CHAPTER 3

CHAPTER 3

Pagkatapos ng klase ni Blake, excited niyang tinungo ang University Library. Tinawagan niya si Dylan na mauna nalang ito na umuwi dahil may dadaanan pa siya. Nang magtanung ito kung saan siya pupunta, sinabing niyang sa library. Saying that Dylan was shocked was an understatement of the century. Nakalimutan yata nitong huminga sa sagot niya. Kaya naman ipinaliwanag niya dito kung bakit siya pupunta sa library, doon lang ito huminga.

Tumigil si Blake sa labas ng pintuan ng library. Ano kaya ang itsura nito sa loob. In his nineteen years of life, hindi pa siya nakapasok sa isang school library. Maliban nalang sa library ng daddy niya na halos ipikit niya ang mga mata pag pinapapapasok siya sa loob nito.

Pagkapasok ni Blake may humarang sa kanya na isang matandang babae. Sino kaya ang babaeng ‘to? Nakasuot ito ng parang isang security guard? Seriously? Pati ba naman library may guard pa? ano naman ang nanakawin dito? Mga libro na amoy kabaong na sa sobrang tanda?

“Library I.D?” Anito na ikinagulat niya.

I.D? Wala nga siyang pakialam sa student I.D. niya, library I.D. pa kaya? Pfft!  “Transferee ako.” Pagdadahilan niya.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na parang may hinahanap. Ano naman kaya ‘yon? Para naman magdadala siya ng deadly weapon sa loob ng library.

“Ano naman ang gagawin mo sa loob ng library? Sa mukha mo, isa ka sa mga taong walang paki sa mundo.” Sita nito.

Got that right. He dramatically sighed. “May kailangan lang akong hanaping libro.” May kailangan akong makita na  nerd.

“Okay. Pasok, basta sa susunod na babalik ka dito, bring your I.D.”

Para namang tatapak pa siya sa lugar na ‘to? Hmp! Hindi na oy! “Yes, ma’am.”

Kunot ang nuo niya ng mapansing wala siyang makita na nerd. Halos nalibot na niya ang first at second floor pero wala pa rin. Walang katao-tao ang buong library maliban sa babae na humingi sa kanya ng I.D.

“Nagsinungaling ba sa akin si Ania?” He shrugged. Oh, well. Akmang hahakbang na siya pababa ng hagdan papuntang first floor ng may napansin siyang maliit na pintuan na may nakasulat na ‘third floor’.

Hmm. Nandoon kaya ang nerd na yon? Hindi na nag-isip pa si Blake, mabilis niyang tinungo ang pinto at binuksan. Bumungad sa kanya ang isang hagdanan. Dahan-dahang inakyat niya ang hagdanan. Nang nasa puno na siya, bumungad sa kanya ang napakaraming libro na nakalagay sa matataas na shelves. Hindi lang normal na libro, malalaki at malalapad ang mga iyon.

Blake shuddered. God! Hindi niya kakayanin mag-stay sa lugar na ito. It’s creepy. Pakiramdam niya, anytime, gagalaw ‘yong mga libro para atakihin siya. Ipinalibot niya ang tingin sa kabuonan ng third floor. Books and tons of books. Then his eyes stopped at the sight of a woman reading a book.

Siya na kaya ‘yon?

Walang ingay siyang lumapit dito. Napangiti na napapailing-iling siya ng makita kung ano ang binabasa nito.

Law of taxation. Isa iyong malaki at malapad na libro na kahit siguro siya ay hindi kayang buhatin. Kung paano iyon nabuhat nitong si nerd, hindi niya alam. Well, mukhang siya na nga ‘to. Sino ba ang magbabasa ng ganitong kalaki na libro sa oras ng uwian? Malamang, isang nerd na pangit. At nakatulong din sa kanya ang nakahimlay nitong notebook na may nakasulat na ‘owned by Anianette Sandejas.’ sa cover.

He cleared his throat to get her attention. Hindi man lang nito in-acknowledged and presence niya. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatahuban ng mahaba at curly nitong buhok ang mukha nito. He had to give it to her, hindi dry ang buhok nito. It looks smooth and silky.

Nang tumikhim siya ulit at hindi pa rin siya nito pinansin, pinalibutan niya ito while clucking his tongue. “Tsk. Tsk. Tsk. Anianette Sandejas. Umuwi na ang lahat nandito ka pa rin sa library. Tama talaga ako. Isa kang babae na walang social life at mas pangit pa kay bakekang.” Walang reaksiyon mula dito kaya nagpatuloy siya. “Naaawa ako sayo. Sigurado akong nahihiya ka kasi puno ng pimples ang mukha mo at oily face pa. nakakaawa ka naman.” Puno ng awa ang boses niya pero halos sumakit ang tiyan niya dahil sa pagpipigil na tumawa. “Can I take a picture of you? Proof yon para kay Ania.”

Umayo ito ng upo at tumingin sa kanya. Her butterscotch eyes that are so familiar to him looked at him dead in the eyes. “Tapos ka ng laitin ako?”

Napanganga siya sa nakita. Teka lang. “P-Paanong… B-Bakit—”

Tumayo ito at tumingin sa kanya ng masama. “Cat got your tongue? Asan na ngayon yang panglalait mo? As far as I know, maganda ako, sexy at maraming kaibigan. Wala akong amoy, walang pimples at hindi oily ang mukha ko.” Nanggigigil na isinara nito ang libro na binabasa at ngumiti sa kanya ng nakakaloko. “Surprise?”

He’s jaw was still dropped and his mouth still open while looking at Ania or Anianette. Shit! Iisa lang sila? He put his hands inside his back pocket and forced his mouth to shut. “So … you wanna go to my party next Saturday?”

Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya. “Party? Ano ba yang pinagsasasabi mo? Kanina lang nilalait mo ako tapos ngayon iimbetahin mo ako sa party mo?”

Blake shrugged. “Hindi ka naman pala kamukha ni bakekang, that’s why I’m inviting you to my party. Hindi ka naman mukhang nerd, you’ll fit in way easily.”

Ania scoffed. “Hindi ako pupunta. Mag-aaral pa ako.” Isinukbit nito ang bag sa balikat at tiningnan siya ng masama. “Hindi ka man lang ba magso-sorry sa panlalait mo sakin?”

“Sorry.” Mabilis niyang sabi. He really had to apologize to her for judging her like that. He was wrong. “Sorry again.” Then he shrugged as a habit of his.

“God! The nerve of you to insulting me like that and saying sorry without meaning it. Ako ba talaga pinaglululuko mo?!”

He arched his eyebrow. “Huh? I already said sorry. Hindi ba sapat ang isang sorry? Gusto mo maraming sorry?”

“Urgh!” Namula ang pisngi nito sa galit at nagmamadaling umalis.

Napailing siya. Girls are so confusing. Hindi niya ito hinabol, sa halip tinawagan niya si Dylan.

“Dude, you’re not going to believe what just happened.” Panimula kaagad niya ng sagutin nito ang tawag niya.

“Ha? Bakit, anong nangyari?” Pauno ng kuryusidad ang boses nito.

“Remember that sexy girl in the registrar? ‘Yong na-cut off ko sa taxation at parang papatayin ako kung makatingin sa akin?”

“Uh-huh?”

“Siya at ‘yong rank one na nilait-lait ko ay iisa pala.”

“Huh? Paano mo nalaman ‘yon?”

Ikinuwento ni Blake sa kaibigan ang buong nangyari. Nang matapos na siya, tumawa ito bigla. “What’s funny?”

“Ikaw. Pumasok ka sa lugar na halos isumpa mo para lang makita ang nerd na ‘yon. Hindi kaya may gusto ka sa kanya?” Tudyo ito na ikinatawa niya.

“Dude! Hindi ko nga alam na iisa lang sila. Well, maganda naman talaga si Ania.” Aniya habang naiisip ang magandang mukha ng dalaga. He caught himself smiling. Ipinilig niya ang ulo. Bakit ba siya nanginigiti?

Tumawa si Dylan. “Ingat, dude, baka ma in-love ka.”

Napatawa siya ng malakas. “Not in this life time, dude. Not in this life time.”

NAIINIS na lumabas ng library si Ania. She can’t believe this! Her plan didn’t work out the way she wants it! Dapat ay shock na shock ang Blake na yon ‘nong makita siya. Dapat umabot sa sahig ang panga nito sa pagka-shock, dapat hindi ito nakagalaw, dapat hindi ito nakapagsalita, dapat sa kanya ang huling halakhak, pero hindi, dahil pagkatapos nitong ma-shock e inimbitahan pa siya sa party nito.

Para namang pupuntahan siya. She has better things to do than party.

The nerve of that guy to say sorry without meaning it! Nanggigigil siya sa sobrang inis. Okay na sana ang sorry nito, and then he shrugged like it didn’t matter. Like him insulting her didn’t matter at all! Sana hindi nalang ito nag-sorry kung hindi naman iyon bukal sa loob nito.

Bumalik ang isip niya nuong una niyang nakita si Blake sa registrar, nuong hindi pa nito binubuksan ang bibig para laitin siya.

She finds him gorgeous. His chocolate colored eyes, his aristocrat nose, soft and kissable lips. And his well-toned body. When Ania first saw him, her stomach does a weird flip. Kaya naman ng lumapit ito sa kinaroroonan niya, hindi siya nakagalaw. Pero ng laitin na siya nito, nawala bigla ang atraksiyon na nararamdaman niya para dito.

Guwapo nga, wala namang modo at bobo pa!

Tinungo niya ang parking lot ng library kung saan nag-aantay ang driver niya para ihatid siya sa bahay nila.

IT’S BEEN A WEEK since Blake last talked to Ania. Oo nga at ka-klase niya ito sa lahat ng subject pero hindi naman siya nito pinapansin, mas lalo naman kausapin. Parang hindi siya nage-exist sa mundo nito. Naiinis siya pag nilalampasan lang siya nito sa hallway. Naiirita siya pag nakikipagtawanan ito sa mga ka-klase nila maliban sa kanya. Napepeste siya pag tinatawag niya ang pangalan nito at hindi siya pinapansin at naboboysit siya pag may-kausap itong ibang lalaki.

I mean. Come on! Ano ba ang mali sa kanya? May nakakahawang sakit ba siya? Wala naman ah!

Galit pa rin ba ito dahil doon sa panglalait niya? Nag-sorry na siya. Wala talaga siyang ibang maisip na dahilan kung bakit hindi siya nito pinapansin.

Malamang? Feeling close? One week mo pa nga lang nakikilala si Ania, feeling mo naman close kayo. Sita ng isang bahagi ng isip niya.

He sighed and slumped on his seat. Nasa canteen sila ngayon ni Dylan at nagme-meryenda. Pareho nilang vacant ngayon.

“Dude, kanina ka pa parang nasa balikat mo ang lahat ng problema sa mundo.” Wika ni Dylan na nakakunot ang nuo at nakatingin sa kanya.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. “Si Ania kasi.”

“Ania? Yong nerd na maganda?” Mabilis na wika ni Dylan.

Tumango siya. “Hindi niya ako pinapansin.” Pagmamaktol niya. “Isang linggo na mula ng makilala ko siya pero hindi niya man lang ako mabati ng ‘hi’.”

Dylan looked at him funny.

Naiiritang tiningnan niya ang kaibigan. “What?”

Umiling-iling ito habang natatawa. “Kung maka-react ka naman diyan parang close kayo no? Ipapaalala ko lang sayo, Blake, na kapapasok mo palang sa university na ‘to. Aside from her name, wala ka ng ibang alam tungkol sa kanya. Huwag ka feeling close. At saka ano naman ngayon kung hindi ka niya pansinin? What’s the big deal? One week ago, wala kang kaidi-ideya na may isang Anianette Sandejas sa mundo. Tapos kung maka-react ka parang long-time friends na kayo.”

Napipilan siyang nakatingin kay Dylan. Oo nga ano? Bakit ba siya nakakaramdam ng pagka-irita pag nilalampasan lang siya ni Ania at hindi pinapansin? Bakit ba siya naiinis? Hindi naman sila magkaibigan para umakto siya ng ganoon.

Hindi sila magkaibigan.

Hindi magkaibigan.

Then something clicks on his mind. An idea. A very brilliant idea.

“Tama ka.” Sang-ayon ni Blake sa kaibigan ng ikinangiti nito. “Hindi kami magkaibigan. Hindi pa.” He grinned at Dylan smiling face turn into confusion. “Kakaibiganin ko siya para may karapatan akong mainis pag hindi niya ako pinapansin. Tama. ‘yon nga ang dapat kung gawin.” Tumatango-tango pa siya habang sinasabi iyon.

Tiningnan siya ni Dylan na parang nasisiraan na siya ng ulo. “Blake, may naintindihan ka ba sa sinabi ko? Hindi kayo magkaibigan—”

“I know that already. Kaya nga kakaibiganin ko siya.”

“Hindi yon ganoon kadali.”

“Madali lang yon. Kailangan ko lang alamin ang soft spot niya tapos boom! Friends na kami.” Ngumiti siya ng maluwang at tumayo. “And I will start my friendship plan by inviting her to my party this Saturday.”

IT’S FRIDAY afternoon and Blake was walking towards the library with Dylan in tow. Isasagawa na niya ang plano para kaibiganin si Ania. Alam niyang nasa library ito dahil tinanung niya si Gina, ang close friend nito, na agad naman sinagot ang tanung niya ng walang pagaalinlangan.

“Blake, saan ba tayo pupunta?”

Oh, yeah, hindi pa niya sinasabi kay Dylan kung saan sila pupunta. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Sa library.”

Umawang ang bibig ni Dylan. “Ano? Bakit?”

Blake shrugged. “Nandoon si Ania. I need to talk to her.”

Itinikom nito ang nakaawang na bibig. “This obsession of yours is not healthy.”

Siya naman ngayon ang umawang ang bibig. “Obssession? Hindi no! gusto ko lang siyang maging kaibigan!”

Dylan snorted. “Yeah, right. You will not go to this extent para lang kaibiganin ang babaeng ‘yon. It’s your second time entering the library because of her and you are okay with it.” Pinak-krus nito ang braso sa dibdib. “Spill, Blake. Ano ba talaga ang balak mo kay Ania?”

Huminga siya ng malalim. “I don’t know.” He said trutfully. “Ang gusto ko lang naman kausapin niya ako o pansinin. And the only way for that to happen is to befriend her.”

Matagal siya tinitigan ni Dylan bago ito nagsalita. “Dude, you got it bad.”

“Huh?”

Umiling ang kaibigan. “Nothing. Malalaman mo rin ang ibig kung sabihin.” Tinapil siya nito sa balikat. “Tara, e-raid na natin ang library at imbitahin si Ania para matapos na to.”

Ngumisi siya at naglakad ulit. “Let’s go.”

Pagkapasok nila, may humarang sa daraanan nila. Ng tingnan niya kung sino iyon, he groaned. Ito yong babae na hinanapan siya ng I.D.

“I.D.?” Anito habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Dylan, then her eyes settled on him. “Naaalala kita. Ikaw yong estudyante na walang I.D. last week.”

“Wala pa rin akong I.D., under processing pa.” Pagsisinungaling niya.

Tiningnan siya nito ng matagal. “Okay.” Bumaling ito kay Dylan. “Ikaw? Asan ang I.D. mo?”

“Transferee din siya tulad ko.” Sagot ni Blake para kay Dylan.

Tumango-tango ang babae. “Ucge. Sa susunod na balik niyo, hindi na kayo makakapasok ng walang I.D.”

Pigil ang tawa na tumango sila ng Dylan. Nang makalayo na sila, doon lang nila pinakawalan ang tawa na kanina pa nila pinipigilan.

“Dude, para namang babalik pa tayo.”

Déjà vu. “Dude, sinabi ko na yan nuong unang pasok ko dito. Pero heto at bumalik ako.” Seryoso niyang wika. “Maybe, I should get an I.D.”

Dylan gaped at him. “Are you shitting me?”

Ngumiti siya dito. “I’m just kidding. I probably won’t be back here after this.”

“Good. I may study but I’m not fond of it. Saka, this place creep me out.”

Nagtuloy-tuloy sila sa third floor sa kaalamang nandoon ngayon si Ania, nagbabasa. At tama nga siya, nandoon nga ito at may binabasa na namang malapad ng libro.

Naglakad siya palapit sa kinau-upuan ni Ania, ramdam niyang nakasunod si Dylan sa kanya. Nang may madaanan siyang libro na nakalapag sa isa sa mga mesa, kinuha niya iyon. Props.

Umupo siya sa tabi ng dalaga habang nanatiling nakatayo si Dylan. “Hey.”

Napaigtad ito at mabilis na tumingin sa kanya. Biglang nagdilim ang mukha nito ng makita siya. “Anong ginagawa mo dito?” Sikmat nito.

Nagkibit-balikat siya at inilapag ang libro na props niya. “Oh, just, you know, reading.”

Tumawa ito ng pagak. “Reading? Really? You’re reading a dictionary?”

Napatingin siya sa libro na hawak. Poofshit! Merriam Webster nga ang hawak niya. “Ahm… oo?” He heard Dylan snicker but he didn’t pay him any attention.

“FYI, mister I-am-reading-a-dictionary, ang nagbabasa lang ng librong iyan ay yong mga walang alam sa spelling o kaya naman sa mga hindi alam ang ibig sabihin ng isang salita.” Mockery was visible on her voice. “Ano ba ang hinahanap mo diyan? Itanung mo nalang sa akin, siguradong alam ko kong ano yon, para hindi na mahirapan maghanap ang pea-sized brain mo.”

Kumurap-kurap ang mata niya habang dina-digest ang sinabi nito. Truthfully, he was slightly hurt by her words pero hindi niya iyon pinahalata. bakit ba kasi hindi niya binasa kung anong klaseng libro ang napulot niya?

“That’s so nice of you. But I think my pea-size brain can manage.” Umaktong siyang walang pakialam pero alam niyang hindi siya nagtagumpay. His voice sounding hurt. Binuklat niya ang dictionary.

“Here it is.” Aniya ng makita ang hinahanap. “The word ‘party’…” Tumingin muna siya kay Ania bago nagpatuloy. “A social gathering to which people—” napatigil siya sa pagbabasa ng tumayo si Ania at nagmamadaling ipinasok ang nagkalat na notebook nito sa bag.

“I’m not dumb. Memorize ko ang laman ng Merriam Webster.” Isinukbit nito ang bag sa balikat at naglakad paalis.

“I’m inviting you to my party tomorrow.” Sigaw niya rito ng nasa puno na ito ng hagdanan. “It will be held in five star Landeza Hotel in Makati.”

“Not interested.” Anito na hindi man lang lumingon at nagtuloy-tuloy na bumaba ng hagdanan.

Binitawan niya ang dictionary at tumingin sa kisami. “There goes my effort. Hindi man lang namansin. Whatever.”

Dylan let out a chuckle. “Dude, it’s not whatever.”

Tiningnan niya ito. “What do you mean?”

“It’s not whatever, Blake and you know it. Because admit it or not, you care. And it hurt you that she insulted and declined you.” Naunang naglakad si Dylan paalis ng third floor, naiwan siyang nakatulala sa sinabi nito.

Do I care? Tanung niya sa sarili. Hindi niya hinayaan ang sarili na sagutin iyon. He already knew the answer. What happened to ‘whatever’?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top