Chapter 2

Ash del Fuego

Weekend ngayon kaya instead of magbasa ng favorite story ko, ito at nag-aaral para sa major exam namin next week.

Binasa ko ng may tunog dahil mas madali kong maintindihan ang mga nakasulat. Gumawa din ako ng notes para mas madaling i-review.

Malapit na akong matapos sa isang chapter nang may napansin akong gumalaw sa gilid ng mata ko. Bandang kanan, may kasing liit ng daga ang tumakbo. Nasagi nya yung mga laruan ng pamangkin ko.

Nagpatuloy ako sa pagbasa hanggang sa natapos ko ang first chapter. May tatlong chapter pa akong tatapusin.

"I saw what you did there." Sabi ko nang hindi pa din inaalis ang tingin sa libro at nag take down ng notes.

"Better come up or ako ang lalapit sa'yo." Pagbabanta ko. I know I sounded stupid pero hindi talaga ako nagkakamali sa nakita ko. Isa pa, matagal ko ng alam na may nakatira nga dito bukod sa amin. At ngayon yun mapapatunayan.

"Don't worry, I'm harmless." Totoo naman ah.

Umilaw yung phone ko at may text doon, group message. Tss. Alas seis y media na ng mahagip ko yung oras sa phone ko. Maggagabi na pala, kaya pala kumakalam na yung tiyan ko.

Tumayo ako para lamang muling umupo.

"Hi."

"Jesus! Bakit mo ko ginugulat?! Papatayin mo ba ako sa nerbyos?!" Sabi ko habang nakahawak sa dibdib.

"Pasensya na kung nagulat kita. Sabi mo kasi magpakita ako." Maliit nyang pagpaliwanag. Napatitig ako sa kanya. Is this for real? May duwende talaga sa harapan ko?

Napatingin ako doon sa pinanggalingan nya. "Ayusin mo yung nasira mo. Babalikan kita dito, kakain lang ako."

Tumabi naman sya nang dumaan ako.

"E, ang bibigat ng mga yan." Reklamo nya. Seryoso? Napatingin ako doon sa mga laruang nagkalat. Mga robot at toy cars.

"Nakakahiya naman kung ako ang aayos at ikaw ang sumira di ba?" Hindi ba nya alam masama ako kapag nagugutom?

Bigla syang namula at mag-iiba pa yata ang itsura. Tinalikuran ko nalang at bumaba ng kusina.

"Pagbalik ko hindi na yan nagkalat."

"Oh, sinong kausap mo sa taas?" Tanong ni mama nang makita nya ako.

"Kaibigan ko po. Si papa? Hindi ba sya sasabay sa atin?"

Kumuha ako ng mga plato at nilagay sa mesa. Nagsandok na din si mama ng kanin. "Kunin mo yung adobo at may gulay din dyan, ako na ang tatawag sa papa mo."

Tumango ako at naghanap na din ng dried fish. Gusto kong kumain ng dried fish ngayong gabi.

"Natapos ko na po pala Prinsesa." Sabi nung dwarf nang makita nya akong papalapit. Akala ko guni guni ko lang yun kanina at dala lang yun ng gutom ko.

"Totoo ka pala talaga." Umupo ako sa harap nya. "Akala ko dala lang yun ng gutom." Ang liit pala talaga nya. Naalala ko tuloy yung commercial ng dish washing. Magkasinglaki lang sila.

"Hindi ka natatakot sa akin?" Inosenteng tanong nya. "Di ba kapag nakakita kayo ng mga kagaya namin, nagtitili na kayo sa takot?"

"Paano mo yun nalaman? Nagpakita ka na ba sa iba?"

Umiling sya. "Napanuod ko lang sa mga palabas na pinanuod mo." Nakangiti pa nyang sabi. Ang cute pala nya. Hindi naman nakakatakot ang itsura nya. On fleek nga yung ayos ng buhok nya tapos round yung tainga, parang sa akin lang. Yun nga lang malaki at round yung ilong. Tapos kulubot ang mukha nya at may bigote sya. Maayos din sya manamit, kahit di ko makuha yung fashion sense nya, magaling lang siguro syang magdala. Aba, kakaibang elf to ah?

"Nagagwapohan ka na ba sa akin?" Taas baba ang kilay at ang dalawang kamay nya ay nasa likod. "Sabihin mo nalang kasi."

Natawa ako ng malakas dahil sa tugon nya. Seryoso ba sya? "Saang banda ako magwagwapohan sa'yo aber?"

"Edi, natawa ka din. Masyado ka kasing seryoso kanina." Speaking of, napatayo ako bigla. Kailangan ko palang tapusin yung binabasa ko.

"Shoot! Kailangan ko palang tapusin 'to." May inaabangan kasi akong palabas sa HBO, kailangan matapos ko 'to agad. Dalawang palabas din yun at parehas ko silang paborito. "Wag kang magulo ah? Tatapusin ko lang 'to."

Sinunod naman nya at makalipas ang tatlong oras, natapos ko din. Salamat naman. Bukas nalang yung isang libro.

Nirelax at minasahe ko yung mata ko tapos pumikit ng ilang segundo. Pagmulat ko humihilik na gnome ang nakita ko. Hinayaan ko nalang at lumapit sa sofa sabay binuksan ang TV. Tamang tama lang yung dating ko.

"Mas maganda sana kung may popcorn." Biglang sulpot nya sa tabi ko habang kinukusot ang dalawang mata.

"Aba, as if namang makakaubos ka ng sampung pirasong popcorn, hanggang dalawa lang yata kaya mo." Natakam din tuloy ako.

"Ang arte mo, ayaw mo lang akong pakainin ng mga pagkain nyo. Para namang ang sarap ng pagkain nyo dito. Mas masarap pa nga sa amin."

"Edi dun ka sa inyo kumain."

"Nauumay din naman ako. Kaya sige naman oh. Ang lakas mong mangonsensya ng tao, tapos ikaw din pala 'tong walang konsensya."

Aba't?! Saan nya nakuha at nalaman ang mga yun?

"Anong gusto mong palabasin ha?"

"Popcorn nga. Gusto ko ng popcorn."

At namimilosopo pa. Saktong kumakain ng popcorn iyong mga bida, parang gusto ko na rin ata ng popcorn.

Malapit ng matapos ang pinanuod namin at kanina pa kami walang imik dahil parehas kaming tutok na tutok sa panunuod habang ngumunguya ng popcorn nang muli syang nagsalita.

"Hindi ka ba takot sa akin?"

"Edi sana hindi kita kasama at kausap ngayon, di ba?"

"So, hindi nga?"

"Hindi ka naman siguro gagawa ng masama sa akin." Nilingon ko sya, nakatitig sya sa akin.

"Paano kung oo?"

"Edi sana ginawa mo na yan kanina pa." Nang hingi ka pa nga sa akin ng popcorn.

"Mabilis ka palang magtiwala."

Napangiti ako sa sinabi nya. "At konsensya mo nalang kung sisirain mo yung tiwala ko."

"Ngayon palang nakokonsensya na ako." Sus, sinong niloloko nya?

"Tama yan. Kaya manahimik ka nalang dyan at magsisimula na ang palabas."

Mabilis akong magtiwala pero alam ko rin kung para kanino at kung sino ang dapat kong irespito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top