Chapter 3

Ash del Fuego

Nagising ako sa lakas ng tunog ng phone ko. Aba sinong nang-iistorbo sa beauty rest ko?!

"Hoy! 30 minutes na ang nakalipas sa 5 minutes na alarm mo! Siguro naman babangon ka na dyan para maligo at pumasok di ba?!"

Naidilat ko ang mata ko sa nakakarinding boses na iyon. Ang tinis at bakit ang lapit lapit niya sa tainga ko?!

Someone poked my left cheek.

Napabaling ako doon at bumungad sa akin ang cellphone ko at sa gilid nun ang isang duwendeng nakapamewang at ang sama ng tingin sa akin. Ang pula pa ng mukha, siguro sa kakasigaw.

Tumikhim siya. "Ugh! Ang sakit mo sa lalamunan, alam mo yun?" Reklamo niya sa akin habang hinimas himas ang bandang leeg.

"Sino ba kasing nag-utos sa'yo?" Tinaasan ko sya ng kilay bago tumayo at dumiretso sa banyo.

Saka ko lang narealise, hindi ko pala nadala yung bagong tuwalya ko dahil kakalaba ko lang kahapon ng tuwalyang ginamit ko at hindi ko pa iyon nailigpit gawa ng nagbabad ako sa pag-aaral at pagbabasa ng story boung araw.

Lumabas akong muli at nadatnan ko ang nakatuping kulay purple na tuwalyang lumulutang.

Agad ko iyong kinuha. "Thank you!" Sabi ko sa duwende ng nakangiti.

"Ang bigat pala nyan! Sakit sa braso!" Reklamo nya. Kawawa naman. Marunong ngang magpalutang ng bagay pero hindi naman kakayanin ang bigat. "10 minutes lang ang pagligo! 30 minutes nalang malalate ka na!" Sigaw pa nya bago ko sinarado ang pinto.

"Bye dwarfy!" Paalam ko sa kanya nung papalabas na ako ng kwarto dala dala ang mga gamit ko.

"It's Viel not dwarfy! I am not a dwarf you're just tall!" Sigaw din nya pabalik. Ini-english pa ako ng elf na 'to.

"Fine elfy! Bye!" Kumaway pa ako na lalong nagpapula sa kanya.

Nagmamadali akong tinakbo ang distansya ng bahay at skwelahan namin. Nasa kabilang block lang ang skwelahan namin. Mga two blocks away. At kung lalakarin ko naman 15 minutes ang mauubos ko kaso 10 minutes nalang ang natira ko.

Inalala ko kung anong araw ngayon. Monday. Ibig sabihin, first subject naming is major at yung dean ang professor namin.

Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim.

"It's better to be late than arrive ugly." Sabi ko sa sarili ko at ngumiti. Anyway, major naman namin at yung dean pa teacher namin, hindi iyon magagalit sa late comers.

"Ang tunay na maganda hindi takot tumakbo ng pagkamilyamilya." Biglang sabi ng lalaking nakasabay ko. Tiningnan ko nga at tinaasan ng kilay.

"Who you?" Sino siya para magsalita sya ng ganun na parang close kami?

"I don't talk to strangers." Ay swabe sya oh. May gana pa syang gumaganyan. E siya nga ang sumabat sa akin.

"Excuse me?" Nakataas kilay ko pa ring tanong. Malapit na ako sa gate ng university namin.

Napatingin siya sa akin at bahagyang lumayo. I know that move. Tss.

Good thing at naka earphones pala ako. Kaya kunwari may kausap ako sa phone. Mas tinapat ko yung mic ng earphone sa bibig ko.

"You called first. At hindi kita kilala kaya paanong may number ka sa akin?" Dugtong ko kunwari at nilagpasan ng tuluyan ang lalaki. He's from here pala pero never ko pa namang nakikita o nakakasalubong. Siguro taga ibang building.

But napangiti akong mag-isa dahil sa itsura niya kanina. Priceless beh! Edi pahiya sya sa akin.

Maaga kaming natapos sa first class namin dahil aalis pala yung dean namin kaso may dinagdag syang coverage para sa major exam this Friday. Edi wow di ba?

"Guys! Tara na sa baba, ginugutom na mga alaga ko." Sigaw ng isang kaklase namin at bumaba na din kami.

"Lay, nakasalubong ko nga pala siya nung Friday." Sabi ko sa kaibigan ko.

"Oh? Nag-usap kayo?"

"Nope. Saktung tumawag ka. Pero tingin ko, wala naman syang balak magsalita kaya di na rin lang ako nagsalita." Sabi ko.

May mga batang taga high school department ang nag-uunahan paakyat at di sadya nung huli ang masagi ako at muntikan pa akong mahulog. Nagsorry naman sya sabay bow. Pero nagtaka lang ako kung sinong nakahawak sa buhok ko.

"Sorry, yung buhok mo nalang ang hinawakan ko, baka kasi magalit ka kapag sa bewang kita hinawakan." Dining kong sabi ng isang pamilyar na boses sa likod.

Napatingin ako kay Lay at nakasimangot na siya ngunit hindi niya maitago ang ngiti habang nakatingin sa likuran ko.

Bago ko pa sya lingunin kumaway na si Lay sa lalaking tumulong sa akin. Hindi at a nakapagpigil.

"Hi Raven! Anong ginagawa mo sa building namin?" Abot langit pa nyang ngisi. Sino ba 'tong iniidolo niya?

Nilingon ko yung lalaki at nadatnan ko syang nakaturo sa akin. Teka! Familiar ang mukha! Familiar din ang boses!

"Oh my? Anong kailangan mo sa besty ko?"

"Wait, your face and voice sounds familiar. Ikaw yung-"

"Ako nga yun." Pagputol niya sa akin. At teka! Yang mga matang iyan! Kilala ko iyan! "It's Raven Viel Siega my Princess." Sabi niyang halata namang sarkastiko ang huli dahil sa dahan dahang pagbaba ng buhok kong kaniya niya pa hawak. Wengyang duwende 'to ah.

Oo, sya iyong duwendeng nakatira sa bahay namin! At oo rin, siya rin iyong nakasabay ko kanina sa gate!

Loko 'to ah, ang ganda pala ng boung pangalan nya pero Viel lang sinabi niya sa akin. Tapos nagiging tao pala talaga siya. Am I still dreaming at nasa ibang mundo ako? Resulta na ba 'to ng matinding pagbabasa ng mga fictional stories?

"And I'm here to apologize something. Can I join you on your lunch?" Englisherong gnome! Tama yan! You owe me an explanation!

Mukhang nagets niya yata ang nasa isip ko kaya imbis na malungkot o mabahala at ngumiti pa siya sa akin na parang may nakakatawa at ako yun! Na pinagtatawanan nya ako! Walang hiyang elf talaga! Kinulam ba siya kaya naging dwarf sya o ano. Ewan!

"Ay! Oo naman, pwedeng pwede. At doon nyo nalang ipagpatuloy ang hidwaan na meron kayo dahil gutom na gutom na ako."

Inirapan ko si Viel at tinalikuran. Ngunit bago pa ako makalayo ay dumantay bigla ang mabigat nyang braso sa balikat ko.

"Sorry na. I'll explain later sa bahay." Bulong nya pero lalo lang akong sumimangot. Maiiyak pa yata ako.

Nakakainis! Niloloko lang niya ako! Pinaniwala niya akong isa siyang duwende! Walang hiyang elf talaga! Akala ko pa naman mga tao lang ang marunong manloko, duwende na din pala. Iba na talaga ang panahon ngayon.

"For now, wag ka munang iiyak o magalit sa akin. Ililibre kita. Peace offering at pasasalamat na din." Sabi niya pero nagtaka ako sa huli. Pasasalamat saan? Kaya nilingon ko siya at ang laki ng ngiti niya. At hindi ba niya alam na maraming nakatingin sa kanya?

Mas lalo lang talaga akong nainis pero nagulat ako nang bigla akong lumutang.

Napatingin ako kay Viel na nasa harapan ko ngayon. Gulat akong napatingin sa mga paa ko at kamay niyang nakapulupot sa boung katawan ko. Inangat nya ako! Pero hindi nya talaga ako hinawakan!

Napatingin ako sa paligid at agad kong napansin ang mga flash ng camera at may mga nakangiti pa. Nakita ko rin ang mga kaklase ko! Nakakahiya itong ginagawa niya! Akala ng lahat binuhat niya ako but hindi iyon ang totoong kaganapan. Using his magic umaangat ako!

Nahagip ng mga mata ko ang grupo ng mga lalaking nag-aasaran. May inasar silang kilala ko dati pero nilayuan na ako ngayon, si Levi. Nakaturo pa ang isa sa akin. Nakangisi siya sa nasaksihan at ng magtama ang mga mata namin ay dahan dahan iyong nawala.

"I can now carry you with no sweat." Bumaling ulit ako sa duwendeng---este damuhong kasama ko.

"Put me down Viel." Utos ko dahil nakakahiya na masyado. "Ayaw ko sa live show. Ang swerte nila at nasaksihan nila akong naglilive show."

"Maka live show ka naman akala mo hinalikan e." Nanlaki ang mata ko sa narinig at napatingin sa paligid. Sinabi niya ba iyon?! Walang hiya talaga tong gnome na 'to e.

"Gusto mo bang malaman ng lahat na hindi mo naman talaga ako binuhat, ha?" Pagbabanta ko. Makakatikim talaga sya sa akin. Makikita niya. "Itaas ko lang 'tong dalawang kamay ko."

"Pili ka, bitawan mo ako o bitawan mo ako?" Sinadya kong lakasan ang boses ko para ipakita sa kanyang ginagalit ako.

Kaso binatawan nga ako ng loko at hindi ako prepared doon!

"Edi bitawan!" Kasunod noon ang pagsinghap ng ilan.

Akala ko lalapat ang likod ko sa simento pero he bended his knee na akala mo e magpopropose at sinalo ako.

"I hate seeing you fall kaya sinalo na kita. Sorry na kasi." Pakiki-usap niya. Natawa ako dahil nag-ayie ang mga tao sa paligid. Akala mo nanunuod ng telenovela e.

Umayos ako ng tayo saka ko sya tiningnan ng masama.

"Oo nga, sabi nga later di ba? Masama galitin ang Prinsesa kapag gutom." Agarang sabi niya at tumayo.

Buti naman at alam mo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top