Chapter 73

Chapter 73:

Hakuna Miran's Point of View.

Halos masapo ko ang ulo ko sa sobrang sakit no'n umagang umaga, tumayo ako at napapapikit na kinuha ang twalya at damit pamalit.

Pagkasindi ko sa shower ay tumapat ako kaagad doon, ngunit hindi nawala ang sakit ng ulo ko dahil sa maraming nainom kagabi.

Inayos ko ang sarili dahil may trabahong gagawin sa site, pagkatapos mag-ayos ay nagmamadali akong lumabas.

Pagkalabas ay nahihiya akong yumuko ng makita si Laze na may suot pang salamin habang hawak ang stick na ginagamit niya pang turo sa white board.

Ngunit napansin ko ngayon na naka-suot siya ng fitted black jeans at puting longsleeve polo na bukas ang dalawang butones sa itaas.

Naka-tucked in 'yon dahilan para mas makita ang pagiging fit ng katawan niya, may belt siyang leather na sumisigaw ang brand no'n.

Napalunok ako at dahan-dahan na lumapit sa mesa at pasimpleng naupo, kinuha ko naman ang sandwich na nasa harapan namin ngunit bahagya akong umatras upang hindi marumihan ang papel na nasa table.

Pasimple akong kumain not until tawagin niya ang pangalan ko ay napatayo ako kaagad. "Y-Yes architect?" Mahinahon kong tugon.

Nangunot ang noo niya, inayos niya ang salamin matapos pasadahan ang suot ko. "Good morning," napalunok ako sa sinabi niya.

"G-Good morning architect," napapahiyang sabi ko.

"May amos ka pa," napahid ko kaagad ang gilid ng labi, pigil tawa naman si Crizel at Jem na nasa magkabilang side ko.

"Architect Lapiz, what is your plan on your delayed blueprints? The construction will start tomorrow." Striktong sabi niya, pinapalo palo niya pa sa palad niya ang stick.

"I-I'm working on it, architect so I could pass it before dawn." Tumango siya at sinenyasan akong maupo.

Pagkatapos niyang i-discuss ang plano ay sumunod si Jem for engineering naman ang kaniya kung kaya't kinailangan naming makinig mabuti.

Matapos no'n ay doon lang ako naka-inom ng tubig, medyo nakalimot ako dahil inaaral ko rin ang sinasabi ng engineers.

Mula sa site ay hinigpitan ko ang helmet na suot ngunit nakita ko si Laze na nahihirapan dahil hawak niya ang pang sukat at ang kopya ng plates para sa interior.

Lumapit ako sa kaniya, "Let me help architect." Kalmadong sabi ko at tumiklay, natigilan siya ng helmet niya ang hawakan ko at ayusin 'yon.

Bahagya pa siyang napayuko dahil wala siyang nasabi ng maisarado ko ang helmet. "Okay na architect," napangiti ako ng maayos ko 'yon inilagay ngunit nawala ang ngiti ko ng seryoso niya akong tinignan.

Napalayo ako kaagad, "Sorry architect." Mabilis kong bawi at tinalikuran siya dahil nag-init ang pisngi ko.

Pumasok kami sa site at napangiti ako ng makita na maayos na ang pool, sobrang bilis matapos dahil 24 hours ang construction, salitan at walang tumitigil.

Maraming extras dahil iniingatan rin namin ang disgrasya sa construction site. Sa totoo lang sobrang hirap rin kasi pag nagkaroon ng pag-guho o maliit na aksidente ay nagiging kasalanan talaga naming mga architect at engineer.

Kalaunan ay mas naging busy ako dahil sa blueprint na kailangan kong ipasa.

Hindi na rin ako kumain dahil kailangan matapos ko na talaga 'to, nang matapos ko ng ala una ng madaling araw ay napahikab ako at tumayo.

Lumabas ako ng kwarto ko at kumatok sa kwarto ni Laze, nang magsalita siya ay pumasok ako. "Architect, tapos na—" naawat ako sa pagsasalita ng mapahikab lalo.

Sobrang nakakaantok lalo na ng maamoy ko ang bango ng kwarto niya, it feels like it's comforting to sleep.

Humarap siya sa akin mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair, mukhang gumagawa rin siya ng plates for the interior.

"Let me see," lumapit ako sa kaniya at hindi ko mapigilang hindi humikab.

Nang abutin niya 'yon ay tila dama ko na rin ang antok niya, sandali akong naupo sa carpet niya sa sobrang kaantukan, "May mistake dito Kuna— Miran." Paglilinaw niya at itinuro 'yon.

Hinawakan ko yung ginuhit ko at tsaka ako muking napahikab, "Hindi ko na kaya mag-revise architect, antok na ako sobra." Humaba ang nguso ko at napayuko sa sarili kong tuhod.

"Go to your room and sleep then, don't make me carry you." Tumayo ako at tsaka nag-stretch.

"Tulog ka na rin." Tinignan ko ang ginagawa niya.

"Hmm," tugon niya.

"Goodnight, Laze." Natigilan siya sa pag-guguhit sa sinabi ko, "Hmm. Goodnight," mahinang sabi niya kaya napangiti ako

Dala ang blueprint ay lumabas na ako ng kwarto niya, pagkapasok ko sa kwarto ko ay basta-basta na lang akong sumalampak ngunit kumalam ng todo ang tyan ko.

Kahit inaantok ay napabangon ako ng naiirita at tsaka ako lumabas sa kwarto ko, ngunit pagkalabas ay sakto ring lumabas siya na katapat lamang ng kwarto ko ang pinto niya.

Nangunot ang noo niya kaya huminga ako ng malalim at hindi na siya binati, pumunta ako sa kusina at humanap ng makakain ngunit noong wala ay kinuha ko na lang ang cereal at almond milk.

"You didn't eat dinner?" Nalingon ko si Laze na inaantok pang kumuha ng bowl and spoon for him.

"Hindi, hindi ka rin siguro kumain kasi hindi mo alam?" Panghuhula ko na ikinangiwi niya at tsaka tumango na lang.

Natakpan niya pa ang bibig ng humikab siyang muli matapos maglagay ng cereal sa bowl niya at milk.

Inaantok akong ngumuya sa totoo lang gustong gusto ko ng matulog ngunit alam kong mahihirapan ako makatulog ng maayos dahil sa gutom.

Tumahimik ng halos ilang minuto dahil panay kami subo at nguya, "You know what mas inaantok pa ako ngayong hindi ako uminom ng alak," mahinang sabi ko dahilan para sulyapan niya ako at muling kumain.

"Matulog ka na pagkatapos mo kumain," mahinang sabi niya at tsaka itinaas ang isang paa sa kinauupuan at muling napahikab. He rested his back and then slightly stretched his arms.

Tinitigan ko si Laze dahilan para matigil siya sa ginagawa at tignan ako ng salubong ang kilay. "Alam mo ba, nang magising ako after accident natatawa ako noong ma-realize ko sa parehas yung impression ko sa'yo nang una tayong magkakilala sa tapat ng convenience store," napatitig lang siya sa akin.

"What's your impression?" He asked and rested his elbow above the dining table and placed his chin on the back of his palm.

"Robot kasi nang una kitang makaharap no'n tinignan mo 'ko kung papaano mo ako tinignan nang unang beses. Mannequin kasi ang gwapo mo, tapos ang puti at kinis mo pa." Bahagyang umawang ang labi niya, naningkit ang mga mata.

"Is that a compliment or an insult?" Napangiti ako, "It can be both, kasi they both have positive and negative." Ngumiwi siya sa explanation ko.

"Kung impression lang ang usapan, lugi ka." Nangunot ang noo ko sa kaniyang winika.

"B-Ba't?"

Pangit ba ang impression niya sa akin kaya lugi ako?

"I thought you were 10-11 years old," nanlaki ang mata ko at gusto ko man siyang samaan ng tingin ay hindi ko magawa.

"You look so messy, I thought you got lost. But then you spoke and I knew that you weren't a kid." Umirap ako at kumain na lang.

"Hindi na pala ako interisado sa impression mo sa akin." Ngiwing sabi ko.

"Tapos nasa isip ko pa no'n, bakit ang dumi nito—"

"By that time, my step father molested and abused me." Natigilan siya sa sinabi ko, gumalaw ang adams apple niya so I assumed he gulped.

"Then why didn't you ask me for help?" Kwestyon niya, "Hindi kita kilala no'n, nagmamadali ka rin." Matipid kong sabi.

"Yung comic book sa lugar niyo, I own it." Natigilan ako sa kaniyang sinabi, "Seryoso ba?" Manghang sabi ko. Matipid siyang tumango at tsaka himinga ng malalim.

"Jami and I love to draw, sketch, yung dad namin magaling din gumuhit." Kwento niya.

"Yung mom ko naman magaling rin siya, siguro ngay nakuha ko sa kaniya ang pagiging mailap ko dahil sabi ni dad noon, sinampal siya ni mom matapos niyang regaluhan ng doll yung mommy ko." Natawa ako sa kwento niya at tila nawawala ang antok ko.

"Bakit naman?" Natatawang tanong ko, napangisi si Laze.

"My mom is different from other women, she doesn't play with dolls, but she loves stuffed toys as it comforts her." Tumango ako bilang tugon.

"May iba't iba talaga kayong gusto 'no? Tulad na lang ng pinsan mo sa Palawan, yung pets niya halos ikamatay ko." Natatawang sabi ko.

"You remembered it?" Tumango naman ako.

"Feel ko naalala ko na lahat," mahinang sabi ko.

Natignan ko naman ang pulsuhan niya, matipid akong ngumiti. "Wala na yung 18th gift ko sa'yo?" Mahinang sabi ko at dahil doon ay natigilan siya at naitago ang pulsuhan niya.

"I once told you that I'll remove it if I stop from loving you." Mahinahon niyang sabi kaya ngumuso ako.

"Nasaan na?" Tanong ko.

"Tinapon ko na." Ngumuso ako lalo sa kaniyang sagot.

"Sabi mo gifts should be—"

"Don't reason me out, you are the one who married someone." Dismayadong sabi niya kaya umirap ako.

"Hindi naman kasi permanent eh—"

"Then you should've consulted me so I could help you, I have a lot of ways to help you."

"Sorry na nga eh," mahinang sabi ko at ininom ang milk na nasa bowl.

"Where do your sorry's go?" He was disappointed.

"Bukod doon, nawala pa yung nararamdaman ko sa'yo." Umawang ang labi ko at mas nalungkot.

"Ibabalik ko naman 'yan." Mayabang na sabi ko.

"You can't, ako na nagsasabi." Lumabi ako at pinaningkitan siya ng mata.

"I won't stop."

"You will stop," pangunguna niya kaya umirap ako.

"Bakit mo ako dina-down? Nagbigay ka pa ng chance." Napipikon kong pagdadahilan dahilan para ngumisi siya at umiling na lang.

"Because no one ever tamed me before, even my mom." Lumunok ako ng seryoso niyang sabihin 'yon.

Nilagyan niya ng gatas ang baso ko kaya ininom ko 'yon at ganoon rin siya, "Toast?" Anyaya ko natigil pa siya sa pag-inom at sinakyan ang kahibangan ko.

"Ginawang alak yung gatas," napapailing na sabi niya.

"Are your bruises okay?" Napansin ko na makikita ang pasa ko sa bandang collarbone dahil sa v-neck na suot ko.

"Gumagaling naman na sila," matipid na sabi ko.

"Hindi ka lumalaban pag sinasaktan ka?" Ngumuso ako at tsaka nagkibit balikat.

"Lumalaban pero hindi ko masaktan yung mommy ni Terry kasi mas matanda sa akin eh, yung si Tina oo nasasabunutan ko pero talo ako sa dalawa." Kwento ko pa.

"You should know how to defend yourself without hurting them then—"

"Hindi na, matatapos na rin naman ang paghihirap ko dahil nalaman na ng magulang at nalaman niyo na." Tumango si Laze, "You already know from the start that you'll experience that yet you risked yourself for the sake of your grandmother's company." Ngumuso ako ng pakiramdam ko uwi namin ay sermon.

"You're somehow stupid because of your love to your grandma." Hindi na ako sumagot at uminom na lang ng gatas, nag-usap pa kami at bahagyang nagtatalo dahil sa pinagtatanggol ko ang sarili sa mga tamang bintang niya.

"Hoy, anong oras na hindi pa kayo natutulog?" Nalingon namin si Crizel na halatang kagigising lang.

Nangunot ang noo ko, "A-Anong oras na ba?" Gulat na sabi ko.

"Gagi ka, 5:30am na hoy." Nanlaki ang mata ko at tsaka kami nagkatinginan ni Laze.

"I didn't notice." Mahinang sabi niya.

"Seryoso hindi pa kayo natutulog? Architect rin naman ako pero natulog ako?" Nakagat ko ang ibabang labi at nahihiyang nasapo ang mukha ko.

"I'll go to bed," paalam ko at tsaka nahihiyang tumayo.

"May pasok tayo ng alas otso, matulog ka na. Dami niyong kakalimutan pagtulog pa. Wow ha damang dama ko maging single." Parinig ni Crizel kaya pumasok na ako sa kwarto.

Ilang oras ay tinanghali na ako ng gising kaya naman naghanda na kaagad ako at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ng rest house ay natanaw ko na ang mga kasama sa site.

Ngunit lalapit pa lang sana ako sa kanila ay may mga police na dumating, nang ipakita ang papel ay alam kong warrant of arrest na 'yon. "You have the right to remain silence and call a lawyer ma'am, I have to handcuff you." Huminga ako ng malalim.

Hindi na ako pumalag, "Before that, can you call my cousin over there. She'll go with me," inutusan nito na ibalita sa mga nasa site.

"Ma'am tara na po," hindi ko alam kung bakit ako naaresto ngunit hindi ako gagawa ng eskandalo dahil wala talaga akong ginawang masama.

Pagkasakay sa sasakyan ng mga pulis ay hinintay ko ang kasama, "May trauma po ako sa police kaya gusto ko po ng kasama, I have no intentions of escaping." Paglilinaw ko.

Hindi na sila sumagot dahil maayos naman sila at ginagawa lang nila ang trabaho nila na utos ng chief officer nila.

Pagkaupo ko ay nakita ko na tumakbo si Crizel kasama si Laze, pagkalapit nila ay napatitig ako kay Laze na napailing akong tinignan.

"Sumakay ka na diyan, susunod ako." Mahinahon niyang sabi kaya nang makasakay si Crizel ay umandar na ang sasakyan.

"Ang kakapal talaga ng mukha ng mga Bautista na 'yan para kasuhan ka sa sarili mong lola, hindi talaga sila titigil." Inis na sabi ni Crizel.

Hindi ako umimik at nang makarating sa police station ay iniupo ako sa harapan ng chief, "Tumawag ka na ba ng abogado mo? May public attorney kami na pwedeng ibigay sa'yo—"

"I already called one, her case will be held by former Attorney Sandoval." Nakagat ko ang ibabang labi, bumuntong hininga si Laze at tsaka naupo sa isang silya.

"Ma'am, ikukulong po muna namin kayo habang wala pa yung abogado na hahawak sa iny—"

"She can wait here," mahinahon at maayos na sabi ni Laze.

"Sir, obligado ho kaming ilagay sila sa kulungan na 'yan hangga't hinihintay—"

"Did you prove her as the criminal? Kahit suspect malabong mapabilang siya." Napipikon na sabi ni Laze.

"I'm sorry sir, trabaho lang po talaga." Huminga ako ng malalim at tumayo.

"Tara na lang po," baka kasi mapagalitan pa siya dahil sa akin.

"Okay lang ako, makakalabas rin naman ako 'di ba?" Tumango si Crizel kaya sumama na muna ako.

Nanatili ako sa kukungan for about 1 hour and 30 minutes. Sobrang init at kakaiba ang amoy, may kasama rin ako rito tatlo sila at magkakalayo kami sa isa't isa.

Hanggang sa palabasin na ako at papasukin sa investigation room, nandoon na si Attorney Sandoval, prosecutor na siya 'di ba?

"Sit down Ms.Lapiz," mahinahon na sabi nito.

Naupo ako, pumasok naman si Laze at Crizel. "What happened?" Tanong ni Laze.

"The other opponent sent me a clip of her leaving the hospital, so I investigated it and it's a bit odd but I clearly saw her from the CCTV footage." Nangunot ang noo ko.

"I don't understand po," mahinang sabi ko.

"You're the last person who left your grandmother's hospital room before she died. I checked the autopsy and Ms.Lapiz there's a drug in her body that killed her." Nangunot ang noo ko.

"Ako po?" Nagtatakang sabi ko.

"P-Parang ang labo naman po na ako lang yung papasok sa hospital room ng lola ko gayung may mga nurses and doctors na nag round every hour?" I explained.

"Hindi nga ho ako gaano bumibisita dahil nandoon ang mga Bautista, kung papasok man ho ako ay sobrang bilis lang." Naguguluhan kong sabi.

"Sinasabi po ba sa CCTV footages na ako pumatay sa lola ko?" Huminga siya ng malalim at umiling.

"But they're suspecting you because of that," he explained.

Pinakwento sa akin kung anong ginagawa ko ng mga oras na 'yon, buong araw na 'yon at tinanong rin ang mga nakasama ko ng araw ha 'yon.

Nang magawan ng paraan ni attorney ay pinayagan akong mag-bail out at dahil hindi pa alam ng parents ko ay si Laze muna ang nagbayad.

Nanlulumo akong lumabas ng police station, "Sa sasakyan ko na kayo sumakay." Matipid na sabi ni Laze.

"Mauna na kayo, may kakausapin lang ako." Paalam ni Crizel.

"Saan ka pupunta mare?" Kwestyon ko.

"Maglalapag lang ako ng statement, gaganti ako sa mga Bautista." Napalunok ako ay hahabol pa sana pero pinigilan ako ni Laze.

"Sumakay ka na." Mahinahon niyang sabi.

Pagkasakay sa sasakyan niya ay natulala lang ako, natigilan ako ng siya pa mag-suot ng seatbelt ko sa sobrang lutang ko.

"Don't think about it a lot, my uncle is a good prosecutor and lawyer." Lumunok ako at huminga ng malalim.

Nang makarating sa rest house ay pumasok ako sa kwarto ko pero bago 'yon ay natigilan ako ng matignan muli ang sala.

Nang makita ko si Terry ay nanlaki ang mata ko at lumapit kaagad sa kaniya, "B-Bumalik ka na, kailan pa?" Tanong ko.

"Saan ka galing?" Nag-aalala kong tanong.

Huminga siya ng malalim, he look so devastated. Natigilan ako ng yumakap siya sa akin, "I'm so sorry Miran," nangunot ang noo ko ng sobra.

"H-Huh?" Nagkatinginan pa kami ni Laze na bahagyang iniiwas ang tingin niya.

Nang mapansin ko na umiiyak siya ay kinabahan ako, "B-Bakit?" Tanong ko, nang bahagya siyang lumayo ay natigilan ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko at lumuhod.

"I-I can't explain h-how but, y-you'll hate me." Kumabog ng sobra ang dibdib ko sa sinabi niya.

"Terry ano 'yon? Tell me okay?" Yumuko siya sa kamay kong hawak niya, lumuluha ang mata.

"I k-killed your grandmother." Nang sabihin niya 'yon ay natulala ako sa kaniya, hindi ma-sink in ng utak ko ang sinabi niya.

Peke akong tumawa, "Ano bang sinasabi mo? Linawin mo kaya Terry." Ang totoo ay pakiramdam ko mawawalan ako ng malay dahil nahihirapan ako huminga.

"I swear I didn't know, I-I just found out Miran—" natakpan niya ang bibig at tsaka pinahid ang luha niya.

"I talked to your lawyer, his uncle. I found out about the autopsy, Hakuna Miran from the bottom of my heart I didn't know that it will kill her." Natataranta at naguguluhan siya ngunit ako ay tulala at hindi maunawaan ang lahat.

"I was the one who bought that drug, it's not illegal. M-May doctor prescribed, k-kaya binili ko but it's my sister's doing." Napaluhod ako ng maunawaan ko ang ginawa nila sa lola ko.

"S-She's getting better, Miran. Your grandma is getting better but we killed her." Sunod sunod na tumulo ang luha ko sa narinig, sobrang sakit.

"I-I heard my mom and my sister's conversation j-just a little while. Your grandma woke up and t-they killed her." Napapikit ako ng sunod sunod akong lumuha, nasapo ko ang dibdib sa pagsakit no'n.

I can't stop myself from crying, my lips were trembling and my heart was aching. I don't know what to feel, but I am mad.

Lumagpas na sila sa linya, mga hindi dapat patawarin.



///

@/n: Any thoughts? Keep safe everyone ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top