Alien XXIII

Magiging seyoso muna ang mga magiging susunod na chapter kaya sorry. Pero babalik din yung kabaliwan at kagaguhan nila, halos nasa climax (wag kayong berde oy) na kasi yung story. Susubukan ko pa rin naman magdagdag ng mga kagaguhan okay?

Pero promise, babalik talaga yung mga kalokohan pag nasolve na yung problem. Kaya please, mag-iwan man lang kayo ng vote o comment para ganahan ako mag-update, huhu.

Yun lang. Nagmamahal, ang concert ticket kaya mag-ipon kayo oy. De joke, huehue. Nagmamahal, bH0cxZ 3774 m4P49m4H47 4+ m494Nd4 w474n9 k0k0N+R4.

***

"Oy Nari, lumabas ka na diyan!" sigaw ni Yoongi habang kumakatok sa may pintuan ko.

"Min Nari, nandito na ako! Kumain ka na!" sigaw naman ni Jimin.

"Nari, bakit ka ba nagkakaganyan ah?!" sigaw naman ni Jungkook.

"Nari magsalita ka naman o sisipain ko itong pintuan?" sabi naman ni Hoseok.

Nakakatuwa naman na nandito silang lahat para palabasin lang ako sa kwarto ko. Pero kahit ano man ang gagawin nila, hindi ako lalabas dito at titigil sa pag-iyak.

Sa isang araw, isa lang ang nakakain ko. Minsan wala pa nga. Halos isang buwan na ako nagkakaganito. Bakit? Si Taehyung.

Isang buwan nang hindi nagpapakita sa akin si Taehyung. Hindi ko alam kung bakit. Mas ayos sana kung nagpaalam siya sa akin para hindi ako masaktan ng ganito.

Tangina mo Taehyung. Asan ka kasi ikaw gago ka ah?

[Taehyung's POV]

Hindi ko muna sasabihin na gwapo ako kasi tangina lang, seryoso muna tayo. Saka alam kong alam niyo na yun. Sa susunod na lang ladies, okay?

"Meron ka nalang 23 months bago makalaya sa kulungan." sabi ni Daehyun at umalis na. Isa siya sa mga kasamahan ni Boss Baekhyun.

"Sa tingin ko naman matututo ka na V?" sabi ni Baekhyun. Hindi ko lang siya sinagot. "SUMAGOT KA!"

"Hin--"

"ABA SINASAGOT MO NA AKO?! GANUN?! WALANG HIYA KA!"

Tangina nito ni Baekhyun. Sinabihan akong sumagot tapos kapag sumagot ako magagalit. Ano ba talaga? Puta. SINO ANG PIPILIIN KO?! IKAW BA NA PANGARAP KO?! O SIYA BANG KUMAKATOK SA PUSO KO?!

Okay, balik na tayo sa kwento.

Nandito ako ngayon sa planeta ko, nakakulong. Mabubulok ako sa bilangguan na ito nang dalawang taon. Bakit? Kasi alam na ni Baekhyun ang lahat ng ginawa ko at paglabag sa mga rules dito.

Saka iba yung kulungan dito. Kaysa sa bakal, laser ang nakalagay. Mamatay ako kapag dumikit ako doon.

"Nga pala V--"

"Wag mo akong tawaging V, si Nari lang pwede." sabi ko habang nakatingin ako sa kanya nang masama.

"Taehyung. Paglabas mo diyan sa kulungan, hindi ka na magiging guardian ulit. Kasama ka na sa mga taga-silbi."

"Putangina mo! Alam ko!" sigaw ko. Nginisian lang niya ako.

Ganito dito sa amin. Kapag bagong dating ka palang, magiging guardian ka kaagad. Hindi madali maging guardian dahil marami kang dapat sundin. Kapag may nilabag kang isa doon, tanggal ka na kaagad at may papalit na sayong bago.

Kapag natanggal ka na, magiging tagapag-silbi ka sa mga mas nakakataas, yung mga guardians at mga boss nila. Kapag 5 years ka ng naging alipin, diretso ka na kaagad sa impyerno.

"Nga pala Taehyung, si BamBam yung papalit sayo." sabi ni Baekhyun at biglang may pumasok na lalaki sa room.

"Wag kang mag-alala Taehyung, aalagaan ko nang mabuti si Nari." sabi niya at nginisian din ako.

"Mamatay ka sana."

"Patay na ako Taehyung, tulad mo. Sa ibang planeta nga lang tayo napunta." sagot niya at umalis.

"Aalis na rin ako, V." pang-aasar niya at sumunod na siya kay BamBam.

Tangina! Kung nagpanggap nalang sana ako na wala akong naalala, makakasama ko pa rin hanggang ngayon yung pinakamamahal kong babae. Napaiyak nalang ako habang nakaupo sa sahig. Ang hirap. Ang sakit na hindi mo makapiling yung taong mahal mo.

Yung huling pagkikita namin, pinagplanuhan ko ang araw na yun. Alam ko na yun na ang huli dahil ang araw na bago mangyari yun ay sinabihan ako ni boss Baekhyun na magpaalam na ako sa kanya kasi alam na niya ang lahat. Binigyan lang niya ako ng isang araw para doon.

Hindi ko sinabi kay Nari dahil ayoko siyang makita na umiyak. Ayoko siyang maghirap na mag-antay sa akin. Doon ko lang napansin na tanga talaga ako.

Nagsisisi ako na hindi ako nakapagpaalam sa kanya nang maayos. Sigurado ako, mas naghihirap siya ngayon. Sorry, Nari.

Min Nari, tuparin mo sana ang pangako mong ako lang. Medyo matatagalan nga lang ako. Mag-antay ka lang. Babalik ako, pangako.

PANGAKO SAYO! IPAGLALABAN KOOO! Okay, I is sorry. No no, I is not sorry. V is sorry.

[Yoongi's POV]

After 2 years

Two years na ang lumipas simula nung nagkaganun si Nari. Di ko nga alam bakit nagkaganun yun eh. Nakakain yata ng panis na hotdog.

Dahil may sweg ako at yun ang iniisip kong dahilan, hindi na kami nag-ulam ng hotdog nang dalawang taon. Putangina lang diba?

Pero masaya ako kasi bumalik na rin siya sa dati. Lalo na't makakakain na ulit kami ng hotdog. ANG HIRAP KAYA HINDI KUMAIN NG HOTDOG LALO NA'T LAGNG INAADVERTISE YUN SA TV!!!

Sa loob ng dalawang taon, natutunan ko ang tinatawag nilang stages of grief. At dahil wala kayong sweg, bibigyan kayo ng kaunti kong kaalaman tungkol doon.

Stage 1: Denial

"I want a big house, big cars and big rings!" kanta ko.

"Hindi ito totoo..." sabi bigla ni Nari. Nakakatakot naman. Halos mamuti na ako sa sobrang takot. Ay teka, maputi na pala ako hehe.

"Ano hindi totoo?" tanong ko.

"Hindi ito totoo..."

"Puta, yung alin nga?!"

"Hindi ito totoo..."

"TANGINA! BAHALA KA NA NGA DIYAN SA BUHAY MO!" sigaw ko at umalis na.

Stage 2: Anger

"PUTANGINA JIMIN! PUMUNTA KA NA DITO! MAMAMATAY NA YATA AKO!" sigaw ko at nakarinig nanaman ako ng basag ng plato.

"Bakit naman? Nag--"

"BASTA! BILISAN MO!" sigaw ko ulit at pinatay na yung cellphone kong Blueberry. Nagtatago ako ngayon na likod ng cabinet namin, bwiset.

Pagsilip ko, nakakita nalang ako ng plato na papalipad papunta sa akin. Ay shet, naka-airplane mode yung plato. Sweg.

"Aray, puta!" sabi ko. Natamaan ako nung plato. Buti nalang at paper plate lang yun, huehue. Sayang ang gwapo kong mukha.

"BAKIT GANUN?!" sigaw ni Nari at nagbasag nanaman ng plato. Jimin, where are you huhu?

Stage 3: Bargaining

"Hoseok, penge nga akong damo."

"Kakainin mo?"

"Hinde gago. Basta akin na!" inabutan naman niya ako ng damo at bumalik na ako sa bahay.

"MAGPAPAKABAIT NA AKO!"  sigaw ni Nari. Agad ko naman ipinalaspas yung damo ni Hoseok.

"Umalis ka mabait na espiritu! Alis!" sabi ko. Hindi ako albularyo ano ba.

"Lord! Patawarin niyo na ako please! Magpapakabait na talaga ako! Ibalik mo lang siya!" sabi ulit ni Nari.

Kumuha na ako ng insenso at sinindihan yun.

Stage 4: Depression

"Tinawag ko kayong lahat, kasi kailangan ko ang tulong niyo."

"Wala kang sweg." sabi ni Jimin.

"Wala ka namang jams! Hahahaha!" sabi ni Jungkook.

"Shut down your mouths! Okay, I will restart everything." pagtitigil ko sa kanila.

"Computer ba tayo?" bulong ni Hoseok kay Maya.

"Tinawag ko kayong lahat kasi kailangan ko ang tulong ninyo. Patawanin niyo nga yang si Nari. Ilang araw na yang walang gana at hindi ngumingiti." seryoso kong sabi. Kumatok naman kami at binuksan niya yung pinto.

"Nari!" masayang sabi nila.

"..."

"Na--" naputol ang sinasabi ni Jimin dahil sinarado bigla ni Nari yung pinto.

Stage 5: Acceptance

"Yow yow, sweg sweg." who dat? Di ako yun, ulol."Eyow ladies and gentlemen~" bigla nalang lumabas si Nari sa kwarto niya na nakangiti. "Oy Yoongilagid, natatakot ako sa tingin mo sa akin. Oh my gosh! Di kaya crush mo ako? Eww! Yuck!"

"Ulol mo Nari. Ang panget mo kaya!"

"Mana sayo wahahahahahahhaa!"

"PUATANGINA NARI! TUMAWA KA BA HA?"

"Uhmm oo?"

"OH MAN HOLY SHIT!" hindi ako nagsabi nun ulol. May malaki na ilong ang pumsok bigla sa bahay namin. Kasama niya yung kabyo niya.

"Kookie! Hoseok!" masayang bati niya.

"Ayos ka lang ba Nari?" tanong ni Hoseok sabay hawak sa noo ni Nari.

"Oo, pakyu."

"Nari, anong nangyari sayo?" tanong ko.

"Basta. Ang mahalaga ngayon, move-on na ako." sabi niya sabay ngiti. Magpasalamat siya at di siya ganun kagilagid.

"Move-on lang pala kailangan mo! Edi sana umabante ka! Tanga nito grabe." sabi ni Hoseok at binatukan siya nang malakas ni Nari.

Aym so happeh. Mah sistah is back. Parteh parteh! Turn up! Woo! Sweg sweg.
















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top