Chapter 29: Feelings

Kapagod. Umaga pa lang pero pakiramdam ko pagod na ako sa araw na ito.

Matawagan nga si Yuhan. I dialed his number and it’s ringing but no one is answering.

___

Naalimpungatan ako dahil sa tunog na nanggagaling sa aking selpon.

My head hurts. Kanina pa ring nang ring ang phone ko. Baka galit na ang tumatawag.

“Hello,” pagsagot ko sa tawag.

“Ba’t ngayon mo lang sinagot?”

“I’m sorry, Ida. Ngayon lang ako tuluyang nagising.”

Nakasimangot na naman siya panigurado.

“Hmp!”

“Sorry. I drank ‘til dawn.”

“Ano?! Bakit? May problema ba?”

I smiled. She’s concerned. “I’m fine. Don’t worry, okay?”

“Papasok kang may hangover ngayon.”

“Hindi ako papasok. May event sa school namin but it’s not necessary to go.”

“Wow. So, what’s the matter?”

I took a deep sigh. “Just feeling low.”

“Something happened?”

“Nothing. I just suddenly feel low.”

“I’m sorry.”

“Why?”

“Nagtampo ako kagabi and kung ano-ano pa sinabi ko.”

I smiled. “It’s okay, Ida. I understand. Nga pala, anong oras na at tumatawag ka pa?”

“Malapit na ako sa school.”

“Ah okay. Take care, Ida.”

“Thank you. You too. Baba ko na ang tawag ah. And oh, ‘wag ka ulit iinom.”

I chuckled. “Yes boss.”

“Bye! I love you.”

“I love you too.”

She already ended the call. Bumangon na ako at napaupo sa kama. Sakit ng ulo ko.

“Yuhan!” pagtawag sa akin. It’s my mom. Hindi ako sumagot. I don’t have the energy to answer her.

Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pinto ng silid ko.

“What happened to your room? It’s a mess!”

Nilingon ko si mama dahil sa sinabi niya. “I’ll fix it later,” sabi ko.

“What’s wrong?” nag-aalalang tanong nito saka lumapit sa akin. Umupo siya sa aking tabi.

I took a deep sigh.

"Pwede mo sabihin sa akin."

“I’m fine, Mom.”

“I know you aren’t. But it’s okay if you wont tell me. Just take a rest first.”

“Thanks, Mom,” I said and suddenly hugged her.

She hugged me back. “My baby is tired. Go on, rest on my shoulder.”

“Mom,” I said in a low pitch.

“Hmm?”

"I'm liking someone else, but I know I have a girlfriend."

“It’s okay to feel that way. Pero, ipagpapalit mo ba ang taong matagal mo ng girlfriend sa like mo lang? Remember what you did para ilaban sa akin si Ida. Susukuan mo na ba?”

“It’s not like I’m giving up on her. I just don’t like what I’m feeling right now. I’m afraid that if I’ll tell Ida about this, she’ll be upset.”

My mom tapped my back. “Feelings are normal. You just need to get used to it. Iyan ba ang dahilan ng pag-inom mo?"

I sighed. “Is it a form of cheating, Mom, when I have a girlfriend but I’m liking someone else?”

“No. But wait, as long as you are not doing anything that will lead you have deeper feelings with that someone, then you are not cheating. Nag-uusap ba kayo ng girl na ‘yan?”

I shook my head.

“That’s good. Just accept that feeling, Yuhan. And try to talk this issue with your girlfriend.”

“I will, Mom. Thank you.”

Kumalas na kami sa yakap. Nagpaalam ang aking ina na pupunta siya ng kusina para ipagluto ako ng lugaw. Ngayon lang ulit ako makakatikim ng luto niyang lugaw.

___

“Tapos ka na sa portfolio mo?”

“Ang aga-aga, Chaskalyn, ‘yan agad sinasabi mo? Ano ba! Kasisimula pa lang natin. Wala pa nga tayo sa kalahati. Friday na ngayon pero kaunti pa rin natapos. Aish,” ani ko naman.

“Sorry naman, Zen. Balak ko sana mag-absent ngayon kasi mukhang magkakatrangkaso ako.”

I sighed. “Ako nga rin, mukhang magkakasakit.”

“But, you know, ang hirap kasi maghabol ng mga gawain.”

“Sinabi mo pa! Pero alam mo ba, mas inuuna kong mag-update sa Wattpad kaysa gawin ‘yong mga activities natin.”

“Grabe ka naman, Zenaida! At least, kaya mo pa rin naman ihabol agad. Ikaw pa!”

“Good morning everyone!” pagbati ng kararating lang na si Winston.

“Good morning too!” sabay na pagbati rin namin ni Chaskalyn.

“Ang daming gagawin,” sabi ni Winston matapos niyang maupo sa kaniyang pwesto.

“Ay true,” sang-ayon ko. “Parang gusto ko na lang humimlay!” dagdag na sabi ko.

“Anong himlay ‘yan ah? Iiyak ang Yuhan mo!” sabi ni Chaskalyn.

“Ipinagpapalit niya rin ako. Char! Baka magkatotoo. Hihimlay na talaga ako.”

“Pinagsasabi mo sis? Ikaw nga may kinakausap na fafa no’ng immersion!”

“Hala si Winston. Kinausap ko lang naman. Nagtatanong e.”

Natawa na lang siya. Sakto namang nag-ring na ‘yong bell ng school.

“Tawa mo lang pala hinihintay para mag-ring na!” natatawang sabi ni Chaskalyn.

Nakitawa na lang din kami. Nagpunta na kami sa school ground para sa Flag Raising Ceremony.

___

“Kumusta na pakiramdam mo, ‘nak?” tanong ng aking ina.

“I’m feeling better now.”

“That’s good then. Maiwan na kita rito sa kwarto mo. By the way, pupunta ba ‘yong dalawang kaibigan mo?”

“Oo raw, Ma.”

“Sige. Para alam ko kung marami akong iluluto or not. Malakas pa naman kumain ng mga kaibigan mong ‘yon.”

Natawa naman ako. Mom is right.

Lumabas na nga siya ng kwarto ko. Nilinisan niya nga rin at inayos ang kwarto ko.

The F I’m feeling so down right now! Kumusta na kaya si Zenaida? Parang nag-iba kasi boses niya kanina. What would be her reaction once I talk to her about me liking someone else? Alam kong masasaktan siya. Hindi ko naman ginusto ‘to.

Napasabunot ako sa buhok ko. The F! Ang daming nangyari. Bisitahin ko nga ulit si Zenaida. Biyahe ako agad mamaya. Sama ko ‘yong dalawa kung gusto nila. Anong oras ba sila pupunta?

Lumabas muna ako ng kwarto ko at nakasalubong ko ang dalawa sa may hagdanan na nagtatawanan.

“Sa kusina tayo.”

Napatigil sa pagtawa ang dalawa saka lumingon sa akin. Tumango lang sila at nagsimulang magpababa sa hagdan.

Pagdating sa kusina ay nadatnan namin ang aking ina na naghahanda ng mailuluto.

“Ang sarap naman niyan, tita!” excited na sabi ni Hance. “Sana namana ni Yuhan ang galing n’yo sa pagluluto.”

“Magaling din naman ako magluto ah.”

“Sa paglalasing ka magaling!” sambit naman ni Liam.

“Nagsalita ang hari ng mga lasingero,” nakangising sabi ni Hance.

“Akala ko ba kampi tayo, Hance?”

“Shut up na nga kayo. Gusto n’yo sumama sa akin?”

“Saan? Iinom? G!”

“Ayan. Diyan ka magaling, Liam.”

“Nagsalita ang prinsipe ng mga lasingero na si Hance!”

“So kung ako ang prinsipe, hari ka?” banat ni Hance.

“Pareho na lang kayo. Mga buwisit ‘to. Ang gusto ko sabihin ay kung gusto n’yo sumama sa akin. Bibisitahin ko si Zenaida. Gamitin sana natin sasakyan mo, Hance.”

“Bayaran mo gasolina. Aabutin tayo mahigpit isang araw e.” Hindi man lang ilibre. Ang damot ng Hance na ‘to.

“Kabibisita mo lang sa kaniya last week tapos bibisitahin mo ulit?” tanong ni Liam.

“Ano naman? Gusto ko e.”

“Mag-ingat kayo sa biyahe n’yo ah.”

“Yes, Mom. Thank you.”

“Masyadong in love ‘tong anak n’yo, tita. Saan n’yo ba ‘to pinaglihi?”

Natawa na lang si mama sa sinabi ni Liam.

___

“Zenaida!” pagtawag sa akin ni Florence.

“Why?”

“May crayons ka? Pahiram ako.”

“Tumbling ka muna 10 times.”

“Zenaida naman e! Mababalian na ako ng buto niyan.”

Natawa naman ako. “Nasa file case ko. Kunin mo ro’n.”

“Thank you! Hindi ka Lucifer ngayon!”

Nangunot-noo naman ako. “Kailan ba ako naging Lucifer?”

Natawa muna siya bago sagutin ang tanong ko. “Kanina lang. Grabe ka kasi sumigaw. Sakit sa ears, anti.”

“Aba at tinawag akong anti. Kailan mo pa ako naging tita?”

“Now lang,” natatawang tugon niya.

Tumahimik na lang ako saka itinuloy ang pagkain. Walang teacher e. Wala raw ipapagawa kaya hindi na siya pumasok sa aming klase.

May last subject pa bago ang dismissal. Dismissal na sana. Gusto ko ng umuwi.

* * *

“Buti tumigil ang ulan,” sabi ni Chaskalyn.

“Oo nga. Tara na.”

Lumabas na nga kami ng classroom.

Habang nasa daan ay nag-uusap kami.

“Pagka-uwi ko, matutulog na agad ako.”

“Sure ‘yan?” paninigurado ni Chaskalyn.

“Hindi,” tugon ko saka natawa.

“Same. Balak ko ring ganiyan pero in the end selpon ang inatupag ko.”

“Ay true. Selpon na naman. Kaya siguro nagkakasakit ako e.”

Nagtawanan naman kami.

“Bilisan natin. Uwing-uwi na talaga ako.”

“Sus! Baka naman kasi may naghihintay sa’yo bahay n’yo, Zen?”

“Wala ah.”

___

Gabi na nang makarating kami sa lugar nina Ida. Ang bilis magmaneho ni Hance. Gusto atang dumiretso sa hukay, mandadamay pa. Kahit traffic, nagagawan niya ng paraan.

“Tutuloy ka sa bahay nila?” tanong ni Hance.

“Oo. Sama kayo.”

“Sure?” paninigurado ni Liam.

“Oo. Alam naman niya na nandito na ako at kasama ko kayo.”

“Okay. Tara,” sambit ni Hance.

Lumabas na nga kami sa sasakyan at nagsimulang maglakad.

“Doon ba bahay nila?” tanong ni Liam sa isang bandang may ilaw.

“Hindi. Park ‘yan.”

“Ah, daan tayo.”

“Huwag na Liam. Bukas na natin tignan,” sabi ni Hance.

“Gutom ka lang e. Gusto mo makikain.”

“Shut up.”

Tinawanan lang siya ni Liam.

Nakarating na kami sa bahay nina Ida at mulugod kaming sinalubong. May nakahanda ng pagkain kaya nabusog kami.

* * *

“I didn't expect na pupunta ka and kasama mo pa mga kaibigan mo.”

“Unexpected nga rin na gusto nila sumama.”

“Nasaan na pala sila?”

“Pumunta sila sa may park. Sabi kasi nila kagabi na ngayon na lang nila tignan.”

“Okay.”

“Umm Ida.”

Lumingon siya sa akin. “Hmm?”

“I’m liking someone else.”

___

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Yuhan. May kirot din akong nadama. Pero I need to tell him something later din.

___

Hindi siya tumugon at yumuko lang siya. I know she’s hurt.

“I’m sorry. I’m just telling you this. Huwag mo isipin na ipinagpapalit na kita. I don’t like what I’m feeling too. What will I do para hindi ‘to lumalim?”

Hindi pa rin siya umimik kaya hinila ko siya palapit sa akin at niyakap.

“My mom advised me to talk to you about this.”

Hindi pa rin siya umimik at mayamaya pa ay humikbi na siya.

“Naiintindihan ko, Yuhan. I’m sorry too. It feels so wrong. But you know, I’m also liking someone else.”

W-What?

“K-Kailan pa?”

“Nawala rin naman kasi hindi ko na siya nakita and no’ng nag-message siya ay hindi ko pinansin. Hindi ko rin ginusto na maramdaman ‘yong gano’n.”

“My mom told me that feelings are normal.”

“I’m sorry hindi ko sinabi agad sa’yo,” sabi niya.

“Hindi ko rin agad nasabi sa’yo, Ida. Nag-aalinlangan ako.”

Tumingin siya sa mga mata ko. “You know that I love you, right?”

Ngumiti ako saka tumango. “Mahal din kita.”

“No’ng immersion namin ako nagkagusto. Nakasabayan kasi namin. He keeps on asking questions para lang makipag-usap sa akin and nagbibigay pa siya ng foods.”

May kirot akong naramdaman.

“I’m sorry, I almost fell into his trap.”

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya. “Mas mabilis ka nagkagusto sa kakikilala mo lang kaysa sa kaklase mo noon na kulit nang kulit sa’yo.”

She chuckled. “Ewan ko ba. Grabe kasing feelings na ‘to. Basta, sa’yo lang ang puso ko.”

I kissed her forehead. “Dapat lang. Akin ka lang dapat. Again, I’m sorry if nagkakagusto ako sa iba.”

“Just don’t let it grow. Iiyak ako.”

I chuckled. “Ikaw din ah.”

“Oo naman. Kumusta ka pala since we last met?” tanong niya.

“I’m stressed. Daming gawain sa school. I also suddenly felt lonely.”

“Pero kung maka-chat ka, parang okay ka ah.”

“Ayaw ko kasing dagdagan ‘yong bigat na nararamdaman mo dahil sinabi mong masama ang pakiramdam mo at pakiramdam mong may nakadagan sa’yo.”

“Sorry. Baka ako tuloy ‘yong nakadagdag sa problema mo.”

I tapped her shoulder. “It’s okay. Don’t worry too much. I feel better now. Ikaw ata ang hindi.”

“Oo nga. Mukhang magkakatrangkaso ako.”

“Kulang ka lang ng hug at kiss ko.”

“Aray!” daing ko nang biglang kurutin niya ang tagiliran ko.

“Ikaw ata ang kinukulang e kaya mo ako pinuntahan.”

“Hindi ah.”

“Sige. Sabi mo e.”

I chuckled. “Ikaw nga umiyak pa e. Gusto mo lang na yakapin kita.”

“Hoy! Niyakap mo kaya ako bago ako umiyak.”

“Kasi mukhang iiyak ka na. Hindi ka naimik e.”

“Che!”

Ginulo ko ang buhok niya. “Ikaw talaga!”

She pouted and crossed her arms. Ang sama pa ng tingin.

“As if may pupuntahan ka at kailangang maayos ang buhok mo.”

“Magulo na nga kasi ang buhok ko tapos mas ginulo mo pa!”

Natawa ako. She’s so cute. “Okay lang ‘yan. Magulo man ang buhok mo o hindi. Mahal pa rin kita.”

“Che!” sambit niya at saka kumusilap.

Hinila ko na naman siya palapit sa akin at niyakap. Nagpumiglas pa siya pero kalaunan ay yumakap din sa akin.

___

Ang bango niya. Tas ako hindi pa ako naligo.

“Di pa ako naligo.”

“Alam ko, Ida. Pero ano naman? Kung gusto kita yakapin, yayakapin pa rin kita.”

Napangiti naman ako. I’m so blessed to have this man.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top