Alien XVI

[Jungkook's POV]

"Oh, Jungkook magbayad ka na." sabi ni Hoseok hyung.

"Teka..tangina hyung. Nawawala pitaka ko."

"Baka nasa ilong mo." binatukan ko siya kaagad ng malakas.

"Seryoso ako hyung, nawawala pitaka ko!" kinapa ko lahat ng bulsa ko pero wala talaga.

"Asan na bayad mo, iho?" sabi nung albularyo. Dapat kay Yoongi hyung nalang ako pumunta, kasi naman eh.

Walang kwenta nga itong albularyo na ito eh. Sabi pa naman sa akin na bigyan ng alay at pagkain yung dwende. Kapag ginawa ko yun, mas lalapit pa sa akin si Jimin tangina. Tapos 150 pa yung bayad.

"Manong, ano po. Siya yung magbabayad." sabi ko sabay turo kay Hoseok.

"ANO?!" sigaw bigla ni Hoseok. Nagtalo muna kami at sa huli ay binayaran din niya.

"Babayaran nalang kita, hehe."

"Bayad mo nga kila Trisha hindi mo pa rin nababayaran, ako pa kaya."

"Maya ka lang eh."

"Manahimik ka na nga, hahanapin pa natin pitaka mo."

---

[Nari's POV]

Nandito ako ngayon sa earth. Dejk lang, ahuehuehue. Nandito nga ako sa tapat ng bahay ni ilong.

"Tita Sugar, nandiyan po ba si Jungkook?" tanong ko sa nanay ni Jungkook na kasalukuyang natitinda ng bra at panty sa labas ng bahay nila.

"Nari, ikaw pala. Matagal ka ng hindi pumupunta dito ah! Ito oh, bra! Bagay sayo!" sabi ni tita habang inaabot sa akin yung bra na pink na may polka dots. Si Jin magugustuhan ito, ahehe. Speaking of Jin, miss ko na yung anghel na yun.

"Huwag na po tita, nandiyan po ba si Kookie?"

"Nari, iha!" sigaw bigla ng isang lalaki na niluwa ng bahay nila,

"Tito Coffee!" bati ko sa tatay ni Jungkook.

Nakaka-ewan mga pangalan nila. Sugar+Coffee=Kookie. Anong connect? Puta!

"Nari, nabalitaan ko na nagnanakaw ng brief si Yoongi sa anak ko ah kaya ito. Ibigay mo sa kapatid mo." sabi ni tito at inabutan ako ng isang box ng brief. Tangina. Yung totoo?

"Ahehe, salamat ho. Nandiyan po ba si Jungkook?" sabi ko at pinasok ko sa loob ng bag ko yung box ng brief. Kadiri.

"Ah oo, nanonood ng tv. Pasok ka lang sa loob."

"Sige po tito, salamat." Pumasok ako sa loob at nakita ko si Jungkook na nanonood ng tv.

Nanonood ng Sofia the First.

"I LABYU SOFIA! WOO! AKIN NALANG YANG KORONA MO!" sigaw ni Jungkook habang nanonood.

"OY SOFIA!" sigaw ko at lumingon kaagad si Jungkook sabay sabi ng "Bakit? Ay putangina."

Nilipat kaagad ni Jungkook yung channel sa Nat Geo.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Makikinood sana ako ng Sofia the First eh. Ahehehe."

"Ang childish mo naman Nari. Sofia the First? Pfft! Hahahahahaha!" Wow naman. Nanggaling talaga sa kanya. Palakpakan niyo nga si ilong.

"Saglit lang." sabi ni Jungkook kasi may biglang tumawag sa cellphone niya. Si Hoseok. Ni-loud speaker niya kaagad.

"Oh hyung?"

"Ano ang tawag sa magiging anak ni Sofia?"

"Ano? Sofia the second?"

"Mali! Edi SOFIA JR! HAHAHAHAHAHAHAHA--"

Pinatay kaagad ni Jungkook yung cellphone niya at tinanggal yung battery at sim card.

"Asan na nga ba tayo?"

"Nasa bahay niyo."

"Ah oo tama. Ano pala ginagawa mo dito?"

"Ibabalik ko sana yung pitaka mo, naiwan mo eh." kinuha ko sa bag ko yung pitaka niya at binigay sa kanya.

"Nari, marami akong brief. May butas nga lang yung iba."

"Ha?"

Pinakita niya kaagad sa akin yung binigay ko sa kanya. Tangina, yung box ng brief na pinapabigay ng tatay ni Kookie kay Yoongi!

Kinuha ko yun at binalik sa bag ko at binigay sa kanya yung pitaka niya. Nakakagago itong ilong ni Jungkook. Kailangan pa talaga niyang idescribe, jusq. Ano ba gagawin ko sa brief niya?

"Nasayo lang pala eh. Salamat."

"Ah, Kookie. May tanong ako."

"Ano yun?"

"Sino yung kasama mo sa picture?" Si V iyon pero bakit niya kasama? Anong kaugnayan nila sa isa't isa? Bakit ako kinakabahan ngayon?

"Anong picture?"

"Sa pitaka mo." Agad naman niyang binuksan yung pitaka niya.

"Kaibigan ko dati. Siya yung kaibigan ko na lagi kong hinahanap."

"Hinahanap? Anong nangyari sa kanya?"

"Car accident."

"Anong pangalan niya?"

"Kim T--"

"4:00 NA! MERYENDA TIME NA!" sigaw bigla ni tita Sugar at binigyan kami ng juice. "Mamaya na ang usapan, kumain muna kayo."

"Tita, busog pa po ako."

"Anong busog? Hindi, ubusin mo yang footlong. Yang hotdog galing kay Yoongi at yung tinapay naman galing kila Jimin."

"Jimin? Ay sige, uubusin ko." inubos ko kaagad yung pagkain ko. "Sarap ng tinapay ni Jimin. Ahehe."

"Gusto mo pa?"

"Wag na po. Ahehehe. So Kookie, sino ulit?"

"ASDFGHJKIMQWERTAEHYUNGZXCBNM!"

"Ano?"

"ENGSHEBEKEKEMTEEHYENG!"

"Ano?!"

"LKIMJHGFDSTAEHYUNGMNVZ!"

"KUNG UBUSIN MO KAYA MUNA YANG KINAKAIN MO?!"

After 5 minutes.

"Ang sarap." sabi ni Jungkook.

"Oo na putangina mo. Sino nga?"

"Kim T--"

"Nari, anong oras ka uuwi? Malapit ng dumilim, delikado." sabi ni tito. Epal pucha.

"Malapit na po."

"Ah sige."

"So sino ulit?"

"Si Kim T--"

"Nari, wag kang magpapagabi ah!" sabi ni tita. Epal din pucha.

"Opo! Sino na nga Kookie?"

"Kim T--"

"JUNGKOOK! ANAK!" sigaw ni tita.

"MAMAYA NA NAY! HINDI MATULOY-TULOY ITONG USAPAN NAMIN EH!"

"ABA, SINISIGAWAN MO NA AKO?! COFFEE, ITONG ANAK MO OH!"

"Saglit nga muna Nari." sabi ni Jungkook at dumiretso sa kusina at nagsigawan silang tatlo doon.

Nakakatuwa nga ang pamilyang Jeon eh. Lahat sila malalaki ang ilong pero si Jungkook ang may pinakamalaki.

Di rin nagtagal at natapos din sila.

"Pasensya na sa nangyari kanina. Saan ulit tayo?"

"Paulit-ulit Jungkook ah! Sa bahay niyo nga! Juice colored!"

"Hehe. Ayun. Naalala ko na."

"Sino nga?"

"Kim Taehyung. Ang kaibigan ko na palagi kong hinahanap ay si Kim Taehyung."

Halos di ako makagalaw sa pwesto ko nung narinig ko ang pangalan niya.

"Kim Taehyung?"

"Oo, Kim Taehyung. At kung di ako nagkakamali, ikaw yata ang ex niya."

Si V at Kim Taehyung ay iisa? Si V, na ang guardian alien ko ay ang ex ko? Pero paano siya naging alien? Ano ang nangyayari? Naguguluhan ako.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top