Chapter 8

Levi Andrade

Pagod akong tumayo sa upuan ko at lumabas na ng klasrom kasabay ng iba ko pang kaklase. Napaaga kami ngayon.

Naglakad ako papunta sa panghuli kong klase ngayong hapon. Hindi ko na naman kasama ang mga ugok na yun. Palibhasa irregular student ako at sila regular edi ako lang naiiba. Always naman akong naiiba, unique e. Joke lang.

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa room 321 panay sulyap ang mga babae sa akin na nakatambay doon.

Nagsout ako ng headset para di ako tawagin. Wala ako sa mood makipaghalubilo ngayon. Lunch pa 'to, ah no, since that day. Tss.

Nagkukunwari lang akong nakikinig ng music pero ang totoo niyan, dining na dinig ko sila.

This is I usually do recently. Ang magkunwaring nakikinig ng kanta pero mga usapan nila ang naririnig ko.

Nasanay na ata akong magkunwari.

Kahit nga ang sarap na nyang yakapin ng mahigpit nagkunwari nalang akong hindi siya nakikita. Pero ang totoo niyan nasa kanya lang ang boung atensyon ko.

Isa pa, ayos tong ganito dahil naririnig ko ang mga panghuhumaling sa kanya ng mga kalalakihan at kung paano siya kainisan ng ibang babae.

Kahit hindi ko nagustuhan wala naman akong magagawa, opinyon nila iyan. At ayaw ko ring pagsabihan dahil gusto kong kahit saan ako pupunta, pangalan pa rin niya ang naririnig ko.

Kahit yun man lang.

Takte, akala ko ba kapag ginawa ko yun hindi ako magsisisi? Pero bakit? Tss. Kailan ba naging nasa umpisa ang pagsisisi?

Tsaka, alam ko namang wala talaga siyang pakialam sa kahit anong sabihin ng iba sa kanya kasi di naman siya kilala ng mga yun. Pero bakit nung ako ang nagsabi sa interview ng taga Catalyst na kaya kami hindi nagpapansinan ay ako ang lumayo sa kanya para hindi lumala ang nararamdaman niya sa akin? Bakit hanggang ngayon hindi niya ako kina-usap? I'm sure nalaman na nya yun. Pero bakit hindi siya affected?

Aish!

Talaga bang wala siyang pakialam sa sasabihin sa kanya kahit mula pa 'to sa akin?

O kinukonsensya nya lang ako? Dahil alam naming parehas ang katotohanan.

Punyeta yan, ito na nga oh! Nakokonsensya na nga ako!

Tapos, ano na? Paano ko pa siya kakausapin kung palaging nakaaligid sa kanya ang asungot na iyon?

Aish!

Kasalanan mo 'to Levi e! Ang tanga tanga mo kasi!

Bakit ka ba kasi lumayo?!

E kasi nga takot kang masaktan kapag nalaman niya ang rason mo. Hindi lang naman ang pagmamahal mo sa kanya ang rason mo e, di ba?

Nakakaloka!

Why am I in this situation in the first place anyway?

"Matagal ko nang pinagmasdan yang si Raven beh, at ngayon ko lang yun napansin na lumalapit sa babae at kay Miss Ash pa. Ni wala nga yung kaibigan."

Humina ang lakad ko ng may dalawang babae ang makakasalubong ko at yung mokong na iyon ang pinag-uusapan.

"Talaga? Baka nga in love na yung tao."

Sabi nung kasama niya.

"If that so, sana hindi siya matulad ni Levi baby. Alam mo na. Sayang yung taong yun, masasaktan lang. Mukhang patay na patay siya kay Miss Ash e."

Hindi man lang nila napansin na nasa harapan lang nila ang isa pang taong pinag-uusapan nila.

Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Kung walang kayo, ibig sabihin NILILIGAWAN KA NIYA! Omg! Nanliligaw sya sa'yo."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na yun.

Sinilip ko ang katabi kong klasrom. Nadatnan ko silang dalawa na nag-uusap. Todo ngiti pa siya.

Hindi ko kaya.

Umalis nalang ako at umuwi na.

I ditched my last class. So what? Wala ako sa mood. At masama pa yata ang pakiramdam ko.

Dali dali lang akong pumara ng jeep at sumakay pauwi.

Nilakasan ko ang volume ng music ko para hindi ko marinig ang maingay kong utak na sinisi ako at para hindi rin maramdaman kung gaano kasakit ang kirot ng puso ko.

For awhile I just want to be numb.

Sana naging manhid nalang ako.

Wala naman akong ginawa noon na pagdaanan ko 'to.

I was nice. Really nice. Siguro nga iniisip ng ilan na mapaglaro ako kasi kung sino sino ang close kung babae. Bakit? Masama ba maging friendly?

Pero naka ilang girlfriends na ako pero never ko silang pinagsabay. Ni hindi ko nga sila pinaglaruan at lalong hindi ko sila niloko.

Pero aminin ko, tinuring ko silang kabarkada ko tuwing magdedate kami. Yun bang hang out hang out lang pero kayo lang dalawa. Okay, with benefits too.

Pero seryoso nga ako!

Ngunit bakit?!

Bakit kung gaano ako kasaya nung kasama ko siya, at kahit makita lang nga siya para na akong nanalo sa lotto, ay ganito din kasakit na hindi siya kasama. Mas dumoble pa nga noong may iba nang nangungulit sa kanya.

If this what they called love, then I must be so stupid.

Sobrang stupid ko for not fighting my feelings for her.

But I'm afraid too. I'm afraid of rejection.

Never in my entire life I get rejected.

Natapakan lang ang ego mo dahil for the first time, may minahal ka na mahal ka lang bilang kapatid.

Napayuko ako at napahawak sa ulo.

Stop it please!

Sising sisi na nga ako, utak naman wag mo nang ipamukha pa.

Kinalma ko ang sarili ko tiningnan ang paligid.

Damn!

"Manong! Para po! Lagpas na po ako!"

Napatingin si manong sa akin ng masama. May sasabihin pa ata kaya binigay ko na sa kanya yung pamasahe ko.

"Keep the change nalang po." Sabi ko pagkabigay nung 100 pesos ko. Wala akong sinsilyo!

Bumaba nalang ako baka makasapak pa ako nang driver e. Wag nya akong matingnan tingnan ng ganun ulit!

Tss. Kasalanan ko ba kung hindi ko napansin agad na lagpas na ako?

At kasalanan ko din ba kung bakit ang daming kong iniisip?

Hindi! Hindi ko kasalanan!

Kasalanan 'to ni Ash del Fuego!

Si Ash del Fuego na walang ibang ginawa kundi guluhin ang utak at puso ko!

Si Ash del Fuego na mahal na mahal ko pero nilayuan ko.

Si Ash del Fuego na--

napatigil ako at napatingin sa apples vendor.

Ilang segundo akong nakatitig sa apple na paninda niya.

"Hijo, apple gusto mo? 10 lang ang isa. Ito masarap, kakapitas lang nito."

Masayang sabi ni Kuyang tindero.

"May lason po ba yan?"

Wala sa sariling tanong ko.

Mukhang nagulat yata ang tindero pero ngumiti lang din.

"Wala hijo. Fresh na fresh itong paninda ko. Ni hindi ko nga ginamitan ng chemicals to e. Tanging organic lang."

Nanlumo akong nakatingin sa mga apple niya. Mukhang napansin din niya iyon.

"Bakit hijo? Gusto mo na bang magpakamatay?"

Nagulat ako sa tanong niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakangiti pa rin siya.

"S-sana. Pero sayang ang kagwapuhan ko kung maaga akong mawala sa mundong 'to. Maraming iiyak na kababaihan."

Nakangiti kong pahayag sa kanya. Ngumiti din siya pabalik at ginulo ang buhok ko.

Luh! Alam ba nyang hindi ko pinapahawakan ang buhok ko unless siya si Ash?!

Mabilis naman niyang nilayo ang kamay niya. Mabuti naman. Baka masapak ko sya ng wala sa oras e.

"Ganyan dapat hijo. Huwag kang papatalo sa pag-ibig. Love is powerful and at the same time poisonous. Its either it builds you or breaks you."

Napakurapkurap ako. Sabay napangiti. Talaga ngang never judge a book by its cover.

"Oh hijo, bumenta naman yung English ko di ba? Kaya bumili ka na ng paninda ko. Mapapa-english ka rin nito."

Lalo akong natawa. Kumuha ako ng isang daan sa wallet ko at bumili ng sampu.

"Thank you hijo. Maging masaya ka rin, tiwala lang."

Tumango ako at naglakad na papunta sa bahay namin.

Pagdating ko pawis na pawis ako. Medyo malayo layo din talaga ang narating ko.

"Oh? The last time kumain ka ng apple, naglanding ka sa hospital, gusto mo ba ulit ma-hospitalized ngayon?"

Bungad ni ate nang makita niya akong pumasok kagat kagat ang apple.

"Kung ito lang ang paraan para magkaroon na ulit siya ng pakiaalam sa akin, then I would rather eat hundreds of it para lang hindi na niya ako layuan."

Naalala ko ang mga panahong iyon kung gaano siya ka nag-aalala sa akin nang malaman niya mula kay ate na na-ospital nga ako dahil nakakain ako ng may chemicals pa na apple.

"Sira! Ikaw ang lumayo! Kaya face the consequence of your own action."

Rinig kong sigaw ni ate bago ko sinarado ang pinto ng kwarto ko.

Papasok na sana ako sa skwelahan nang makaramdam ako ng sakit ng tiyan. Akala ko najejebs lang ako pero hindi. Ilang oras na ako sa loob ng cr namin pero wala pa ring nangyayari.

Mas lalo lang sumakit ang tiyan ko kaya lumabas nalang ako at tinawag si mama.

"Nasa trabaho na si mama Levi. Bakit?"

Si ate ang sumagot sa akin.

Bago pa ako makasagot sa tanong niya ay naduduwal na ako.

"Hala! Buntis ka Levi?!"

Sinamaan ko ng tingin ang ate ko. Walang hiya!

May gana pa siyang magbiro ng ganyan na ganito ang estado ko!

Naduduwal pa rin ako at lahat ng kinain ko naisuka ko na.

"Uy ate, dalhin na kaya natin si kuya sa ospital? Mukhang masama na tama niya e."

Rinig kong sabi ng bunso naming babae na hindi ko alam na nakalapit na pala sa amin.

Nanlalabo na ang paningin ko.

"Mabuti pa nga. Tumawa ka ng ambulansya."

After that, sa hospital na ako nagising.

"Oh, may nagtext pala sa'yo kanina, tinatanong kung bakit wala ka kanina sa klase nyo."

Napakunot noo ko. Sino naman? Himala at may nagtanong sa akin. Mukhang nagets naman ni ate iyon.

"Ash pangalan." Sabay ngiti niya mg nakakaloko. "Aba, ikaw ha? May Ash ka na pala, di mo naman kami ininform."

Nag-iwas ako ng tingin at pinigilan ang pagngiti.

"Kaibigan ko lang yan. Ano namang sinabi mo?"

"Sinabi kong na food poison ka sa apple na kinakain mo kaninang umaga. Tapos ang sabi pa niya pagaling ka raw. Magalang na bata. Tingnan mo nalang sa phone mo. Di ko dinelete para naman kiligin ka paggising mo."

Sabi niya at tumayo. "Ipapaalam ko lang sa doctor na gising ka na. Tsaka, discharge ka na pala, binayaran na ni mama. Hinintay lang talaga kitang magising." Tapos sinarado ang pinto.

Napatingin ako sa phone ko at hindi ko mapigilang ngumiti.

Kinabukasan pumasok na ako ng school.

Ininterview niya ako sa nangyari. Kinwento ko sa kanya at pinagtawanan nya lang ako.

Oh di ba? Kita niyang okay naman ako nawala na yung pag-alala nya, pinagtawanan na nga ako.

Napailing na lang ako pero napahinto din. Akala ko ba okay na ako? Bakit nasusuka pa rin ako?

"Okay ka lang?" Nag-alalang tanong niya.

Napatingin ako sa mukha niya at nag-alala nga siya.

"Nasusuka ako." Pinigilan ko lang talaga. Baka kasi kakayanin ko.

Nakakahiya kaya yun.

Nagulat ako nang kinuha nya ang kamay ko at pinisil ang pagitan ng thumb at hintuturo ko.

Nanlaki ang mata ko sa sakit.

"Aray!"

Tumawa siya.

"Para di ka masuka."

At inulit niya pa. Mashakhit!

Pero unti unti na ring umayos ang pamiramdam ko.

"Tama na Ash. Okay na ako. Masakit na po siya."

Pilit kong inaalis ang kamay niya pero bakit ang higpit? Ganito ba sya kalakas? Babae ba talaga 'to?

"Really?" May halong pang-aasar sa boses niya.

The last thing I know humiyaw na ako sa sakit at siya naman ay tawa nang tawa. Kiniliti ko nga.

Napatitig ako sa apples na nasa fruit basket na ngayon. Tapos ko nang hugasan ang natira.

"Hanggang alala nalang ba talaga ang lahat ng pinagsamahan natin?"

"Sa alaala nalang ba kita makakasama at makakulitan Ash?"

***
ADVANCE HAPPY NEW YEAR LOVES! LET'S WELCOME ANOTHER YEAR WITH A BANG! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top