CHAPTER 7

CHAPTER 7

AFTER SCHOOL, Blake invited Ania to hang out and Ania gladly said yes.

Ito ang unang pagkakataon na hindi siya pumunta sa library o umuwi sa bahay pagkatapos ng klase. She wanted to hang out with Blake. Sa tingin niya ay mag-eenjoy siyang kasama ito. At gusto rin niyang makasama ang binata.

“Saan tayo pupunta?” Tanung ni Ania kay Blake.

Blake looked at her from the driver’s seat. “Ahm, pupunta tayo sa book store.”

Nagningning ang mga mata ni Ania ng marinig ang salitang ‘book’. “Talaga?”

Tumango-tango si Blake at pina-andar ang sasakyan patungong Book Store. Nang makarating sila doon, nagmamadaling pumasok ni Ania sa loob.

Narinig niyang tumawa si Blake sa ginawi niya.

A wide grinned appeared on her lips when she spotted the ‘History of Mathematics’. Akmang babasahin niya iyon ng pigilan siya ni Blake na hindi niya napansing nasa tabi niya.

“We’re not here for that.” Wika nito saka siya hinatak papunta sa Fiction Section.

Kumunot ang nuo ni Ania. “Anung ginagawa natin dito?”

Hinawakan siya ng binata sa magkabilang balikat. “Ania, ang dami mo nang school books. Why don’t you start reading these kinds of books for a change?”

Tumingin si Ania sa mga librong nakahilira sa harap niya. Iba-iba ang kulay ‘non. Nang makita ni Blake ang pag-aalangan niya, ito na ang kumuha para sa kanya.

“Here. This book is awesome.” Wika nito sabay bigay sa kanya ng Libro may cover na black circular na sinulat ni Pittacus Lore.

“Ano ‘to?” Tinanggap niya ang libro at tumingin kay Blake. “Nabasa mo na ‘to?”

Nakangiting umiling si Blake. “Nope.”

Inirapan niya ang binata na tumawa lang. “E bakit mo sinabi sa akin na maganda ‘to kung hindi mo naman pala nababasa?”

He shrugged. “Ginawa ‘yang movie. Pinanuod ko nalang kaysa na basahin ko.”

Binatukan niya ito. “Ikaw talaga. Ang tamad-tamad mong magbasa.”

Blake smiled at her sheepishly. “Ahm… nakakatamad kasi e.” Pagdadahilan nito.

Napailing nalang si Ania sa sagot nito. “Hindi ko lubos maisip kung paano ka naging top one sa mid-term.”

“I study without sleeping for two days and I was inspired.” He winked at her. “And I did it for you, remember?”

Her cheeks reddened instantly. “Tigilan mo nga ako sa pagpapa-cute mo.”

He chuckled lightly. “So cute pala ako.”

Mas lalo pang namula ang pisngi niya. “H-Hindi iyon ang—”

Tumawa si Blake ng malakas. Pinatitinginan ito ng mga ibang contumer, pero wala itong pakialam.

“We men don’t like to be called cute, but since ikaw naman ang tumawag sa akin ng cute, tatanggapin ko ‘yon.” Inakbayan siya nito. “Pero mas appreciated kung tatawagin mo akong guwapo o kaya naman hot.”

Tinanggal niya ang pagkaka-akbay nito sa kanya. “Tigilan mo ako sa kahanginan mo, Blake. Baka bigla nalang masira ang itong book store dahil sa signal number four mong hangin.”

Umakbay ulit si Blake sa kanya, sa pagkakataong iyon, hindi niya iyon pinalis sa balikat niya. She felt comfortable in his arms.

“Pag nasira ito, marami naman ang pera ng mga magulang ko. Ipapagaw ko nalang ulit.”

She rolled her eyes. “That’s the point. Pera ng parents mo at hindi sayo. Kailan ka ba tatayo sa sarili mong mga paa, Blake? Without them, you’re nothing.”

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Blake.

Na guilty siya ng makita nasaktan ito sa sinabi niya. Hay! Bakit naman kasi hindi siya nag-iisip bago ibuka ang bibig?

“I’m sorry, Blake.” Ipinalibot niya ang braso sa bewang nito. “I’m sorry.”

He hugged her back. “It’s okay. Nagsasabi ka lang naman ng totoo.”

Nawalan na ng gana si Ania na tumingin sa mga libro. “Umalis na tayo? Wala na akong gana.”

Tumingin sa kanya si Blake. The pain is gone and it was replaced by a small frown on his forehead. “Paano ang mga libro mo? Bibilhan pa naman kita.” He pouted.

Hinatak niya si Blake paalis ng book store. “Halika na. I want to go somewhere else.”

Nang makapasok sila sa kotse nito, bumaling ito sa kanya. “Where do you want to go?”

Tumingin siya sa kisame na parang nag-iisip. “Wala akong maisip e.”

“Patingin-tingin ka pa sa kisame na parang nag-iisip, wala ka naman palang maisip.” Pinandar nito ang kotse. “Ako ng bahala kung saan tayo pupunta.”

“Saan?” Excited niyang tanung.

He looked at her then winked. “Secret.”

After an hour of driving, Blake stopped in a park.

“Sa park mo lang pala ako dadalhin, may pa secret-secret ka pang nalalaman.” Iningosan niya ito.

“At least ako may naisip na puntahan.” Binuksan nito ang back compartment ng sasakyan at may kinuhang basket na may lamang pagkain.

“Tada!” Ipinakita nito ang basket sa kanya. “I cooked you something.”

Napipilan siyang tumingin sa basket na may lamang pagkain. “Pinagluto mo ako? Ikaw ang nagluto niyan?”

Nagkamot ito ng batok. “Not really. Nagpatulong ako sa Aunty ko.”

“Siguraduhin mo lang na hindi ako malason sa luto mo.”

Tiningnan siya nito ng masama. “Alam mo, mas okay pa nuong galit ka sa akin e. Kasi minsan mo lang akong insultuhin, pero ngayon, halos lahat ng komento mo, nakaka-insulto.”

“Oh, so mas gusto mo na hindi kita pinapansin tulad ng dati? Okay then.” Tudyo niya dito. Naglakad siya palayo rito.

Napangiti siya ng maramdamang panagsiklop ng binata ang kamay nila at pinigilan siya.

“Kahit palagi mo akong ini-insulto ngayon, mas okay sa akin ang ganito. At least, pinapansin mo ako.” He tightens the hold on her hand. “At masaya ako na magkasama ka ngayon.”

Hindi nagsalita si Ania at ihinilig ang ulo sa balikat nito. She felt happy and contented just by holding his hand.

Holding hands, they walk to the park together. Tumigil sila sa isang mayabong na puno.

Tinanggal ni Blake ang jacket nito at inilatag sa Bermuda grass. “Upo ka.”

Napangiti si Ania sa ginawa nito. Sinong mag-aakala na lalaking ito na walang pakialam sa buhay, ay may gentleman side pala.

Umupo siya sa jacket nito at ito naman umupo sa tabi niya. Kumuha ito ng sandwich sa basket, tinanggal ang napkin na nakabalot dito at inuumang ang sandwich sa bibig niya.

“Bite.” Anito.

Ibinuka niya ang bibig at kumagat. Nginitian niya ito at nag-umpisang ngumuya. Napatigil siya sa pag-nguya ng maramdamang dumampi ang kamay nito sa labi niya.

Tumingin siya sa rito. “Anong—”

“I didn’t know you were a messy eater.” Anito sabay pahid ng kung ano sa labi niya.

“Hindi ako messy eater. Akin na nga yang napkin.” Inabot niya ang napkin pero agad nitong inilayo iyon. She pouted. And childish talaga nito!

“Huwag ka ngang mang-aagaw ng ginagawa. Heto na nga at pinapahid ang labi mo.”

Pero matigas ang ulo ni Ania. “Akin na sabi iyan e!”

“Ako nalang sabi—” His froze when his eyes meet hers. Parang may kung anung humigop sa kanilang dalawa sa mundong silang dalawa lang ang naroon. Wala siyang naririnig maliban sa mabilis na paghinga nilang dalawa. Unti-unti, lumalapit ang mukha nito. Alam niya ang balak nitong gawin. Hindi siya tanga. Ipinikit niya ang mga mata at hinintay na lumapat ang mga labi nito sa labi niya.

When his lips touched hers, Ania gasped at the spark of the electricity she felt. She heard Blake moaned. That made her stomach tightened at the sound. She felt his arms snakes around her waist, pulling her closer to him. She put her hands on the each side of his cheek and deepened the kiss.

When they pulled away, they’re both huffing and catching for breath.

“Ania.” He looked at her softly.

“Blake.”

He dipped his head and kissed her again. When he pulled away, he gathered her on his arms and stayed like that for a while.

“Ania?”

“Hmm?”

“Thanks you for this wonderful day.”

Ihinilig ni Ania ang ulo sa dibdib nito. “Salamat din sa araw na ito. Itong ang unang beses kong lumabas kasama ang isang lalaki.” Pag-amin niya.

“Talaga?” Tumawa ito ng marahan. “Ako pala ang first date mo.”

“Ikaw din ang first kiss ko.” Nang mag-sink in sa utak niya ang sinabi, biglang namula ang pisngi niya.

Pinakawalan siya ni Blake sa pagkakayakap at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. “Ano? Totoo?”

Nahihiyang tumango siya. “Focus ako masyado sa pag-aaral ko na hindi ko nabigyan pansin ang ibang bagay.”

Ngumiti ng pilyo ang binata. “I’m glad na nawalan ka ng panahon sa ibang bagay.”

Tinampal niya ang balikat nito. “Ikaw talaga.”

Ngumisi ito. “Hindi pa rin ako makapaniwala na first kiss mo ako.”

Inirapan niya ito. “Drop it Blake!”

Tumawa ito ng marahan at hinapit siya palapit dito. Silently, they looked at the other people walking, playing and talking in the park.

After the kiss, mas lalong na-confuse si Ania kung ano sila ni Blake.

He kissed her and Ania can feel that he likes her. Pero wala itong sinasabi sa kanya kaya ayaw niyang mag-assume ng kung anu-anu.

Salungat ito sa paniniwala niya. Dati naniniwala siya na kung may hahalik sa kanya, boyfriend niya dapat. Pero, heto, si Blake ang unang halik niya at hindi nga niya alam kung ano sila ng binata. Pero Masaya si Ania.

She decided to just cross the bridge when she gets there.

Mukhang hindi pa handa ang binata para pumasok sa isang relasyon. Wala itong pakialam sa buhay. At malaking responsabilidad ang pumasok sa isang relasyon. At sa tingin din niya, hindi pa siya handa. Kailangan niyang mag-focus sa pag-aaral niya bago ang boyfriend kaya naman okay lang sa kanya na wala silang label ni Blake.

Ii-enjoy nalang niya ang mga ganitong pagkakataon.

No label

No string attached.

No relationship.

And just enjoy the moment.

Tumikhim si Blake na pumuka sa pag-iisip ni Ania. “Mukhang ang lalim ng iniisip natin ah.” Tudyo nito.

“Iniisip ko lang ang finals. Two months from now, ga-graduate na tayo.”Pagsisinungaling niya.

Blake tsked. “Here I am, thinking about how beautiful you are and you are thinking about the finals?” Pabirong sinapo nito ang puso. “Nasasaktan ako, Ania.”

Inirapan niya ito. “Ewan ko sayong lalaki ka. Speaking of which, what will you do after graduation?”

Blake stilled at her question. Nang wala siyang narinig na sagot mula dito, tiningngnan niya ito, nakatingin ito sa kawalan at mukhang ang lalim ng iniisip.

“Blake?” Pukaw niya rito.

Kumurap-kurap ang mga mata nito na para bang nasa ibang demensiyon ito at kababalik lang.

Bumaling ito sa kanya. “Huh?”

Napailing nalang siya. Mukhang wala pa itong plano after graduation. “I wonder kung anung gagawin mo after graduation. Magpa-party all night?” Ngumiti siya sa naisip. Sigurado siyang iyon nga ang gagawin nito. “Hmm. O kaya naman, trip around the world? O kaya, bar hoping every night? Ah-ha! Alam ko na, magpapa-mesa ka dahil nakatapos ka.”

Biro lang ang lahat ng mga sinabi niya pero nang tingnan niya ang mukha ni Blake napakaseryoso nito at nakatingin na naman sa kawalan.

“Blake?” Tawag niya rito.

Parang hindi siya nito narinig, kaya naman ganoon nalang ang gulat niya ng magsalita ito.

“Since elementary, wala akong pakialam sa kahit na anung bagay sa mundo. Habang nagbibinata ako, alam kung sakit ako sa ulo ng mga magulang ko. Kahit anung sabihin nila sa akin, hindi ako nakikinig. Kahit tanggalan nila ako ng allowance, wala akong pakialam. Alam ko naman kasi na nadiyan si Aunt Edna para sa akin. Siya ang taga salo sa akin pag sobrang nagagalit ang mga magulang ko.”

Humugot ito ng malalim na hininga. “Nakapasa lang ako sa mga subject ko nuong high school dahil kay daddy. May share kasi siya sa school na pinapasukan ko kaya pinapasa nila ako kahit sobrang bagsak ang grades ko.”

Shock is an understatement of the century. ‘yon ang nararamdaman ni Ania. Alam niyang walang pakialam si Blake, pero grabe pala ang kawalan nito ng pakialam.

Nagpatuloy ito. “Umaasa ako palagi kay daddy sa lahat ng bagay. Mula school, cars, my needs and money. Kung wala ang parents ko, wala ako.” Bumaling ito sa kanya. “Tama ka, Ania. Wala nga akong patutunguhan. Alam mo kung bakit, because I just don’t care. I could care less if I graduate or what will happen to me in the future as long as my parents are there to support me, I’m okay with it. I could shout ‘whatever’ to the world and mean it.”

Blake laughed without humor. “Then, like a cliché story, I met you. A very responsible girl who care about her grades, her family and everything in this world. You are the opposite of me, Ania. I know that. Pero parang may kung anung magnet mayroon ka na hindi ko malabanan. I know we’re both different, that we won’t flock together because of our opposite attitude, but I don’t care. I keep coming to you, seeking you when you don’t want to see me. I even go to the extent na inakyat ko ang bahay niyo makita ka lang.

“Nuong una, akala ko gusto ko lang mapalapit sayo kasi na ko-curious ako sayo. Then I did all those crazy things to get your attention. Hell, I even study for you to see me. Ginawa ko ang lahat ng ‘yon para sayo. I can feel myself changing because of you. I didn’t go out to throw a party because I know it would be very boring without you in it. I haven’t been having sex with random woman in the mall because I only think of you. I read books so that hindi ako magmukhang bobo sa paningin mo kapag tinanung ako ng professor. Dahil sayo, unti-unti, nagbabago ako. For once, naging proud sa akin ang parents ko dahil sa pag top one ko sa mid-term, and it’s all thanks to you.”

Blake cupped her face softly. “It was you who made me do all those things that I abhor doing. Nang makilala kita, gusto kong magbago. Para sayo. Pero kahit anung gawin kong pagbabago, I still feel worthless beside you. Ayoko ‘non. Kung alam ko lang ang dahilan kung bakit ko ginawa ang mga bagay na ‘yon para sayo, sana maaga kung itinigil yon. But I’m so dumb not to notice that I’m falling in love with you. And when I did realize it, it’s already too late to take my heart away from you. You already wrapped it in your hand and I can’t do anything to get it back.”

Inilapat nito ang nuo sa nuo niya. Punong-puno ng emosyon ang mga mata nito. “I love you, Ania. I love you much that it scared me. I know you probably think of me as a worthless scumbag, but I promise you, I’ll do anything to be worthy of your love and attention. Siguro kapag may patutunguhan at halaga na ako, matatanggap mo na ang isang katulad ko.”

Masaganang umaagos ang luha mula sa mga mata nio Ania. Hindi niya napigilang maging emosyonal na mga pinagtapat ng binata sa kanya.

She hated him from the very beginning, all along, gusto lang pala nito na mapansin niya. Ginawa nito ang lahat mapansin lang niya ang she felt so amazing that a guy like Blake would do something like that for her.

He is not worthless, far from that. Siguro wala lang itong plano sa buhay, pero hindi ito worthless.

“Blake, I lo—”

He stopped her words by crashing his lips against hers.

“Shh. Ayokong marinig ‘yon ngayon. Saka na, pag may maipagmamalaki na ako sayo. Kapag maipagmamalaki mo na ako sa pamilya at kaibigan mo.”

Tumango siya. Her heart is about to burst out in so much happiness and love for this man that she fell in love in the process of hating him.

Blake smile at her, love shining on his eyes. “I’ll do everything to be worthy of you, Ania. Everything. I promise.”

Then they sealed his promise with a kiss.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top