CHAPTER 6

CHAPTER 6

NAPAIGIK si Ania ng may humatak sa braso niya pagkalabas na pagkalabas niya ng sasakyan, nang tingnan niya kung sino, ang kaibigan niya iyong si Gina.

“Ania! Bilis! Kailangan mong makita ang ranking ngayong mid-term!” Wika nito habang hinahatak siya patungong bulletin board sa labas ng College department nila.

May dalawang klase ng ranking ang ACU. Ang College and University ranking. Ang college ranking ay ang top twenty list ng mid-term at final exam sa bawat college department, samantalang ang University ranking naman ay ‘yong top ten list ng matataas ang grado sa buong university.  

“No need.” Wika niya na ikinatigil ng kaibigan sa paglalakad.

“Huh?”

Ngumiti si Ania. “For three years, ako palagi ang top one sa college at University ranking. For sure, ako na naman ang nangunguna ngayon.”

Nawala ang ngiti ni Gina at tumingin sa kanya ng may awa sa mga mata nito. Kumunot ang nuo niya. Bakit naman ito maaawa sa kanya?

“Ania, kasi hindi ikaw—”

Naputol ang sasabihin nito ng may magsalita sa likuran niya. “Well, well, well, isn’t it miss number two.” Boses iyon ni Isa. Isa sa mga classmate niya na ayaw sa kanya.

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. “Excuse me? Anung number two? Baka nakakalimutan mo, I’m always number one.”

Tumawa ng nakakaloka si Isa. “Poor you. Hindi mo pa pala nakikita ang result ng mid-term exam. Bakit hindi mo tingnan para matauhan ka.”

May kung anung kakaibang kaba na naramdaman si Ania sa sinabi nito. Bumaling siya sa bulleton board kung saan napapaligiran ng maraming estudyante.

Lumapit siya doon. Para namang di-remote na nahati ang estudyante at binigyan siya ng daan.

Hinanap kaagad niya ang pangalan niya. Ganoon na lamang ang hiya at galit na naramdaman niya ng makita ang list of top rankers.

2. Anianette Sandejas

P-Paanong… H-Hindi— imposible! Wala pang nakakatalo sa kanya bilang top one. Sino? Sino ang tumalo sa kanya!

Mabilis na tiningnan niya ang top one slot. Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang top one. No! Impossible! Paano siya natalo ng isang taong walang pakialam sa school at grades? Ang taong palaging absent at hindi nag re-recite o sumasagot ng mga test?

1.Blake Landeza

She composed herself. Kalmadong tumalikod siya at naglakad pabalik kay Gina. Ramdam niya ang tingin ng ibang estudyante sa kanya.

Naawang tumingin sa kanya si Gina. “Ania…”

“Huwag mo akong kaawaan, Gina. Mid-term lang naman ‘yan. At saka sure ako na ako pa rin ang top one sa University ranking.” Tumingin siya kay Isa. “Bago mo ako tawaging miss number two, tingnan mo muna ang ranking mo.” Tumawa siya ng nakaka-insulto. “Oh, my bad, nakalimutan kong palagi kitang natatalo sa ranking. At least ako, ngayon lang nag rank two, ikaw, tatlong taon na ginagawa ang lahat, hindi mo parin ako matalo-talo.”

Inirapan niya si Isa at pumasok sa first class nila. Agad niyang nakita si Blake na naka-upo sa upuan na palagi niyang inuukupa.

“Get off my chair.” Walang emosyong wika niya habang masamang nakatingin sa binata.

Ngumiti ito sa kanya, hindi alintana ang masamang mood niya. “Hey, Ania. Good morning.”

Kung nuong isang araw nito siya binati ng good morning, baka nginitian pa niya ito, pero ngayon? Lampas langit ang galit niya rito dahil natalo siya nito sa ranking.

“Ano naman ang maganda sa morning?” Mataray niyang tanung rito.

Unti-unting nawala ang ngiti nito. “Ahm… ano… ahm, ang maganda sa morning? Ahm…”

Inirapan niya ito. “Walang maganda sa morning kaya umalis ka na diyan sa upuan ko bago kita puwersahang paalisin.”

Hurt crossed his eyes. Nakatiim bagang itong tumayo ito at tumingin sa kanya ng matiim. Kapagkuwan ay naglakad ito paalis ng class room nila. Sinundan niya ito ng tingin.

May pagsisisi siyang naramdaman sa inakto. Wala namang ginagawang masama sa kanya ang binata pero minalditahan niya. Pero masyado siyang napahiya para magpatalo sa konsensya niya.

Umupo siya at hinintay na dumating ang professor.

Sa buong araw, patingin-tingin si Ania sa pintuan ng class room at hinihintay na pumasok si Blake. Hindi na ito bumalik pagkatapos nitong umalis.

Nadagdagan ang konsensyang nararamdaman niya. Hinahanap ito ng lahat ng professor nila para e-congratulate pero no show ang binata.

Dahil sa pride niya, nasaktan niya ang feelings nito. Kung kanina munting pagsisisi lang ang nararamdaman niya, ngayong sobrang laking pagsisisi ang kumakain sa pagkatao niya. kailangan niyang makita si Blake para makahingi ng tawad.

Pero hindi niya nakita ang binata.

Isang linggo na itong absent. Gusto niyang hanapin ito sa kaibigan nitong si Dylan, pero kahit ito hindi din niya mahanap.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Last period na nila sa araw na ito. Hindi na siya umaasa na papasok si Blake. Kung pumasok man ito, malamang hindi siya nito pansinin dahil sa kamalditahan niya.

Isang tikhim ang pumukaw sa pagmumuni-muni niya. “Ms. Sandejas, are you with us?”

Kumurap-kurap siya at tumingin sa professor sa harap niya na halata ang iritasyon sa mukha. “Sir?”

She heard her classmate snickering.

He glared at her. “I was asking you how Newton proved his theories and what are the concept of Calculus.”

“Mathematics—”

A voice cut her off. “Newton proved his theories using Mathematics. He also invented calculus that scientist and engineers use today to solve many kinds of problems. Calculus concepts are the; rate of change of a certain quantity, the slope of a curve at a given point, the computation of maximum and minimum values of functions, and the calculation of areas bounded by curves.”

The professor nodded and move to the center of the room, explaining more about calculus.

Napahiya man si Ania ulit dahil kay Blake, hindi niya mapigilang humanga rito. Ito ang taong walang pakialam sa pag-aaral pero kaya nitong sagutin ang mahihirap na katanungan pag gusto nito.  

May kung anung kirot siyang naramdaman ng hindi ito tumingin sa kanya at diretsong tinungo ang upuan nito. Mas lalong kumurot ang puso niya ng makitang ngumiti ito sa gawi ni Isa.

Nagiwas siya ng tingin. Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan sa ginawa nito. Wala siya ritong pakialam.

Wala!

Pagkatapos ng last period nila, dirideretso siyang naglakad patungon library kung saan aabutin na naman siya ng gabi.

Sa isang linggo na hindi niya nakita si Blake, ang Library ang nagsilbing libangan niya. halos lahat yata ng libro doon ay nabasa na niya.

Pagkapasok sa Library, hindi na siya hiningan ng Library ID, dahil kilala naman siya ng Lady guard.

“Good afternoon.” Magalang na bati niya sa Librarian na nasa likod ng mahabang counter.

“Gagabihin ka na naman ba?” Tanung nito ng nakangiti.

She smiled back. “Hindi ko po alam.”

“Okay. The third floor is yours. Wala namang pumupunta doon.”

“Salamat ho.” Naglakad siya patunging third floor.

Halos dalawang oras na siyang nagbabasa ng History of Calculus ng makarinig siya ng yabag. Hindi niya iyon pinansin sa isiping pag-aari ng Librarian ang yabag na naririnig niya.

“So galit ka na naman?”

Napa-igtad si Ania na marinig ang naiiritang boses ni Blake. Tumingin siya sa pinanggalingan ng boses. And there he is. Glaring at her.

Ibinalik niya ang tingin sa librong binabasa. “Ayokong makipag-usap sayo.” Ani niya.

Ang totoo gusto niyang humingi ng tawad pero hindi niya masabi dahil sa pride niya.

She heard him laughed humorlessly. “Sa ayaw at sa gusto mo, mag-uusap tayo.”

Naiiritang tumayo siya at hinarap ito. “Ayoko nga sabi diba? Bakit ba namimilit ka?!” Sigaw niya rito.

“Namimilit ako dahil mababaliw na ako sa kakaisip ng dahilan kung bakit galit ka sakin! At palagi nalang ikaw ang laman ng isip ko! Kaya sa ayaw at sa gusto mo mag-uusap tayo para hindi ka pumasok pa sa utak ko kada segundo.”

Nanlaki ang mga mata ni Ania. “A-Anong pinagsasabi mo?”

Lumapit ito habang nakapamulsa. Tumigil ito ng isang metro nalang ang layo nila.

“What’s the reason? Kasi wala akong maisip na rason kung bakit galit ka sa akin. I’m doing everything I can to make you like me. I want you to like me. I even keep asking myself why I’m bothering with you. Why I care about what you think of me. Why I give a fuck on how you see me! For the first time in Blake Landeza life, I cared. I did everything, Ania. I even study so freaking hard so you would like me. Dalawang araw akong walang tulog para lang maging top one sa ranking. Dalawang araw kung pinilit ang utak ko na mag-aral para lang mapansin mo. Tapos hindi mo man lang na-appreciate ang effort ko.” He took a step forwards, their body almost touching. “Bakit? Bakit ganoon nalang ang galit mo sa akin?”

Napipilan si Ania dahil sa mga sinabi nito. Hindi niya napigilan ang pamumula ng pisngi niya sa mga narinig. Nag-aral ito para sa kanya? Para pansinin niya? Ginawa nito iyon para sa kanya samantalang naging maldita siya rito. At ang tanung nito…

Hindi niya alam ang dapat isagot sa tanung nito? Bakit? Bakit nga ba siya nagagalit rito? Marami siyang dahilan para magalit rito.

Una, nilait siya nito.

Pangalawa, for the first time in her school life, someone cut her off while answering.

Pangatlo, galit siya sa mga iresponsabling tao.

Pang-apat, natalo siya nito sa college ranking.

Pang-lima, he makes her feel things she doesn’t want to feel.

Pang-anim … He make her missed him!

Pero kung aanalisahin niya ang mga nangyari, hindi naman dapat siya magalit ng tudo-tudo rito. Talagang hindi matanggap ng pride niya ang pinaranas nito sa kanya. Pinahiya, nilait, ginulo ang utak at kung anu-anu pang emosyon ang pinaranas nito sa kanya.

“Ania?” Pukaw nito sa kanya.

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin.

“You made me experience all the things that I don’t want to experience.” Aniya. “Pinahiya mo ako ng maraming beses—” Napatigil siya sa pagsasalita ng ilagay nito ang kamay sa baba niya at ini-angat iyon.

He looked at her, frowning. “Kailan naman kita pinahiya?”

Inirapan niya ito. “Nuong unang dating mo lang. You cut me off.”

Ngumiti ito na parang naalala ang nangari. “Oh, that. Sorry, I didn’t mean to. Gusto ko lang tumigil na sa pagsasalita ang professor na iyon. At sorry din sa panlalait ko sayo.”

Ngumiti siya. “Hindi naman totoo ang panglalait mo na ‘yon.”

“Yeah.” He breathes out. “Turns out, sobrang ganda pala ang nilalait ko.”

Namula siya sa sinabi nito at marahang sinuntok ang dibdib nito. “Huwag mo nga akong bulahin.”

He chuckled. “Hindi kita binubula.”

Ania shook her head, took a step back and extend her hand. “Congratulation sa pagiging top one. You deserve it.”

Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kamay niyang nakalahad. “H-Ha? A-Anung—”

“Hindi na ako galit sayo.” Nginitian niya ito. “Hindi ko lang matanggap na may nakatalo sa akin after three consecutive years of being number one. Hindi kinaya ng pride ko.”

Smile creped into his lips. “Don’t worry. Wala na akong balak na maging number one sa susunod. Masakit sa ulo.”

Tumawa siya sa sinabi nito. Mukhang nagulat ito sa reaksiyon niya, kahit siya nagulat din sa tawa niya. It sounds genuine. She felt genuine with him. Pakiramdam niya pag ito ang kasama niya kahit anung gawin niya hinding-hingi siya nito huhusgahan.

“I missed you.” She blurted out, making Blake’s eye bulge.

Bigla siyang nag-panic ng hindi ito umimik at tumingin lang sa kanya.

“I mean… I-I m-miss you bothering me. That’s it! Na-miss ko lang ang mga—”

Naputol ang pagsasalita niya ng yakapin siya ni Blake ng mahigpit. “I miss you too, Ania. That one week that I was gone, all I could think about was you.”

Kinagat niya ang pang-ilalim na labi para pigilan ang ngiting gusting kumawala. Sa halip na itulak at sigawan ito sa kapangahasan, ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang mainit na katawan ng binata. Alam niyang hindi dapat siya nagi-enjoy sa yakap nito, pero hindi mapigilan ng puso niya na masarapan sa yakap ni Blake. Kaya naman ipinulupot niya ang braso sa katawan nito at niyakap ito ng mahigpit.

Hindi ni Ania alam kung anu ang tawag sa kanila ni Blake. All she knew that they are friends now or… something more? Hindi niya alam. Masaya siya na nagkaayos sila.

HINDI mapuknat ang ngiti sa mga labi ni Blake habang papasok sa bahay nila.

Hindi siya makapaniwala na sa wakas, magkaibigan na sila ni Ania or something. Inamin nitong na-miss siya nito, ano ba ang ibig sabihin ‘non? At ng yakapin niya ito, hindi ito tumutol, sa halip niyakap siya nito ng mahigpit. Nararamdaman niyang may something sa pagitan nilang dalawa. Wala nga lang label. Pakiramdam din niya ay pareho silang hindi pa handa para pumasok sa isang relasyon.  

Sa isang linggo na hindi siya pumasok sa school, nagmukmuk siya sa kuwarto at paulit-ulit na iniisip kung bakit galit si Anis a kanya. Ginawa naman niya ang lahat para maging kaibigan niya. He even studied hard.

May mga araw na ayaw na niyang isipin ang dalaga kaya naman ‘yong mga libro sa library ng ama ay napagdiskitahan niyang basahin para lang mawala sa isip niya ang dalaga. At mukhang nakatulong ang pagbabasa niya sa mga libro dahil kanina pagbalik niya sa school, sinagutan niya ang tanung ng professor hoping na pansinin siya ni Ania. Kaya naman nang sasabog na ang utak niya sa kaiisip, pumunta siya library after school. Alam niyang naroon ang dalaga at nagbabasa.

Nagbunga din ang pagpapakahirap niya sa exam na ‘yon. Hindi pa niya naibabalita kay Dylan ang nangyari sa kanila ni Ania, siguradong magiging masaya ito para sa kanya.

Pasipol-sipol siya habang naglalakad patungong kuwarto niya. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdanan ng marinig niyang tinawag siya ng ama.

“Blake.”

Nakangiting nilingon niya ang ama. “Yes, dad?”

Napapantastikuhan na tumitig sa kanya ang ama. Katabi nito ang ina na nakangiti sa kanya. “Are you on drugs?”

Tumawa siya. “Nope. I’m just freaking happy.”

“Good. I am happy too.”

He frowned. “Huh?”

“I receive a letter from ACU early this morning. Hindi mo sa akin sinabi na nag top one ka sa mid-term.” May namumuong luha sa gilid ng mga mata nito. “I’m so proud of you, Blake, my boy!”

“Huwag ka ngang mag-teary eye diyan, daddy! Baka may makakakita sayo, nakakahiya!” Nag-iwas siya ng tingin. “At saka, ngayon lang ‘yon. Huwag kayong umasa na masusundan pa ‘yon dahil hindi mangyayari ‘yon.”

“Wala kaming pakialam, Blake, kung hindi na ‘yon masundan.” Wika ng mommy niya habang nagpapahid ng luha. “Ang importante nag top one ka.”

Tumingin siya sa mga magulang na parang naputulan ang mga ito ng ulo. “Mommy! Bakit ka ba umiiyak diyan! Dad, huwag mong sabihin papalahaw ka din sa iyak?”

“Anak, masaya lang kami.” Ani ng ama niya na nag-uumpisa ng tumulo ang luha.

He cringed at the sighed of his parents crying happy tears. “This is so weird.”

Iniwan niya ang mga magulang na umiiyak pa rin. Pagkapasok niya sa kuwartto agad niyang tinawagan si Dylan.

“Hey, dude. Saan ka na naman ba nagsusuot kanina?” Tanung kaagad nito ng saguting ang tawag niya. “Iniwan mo na naman ako bigla.”

He smiled. “I talked to Ania.”

Dylan sighed. “Ania na naman. Hindi ka ba nagsasawa sa sakit na palagi niyang idinudulot sayo.”

“Hindi ako nasasaktan—”

“AH-AH! Don’t you dare deny it. You sulked like a dying cow for a week dahil lang sa hindi ka niya pinanpin pagkatapos ng paghihirap mo maging top one sa mid-term” Putol nito sa sasabihin niya. “I know, nasasaktan ka sa pagwawalang bahala niya sa pagpapansin mo. Blake, she’s not worth—”

“I called to tell you that Ania and I are friends now … or something like that.”

Ilang segundo din itong hindi nakapagsalita. “What do you mean something like that?”

Blake grinned. “She said she missed me.” His grin widened. “Then we hugged.” He is now grinning like a Cheshire cat.

He feels so happy and giddy. This emotion is new to him. It’s like someone is tickling his insides. His stomach feels weird, like there are thousand butterflies fluttering inside. Then his heart…

“I can’t stop grinning like a stupid idiot, Dy.” Blake admitted while trying not to bounce in happiness.

“And you tell me you don’t like her that way. Blake, ang nararamdaman mo ngayon, iyon ang nararamdaman ng isang in-love na tao.”

His grin disappears. “Ano ba ang nararamdaman ko ngayon?” He challenged Dylan.

“Duh! You can’t stop grinning like an idiot. Your stomach feels weird. Your heart feels light. You’re so happy, you can fly and most of all, your heart is betting wildly inside your ribcage just by thinking of her.”

Blake put his hand on his chest where his heart is located. “Paano mo nalaman ang nararamdaman ko?” Ramdam ng kamay niya ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso niya.

Dylan chuckled. “Blake, nagbabasa ako ngayon ng librong ‘Love for dummy’. Sinabi ko lang sayo ang nababasa ko sa libro. At mukhang tama ang librong ito at simula palang tama na ako. In-love ka kay Ania. Hindi na ako magtaka—”

Pinutol niya ang tawag at nanghihinang umupo sa kama niya. Narinig niyang nagri-ring ang cell phone niya pero hindi niya iyong pinansin.  Malamang si Dylan ang tumatawag.

In-love ka kay Ania. Paulit-ulit na parang sirang plaka na nagri-replay sa utak niya ang sinabi ni Dylan.

Is he…

Am in in-love with Ania?

In-imagine niya ang nakangiting mukha ni Ania. Agad na lumakas ang tibok ng puso niya.

Tiningnan niya ang dibdib kung saan naroon ang puso niya. “Heart, looks like Dylan is right. I am in love with Ania.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top