#Dead45

Ginamit ni Caitlyn ang katawan ng kaibigan niyang si Caxandra. Sinundo siya ni Amiel from Laguna to Manila, kahit sobrang layo ay pumayag ito na sumama.

Gulat na gulat nga si Tezza dahil may usapan sila na kakain sila sa paborito nilang restaurant pero dahil sumama ito kay Amiel ay hindi na natupad iyon.

"Sigurado ka? Ayaw mo talagang sumama sa akin?" tanong ni Tezza

"Hindi muna ngayon. May pupuntahan pa kami ni Amiel eh, sige na ha? Hayaan mo, babalik rin naman kami agad," sagot ni Caitlyn

"Pero akala ko ba--"hindi na natapos ang sasabihin ni Tezza dahil kinuha agad ni Amiel ang atensyon nila.

"Ah, Tezza? Aalis na kami ha? Ibabalik ko na lang siya mamayang hapon. Ayos ba iyon?" sabi ni Amiel

"Ah, oo. Sige," iyon na lang ang nasabi ni Tezza

Umalis na silang dalawa sa Laguna at nagpunta sa Maynila. Habang nasa byahe ay kinausap ni Amiel si Caitlyn na ngayon ay nasa katawan ni Caxandra.

"Ikaw ba talaga si Caitlyn o niloloko mo lang ako?"

"Amiel Benedict Versoza, ano ka ba? Syempre ako ito ano. Sige, tanungin mo na lang ako ng mga bagay tungkol sa atin para maniwala kang ako ito."

"Tama na. Alam ko naman talaga na ikaw iyan kasi buong pangalan ko na ang sinabi mo eh."

"Hmm, sige lang. Magtanong ka lang sa akin. Sasagutin ko naman eh, bawas boredom lang rin sa byahe."

"Ah, sige. Anong una nating pinag-awayan noon?"

"Ah. Alam ko, iyong late kang dumating sa first date natin!"

"Tapos wala pa akong dalang kahit na ano, lalo ka tuloy nagalit sa akin noon."

"Ayos lang, wala ka pa namang stable na trabaho noon eh. Naiintindihan ko."

Biglang tumahimik ang dalawa. Hindi nila alam kung bakit pero hinayaan na lang nilang lamunin sila ng katahimikan. Si Amiel, abala sa daan habang si Caitlyn naman ay tahimik lang, iniisip kung ano ang sasabihin niya.

"Bakit ka ba naging cold sa akin noong huling mga araw mo? Wala naman akong ginagawa, pero nagagalit ka noon."

"Wala. Stressed lang siguro ako sa work at wala na rin tayong time sa isa't isa noon, miss lang kita kaya ganoon ako. Kaya nga ako pumuntang Laguna para mawala ang stress ko."

"So, totoo pala ang sinabi ni Caxandra sa akin? Eh, bakit mo binigay sa kanya ang phone mo? Hindi mo rin binigay  sa akin ang bago mong number."

"Ah, nakalimutan ko kasi. Hayaan mo ba nga iyon, huwag mo na isipin. Mag-drive ka na lang at mukhang mahaba pa itong lalakbayin natin."

"Ah. Oo. Mahaba pa nga, matulog ka muna dyan. Gigisingin na lang kita kapag naroon na tayo."

"Sige. Ah, Amiel?"

"Hmm. Ano iyon?"

"I love you so much."

"I love you too." sabi ni Amiel sabay hawak sa kamay ni Caitlyn pagkatapos ay hinalikan niya ito.

Ngumiting pilit si Caitlyn pero hindi niya gusto ang mga nangyayari. Alam kasi niyang hindi niya deserve ito.

Niloko niya si Amiel, wala naman talaga siyang balak na ibigay ang number niya rito noon dahil may isang Troy Michael Cervantes na sa buhay niya.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top