Chapter 18

Hakuna Miran's Point of View.

Pagkatapos ng klase ay hindi ako pinansin ni Laze kaya tatalon talon akong naglakad papalapit sa kaniya at simiko aiya dahilan para matigilan. "What do you need?" Mahinang sabi niya, walang emosyon ang abo niyang mga mata.

Pogi pa rin.

"Galit ka sa akin?" Kwestyon ko.

"Nope." Matipid niyang sagot at ginulo ang buhok niya tapos itinaas kaya napangiti ako.

"Sure ka? Samahan kita mag-breakfast bukas?" Ngising tanong ko, bahagyang nang-aasar.

"What for?" Sa tanong niya ay ngumiwi ako.

"Kanina sabi mo yayayain mo dapat ako." Ngiwing sabi ko. "Ngayon tatanungin mo ako what for tinatanong rin kita kanina kung bakit." Masungit na sabi ko at bumuntong hininga.

Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin. "Let's go." Yaya niya na lang at hinawakan ang bag ko sa likod na suot ko na at hinila ako sa pamamaraan doon.

"L-Laze!" Gitil ko pero mahina siyang tumawa— mahina siyang tumawa?!

Mabilis ko siyang hinarap at sinapo sa mga pisngi. "Tumawa ka?" Nanlalaki ang mata kong tanong at dahil doon ay naging blangko ang tingin niya sa akin.

"Tumawa ka right?!"

"Ano naman?" Tugon niya at inalis ang kamay ko sa pisngi niya kaya natawa ako at napapalakpak.

"I made you laugh!" Masayang sabi ko.

"No."

"I did!" Pinaglalaban ko pa at ngumisi.

"You look funny, that's all." Mahinang sabi niya at deretso na naman ang mukha akala mo natalo sa lotto.

Sabay kaming pumunta sa cafe at ako dumeretso na sa trabaho, siya ay tumambay lang kasama si Bullet. Nagsimula akong magtrabaho at ng matanaw ko na pumasok si Janella ay kinawayan ko siya kaagad at ganoon rin siya.

Para kaming childhood friends na ngayon lang ulit nagkita at nagkasama. "Upo ka na doon dali." Utos ko.

"Yes Mareng Kuna, serve me ha!" Tumango ako at lumapit sa kaniya.

"Patingin ng service yung dapat cute talbugan ang costumer mare." Pangha-hype niya kaya natawa ako.

"Good day ma'am, what can I get for you?" Ngumisi siya at tumingin sa menu.

"What are your best seller?" Nakagat niya ang labi upang pigilang natawa.

"Ako mare, bilhin mo na." Natawa kaming dal'wa at tsaka niya itinuro sa akin ang order niya.

"Gusto ko yung cake ha! Yung sweet." Tumango tango ako at mabilis na sinabi ang order niya hanggang sa napansin ko ang naaktingin sa akin at nakalimutan kong kunin ang order ni Laze.

"You're so hyper, again." Ngumiti ako at naupo sa harapan niya.

"You want a girlfriend?" I asked bigla, natigilan siya at seryoso akong tinitigan.

"What for?" Umawang ang labi ko sa naging sagot niya.

"Anong what for! Syempre to have someone to landi." I stated.

"Nah, not interested." He stated.

"Get my order," he pointed the meal we wanted so I wrote it down and then left without saying a word. Kunyare galit.

Ibinigay ko na ang mga order nila, tapos ay bumalik ako sa loob dahil may umorder ng cake at kami rin ang kukuha no'n sa malaking refrigerator dito sa loob ng kusina.

Nang alas kwatro na ng hapon ay tinawag na ako ni Janella. "Ow?" Tanong ko.

"Uuwi na ako Mareng Kuna, baka gabihin pa." Nakangiting sabi niya kaya ngumisi ako.

"Ingat ka pauwi, text mo 'ko pag nakauwi ka na ha." Tumango tango siya at kinawayan na ako.

"See you ulit bukas! May college ball raw," tumango ako at kinindatan siya, tumawa siya at umalis na derederetso sa pinto wala ng lingon lingon.

Matapos ang gabi ay pagod na pagod akong nag-out, kukuha rin muna ako ng pera dahil kailangan kong bigyan sila mama kahit na galit siya sa akin, hindi naman siya makakapagtrabaho sa kalagayan niya.

"Hakuna." Gulat kong nalingon ang nagsalita sa likod ko at mas lalong nangunot ang noo ko ng makita na si Laze 'yon.

"Anong trip mo at tinawag mo 'ko sa first name ko?" I asked, he looked suspicious.

"I'll go with you, saan?" Tumaas ang kilay ko at tinitigan siya ng matagal.

"You are suspicious." Turo ko pa sa labi niyang magkalapat ng deretso.

Mukhang nawirduhan siya sa akin upang takpan ang labi. "What?" Tila iritable siya sa akin.

"Parati mo akong pinagdududahan, you're face are kinda hard." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at natawa na lang.

"Withdraw lang ako sandali." Paalam ko, sumunod lang siya sa akin silang dalawa ni Bullet minsan iisipin ko guard ko sila eh, I mean wala bang ginagawa si Laze after class?

Pagkatapos ko kumuha ng pera ay inabot ko sa kaniya ang ibabayad ko dahilan para mangunot ang noo niya at natutuwa ako dahil nagkakaroon na ng ibang improvements ang facial expressions niya.

Kahit hindi mababasa sa mata.

"What's this?" He asked.

"For the payment, 'di ba every pay day ko babayaran kita weekly?" Kwestyon ko.

"Not today, we have college ball and I'm sure you'll need that. Save me last." Napatitig ako sa kaniya ng ibalik niya ang isang libo sa akin, tinitigan ko siya ng matagal hanggang sa magtaka na siya siguro kung bakit.

"Do you like me 'no?" Umiling siya sa tanong ko at tinalikuran na ako.

Sinabayan ko naman siyang maglakad, sa paglalakad namin ay pumunta kami sa bus station. "Hindi pa tayo deretsong uuwi sa inyo?" Tanong ko kay Laze pero umiling siya at sa likod ng ID niya ay nandoon na ang bus card.

Dalawang tap kaya sumunod na lang ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. "Let me find your dad." Mahinang sabi niya kaya natigilan ako at nilingon siya.

"W-What for?" Bulong kong tanong.

"Maybe he can help you." Matipid niyang sagot kaya mahina akong natawa.

"How do I know if he's my real dad? Ampon nga ako 'di ba? It means hindi ko kilala kung sino ang tunay kong mga magulang at hindi ko rin kapatid si Yamato." Nasasaktan kong sinabi ngunit hindi ko ipinahalata 'yon.

"Huwag na."

"Ayokong magsayang ng oras, dahil kung may magulang ako hindi ako ang kailangang maghanap sa kanila." Masama ang loob kong sabi.

Nang mapamilyar sa daan ay nagtaka ako. "Ihahatid mo ba ako sa bahay namin?" Tanong ko, umiling siya at tumanaw sa labas ng bintana kahit na ako ang nasa malapit sa bintana.

He's wearing a navy hoodie jacket, and a pair of black slacks pero dahil matangkad siya kahit oversized pa ang isuot niya ay bagay sa kaniya. Tumigil kami sa bus stop sa kanto namin, pero pumunta siya sa gawing comic bookstore kaya sumunod ako.

Pagkapasok namin ay nagtaka ako ng makita si mama at si Yamato. "A-Ano 'to?" Mahinang tanong ko kay Laze.

"They asked me a favor." Sagot niya at naupo sa malayo kaya tinignan ko sila mama, mabilis silang lumapit sa akin.

"Ate, saan ka po tumutuloy?" Kwestyon ni Yamato.

"H-Hindi po kami pinayagan gumamit ni Tito Jubal ng cellphone kaya pumuslit lang po ako sa school para kausapin si Kuya Laze." Napatitig ako kay mama na mukhang nag-aalala sa akin.

"Okay ka lang anak? Pasensya ka na ha. Iyon na lang talaga ang paraan para mailayo kita sa kademonyohan ng tito mo." Natigilan ako at napuno ng pagtataka.

"P-Po?"

"Ate ang slow, hindi totoo yung sinabi ni mama ng nakaraan. Nagkunyare lang siyang walang alam." Gitil ni Yamato at dahil doon ay naramdaman ko ang kakaibang saya sa dibdib ko.

"H-Hindi ako ampon mama?" Tumango si mama kaya para akong batang naiyak at yumakap sa kaniya.

"Humanap ka ng dorm mo okay? Hindi mo na ako kailangan pang tulungan sa gamot. Ako na ang bahala doon basta huwag ka ng babalik sa bahay, kami na lang ang bibisita sa'yo." Tumango tango ako kay mama.

"Opo mama."

"Mabilis lang kami dahil baka maabutan kami ng Tito Jubal mo." Paalam ni mama kaya tumango ako.

"Ingat po kayo lagi mama."

"Ate, kita na lang po tayo parati alam ko naman po room niyo." Tumango ako at ngumiti.

"Eto po pala." Inilabas ko ang pera at inabutan sila ng dalawang libo.

"Nako anak hindi na—"

"Mama kunin niyo na po. Sabihin niyo na lang po hiniram niyo sa kaibigan niyo, ingat po kayo." Ngumiti si mama at nagpasalamat, umalis na sila at tsaka ako lumapit kay Laze.

"Okay na." Sagot ko.

"You're good?" Tumango ako at ngumiti.

"Thank you."

"Hmm." Tugon niya lang at tumayo na.

Itinakip niya ang hood sa kaniyang ulo at nakapamulsang lumabas ng comic kaya sumunod ako hanggang sa magtaka ako ng magkita kami bigla ni Janella.

"Uy Nella." Mabilis na sabi ko.

Mukhang nagulat naman siya at itinuro rin ako. "Anong ginagawa mo rito?" Kwestyon ko bigla.

Nakasuot na siya ng pang bahay, jogging pants at white shirt. "H-Hihiram sana ako ng comics dito. Suggest kasi ng high school student na na-meet ko sa school." Nakangiting sabi niya tapos tinignan si Laze, bago niya ako muling tinignan at hinila sa braso at mabilis na inilayo.

"Sino 'yon? Ikaw ha..." Natawa ako at ngumiti.

"Kaibigan ko, classmate ko rin siya sa course na kinuha ko." Tumango si Nella at tsaka nilingon ulit si Laze.

"Sure ka hindi mo boyfriend? Ikaw ha.."

"Hindi gaga! Mareng Nella kunin mo na yung kailangan mo at nang makauwi ka na. Baka mapano ka pa sa eskinita na 'to." Lalo na't manyak si Tito Jubal.

"Sige Mareng Kuna, ingat pauwi. Pahatid ka na sa friend mo ha," kinawayan namin ang isa't isa tapos ay bumalik na ako kay Laze.

Tahimik lang siya at muling sinulyapan si Janella kaya siniko ko siya. "Siya yung sinasabi ko sa'yo, single!" Nakangiting sabi ko pero seryoso niya akong tinignan at nagpauna ng maglakad.

"She's my friend, mabait siya trust me. Unlike sa girl na sinasabi mo," nakangising sabi ko at tsaka sinabayan siya pero hindi siya umimik.

Sumakay na kami ng taxi at tsaka tahimik na lang dahil tahimik na siya ulit, nasa kandungan niya si Bullet at nakadapa ito..

Kinaumagahan ay tinipon kaming lahat sa gymnasium. Inaantok pa ang diwa ko habang naka-suot ng PE uniform namin, wala pa si Laze dahil nagpaalam siya kanina na may kukunin sa locker.

Napanguso ako at naramdaman ko ang pagsakit ng puson kaya naman napanguso ako at naglakad palabas ng gym, habang naglalakad ay pumunta ako sa locker ko.

Hindi ko pa nakikita si Mareng Nella.

Pagkakuha ko ng extra pads sa locker ko ay pumunta ako sa malapit na cr at tama nga ang hula ko, binisita na ako. Pagkatapos kong maglagay ay tinatamad akong naghugas ng kamay bago lumabas pero mas nagtaka ako ng makita ko si Laze.

Ngunit mas nagtaka ako ng makita kong hinabol ni Laze si Mareng Nella, nangunot ang noo ko at pinanood sila.

Anong meron?

Bahagya kong binasa ang labi ko at nagtatakang pinanood sila sa malayo, hawak ni Laze sa pulsuhan si Mareng Nella at parang nagtataka naman si Mareng Nella sa inaasta ni Laze.

Anong trip ni Laze?

Inalis ni Mareng Nella ang pagkakahawak sa kaniya ni Laze at nagtataka niyang tinignan si Laze. Pagkatapos no'n ay hindi ko sila naiintindihan kaya nang maunang umalis si Mareng Nella ay tsaka ako lumapit kay Laze na mabagal na naglakad.

Siniko ko siya kaagad dahilan para matigilan siya. Sinulyapan niya lang ako. "Saan ka galing?" Tanong ko.

"Locker." Matipid niyang sagot.

"Galing ako sa locker kanina, wala ka naman?" Kwestyon ko, bahagya pang naningkit ang mata ko pero hindi na siya nagsalita.

"Galit ka ba sa akin?" Kinakabahan kong tanong dahil kahapon pa siya ganiyan, hindi siya nagsalita at umiling.

"Sure ka?" Kwestyon ko ulit.

"Stop asking." Gitil niya at nagpaunang maglakad kaya natigilan ako at tinitigan ang likod niya, huminga ako ng malalim at napanguso.

Baka may problema lang siya..

Hindi na ako nagpapansin gaano dahil mukhang wala siya sa mood, naupo ako sa lapag tulad ng iba ngunit hindi ako gaano malapit kay Laze dahil natatakot ako sa kaniya. Humaba lalo ang nguso ko ng magsalita ang teacher.

"Hanap na kayo ng partner niyo, intermission number tayong Architecture at Engineering aba." Utos ng masungit na dance instructor.

Bumuntong hininga ako at nilingon si Laze pero nagtaka ako ng mawala na siya sa gilid ko. Bigla ay natigilan ako ng makita siyang lumapit kay Mareng Nella kaya naman pinanood ko lang sila.

Magkakilala ba sila? Ah baka dahil kagabi?

Nangunot ang noo ko at habang nakaupo sa sahig ay natigilan ako ng may nangalabit sa likod ko kaya nilingon ko siya pero halos sabay kaming mapaatras ng muntik ng magdikit ang mga mukha namin.

"Grabe ka lumingon." Natatawang sabi niya.

"Jem, ikaw pala." Nakangiting sabi ko.

"May partner ka na?" Kwestyon niya sa akin kaya umiling ako at muling sinulyapan si Laze pero nag-uusap sila ni Mareng Nella.

"Wala pa," matipid kong sagot.

"Mukhang wala ka sa mood? Hindi ba ako yung inaasahan mong mag-aaya?" Ngumiti ako at umiling.

"Hindi naman, wala naman akong inaasahan. Kaya nga nagulat ako." Ngumiti siya at inilahad ang palad sa akin.

"Be my partner?" Tumango ako at tinanggap na lang ang kamay niya.

"What kind of ball ba 'to?" Pabulong na tanong ko.

"Masquerade daw." Sagot niya naman at luminga linga, gumilid muna kami at muling naupo sa sahig malinis naman.

Pinatong ko ang baba sa tuhod dahil masakit ang puson ko, maya-maya ay natigilan ako ng lumapit sa akin si Mareng Nella at naupo sa tabi ko.

Napalunok ako ng sumandal siya sa balikat ko. "Inaantok ako mare." Pabulong niyang tanong kaya napangiti ako.

"Inaantok ka pa rin? Ako rin eh." Nakangusong sabi ko.

"S-Sinong partner mo?" Mahinang tanong ko, bumangon siya at nilingon ako.

"Wala pa." Sa sagot niya ay nagtaka ako at hinanap si Laze, kung ganoon nasaan yung tukmol na 'yon?

"Eh si Laze?" Tanong ko.

"Laze? Yung kaibigan mo 'di ba?" Tanong niya at itinuro ako kaya tumango ako.

"Natatakot ako sa kaniya Mareng Kuna." Ngumuso siya kaya natawa ako, nalingon ko naman si Jem na tahimik lang.

"Parehas kayong engineering 'di ba?" Tanong ko sa dal'wa.

"Yes Mareng Kuna." Pagsagot ni Mareng Nella at sumandal na ulit sa balikat ko.

"Magkakilala kayo?" Tumango siya muli.

"Block mates." Sagot niya.

Maya-Maya ay lumapit si Laze at tinignan ako. "Let's go." Nangunot ang noo ko.

"May partner na ako." Sagot ko at itinuro si Jem na nasa tabi ko, natigilan rin si Jem at nginitian si Laze.

"Janella." Pagtawag niya kay Janella kaya natigilan ako, nakakahiya naman akala ko ako yung tinatawag.

"H-Huh? K-Kasama ko siya," natigilan rin ako ng ituro ako ni Janella at kumapit pa sa braso ko, ganoon ba siya katakot kay Laze?

"Mabait 'yan Nella, ipartner mo na kawawa naman." Nakangising sabi ko at pasimpleng siniko si Janella pero tinignan niya ako at umiling.

"Okay lang ako, dito." Sagot ni Janella kaya natigilan ako at tumayo, sandali kong tinangay si Laze papalayo sa dalawa.

"May ginawa ka ba sa kaniya? Ba't natatakot siya sa'yo?" Tanong ko.

Tumigil si Laze at tinitigan ako, hindi nagbabago ang expression niya at para siyang galit sa akin. "B-Bakit? May nagawa ba ako sa'yo?" Mahinang tanong ko ng mailang sa titig niya.

"None." Matipid niyang sagot at maglalakad na sana paalis sa harapan ko ay pinigil ko siya at hinarap muli.

"Seryoso nga, ano bang ginawa ko sa'yo? Kahapon ka pa eh." Singhal ko.

"Kung may problema ka sabihin mo sa akin, kung galit ka sabihin mo sa akin hindi yung ganiyan ka." Napipikon ko ng sabi, pero halos matigilan ako ng hawakan niya ako sa pulsuhan at tangayin papalabas ng gym sa kung saan walang tao.

Kinabahan naman ako. "B-Bakit?" Mabilis na tumibok ang puso ko sa naging aksyon niya, bakit kailangan niya pang isama ako sa labas?

"L-Laze." Kinakabahan na tawag ko sa kaniya, binitiwan niya ang pulsuhan ko at tinitigan ako.

"I-I hate you." Nang bigla niyang sabihin 'yon ay nanlaki ang mata ko, bigla ay parang nasaktan ako sa winika niya. Sinabi niya 'yon ng blangko pero hindi ko maintindihan ang naging dating no'n sa akin.

A-Ano bang nagawa ko?

///

"I hate you this much, I hate you."

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top