Chapter 7: Captivated Ever Since

Nagising ako dahil sa sigaw ni mama. Lumabas ako sa kwarto ko at nagpunta sa kusina.

“Bakit, Ma? Ang lakas ng sigaw mo ah.”

“Kain na.”

“Okay,” sabi ko na lang saka naupo na. Kumuha na ako ng kakainin ko.

“Si papa?” tanong ko.

“Nasa greenhouse na.”

“Kumain na ba 'yon?”

“Baka hindi na naman. Alam mo naman ang papa mo, bihara na kumain ng agahan. 'Yong lunch niya ay nagiging breakfast na.”

“Oo nga pala,” sabi ko na lang at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos na kaming kumain ay ako na ang naghugas. Nang magawa ko na ang dapat kong magawa sa kusina ay nagtungo na ako sa kwarto ko. Kumuha ng tuwalya saka damit at nagtungo na ako sa banyo.

Nang matapos akong maligo at mag-ayos ng sarili ay bumalik ako sa kwarto at nahiga. Kinuha ko ang phone kong nakalapag sa table at tinignan kung may text message siya pero wala kaya naman nag-online ako. Bungad ang magkakasunod na messages ni Yuhan.

Yuhan: Good morning beauty!
Yuhan: Kumusta ang tulog mo?
Yuhan: This day is a special day. Masaya ako na nakilala kita.
Yuhan: Happy 1st monthsary cutie! Thank you kasi you love and accept me.
Yuhan: Even if I was busy at times, you choose to understand me...
Yuhan: I can't promise to be with you forever but I promise I would be a best partner to you...
Yuhan: You're different among the girls I love. You're a lady who is a gem to me.
Yuhan: You are not toxic. I see you as a loving and kind person... That made you so charming.
Yuhan: I will never forget this special day...
Yuhan: Even if nasa RPW lang tayo ngayon... Dahil lang sa number na napindot ko ay nakilala kita. We never met personally. I will treasure you and I will always love you...
Yuhan: I love you cutie❤

Nag-reply naman na ako. Medyo mahaba ang message ko.

Me: Good morning! Thank you for being there. Thank you for loving me and always appreciating me. Ako rin, kahit busy ako ay iniitindi mo ako. You also care about my health kasi sinasabihan mo akong magpahinga muna... Hindi ko iniexpect na mamahalin mo ang isang tulad ko. Sabi ko nga sa sarili ko na hindi ako magboboyfriend pero ito boyfriend na kita. HAHAHAHA Thank you talaga sa lahat. You always listen sa mga kwento ko. Mahal na mahal din kita Yuhan❤

Nag-react naman siya ng heart sa message ko. Mayamaya pa ay may reply na siya.

Yuhan: Yieee... Kumain ka na ba?

Me: Tapos na. Ikaw? Ginising nga ako ni mama eh... Lakas ng sigaw niya. HAHAHAHA

Yuhan: That's good then. Tapos na rin akong kumain. May pupuntahan ka ba now?

Me: Wala... Dito lang ako sa bahay. Ikaw ba?

Yuhan: Nasa labas. Mamamasyal kami.

Me: Sino kasama mo?

Yuhan: Mga kaibigan ko. Inaya ako eh. Libre ko raw sila.

Me: HAHAHAHA Good luck... Ubos pera mo diyan.

Yuhan: HAHAHA I know. Tapos ang aga nila nag-aya. Sabi ba naman para daw marami kaming magastos. Mga loko!

Me: HAHAHAHA Okay lang 'yan. Enjoy kayo!

Yuhan: Yeah... maraming chicks eh

Me: 😡

Yuhan: HAHAHHAHA Biro lang.

Me: Siguraduhin mo lang.

Yuhan: Oo

Me: Dapat lang.

Yuhan: Yes boss 😉

Napangiti naman ako.

Me: Sige na... chat mo na lang ako anytime.

Yuhan: Okay! I love you😘

Nag-react ako ng heart sa message niya.

Me: I love you too!

He reacted heart to my message.

Nakatulog ako at nagising sa sunod-sunod na pag-ring ng phone ko. Nang tinignan ko ay messages galing kay Yuhan.

Yuhan: Hi :)
Yuhan: Kumusta?
Yuhan: Lunch time na. Kain ka na dyan.
Yuhan: Hoy!
Yuhan: Busy ka?
Yuhan: Tama na muna yan, kain ka muna.

Napangiti naman ako sa nabasa ko at tila nawala ang antok ko. Nag-react ako sa mga messages niya. Mayamaya pa ay may message na siya agad.

Yuhan: React lang :(

Me: HAHAHAHA Teka lang naman. Kagigising ko eh.

Yuhan: Ay ba't ka natulog?

Me: Inantok eh. Mamaya na ako kakain, ikaw ba?

Yuhan: Hinihintay namin yong order namin. Madami silang inorder😭 May nadagdag din kaming kasama eh...

Me: Sino?

Yuhan: Basketball team ng isang friend ko. Sinabi ba naman kasi na may praktis sila pero hindi siya pumunta kaya ayon nakimeet up ang team at napasubo na naman ako..

Me: Awts. Kawawa ka naman. Hayaan mo na... ikaw naman magpalibre na lang sa kanila soon...

Yuhan: Ubos na pera ko😭

Me: HAHAHAHAHA Okay lang yan! May piso ako rito, gusto mo?

Yuhan: Ida naman eh. Tampo na ako

Me: HAHAHHAHA Huwag ka na magtampo. I love you!

Yuhan: Hmp

Me: Di na magtatampo yan yieee😘

___

“Ngiting-ngiti ah, Yuhan. Sino ba 'yan?” sabi ni Christof, isa sa ka-team ni Liam.

“Inlababo na ulit kasi 'yan!” sabi ni Hance.

“Baka lokohin ka ulit pre,” wika naman ni Jansen, isa rin na ka-team ni Liam.

“Tumahimik na nga kayo!” bulyaw ko sa kanila dahilan para mapatingin ang ibang tao sa amin.

Nag-reply naman na ako sa chat ni Zenaida.

Me: Oo na di na magtatampo. Kiss mo muna ako :)

Ida: Tapos na nga eh🙄 Ayan oh! May kissing emoji akong sinend.

Me: */smiles; Hehe Isa pa

Ida: */kiniss ka; Oh ayan, okay na?

Ang babaeng 'to! Saan daw ba ako kiniss? Kung ano pa ma-imagine ko e!

“Namumula tainga ni Yuhan oh!” kantyaw ni Hance saka sila nagtawanan.

Me: Saan mo ko kiniss??

___

Saan ko raw siya kiniss? Bahala na siya mag-imagine!

Me: Bahala ka na mag-imagine! Hehe I love you.

Yuhan: Ehem.

Natawa naman ako. Tawagan ko nga.

___

Nagulat ako nang bigla siyang tumawag. Muntik kong mabitawan ang phone ko.

“Sana all tinatawagan,” sabi ni Liam at nagtawanan sila. Sakto namang dumating na ang order namin.

Sinagot ko na ang tawag niya at lumayo kaunti sa mga kasama ko. Sinigurado ko ring ako lang ang nakakarinig sa kaniya.

Napatikhim muna ako. "Hello," bungad ko.

“Hi!” Nagpapa-cute ba 'to? Ang cute kasi ng boses. “I love you!” sabi niya at agad na pinatay ang tawag.

Aba aba ang babaeng 'to. Hindi man lang ako hinintay mag-response. I-voice message ko na nga lang.

___

Pagkababa ko ng tawag ay napatili ako dahil kinilig sa sarili kong gawain. Mayamaya pa ay may voice message siya. Pinakinggan ko at mas lalo naman akong kinilig.

“Kyah!”

“Hoy! Ba't ka sumisigaw?!” pabulyaw na tanong ng aking ina.

“Wala po!” sabi ko na lang.

Nakapagsulat ako ng three chapters ngayon sa story na sinusulat ko sa Wattpad. Ginanahan akong magsulat. Gabi na rin kaya nahiga na ako.

Mayamaya pa ay may message si Yuhan sa messenger.

Yuhan: Good evening cutie :)

Me: Good evening too handsome!

Wala akong maisip na itawag sa kaniya e kaya handsome na lang.

Yuhan: Kumain ka na ba?

Me: Yes... ikaw? Nga pala, nakauwi ka na?

Yuhan: That's good. I'm also done. And yes nakauwi na ako..

Me: Mabuti kung ganoon.

Yuhan: Gawa mo ngayon??

Me: Nakahiga lang... ikaw?

Yuhan: Nakahiga rin. Pwede tumabi sa'yo?

Me: Wala ng space, may mga unan and stuff toys eh.

Yuhan: */pout; Tanggalin mo

Me: Ayaw ko nga! Sa higaan mo na lang tayo.

Yuhan: */smiles; Sige... lika na.

Me: */tinabihan ka tapos yumakap sayo; I miss youuu

Yuhan: */hugs you back; I miss you too

Me: */smiles; Happy monthsary ulit!

Yuhan: Happy monthsary */kissed your forehead

Me: Mi Amor... nagutom ako bigla...

Yuhan: Kain ka ulit.

Me: Tinatamad ako bumangon🙁

Yuhan: Gusto mo lagyan natin baby yang tummy mo? Para busog ka for 9 months...

Me: Heh!

Yuhan: HAHAHAHAH You're blushing!

Me: Hindi ah! Wag ka nga!

Yuhan: You're so cute talaga, cutie. */pinched your cheeks

Me: Aray! Sama mo! 😡

Yuhan: Aww galit na ang bata

Me: Hindi ako bata!

Yuhan: Baby ka kaya... baby kita. */winks

Me: So you're my daddy?
Me: Dada, I want candy... give me a piso please so I can buy one... oh noooo give me two so I can buy 2, one for you and one for me! Yey! Pleaseee

Yuhan: May tig-piso pa bang kendi ngayon?

Me: Meyon! Sa tindahan ni Aling Rosing!
Me: Please Dada, give baby Z a 2 piso
Me: Pleaseeeee Dadaaaa I loveeee youuuuu

Yuhan: Stop it Ida!

Me: */pout; Why? You don't wanna give what baby wants? 😢

Yuhan: */huminga ng malalim; Okay okay... here's your 2 piso */inabutan ka ng barya

Me: */tinanggap; Yey! Thank you Dada! You're the best! */kissed your cheeks

___

Help me! 'Tong babaeng 'to talaga. May ganitong side pala. But I like it... no, I love it. This girl really captivated me.

Nag-reply na ako sa message niya.

Me: Happy na ang bata HAHAHAHHA

Ida: Of course no!

I changed her nickname dito sa messenger.

Me: That's good then baby cutie...

Baby Cutie: Yieee I love how you call me cutie and now, you added baby to it. It's really cute! I really love it! And you too, I LOVEEEEE YOUUUUUU😘

I smiled with what I read at mas napangiti ako nang tila naririnig ko ang kaniyang boses habang binabasa ang mensahe niya.

Me: */smiles; I love you too😘

Baby Cutie: Yey!😍

Me: Alam mo ba...

Baby Cutie: Hindi pa

Sarap batukan!

___

Ano kaya ikwekwento nito?

Yuhan: May update na naman yong My Happiness ni ZeZoCutie

Me: Talaga?

Yuhan: Yesss
Yuhan: Crush ko nga yong main character eh pero mas crush ko yong author! Hehe

Me: Ahh ganun ah? Kailan pa?

Yuhan: 1 year ago? Or 2? Not sure... matagal na eh

Paano ba niya nahanap ang account?

Me: Paano mo ba nadiscover yang account?

Yuhan: May nakita lang akong post promoting ng isang book of poems niya and I got interested kaya sinearch ko

Me: Ah

Yuhan: Crush ko lang naman eh... ang galing niya kasi magsulat... lalo na mga poems niya, parang hindi lang basta imahinasyon yon eh.. parang feelings niya talaga

Me: Ah... so crush mo lang ako?

Yuhan: Ha?

Me: Wala wala... nvm.

___

What does she mean? Don't tell me...

Me: Wait
Me: Ikaw si ZeZoCutie?

If she's that author... matagal niya na palang nakuha ang atensiyon ko.

Baby Cutie: Oo. So crush mo lang ako? ☹

Wow! This is unbelievable! Ang matagal kong crush na writer ay girlfriend ko na ngayon?!

Me: Ikaw siya? Bakit di mo agad sinabi??

Baby Cutie: I can send you proof na ako si ZeZoCutie. Ito oh...
Baby Cutie: *sent a photo*

Siya nga!

Me: Wow! Just wow!

Baby Cutie: Hindi ko sinabi noong nabanggit mo ang ZeZoCutie kasi baka hindi mo ako paniwalaan. Baka sabihan mong feeling lang ako... Sorry... I really overthink

Me: It's okay Ida. I understand... Hindi lang ako lubos makapaniwala ngayon... nagpaprocess pa sa utak ko ang nalaman ko.

Ang writer na sinusuportahan ko na mula noon pa ay girlfriend ko na talaga ngayon. I never commented sa works niya nor message her sa platform na 'yon but umaasa ako na sana mapansin niya ako kaya lagi kong vinovote ang bawat chapter ng libro niya. I was so happy when she followed me back.

Baby Cutie: Huhu... Sorry

Me: Ba't ka nagsosorry? Wala ka naman dapat ipagsorry

Baby Cutie: Eh kasi naman...

Me: Sshhh It's okay...

___

Parang matagal na pala akong kilala ni Yuhan ah dahil sa Watty.

Me: Wahhh ikaw ba yong CityBoyHunter ?

Yuhan: Ako nga

Me: Wah! Ikaw pala siya. Grabe! Alam mo ba, gustong-gusto ko ichat yang CityBoyHunter na yan pero hindi ko alam paano sisimulan. I mean... hindi ko talaga alam makicommunicate

Yuhan: I was thinking of messaging you nga rin eh kaso nahihiya ako HAHAHHAHAH kaya para magpapansin ay vote ako nang vote sa chapters ng book mo

Me: Wah! Grabe! Huhu. Ang saya ko. Thank you sayo... Thank you sa support. Even before we meet pala ay nakilala na natin ang isa't isa.

Yuhan: Oo nga HAHAHAH As in na crush talaga kita and di ako umaasa na humigit pa don kasi alam kong may jowa ako noon at tila malabong mapansin mo ako... not until nagfollow back ka.

Me: Yieeee HAHAHAHAH We're connected na pala eh

Yuhan: HAHAHAHA Grabe grabe... You really got my attention na pala since then. Nabihag mo na ako...

Me: Actually... nagustuhan ko yong CityBoyHunter which is ikaw pala dahil sa bio mo. HAHAHAHA

Yuhan: Eh? Ikaw ha... Ano nga ulit bio ko??

Me: Ito oh... wait type ko.
Me: I'm hurt but I still smile. That's my life.
I said it's okay but I didn't say it doesn't hurt.

I like the smell of alcohol, wanna drink with me? It taste better when life sucks :)

Yuhan: Ehem. Ba't mo naman ako nagustuhan dahil diyan?

Me: Nakarelate ako eh HAHAHAHA pero hindi ako umiinom ah. Ikaw ha! Baka uminom ka kanina with your friends?

Yuhan: Hindi

Me: Sure?

Yuhan: Yes na yes.

Me: Okayy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top