Chapter 1

Ash del Fuego

"What is wrong with him?! Lay! Answer me! What the hell is wrong with that Levi Andrade?! Why did he do that?! Anong gusto nyang palabasin ha?!"

Kanina pa ako palakad lakad dito sa rooftop. Hindi nagawang kalmahin ng hangin ang nag-aalab na nararamdaman ko.

Good thing at tinawag ako ni Lay para sa next subject namin pero wala din ata akong naintindihan sa klase gawa nang kanina ko pa iniisip kung anong ginawa ko at ganun ang mga pinagsasabi nya.

"I treated him as my friend! As a brother, even! Tapos ito ang makukuha ko?! Walang hiya sya! Ang kapal ng mukha!"

Lumapit ako sa pinakadulo ng rooftop at doon sumigaw ng malakas. Wala akong pakialam kung may makarinig sa akin at masita kami. Gusto ko lang isigaw ang lahat ng sama ng loob ko. Si Lay naman, tahimik na nagmamasid sa akin at hinayaan lang ako sa ginagawa ko.

Was that the reason ...

"Iyon ba ang dahilan kung bakit chinopchop mo sya sa isipan mo kanina?"

Tanong ko pagkatapos pakalmahin ang sarili. Hinihingal ako dun ah. Nilingon ko sya at saka pina-ikot ang mata sa kawalan.

"Sinabihan mo sana ako agad nang nasagawa natin agad ang plano at habang chinopchop mo sya, binudburan ko rin sya ng asin." Lumapit ako sa kanya at saka lang sya nakahinga ng maluwag.

"As if namang kaya mo. Dito ka nga agad pumunta at hindi sa harapan nya para maglabas ng sama ng loob." Nakangiting sabi nya. I sigh. "Sabagay, hindi mo nga pala kayang magalit ng matagal, tulad nalang ngayon."

Nag-iwas ako ng tingin at saktong sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hanging habagat. Pumikit ako at dinama ang mga maninipis na haplos nito sa aking mukha.

"Narealise ko lang, hindi ko kailangang mag-aksaya ng lakas upang harapin sya at itanong sa kanya iyon. Dahil bukod sa alam kong hindi sya nag-iisa sa isang lugar ay ayaw ko rin naman syang kausapin. Tsaka, baka kung anong magawa ko sa kanya kapag nakikita ko sya na ganun ang istado ng utak ko."

"And one more thing, ayaw kong masira ng tuluyan ang pagkakaibigan namin at-

"At ayaw mong isipin nya na affected ka." Pagputol nya sa akin. Nakangisi pa sya nung una pero naging seryoso din kalaunan. "Ayaw mo talaga sa kanya?"

Umiling ako sabay ngumiti. "Hindi ko nga gusto ang mga tipo nya. Ilang beses ko na yang sinabi sa inyo ah?"

"Pero kahit konti, wala talaga?" Kahit ulit ulitin pa nya, ganun lang din ang magiging sagot ko.

"Wala talaga. I don't see myself being with him in a romantic way." Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

"Or ayaw mo kasi hindi naman sya nanliligaw sa'yo?" Napa-isip ako. Kung sakaling gagawin man nya yun, parang imposibli naman, hindi ko pa rin sya tatanggapin.

"Still, hindi naman sa ayaw ko sa kanya, naging magkaibigan nga kami di ba? Pero hindi sya ang tipo kong lalaki."

Ngumuso sya at tumalikod na papuntang pintuan. "Fine. Ang hard mo ah? Sa gwapo ng lalaking yun at di ba talented yun? Tapos athlete pa at pang modelo ang dating."

"Aanhin ko naman lahat yan kung di ko sya gusto?"

Bakit nga ba hindi ko sya magawang mahalin? O kahit gustuhin man lang?

Nakahawak sya sa kamay ko habang panay ang tawanan namin dahil sa pang-aasar ko sa kanya. Maya maya pa, pinagsalikop nya ang mga kamay namin saktong dumaan iyung grupo ng mga kababaihan. Kunwaring tinali ko iyong buhok ko para hindi nya mahahalatang naiilang ako sa ginawa nya.

"Ang ganda mo talaga, lalo na pag nakangiti." Sabi niya pagkatapos tumawa.

"So, crush mo na ako, ganun?" Pang-aasar ko pa.

Lalo syang ngumiti ng malapad at nilapit nya yung mukha nya sa akin. Napatitig ako sa mata nya. Ang ganda nila tingnan, kumikislap.

"Sa mga oras na 'to, oo. Parang mahal na nga kita e." Nakangiti pa nyang sabi. Napahagalpak nalang ako ng tawa. "Bakit mo ako pinagtatawanan?"

"Nag toothbrush ka ba?"

Saglit syang natigilan at literal na napansin ko yung pagputi ng mukha nya. Lalo lamang akong natawa. Ang cute nya!

"Umamin ka nga? Hanggang ngayon ba, wala pa ring tubig sa inyo? Ilang araw na yan ah? Ibig sabihin, hindi ka rin naliligo? Wengya!"

Nasobrahan ko yata ang pang-aasar ko at hindi na sya kumibo.

"Uy. 'To naman, joke lang." Sabi ko sabay yakap sa braso nya. "Uy! Levi, uy! Hindi ka mabaho at ang bango ng hininga mo parang menthol nga e. Binibiro lang kita."

Dahil hindi ko nagustuhan ang pinapahiwatig ng mga mata nya kanina. Ayaw kong tanggapin dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa kanya. Ayaw ko ang mga ganung biro lalo na pag galing sa kanya dahil alam kong totoo iyon. At wala syang mapapala sa akin.

Dahan dahan nya akong nilingon at ang sama ng tingin nya sa akin. Alam ko na 'to e. Alam ko na ang kasunod nyan kaya mabilis pa sa kidlat akong bumitaw sa kanya at tumakbo.

"Humanda ka sa akin Ash! Maabutan din kita! Makikita mo!"

Rinig kong sigaw nya kaya mas binilisan ko pa ang takbo. Para kaming mga bata na naghahabulan dito sa field.

Maya maya pa naabutan nya din ako kasi naman ang hahaba ng hakbang nya. Natatawa akong patalikod na umatras sa kanya.

"Waa! Joke lang talaga yun Levi. Wag kang lumapit, please lang." Malakas kasi yan mangiliti.

Nakahinga ako ng maluwag nang huminto sya at tinaas ang dalawang kamay. "Fine. Pasalamat ka at pagod ako. Tara na, uwi na tayo."

Nakalimutan ko galing pala sya ng praktis ng basketball, at pinuntahan nya lang ako dito sa field.

Lumapit ako sa kanya at agad nya rin akong inakbayan. Inalis ko yung braso nya dahil ang bigat po, jusko!

"Paakbay lang sandali, nangangalay yung braso ko." Kaya pala ang bigat.

Kinuha ko yung braso nya at dahan dahang pinagpipisil. Marunong kaya akong magmasahe. "Kawawa ka naman, mamasahiin ko nalang."

Saktong pagliko ko sa pasilyo sa mismong floor ng room namin makakasalubong ko sya.

Humina ang lakad nya at nakatitig lang sya sa akin. Hinintay ko syang magsalita o kahit tatango lang pero wala ata syang plano. Tumunog yung phone ko.

"Uy babae! Bakit di mo ko hinintay?"

"Sorry na, nagmamadali kasi ako e. Kaya naiwan ko tuloy yung libro ko. Nasa school ka pa ba? Pakidala naman please. Dadaanan ko lang sa inyo mamaya."

Nakita kong huminto sya ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Oo na. May assignment pa naman tayo. Naku ka talaga."

"Salamat! Ang bait mo talagang kaibigan. Isa kang huwaran kaya nararapat kang tularan."

Napatawa ako sa sinabi nya. Rhyme pa talaga.

"Ah ganun? Pinupuri mo lang ako kapag inuutsan mo ako?"

Natatawa ko paring sabi sabay nilagpasan ko sya at diritsong pumasok sa classroom.

He doesn't have plans to apologize. Okay lang. It's not that what he said matters to me, anyway. As long as, I know what's the truth and we both know it, I will never confront him. Konsensya nalang sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top