso ko. Hindi 'to pwede. Kailangan kong lumayo.
"Hey, fine I'll stop calling you baby if it'll make you angrier than you already are."
Gusto ko sabihin sa kanyang hindi naman talaga ako galit sa kanya, na naiinis ako sa sarili ko kasi I accidentally said his name rather than Chad's, and that was my most stupid mistake so far.
Naiinis ako kasi bakit sa lahat ng tao sa mundo, pangalan pa talaga niya ang nasabi ko.
Naiinis ako kasi naaapektuhan ako sa sweet and caring gestures niya.
Naiinis ako kasi may possibility na makapasok siya sa puso ko.
Naiinis ako kasi baka gusto ko na siya.
"Kristine... Talk to me please..." narinig ko naman sabi ni Jairo.
But I need to avoid you... "Jairo, bakit ako?"
"Nasagot ko na 'yan noon."
"Pero paano kung hindi naman totoo 'yang nararamdaman mo?"
Dumilim ang mukha niya. "Kristine, don't pretend as if you feel how I feel. We all know na matalino at magaling ka, pero pagdating naman sa feelings ng ibang tao, 'wag kang magmagaling." Saka siya nanahimik.
But I do know why you're feeling like that...
Andami kong gustong sabihin sa kanya pero 'di ko magawa.
Bakit nga ba 'di ko magawa? Hayst naman eh!
Buong byahe ay pareho kaming tahimik, walang nagbalak magbasag ng tahimik na atmosphere sa loob ng kotse.
Para tuloy akong bumalik sa grade seven and eight, kung saan ang kilala kong Jairo ay yung cold na bully.
Hay! Ayoko naman ng ganon.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay nag-alangan ako kung papapasukin ko siya o hindi pero nang lumabas si Tita sa bahay ay agad na nagpaalam si Jairo at umalis na.
Sorry talaga Jairo. It's my fault why you're feeling that. Sana ay hindi ka naiinis sa sinabi ko.
Dahil kung totoo at walang halong spells ang pakikitungo mo sa akin, baka sakaling hinayaan ko ang puso kong mahulog sa ng tuluyan.
Pero hindi talaga... Kasi kapag nahulog ako, alam kong ako yung talo.
Kailangan ko nang mahanap ang antidote ng potion na 'yun.
Kailangan nang mahinto ang nangyayari bago pa ito lumala.
Bago pa kita mahalin ng lubusan.
~•~
KENT'S POV
"I don't like losing and Ryan knows that! Pero anong ginagawa niy‽! Hinahayaan niya lang lagi na matalo kami ng Black Dragons na 'yun! Na akala niya eh hindi kami naaapektuhan katulad niya!" Hindi ko napigilang maglabas ng galit.
Bwisit na bwisit na talaga ako kay Ryan! Akala niya ba hindi mahina ang tingin sa amin ng grupong 'yun, pero nagkakamali siya!
Ang baba baba na ng tingin nila sa amin, palibhasa ayos lang ang pagtanggap ng leader namin ng pagkatalo namin. Pwes ako 'di ko tanggap 'yun!
"Calm down, honey. If your leader doesn't like doing dirty plays, then I'll do it for you. You can have your revenge." Crystal sat on my lap. "You know that I'll do anything to make you happy."
"Then let's make them suffer."
"You know that I have lots of connections, honey. So how about let's target their leader's apple of the eye," suggestion ni Crystal na siyang nakapagpa-isip sa akin.
That could work. Napangiti naman ako. "I need your brother's gang, tell them that they can have their sweet revenge on Black Dragon's leader."
"Consider it done, honey," she said before kissing me.
Humanda ka sa 'kin ngayon, Jairo Guevarra.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top