Chapter 7

Ash del Fuego

"Teka nga muna Ash." Pigil sa akin ni Lay. Paalis na kami sa klasrom namin nang hawakan niya ang braso ko.

"Alam mo ikaw? Curious na talaga ako sa inyo ni Raven. Ano bang meron sa inyo at nitong nakaraang araw lang ang close close nyo na parang ang haba na ng pinagsamahan nyo. Kung tutuusin last year ko lang sya napansin sa engineering building. Tapos ngayon-hay naku! Sabihin mo nga, may hindi ba ako alam? Ano pang silbi ng pagiging best friend ko kung wala naman akong alam dyan sa nangyari sa buhay mo ngayon?" Tuloy tuloy nya lang iyong sinabi. Edi hiningal. Inabutan ko sya ng tumbler ko at kinuha naman nya. "Thank you. Grabe, hiningal ako. Mamaya mo na sagutin ah? Iinom muna ako, baka kasi magugulat ako at mabugahan kita. Mabuti nang prepared."

Napailing ako. Iinom lang ng tubig ang daming sinabi. Isa pa, hiningal nga siya kanina sa haba ng sinabi niya tapos hindi pa pala matapos tapos ang pagsasalita niya.

Bumalik ako sa upuan ko at hinayaan siyang kinalma ang sarili. May plano din ata syang ubusin ang tubig ko.

Hindi tuloy mawaglit sa isipan ko ang sinabi nya. Pati ako napatanong din sa aking sarili. Mukha nga kaming matagal nang magkakilala. Para bang pakiramdam ko ang dami kong alam sa kanya.

Umiling ako. Sira! Ni hindi mo nga alam na nagiging tao pala sya Ash. Magtigil ka ha?

Speaking of. Siguro nga parang ganito lang ang nararamdaman ko kasi naman sa bahay na pala siya nakatira noon pa man, kami lang iyong hindi nakapansin. Kaya normal lang ito.

Kung hindi ko pala siya nakita at tinawag noon edi ibig sabihin hanggang ngayon sinumpa pa rin sya?

Ang weird talaga ng story ng dwarf na iyon. Akalain mo yun? May nage-exist pa palang magicians or exorcist sa mundong 'to.

Naisip ko tuloy ano kaya ang itsura ng lugar nila? Katulad din ba dito sa mundo ng mga tao o katulad sa mga nabasa ko.

"Oh tapos ka na?" Tanong ko kay Lay sabay kinuha ang tumbler na inabot niya.

Ngumisi pa siya sabay tango.

"Yes, I'm all fine now. So, ano na ang sagot? Magkakilala na ba kayo since birth? Or kung hindi naman, saan kayo unang nagkakilala? Kailan? Ano na?"

Paano kaya ako makasingit ng sagot kung kada tanong niya may kasunod ulit?

"Kung ganyan ka lang din naman, edi sana binigyan mo nalang ako ng questionnaire laman ang mga katanungan mo para masagot ko ng husto diba? O baka naman gusto mo sulatan pa kita ng essay?"

Natatawa kong tanong sa kanya. Ang daming tanong e. Pwede namang paisa-isa lang.

"Ito naman, briefing lang yun. Para prepared ka na sa mga katanungan ko at nang makapag-isip ka na rin ng mga sagot."

Ngumisi pa sya pabalik. Parang alam ko na kung anong ginagawa niya ah?

"Pinagpraktisan mo ba ako para sa interview mo kay Miss Lianto bukas?"

Lalong lumapad ang ngisi niya. Hay naku. Wala talagang ibang trip 'tong babaeng 'to. Lagi nalang ako ang nakikita pagdating sa mga ganitong bagay.

"Okay ka kasi kesa nila Nicole. Alam mo na namang parang si Miss Lianto ka na rin e. Oozing with confidence!" She said while waving her hand midair dun sa panghuling talata. Pinalo niya ako habang nakangiti. "Ano ba yan, nahahalata ko nang nilalayo mo ako ah. Dali na kasi."

Napailing nalang ako. May gusto pa naman akong alamin kay Viel. Siguro sa bahay nalang.

"Oh ito first question." Tumikhim siya at sumeryoso. "Anong meron sa inyo ni Raven?" Tapos hindi napigilan at napangiti na ng malawak.

Natatawa akong umirap. "Ang direct to the point mo naman. Dapat inalam mo muna background o di kaya ay nagiging friendly ka muna. Alam mo yun? Para maging comfortable sa'yo ang ininterview mo dapat friendly approach muna. Para ka namang di tinuruan."

Umiling siya kahit nagsasalita pa lang ako. Hindi ko tuloy mapigilan ang tawa ko. Ganyan yan kapag atat.

"Sus. Yaan mo na, kilala naman kita. So ano kayo na ba? O ex mo sya?" Ang lawak pa ng ngiti.

Hinampas ko sya sa braso habang natatawa sa sinabi niya.

"Grabehan? Hindi ko alam na ganyan na pala kalawak imahinasyon mo."

Sumimangot siya pero natatawa pa rin.

"Ang simply lang kaya ng tanong ko tapos ang tagal mo namang sumagot."

"Paano ako makasagot kung kada tanong mo nasusundan ng panibagong tanong? Tapos nagconclude ka pa dyan ng kung ano-ano."

Biglang lumawak ang ngiti niya at nanlaki pa ang mga mata. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Omg! Wala pang kayo?" Ganito ba sya kagulat para sa tanong na yan? Tumango ako.

"Walang kami."

Lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa magkabilang braso ko.

Nakakatakot na po sya. Kung di ko lang 'to kilala malamang tumakbo na ako papuntang bahay.

"Kung walang kayo, ibig sabihin NILILIGAWAN KA NIYA! Omg! Nanliligaw sya sa'yo."

Hindi po iyon tanong, statement po iyon. At mas may alam pa sya sa akin, ano? Mas alam nya pa kung anong meron sa amin ni Viel. Mas alam nya pa ang pinanggagawa ni Viel.

Napasapo nalang ako sa noo ko. Talaga bang kaibigan ko 'to?

"Pasado ka na maging writer. Bakit kaya di ka mag apply bilang co-writer ni Antonette Jadaone, ano?"

Umayos siya ng upo at tiningnan ako. Sa wakas binitawan na din nya ang braso ko. Namumula pa yata 'to.

"Ito naman, panira ka ng kilig e. Pero alam mo, bagay kayo. Mas boto nga ako kay Raven kesa dun sa isa e." Nagngising aso pa sya.

"Alam mo yun? Yung aurahan nya parang isang Prinsipe e. Parang kahit anong gawin mo sa kanya hindi siya matitibag dahil isa syang prinsipe at walang kahit sino ang makakagalaw sa kanya. Noong una ko nga siyang nakita lahat napapahinto at napapatingin sa kanya. Alam mo yung feeling na kailangan mong tumabi at tumahimik dahil dadaan ang prinsipe? Kulang na nga lang patutugan siya ng mga trumpets e." Nagdaydream na po sya. "Tapos tapos, nung lumiko sya papunta pala sa lugar ko kaya feeling ko tuloy ako yung prinsesa na naghihintay makalapit ang prinsipe niya. Kaya kahit nagmukha na akong tuod nun hindi talaga ako gumalaw pero nilagpasan lang pala ako."

Pigil pigil ko na yung tawa ko dito. Wengya! Kung sana nakikita nila iyong inaakala nilang prinsipe e. Naku talaga. Siguro pinagbabato na yun.

Pero tama naman siya sa prinsipe na part. Ganun nga ata talaga kapag prinsipe ka sa isang lugar, kahit saan ka pupunta at kahit naka civilian lang, kapansinpansin pa rin. Pwera nalang siguro kung mag ala Ramon Magsaysay at kasing simply ni President Duterte.

"Pero nitong nakaraang araw, parang nakikita na niya ang prinsesa niya. At ikaw yun. Sa'yo ko lang naman siya nakikita na dikit nang dikit e. Tapos the way siya titingin sa'yo? Ay beh! Para nga atang di kami nage-exist e. Naka focus lang ang mga mata nya sa'yo na akala mo camera e, tapos blur kaming lahat. Zoom in masyado, dominated mo na yata ang boung frame ng paningin niya, tapos walang foreground o background. Tanging ikaw lang ang nag-iisang subject niya. Mapa 2D man yan o 3D."

Ganito ba ang nagagawa sa kanya ng kurso namin? Kung ano ano nalang ang nirelate.

"Masyado ka ng madaldal. Ano, sasagutin ko pa ba ang tanong mo o uuwi nalang tayo kasi maggagabi na?"

Perks of having a communication major friend. Walang humpay na usapan. Talaga bang madaldal kaming mga communication majors? Bakit parang ako lang naman hindi ah? Or mas madaldal lang talaga siya?

Ngumisi siya. "Tara uwi na tayo at doon mo na rin sagutin ang mga tanung ko." Hinila na nya ako palabas.

Sumalubong sa akin ang panghapong hangin. Bigla kong naalala, ipagluto ko pa pala si Viel. Kawawa naman yung isang yun. Tapos may gusto din akong malaman. I'm not yet convince with his answer kahapon e. Para bang tinitipid ang mga sagot nya? O pinag-isipan dahil baka madulas.

"About that. Kakilala ko lang sa kanya last week. Malayong relatives siya nila mama. Taga ibang bansa siya at dito na naisipang mag-aral. Nagmove out na siya sa apartment niya just last week kasi personal problem daw at sa bahay na siya pinatira nila mama para na rin hindi na siya mahirapan pa papasok ng school. Ayun."

Baka kasi magtanong pa siya pagdating niya sa bahay mamaya kung bakit nasa pamamahay namin siya.

Kakausapin ko pa yun mamaya para kung sakali bumalik na sina mama.

At hindi na niya kailangang malaman ang tunay na pagkatao ni Viel. Dahil tingin ko hindi iyon tama.

Hindi lahat ng pangyayari sa buhay mo ay kailangan itong ipaalam sa ibang tao, kahit pa best friend mo yan. Personal privacy kung tawagin. After all, its not my story to tell.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top