Chapter 4 "Kilometro"
As our teacher entered our room ay napatigil ang lahat sa pagkukwentuhan. Iginilid na lahat ng musical intruments at bumalik na lahat sa kanya-kanyang puwesto.
Napatingin ako sa teacher namin at sobrang fashionista niya despite sa kanyang age, she's wearing an animal print coat at nakasuot ng salamin... Mukhang masungit. Pagkapasok na pagkapasok niya ay agad siyang nagsulat sa board.
Miss Rose Ramirez
Iyan ang sinulat niya sa board. "Okay newbie musicians and performers. My name is miss Rose Ramirez and I will be in charge in your vocal lesson 101. Understood?"
Napaayos ako ng pagkakaupo dahil sobrang nakaka-intimidate ang kanyang gaze, kahit pa medyo may katandaan na itong si Miss Rose ay nakakatakot pa rin. Alam naman nating lahat na ayaw na ayaw ng mga estudyante sa isang terror teachers.
"Yes ma'am"
"As an introduction at para malaman ko ang range ng voice niyo. Isa-isa ko kayong tatawagin to do the Do-Re-Mi voice exercise" Sabi ni miss Rose kaya napa-ungol kaming lahat. Ano ba 'yan! First day na first day eh may activity agad kami.
Nagsulat kami sa maliit na piraso ng papel ng aming mga pangalan at inabot kay Miss Rose. Isa-isa kaming tinatawag upang i-perform iyon.
"Miss Diana Jane" Pagtawag kay DJ at pansin ko ang pag-irap niya sa ere.
"I hate my name" Mahina niyang bulong kaya napa-smile ako ng kaunti. Ayaw niya talagang tinatawag sa pangalan niya.
"Actually ma'am. Maging rockstar po talaga ang gusto ko kaya baka hindi ko maabot yung pinakamataas na 'do'" Bago mag-start eh nagpaliwanag si DJ.
"Bakit? Wala bang rockstar ngayon ang bumibirit? This is just a test of your vocal range. Huwag kayong matakot pumiyok or magkamali dahil i-e-examine ko lang kung sinong mga estudyante ang kailangan kong pagtuunan ng mga pansin. Okay?"
Sa sinabing iyon ni Miss Rose eh medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil okay lang magkamali.
Umubo ng ilang beses si DJ to clear her throat at mahinang tumalon-talon. Nagbitaw muna siya ng isang malalim na buntong hininga bago nagsimula.
"Do-re-mi-fa-so-la-ti--" She suddenly paused nung biglang nag-crack ang voice niya. "Gosh nakakahiya" Sabi ni DJ sa kanyang sarili. "Uulitin ko po miss Rose" Pagpapaalam niya ulit.
Tumango si Miss Roseat muling umubo si DJ at nagbitaw ng malalim na buntong hininga. If you thought na sobrang dali lang ng ginagawa namin... it's not, habang binibigkas mo yung 'Do Re Mi Fa So La Ti Do' ay dapat pataas ng pataas ang boses mo.
Sa pagkaulit ni DJ ay muli na naman siyang pumiyok sa "Ti" na part. "Huwag mo ng ipilit Diana Jane, sapat ng nalaman ko ang voice range mo at voice color mo. You may seat"
Hindi ko naman alam na may nalalaman pa silang voice range at voice color sa school na uto, kasi ang alam ko lang ay kung marunobg kang kumanta, singer ka. Kung marunong kang sumayaw, dancer ka. If you can do both Idol ka. If you can play instruments, musician. Sa tanang buhay ko iyon ang pinaniwalaan ko but here's come miss Rose to prove me wrong.
Nung turn ko na at sinimulan ang paggawa sa activity ay mabilis akong pinatigil ni miss Rose. "Mababa masyado ang boses mo hija. Huwag mo ng ipilit dahil baka magasgas lang ang lalamunan mo, you need to practice more para maka-cope up sa ability ng mga kaklase mo"
Akala ko nung una ay sobrang terror ni Miss Rose pero mali pala ako. Pagkatapos kasi naming gawin yung voice lesson na pinagagawa niya ay pino-point out niya sa amin kung ano yung weaknesses namin and nagsa-suggest kung saang genre babagay ang mga boses namin. Suggestion lang ang ginagawa niya, nasa amin pa rin daw kung susundin namin or not.
"Nice meeting you newbies," Nakangiting sabi ni Miss Rose habang iniipit ang mga papel namin sa kanyang libro. "Let's enjoy this year and by the way, nasabi na ba sa inyo na may freshmen orientation?"
Umiling kaming lahat. "Freshmen orientation sa Friday. Required kayong lahat na um-attend" Huking sinabi ni miss Rose at tuluyan ng naglakad paalis.
Kinuha ko ang bag ko para tumungo naman sa dance department dahil doon ang next class ko.
Sa school na 'to. Three days ang nakalaan para sa Vocal 101, Dance 101, at Music 101 which is monday to Wednesday. Sa thursday and Friday naman ay academics class naman namin upang pag-aralan ang mga subject like Algebra, Philosophy... Yung mga normal na subject.
Hindi lang naman kasi talent ang ine-enhance sa school namin, maging ang utak. Kailangan daw namin maging competetive sa dalawang iyon.
"Punta ka na sa next class natin?" Pagtatanong sa akin ni DJ habang isibusukbit niya ang itim na Jansport niyang bag sa kanyang balikat. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. "Sabay na tayo"
Nagpahid lang ako saglit ng pulbos sa aking mukha at naglakad na kami parehas ni DJ palabas. Pero bago kami makalabas ay napatingin ako kay Frost, he's being surrounded by girls na galing sa ibang section at mukhang iritadong-iritado siya.
"Type mo?" Biglang nagsalita si DJ sa tabi ko. Ang straight forward naman ng babaeng ito magtanong.
I shrugged my head at binaling sa kanya ang aking tingin. "Type agad? 'Di ba pwedeng na-curious lang!"
"Haha cool! Sanay ka rin palang mambara" Natatawang sabi ni DJ sa akin. Mahina kong nabatukan ang aking sarili, binilin ko pa naman sa sarili ko na magbibigay lang ako ng first impression ngayong first day.
"Sorry"
"Ano ka ba, okay lang 'yon. Mas maganda nga yung parehas tayong komportable sa isa't-isa eh" Sabi niya sa akin. Nakababa na kami sa ground floor ng vocal department at naglalakad na kami patungo sa Dance Department.
Napayakap ako sa aking sarili. "Wait are you... Lesbi?" Pagtatanong ko sa kanya na tinawanan niya na oamang ng malakas. Grabe sobrang seryoso ako sa tanong ko, hindi naman ako against sa mga third gender pero...
"Haha! May pagkasiraulo ka rin pala 'no? Hindi ako lesbian, ganito lang talaga ako kasi lumaki ako na may apat na kapatid na lalaki. Boyish talaga ko" Pagpapaliwanag niya kaya napatango-tango ako at nakahinga ako ng maluwag. "Kilala mo ba si Kevin Reyes?"
Sa pagtatanong niya na 'yon ay pilit kong inalala kung saan ko marinig ang pangalan na Kevin Reyes. "Ah! Yung sikat na vocalist ng 'Tuxedo'. Yung local rockstar na nanalo ng international award last month sa Korea?"
Kilalang-kilala ang grupo nila here in the Philippines and take note, iyon lang naman ang local band na sobrang kinaadikan ng kapatid kong si Caleb.
"Siya nga, kapatid ko 'yon" Nung sinabi ni DJ iyon ay namilog ang mata ko.
"Weh? 'Di nga?"
"Oo nga, here's the proof" May kinuha siyang family picture at doon ko napatunayan na kapatid niya nga si Kevin Reyes. "Naniniwala ka na?" Mabagal akong napatango-tango.
"Gusto ko kasing maging katulad ng kapatid ko. Siya ang inspirasyon ko, someday mapapantayan ko ang kasikatan niya o kung hindi ko mapantayan ay malagpasan ko man lang!" Nakangiting sabi sa akin ni DJ. Yung mga mata niya eh punong-puno ng determinasyon. "Eh ikaw Cindy, bakit gusto mong maging performer?"
"Kasi nae-enjoy ko siya. Gustong-gusto kong gawin yung mga bagay na nakakapagpasaya sa akin. Tsaka pangarap ko 'to" Nakangiti kong sabi sa kanya.
Sa sarap ng kwentuhan naming dalawa ay hindi ko namalayan na nasa Classroom na pala kami sa dance department. Actually hindi siya classroom dahil para siyang isang dance studio.
Pumasok ang isang kalbong lalaki sa aming room at nagpakilala bilang sir Michael. He is the one na nagko-choreo sa mga sikat na dancers and idols dito sa Pilipinas. He is well known at marami sa ibang bansa ang kumukuha sa kanya but he decided to stay here in our country. Kung paano ko nalaman? Kinuwento niya sa amin.
Dahil first day, wala naman masyadong sinasabi si Sir Michael bukod sa rules kapag nasa dance studio.
-----------------------
RULES:
1. Wear a rubber shoes and proper clothes inside the studio (this rule ay hassle para sa amin dahil nga next week ibibigay na ang mga uniforms namin so para maka-attend sa klase niya ay kinakailangan pa naming magpalit)
2. Foods was not allowed inside. (Bottled water lang daw ang pwede.)
3. You MUST follow. Bawal ang maarte.
-------------------------
Sa tatlong rules na 'yan ay sa rule# 3 ako napalagok ng laway. It means kahit anong ipagawa sa amin ni sir ay wala kaming karapatang humindi.
"Dahil first day palang ay maaga ko na kayong idi-dismiss" Sabi ni sir Michael at narinig ko ang mahihinang pag-'yes' ng mga kaklase ko, unang araw palang pero ang tatamad na nilang magklase.
***
Natapos ang klase namin at nagpaalam na rin si DJ ngayong araw. We enjoy each other company kahit kaming dalawa lang. Sobrang mausisa kasi sa buhay si DJ kaya ang dami naming napagkwentuhan.
Nasa rooftop ako ng Music department at pinagmamasdan ko ang mga estudyante na parang langgam na naglalakad palabas ng school. Ngayon ay talagang feel ko na nasa isang music school ako. Habang nakatambay ako mag-isa sa rooftop ay biglang nag-ring ang phone ko. Tumatawag si mama.
"'Maaaaa!" Malakas kong panimula nung sinagot ko na ang tawag.
"Anak kamusta ka naman diyan? Ngayon ang unang araw ng klase mo, okay lang ba?" Muntik pa akong maluha nung marinig ko ang boses ng mama ko sa kabilang linya. Sa isang linggo kong nandito sa Music Academy ay masasabi kong sobra-sobra ko na silang miss.
"Okay lang ako dito 'ma. Ang saya ng first day ko kasi nagkaroon ako agad ng mga bagong kaibigan. Kayo ba 'ma, kamusta kayo diyan?" Pagtatanong ko at pinipilit kong maging lively ang boses ko. Baka kapag nalaman nila mama na naiiyak ako eh baka mag-alala lang sila sa akin. It's my decision na tuparin ang pangarap ko and alam kong susuportahan nila ako sa bagay na iyon.
"Okay lang eto miss na miss ka na ni Caleb--- Hoy 'ma! Hindi ko nami-miss 'yang panget kong kapatid na 'yan" Habang nagsasalita si mama ay biglang pinutol ng kapatid ko, epal talaga kahit kailan.
"Oh sige na 'ma tatawag na lang po ako ulit mamaya, malo-lowbat na yung phone ko" Pagsisinungaling ko, baka kasi kapag patuloy ko pang marinig ang boses nila eh baka mapauwi ako sa Bulacan ng wala sa oras at mahigpit silang mayakap.
Natapos ang pag-uusap namin ni mama at naglakad na ako pababa ng rooftop. "Okay na ako, may energy na ulit ako dahil narinig ko na ang boses ni mama" Paalala ko sa aking sarili.
Sobrang close ko kasi sa family ko at eto ang unang beses na malalayo ako sa kanila ng sobrang tagal. Ngayon palang ay naho-home sick na ako pero kailangan ko itong labanan. Eto na ako sa pangarap ko eh, ang kailangan ko na lang gawin ay magtiis upang matupad ito.
Nasa ikawalong palapag na ako ng music department ng biglang may narinig akong tumutugtog ng gitara. Alam niyo yung feeling na gusto ko ng bumaba pero sobrang naakit talaga ako sa pagtugtog niya ng gitara.
Play the video in this part
Song: Kilometro
🎵🎶🎵Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli,
Sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome, kilome
Kilometrong layo🎵🎶🎵
Dahil sa pagkarinig ko ng boses ay sobrang na-engganyo akong maglakad lalo papalapit sa pinanggagalingan ng tugtog. Ang lamig ng boses niya samahan mo pa ng sobrang gandang pag-i-strum ng gitara.
Yeah...
Oooh...
Oh...
Ooohh...🎶🎵
Napadungaw ako sa bintana kung saang silid na nanggagaling ang kanta. Nakabukas ang pinto kaya rinig sa hallway ang pagkanta niya. Wala ng ibang tao rito sa 8th floor kun'di kaming dalawa na lang dahil nag-uuwian na ang mga estudyante.
Nung makita ko kung sino ang tumutugtog ay sobrang nagulat ako dahil ang ganda pala ng boses ng lalaking masungit na ito-- Si Frost. Nakapikit siya habang kumakanta at dinadama ang bawat lyrics kaya hindi niya pansin ang aking prisensya.
Bakit nga ba itong agwat natin
Pinipilit palawakin
Pero habang merong bumabalakid
Ang pag-ibig lumalalim
Tila tala sa tala ang layo
At di ka na matanaw
Pero pag humahaba ay lalo kitang sinisigaw🎵🎶
Maging ang laot walang takot na tatawirin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
San man dako'y pinangakong makakarating
Ikaw lang ay makapiling🎵🎶
Nakakamngha siyang panuorin dahil sobrang dama niya ang bawat lyrics na lumalabas sa kanyang bibig ay punong-puno ito ng emosyon. Ibang-iba sa Frost na nakita ko kanina sa room na sobrang tahimik at nakakatakot ang awra.
Tama nga si DJ, sobrang talented nitong si Frost. Hindi maipagkakaila.
Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli,
Sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome, kilome
Kilometrong layo🎵🎶
Woah...
Kilome, kilome, kilometrong layo
Woah...
Kilome, kilome, kilometrong layo
Napadilat ako ng mata nung biglang tumigil si Frost sa pagtugtog. Napapikit ako kanina dahil ang sarap talaga sa tenga ng boses niya, sobrang ganda. "Bakit siya tumig--"
Naputol ang aking sasabihin ng bigla kong nakita na nakatingin sa akin si Frost. Puno ng galit ang kanyamg mata at mukhang may balak yatang ihambalos sa mukha ko yung gitara na kanyang hawak.
Maglalakad na sana ako oaalis ngunut agad na humarang si Frost sa aking dadaanan. "Sinong nagbigay pahintulot sa iyo na panuorin mo ako?" Halatang galit na galit sa akin si Frost.
Bakit siya nagagalit? Eh maganda ang boses niya kaya in-appreciate ko lang naman. "K-kahit sino na namang tao mapapatigil bigla sa paglalakad para i-appreciate 'yang maganda mong boses Frost."
"Get lost. Ayoko ng makita 'yang pagmumukha mo ulit" Naglakad si Frost paalis at tinunggo niya ang kanyang balikat dahilan para mapasandal ako sa pader.
Tsk! Sungit! Naglakad na lang ako pababa na sobrang panget ng mood ko, kanina lang habang pinapakinggan ko siya ay sobrang ganda ng mood ko tapos... Tapos... Argh! Nakakaasar, bagay sa kanya yung pangalan na Frost dahil sa lamig niya sa pakikitungo sa ibang tao.
Pagkabalik ko sa dorm ay nadatnan ko si Yngrid na kumakain ng Cheesecake, she raise the plate na parang inaalok ako pero ako na ang tumanggi at humiga sa kama.
Hanggang ngayon ay nagpe-play pa rin sa utak ko yung pagkanta ni Frost ng Kilometro ni Sarah Geronimo. How come na sa isang heartless na tao eh makakakanta ng isang kanta na punong-puno ng emosyon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top