CHAPTER 5
CHAPTER 5
Inabot ni Blake ang hiniram na notebook kay Ania. It’s there first subject in Monday.
Hinablot nito ang notebook mula sa kamay niya at nagpatuloy sa ginagawa. Reading the book of taxation. Again.
Bumuntong hininga si Blake inilagay sa bulsa ang kamay. “So … Ania, wanna hang out?”
Slowly, she looks at him, glaring. “Ano naman ang pumasok diyan sa utak mo para imbitahin akong mag-hang out sayo.”
Heto na naman po ang mataray na si Ania. “Ania, nagtatanung lang naman ako kung gusto mo.” Mahinahon niyang wika. Hindi niya alam kung bakit pinagsisiksikan niya ang sarili rito, samantalang halata naman na ayaw nito sa kanya.
Bakit ba hindi pa siya umalis at maghanap ng iba? Bakit ba pinagpipilitan niya ang sarili rito?
“Ayoko.” Anito na ikinatameme niya. “Hindi ako makiki-hang out sa isang katulad mo.” Tumayo ito mula sa pagkaka-upo at tumingin sa kanya ng deretso. Walang emosyon sa mga mata nito. “Tigilan mo ako. I won’t associate with the likes of you.”
He frowned. “What do you mean the likes of me?”
“Dumb and irresponsible person.” Anito saka iniwan siyang nanigas sa kinatatayuan niya.
Sa unang pagkakataon, nasaktan siya sa mga salitang iyon na halos araw-araw niyang naririnig mula sa mga magulang niya. Bakit? Bakit siya nasaktan sa sinabi nito?
Hanggang sa matapos ang klase niya, umuukilkil pa rin sa isip niya ang mga sinabi ni Ania.
“Dude. You’re spacing out.”
Napaigtad siya ng marinig ang boses ni Dylan. Naka-upo siya sa hood ng sasakyan niya habang hinihintay ang kaibigan at ini-isip ang ma sinabi ni Ania. Hay naku!
“Dude!” Pukaw ni Dylan sa kanya. “Okay ka lang ba?”
Tiningnan niya ng matiim ang kaibigan. “Dylan?”
“Yeah?”
“You think I’m dumb and irresponsible?”
Napapantastikuhan itong tumingin sa kanya. “Dude, are you for real?” ngumisi ito. “Hindi ko na kailangan sagutin iyan. You know that you are dumb and irresponsible.”
Yeah. He knew it from the very start. Alam niyang bobo siya hindi dahil talagang bobo siya kundi dahil hindi siya nag-aaral at wala siyang pakialam. Alam din niyang irisponsable siya dahil … well, madami na siyang ginawa para matawag siyang irisponsable.
Hindi na bago ang salitang iyon sa kanya, pero ng si Ania ang nagsabi noon, apektado siya masyado.
“Do you think I’ll be smart if I study?” Tanung niya ulit.
Tumawa ng malakas si Dylan. “Dude, where this is coming from? Really? Asan na ang totoong Blake. Asan ang kaibigan kong ‘whatever’ palagi ang sagot sa lahat ng problema sa mundo?”
He heave a deep sighed. “Si Ania kasi. She called me dumb and irresponsible.”
“I should have known.” Inilagay nito ang kamay sa balikat niya. “Blake, dude, what is happening with you? Ever since nakilala mo si Ania, parang hindi na ikaw ang Blake na kaibigan ko. Lagi kang nakatingin sa kanya. Kapag nakikita mo siya, iniiwan mo ako. Ganoon mo ba talaga ka-gusto si Ania para maapektuhan ka ng ganoon?”
Tinapik niya ang kamay nito sa balikat niya. “It’s not that. Saka hindi ko siya gusto. I just want her to be my friend. Masama ba yon? I just ask her if she wants to hang out with me and she rejected me harshly.”
Dylan snorted. “You want to be her friend?”
Nag-iwas siya ng tingin. “Yeah?”
Tumawa si Dylan ng malakas. “Blake, anong tingin mo sakin? Bulag? Want to be her friend, my ass! Hindi pagkakaibigan ang habol mo kay Ania. At alam mo ‘yon.”
Umalis siya sa pagkaka-upo sa hood at binuksan ang driver’s seat ng sasakyan niya. “Let’s go.” Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at binuhay ang makina.
“Dude, okay ka lang?” Tanung ni Dylan sa kanya ng makapasok na ito sa sasakyan.
He nodded. “Yeah. I just need to think.”
“Think of what?”
“Think of ways on how to be Ania’s friend.” Pinaandar niya ang sasakyan paalis ng ACU parking lot.
Dylan tsked. “Blake, ano ba ang nangyayari sayo?” Sumandal ito sa likod ng upuan. “This is not you. Ikaw ang tipo ng tao na walang pakialam. At ngayon gagawa ka ng paraan para mapansin at maging kaibigan si Ania. What’s happening to you?”
Tumingin siya sa dinadaanan habang nagsasalita. “I don’t know, Dy. All I know is that I want her to be close to me.”
“Kung gusto mong maging close sa kanya, maging matalino ka muna.” Suhestiyon ni Dylan habang nakatingin sa labas ng bintana. “Yon lang ang tanging paraan para makapasok ka sa circle of friend niya.”
“Maging matalino?” Tumawa siya ng mahina. “Dylan, nakakalimutan mo ba na si Blake Landeza ang kausap mo. Hindi ko kayang maging matalino. Ni pagbasa nga ng simpleng libro hindi ko kayang gawin.”
Dylan tsked again. “Take it or leave it, Blake. Wala kang choice.”
Hindi na sumagot si Blake at nag-concentrate nalang sa pagmamaneho. Ang utak niya ay nag-iisip na nang dapat niyang gawin para maging matalino.
NAGLALAKAD si Ania papunta sa nakaparadang sasakyan na susundo sa kanya ng makita niya si Blake na naka-upo sa hood ng isang sasakyan.
From a far, she studied his face. Nakatingin lang ito sa kawalan at napakalalim ng iniisip. Naalala niya ang sinabi niya dito kanina. Alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya. She knew that it was harsh. Pero ng imbitahan siya nitong mag-hang out kasama ito, kinabahan siya. Nanerbiyos siya at sa unang pagkakataon, hindi niya alam ang sasabihin.
Kaya naman tinarayan niya ito para itago ang kabang nararamdaman. When she saw the pain in his eyes, she regretted saying those things. Pero hindi niya binawi ang sinabi at nag-walk out.
May lumapit kay Blake na lalaki na agad naman niyang nakilala kung sino. His name is Dylan—alam niya ang pangalan nito dahil crush ito ng kaibigan niya si Gina— palagi itong kasama ni Blake pag vacant period nila. Ayon sa mga naririnig niya sa mga kaibigan, mag-best friend daw ang dalawa. Halata naman sa mga kilos nito.
Bago pa siya mahuling nakatingin sa mga ito, nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa sundo niyang sasakyan. Her family driver opens the door for her.
“Thank you.” She mused before entering.
Ania put the seat belt on. When she felt the vehicle moving, she closed her eyes and Blake face popped into her mind. Nahuli niya ang sarili na nakangiti. Agad niyang pinagalitan ang sarili.
Stop thinking of that guy! Irresponsable siyang tao. Magkaibang-magkaiba kayo.
Pagkatapos pagalitan ang sarili, pinilit niya ang utak na hindi isipin si Blake.
Nang pumarada ang sasakyan sa garahe ng bahay nila, agad siyang lumabas ng sasakyan at pumasok sa bahay. Naglalakad na siya papunta sa kuwarto niya ng makasalubong niya ang ina.
“Good afternoon, mommy.” Wika niya sabay halik sa pisngi nito.
Ngumiti ito sa kanya. “Good afternoon to you too. Kumuta ang school?”
“Still school.” Nakangiti niya wika.
“How’s Blake?”
When his name was mentioned, her mind wonder back to Blake’s pained expression when she said those hurtful things to him.
“Ahm… h-he’s f-fine. He gives me back the notes that he borrowed.”
“Good.”
“Yeah.” Wala siyang ibang maisip na sabihin.
“So…” Tumingin ito sa kanya ng makahulugan. “That kid is so good looking. Bagay kayo.”
“Mommy!” She whined with a horrified expression, her face reddening. “Anung bagay? Hindi ko siya type no!” Okay, that’s a lie. Ang mga tipo ni Blake ang gusto niya, except sa brain department. Lacking doon ang binata.
Napatawa ang ina niya. “Okay, okay. No need to shout. Magpahinga ka na. Dinner in seven p.m.”
Tumango siya at nagmamadaling pumasok sa kuwarto niya. Ini-lock niya ang pinto at patakbong tinungo ang kama at nahiga.
Hay. Pagod na pagod siya. From school work to school’s extracurricular. She’s beyond exhausted. She closed her eyes to rest and the last thing she saw in her mind was Blake’s pained expression.
HINDI mapakaling palakad-lakad si Blake sa kuwarto niya. Two days nalang, mid-term examination na nila. Kung mapapasok lang niya ang teacher’s lounge kung saan nakatago ang mga test paper, makakapasa siya.
Ipinilig niya ang ulo. No! Hindi siya puwedeng mag-isip ng ganoon. Kailangan niyang makapasa na walang halong pandaraya.
Blake gaped at his own words. My god! Anong nangyayari sa akin?
Ipinilig niya ulit ang ulo. Kung gusto niyang maka-close si Ania, kailangan niyang mag-aral. No choice siya.
Walang buhay siyang napa-upo sa kama niya. Mag-aral? Siya? Mamamatay muna siya bago siya mag-aral.
Two hours later, dala-dala niya ang pina-xerox copy niya na notes ng classmate niyang babae na may gusto sa kanya.
Dali-dali siyang pumasok sa bahay nila. Pag may nakakita sa kanya na may dala-dalang notes, siguradong masa-shock ang mga ito. Kailangan niyang itago ito sa mga magulang niya.
Paakyat na sana siya sa hagdanan ng marinig niya ang ama na tinawag ang pangalan niya.
Huh? Why is he home early? Alas-tres palang ng hapon ah.
“Yes, dad?” Wika niya na hindi tumitingin sa ama.
“Humarap ka sa akin, Blake. Huwag mo akong bastusin!” Malakas na wika ng ama.
“Blake, face your father.” Boses iyon ng ina.
Hindi nakinig si Blake. “Ma, ang aga niyo yata.” Hindi pa rin siya makatingin sa mga ito. Bakit naman kasi hindi ko dinala ang bag ko para naitago ko sana ang mga ‘to?
Habang nagmumuni-muni siya, hindi niya napansin na nakalapit na sa kanya ang ina at nakatingin sa dala-dala niya.
Huli na para itago niya ang mga iyon. His mother eyes widen when she clearly saw what he’s holding.
“My god, Blake. Totoo ba itong nakikita ko?” Gulat na gulat na wika ng ina niya.
“Ano sa tingin niyo?” Pinipigilan niya ang sarili na hindi mamula.
“Ano yan?” Tanung ng ama niya habang palapit sa kanila.
God! Kill me now!
Napatigil ang ama niya sa paglapit sa kanila ng kunin ng ina ang isang notes na pina-xerox niya at ipinakita iyon sa daddy niya.
“School notes, Vince.” Ani ng ina sa hindi paring makapaniwala na boses.
“Blake.” His father whispered his eyes with unshed tears. “Tama ba itong nakikita ko? Nagpa-xerox ka ng notes?”
Inagaw ni Blake ang notes sa ina at nagmamadaling humakbang pataas ng hagdanan.
He scowled when he heard his father said with a proud tone. “I think he’s changing.”
Blake cringed. Changing, his ass! Hinding-hindi mangyayari iyon. Ginagawa lang niya ito para mapalapit kay Ania at wala ng iba.
Nang makapasok siya sa kuwarto, agad niyang inilapag ang mga notes sa study table niya sa unang pagkakataon sa loob ng labing siyam na taon niya sa mundo, ay gagamitin niya.
Umupo siya sa harap ng study table at tiningnan ang mga notes.
Ano ba ang uunahin niya? Taxation or Finance? Urgh! Bahala na.
Binuklat niya ang notes sa finance. Halos sumabog ang utak niya ng makitang puro numero ang laman ‘non. Sinunod naman niyang buklatin ay taxation, mas lalong sumakit ang ulo niya. Then there’s accounting, law of taxation, taxation of land and reform and the dreaded, calculus.
No way in hell he can learn all of these in less than two days!
Sa kawalang maisip na paraan kung paano pag-aaralan ang lahat ng notes na pina-xerox niya, tinawagan niya ang kaibigan.
“Dylan, paano mo mapag-aaralan ang mga subject na halos isumpa mo sa loob lang ng dalawang araw? Not to mention, that every subject consist of thirty to forty pages.” Wika agad niya ng sagutin nito ang tawag niya.
Ilang segundo itong hindi naka-imik sa kabilang linya. “Blake, are you on drugs?”
“Huh? What? No!” sinabunutan niya ang sarili sa inis na nararamdaman. “I want to pass my mid-term exam.” Mahina niyang pag-amin. Siguradong pagtatawanan siya ng kaibigan.
To his shock, ni munting tawa, wala siya narinig sa kabilang linya. “Ginagawa mo na naman ba ito dahil kay Ania?”
Gusto niyang mag-deny baka mag-assume na naman ito ng kung ano-ano, tulad nalang ng mag gusto daw siya kay Ania. Pero hindi niya ginawa. “Yes. You know I want her to be my friend.”
He heard Dylan sighed. “Here’s what you got to do to pass all your exams with flying colors.”
TWO DAYS. Dalawang araw ng absent si Blake. Dapat walang pakialam si Ania sa binata at mag-focus nalang sa pag-aaral para sa exam pero hindi niya mapigilan ang sarili na hanapin ito sa bawat subject nila.
Ngayon ay araw ng examination nila. At wala pa din ito. Twenty minutes nalang mag-uumpisa na ang exam nila.
Bumuntong-hininga at umayos sa pagkaka-upo s Ania. Nagagalit siya sa sarili dahil hinahayaan niyang maapektuhan ng isang bobo at irispunsabling lalaki. Dapat ay wala siyang pakialam sa Blake na ‘yon, pero heto at kada minuto ay ipinapalibot niya ang paningin sa kabuunan ng classroom para alamin kung dumating na ito.
Pumasok na ang proctor slash professor nila at wala pa din si Blake.
Wala ba itong balak mag-exam?
Hmp! Hindi na siya dapat magtaka. Ni minsan hindi ang binata sumagot sa mga quizzes and seatwork nila.
“Okay, class. We’re about to start your Calculus exam. No calculator. No coaching and definitely no cheating. If found cheating, you will be punished by expulsion— Mr. Landeza, you’re late. Again.”
Agad na nagtaas ng tingin si Ania ng marinig ang sinabi ni professor. Then her eyes move to the class room door, and there he is, standing with an annoyed expression on his face.
“The important thing is I’m here.” Wika ng binata at naglakad patungon sa palagi nitong inu-ukupa na upuan.
Hindi niya alam na nakasunod ang mga mata niya dito hanggang sa magtama ang paningin nila. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi niya alam kung nagtama nag ang mga mata nila dahil naka-shade ang binata. Pero ramdam niya ang titig nito.
Ipinikit niya ang mga mata at nag-concentrate sa sinasabi ng professor.
“— Good luck in your exam, Ladies and gentleman.” ‘Yon nalang ang narinig siya sa speech nito. Urgh!
Pagkatapos nitong i-distribute ang test papers agad niyang sinagutan ang lahat ng katanungan a nakasulat sa papel. Madali lang sa kanyang nasagutan ang exam dahil alam niya ang sagot sa lahat ng katanungan.
Siya ang unang natapos. It only took her forty minutes to answer her one hundred items Calculus exam.
“You may leave.” Wika ng professor habang nakangiting nakatingin sa test paper niya. “Good job.”
“Thank you.” Binalikan niya ang bag sa upuan niya. Habang isinusukbit niya ang bag, palihim siyang tumingin kay Blake.
She was taken a back by the sight of him. Napakaseryoso nito habang sinasagutan ang test paper. She smiled at bit. Akala niya hindi nito sasagutan ang test.
Naglakad siya palabas ng room. Tumayo siya sa labas ng room at hinitay matapos an kaibigan niyang si Gina para sabay silang pumunta sa next exam room nila, Taxation.
“Halika na, Ania.” Aya ni Gina ng makalabas ito ng class room.
“Teka lang, nagre-review pa ako.” Dahilan niya habang umaarting nagbabasa ng libro sa taxation. Ang totoo gusto niyang makita si Blake at tanungin ito kung nakasagotan ba nito ang lahat ng item sa exam.
Pagkalipas ng sampung minuto na kadadahilan niya kay Gina na nagre-review pa siya, lumabas si Blake. Naka-shade pa rin ito. Akmang hahakbang siya palapit dito ng lumapit rito ang kaibigan nitong si Dylan.
They do the man-hug thing.
“Hey, Dy.” Dinig niyang bati ni Blake sa kaibigan.
“Hey, dude.” Ngumiti ito. “Kumusta naman ang exam? Ace it?” Nanunundyo ang boses nito.
“More like sweat it.” Wika ni Blake. “Enough to pass I guess.”
‘Yon lang ang gustong marinig ni Ania. Hinatak niya si Gina sa braso nito papunta sa next exam room nila.
Napapantastikuhan si Ania sa sarili. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang makapasa ang lalaking iyon na tumawag sa kanyang pangit at nerd.
Kung anu man ang dahilan na gustong sumiksik sa isip niya, agad niya iyong kinalimutan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top